episode 2

nandito ako ngayon sa likod ng basurahan, nagtatago ako.... oo tama kayo.... nasa likod nga ako ng mabahong basurahan. eh  bakit ba safe ako dito eh! care ba nila?
eh ito lang ang lugar na pwede kong pagtaguan para matawagan si lolo sa telepono para magreport.. eh ayoko ring pumunta sa harden kasi tinatamad akong pumunta tsaka madami ring tao do' n eh, pati sa hallway marami ring tao, mahirap na baka mamaya may makarinig sa usapan namin ni lolo eh malilintikan talaga ako... mas mahandang dito na lang sa likod ng mabahong basurahan, walang tao.. pa'no hindi nila matiis ang amoy ng basura, maaarte eh.. sira lang din naman ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng basura.. tsk.. ako lang ata ang may kayang magtiis sa mabahong basurahan.... eiww!!

" hello ?"- tawag ko sa telepono.. sa kabilang linya


[" hello kasey?!]"-

" lo, wala pa po akong nakikitang kakaiba sa universiting ito pero po kanina may nakita po akong anim na lalaki na nag-uusap.. dalawa sa anim na lalaki ay alam ko na ang pangalan.. steve at jon... at tingin ko po ay may kinalaman sa iniimbestigahang ko lo..."- pabulong na sabi ko.. baka may makarinig...




" [ anong pinag-usapan nila?!]"- interesadong sabi ni lolo... nagpalinga-linga muna ako baka may makakita sakin dito sa likod ng basurahan...

" ang sabi po ni steve kay jon ay sabihin mo na, sino ang may gawa non.. tapos ang sagot naman po ni jon ay hindi ko nga alam! yun po yung pinag-uusapan nila.... "- pabulong kong sabi sa kabilang linya.

"[ ano?! sandali lang hija ah,? hindi kita maintindihan, liwanagin mo nga..?]"-



" eh yun na nga po ang problema lo eh. kung hindi mo maintindihan ang sinabi ko, mas lalo naman ako, hindi ko rin po maintindihan ang sinasabi nila.!"-




"[ hija, alam kong may sayad ka sa ulo.. naiintindihan ko yun. pero wag mo naman akong idamay sa kabaliwan mo.!!]"- aba! loko to si lolo ah?! ako na nga tong naghihirap sa pag-iimbestiga, ako pa tong iniinsulto nya?! grabe ah? hindi ko tanggap yun!! lolo ko pa talaga nagsabi non ah?!




" lo, kung ayaw nyong maniwala sakin, di wag! hindi ko naman kayo pinipilit eh,! basta sinasabi ko lang kung anong narinig ko!"- pabulong pero pasigaw na sambit ko.. nakakainis kaya! ikaw na yung tumutulong, ikaw pa ang may sayad sa ulo?! aba hindi tama yun! nasaaan ang hustisya dun?!






" [ok, mag imbestiga ka pa dyan! bye..]"- binabaan nya agad ako ng cellphone.. ang galing..... 






napansin kong parang lumiwanag yung basurang pinagtataguan ko na para bang wala nang basurahan na nakaharang sa likod ko..



" YOU!!"- agad akong napatayo sa gulat ng may biglang nagsalita sa likuran ko.. pero mas nagulat pa ako ng hinarap ko kung sinong tumawag sakin.. kaya agad kong tinago ang cellphone ko... shockss.... kinabahan ako bigla.... sya na naman?! sana hindi nya narinig yung usapan namin ni lolo ...




" ah, oh! h-hi! k-kanina ka pa ba dyan?!"- medyo nauutal na sabi ko.. kinabahan ako eh..

" ngayon lang ako nandito.. "- anito...



" ah, ok."- hinga ng malalin kasey..... lagot ako neto... paktay  talaga!

" what are you doing here?! are you hiding?!"- kunot noong tanong nya...



" no.. mr. president.."-  pangiti-ngiti para hindi nya mahalatang kinabahan ako...

" i know you're hiding.  you can't lie me.. kaya sagutin mo ang tanong ko, bakit ka nagtatago sa likod ng mabahong basurahan?! '"- patay na! anong sasabihin ko?! patay na talaga!  bahala na nga! lunok laway...


" umm... k-kasi.. ano... umm.. a-ano eh... k-kumakain ako!! "- hoo!! ang hirap neto!


" you're eating?! so, where's your food?!"- kunot noong tanong nya na naman... lagot!!  naalala ko wala pala akong pagkain! patay ka kasey!!..



" ah,,.."- kinapa- kapa ko yung bulsa ko. ang alam ko kasi may natira pa akong chokolate... at salamat sa diyos dahil meron nga.. nakaligtas ako..." here."- sabi ko..sabay pakita ng chokolate at binuksan ko iyon...
" here's my food! i mean my chokolate.. hehe.."- saad ko sabay kain ng twigs chokolate.. pangiti-ngiti pa ako na mas lalong ipinagtaka nya.. patay!! what i'm gonna do now,?!

" kumakain ka? sa likod ng basurahan?! sa likod ng mabahong basurahan?! why?!"-  grabeng lawyer to ah? mabusisi!!

" k-kasi ano,, umm... ah.... k-kasi ano..... nahihiya akong kumain sa canteen.. kasi chocolate lang ang kinain ko, nakakahiya kasi ang chocolate eh.. baka isipin nilang isip bata ako.. hejehe..."- pangiti-ngiting banggit ko.. hindi naman totoo... lalong kumunot ang noo nya, nag-abot na ata kilay nya.



" so you are hiding because you're shy eating an chocolate in front of many people?.. don't you know that everyone loves to eat a chocolate?!"- lagot na! bakit di ko naisip na itatanong nya yun?!

" y-yeah.... i know that...  b-but thats not the only reason why i am hiding.."-

" tell me the other reason."- anito.. lagot talaga! ang hirap magpalusot! lang hiya naman oh?!


" umm.. k-kasi. umm... i'm looking for my bracelet.!"- hoo!! laka!


" you're looking for your bracelet?!"- nakakunot parin noo nya... tskk.. dami nya tanong!!

" y-yeah..  yeah! asan na ba
yun?!"- sabi ko sabay gapang at kunyari'y naghahanap ng bracelet.. letseng lalaki to oh?! kainis!!  eh buti na lang talaga may suot akong bracelet kaya hinubad ko iyon at nilagay sa sahig.. buti na lang talaga nakatalikod ako sa kanya kaya hindi nya napansin ang ginawa ko... haha! kulit ng naisip ko.. tapos kinuha ko at kunyari'y nahanap ko na... galing ng paraan ko?!!...



" here! "- sabi ko sabay pakita ng bracelet sa kanya..  " i found my bracelet! hehe! sus nandito lang pala to, nahirapan pa ako sa paghahanap!.."- mga kaek -ekan ko nga naman oh?!....  sinamaan nya tuloy ako ng tingin.. ba't ba ang hirap ng sitwasyon ko ngayon ?!  diyos ko naman! wala naman akong kasalanan eh!..



" ang wierd mo! para kang baliw!!.."-  nagwalkout sya at ako naiwang masama ang loob sa kanya.. ugh! aba! damn it! kainis ah?! tinawag ba daw naman akong baliw?! sakit kaya sa heart yun! hindi ko tanggap yun! damn you mr. crelain!! ikaw kaya tawagin kong baliw?! makarma ka sana!!!! bwisit!!

xxxxxxxxxx

second day of school... pero wala paring nangyayari... nagmumukha parin akong tanga dito na parang ewan!  ewan ko kung bakit ganito ang ang buhay ko?!..   tapos pipintasan pa ako ng ibang tao.. bakit, kilala ba nila ugali ko? kung makajudge wagas eh!! tsk...    napahinto ako sa paglalakad ng may bumangga sakin dito sa hallway.. isang maganda inosenteng mukha at rebonded na babae...

" sorry.."- paumanhin nya.. mukha syang mabait.. at tahimik i guess... binigyan ko na lang sya ng matamis na ngiti at nilagpasan sya ngunit tinawag nya pangalan ko. at lumapit sakin....

" what?!"- walang emosyong tanong ko..

" hi kasey.. i'm bella asoncion.."- pagpapakilala nya.. ok.. but wait, how did she know my name?! kilala nya ba ako?!

" hello... "- sabi ko.  " but, kilala mo ba ako?! how did you know my name?!"-  tanong ko... hindi naman siguro sya stalker no,? sana lang hindi dahil malalagot ako pag nalaman nyang pulis ako



" magkaklase tayo,.. hindi mo ba ako nakikita sa room?!"- tanong nya..
   ah.. kaya pala.. akala ko stalker sya.. buti naman...



" ah ganun ba? sorry hindi ko napansin.."- baguhan lang naman kasi ako no?! ngumiti naman sya..


" napansin ko mag-isa ka lang, wala ka bang kaibigan?"- she ask me again...


" hindi ako nakikipagkaibigan.."- sabi ko at nagsimulang maglakad na sumusunod parin sya...



" bakit ayaw mong makipagkaibigan?"-


" ayaw ko lang sa taong plastic.."- sabi ko


" ah ganun ba?! mukhang hindi nga ako nagkamali ng nilapitan.."- napahinto ako bigla dahil sa binanggit nya...



" bakit? may problema ka ba?!"- i ask curious...  " sorry miss ah pero hindi po ako problem solvers.."-

napangiti naman sya..

" hindi... wala akong problema... "- natatawang sabi nya.. anong nakakatawa sa binanggit nya? baliw ata..



" eh anong kailangan mo sakin?"- tanong ko.. huminga sya ng malalim..


" can you be my friend?! "- she ask..  i raised my eyebrows.

" are you insane?! "- natatawang sabi ko... really? nakikipagkaibigan sya sakin? woah?!!

" wala kasi akong kabigan eh.. pwede ikaw na lang?"- medyo nahiya pa sya sa binanggit nya...


" anong klaseng modos to?! sorry ah, pero wala kang makukuha sakin..."- sabi ko... malay ko bang niloloko nya lang ako?!

" seryoso ako..! "- saad nya.  " kinapalan ko na nga mukha ko eh para makipagkaibigan... "-  naikunot ko noo ko

" anong nakain mo at naisipan mong makipagkaibigan sakin?!"- medyo natatawang sabi ko


" wala, tingin ko kasi honest ka... sa ano? pwede?!"- nakangiting sambit nya.. halatang hindi sya nakikipagbiruan lang.. ..   natawa na lang ako at muling naglakad.. sumunod naman sya sakin at nagkwento ng kung anu-ano... sa totoo lang, ngayon lang ako nakaengkwentro ng ganito... yung babaeng naglakas loob na lumapit sakin at makipagkaibigan.... nakakamangha yun!!!

kwinento nya sakin tungkol sa dati nyang mga naging friends na sina ericka, jean, at lena na pinlastic lang daw sya at ginawang alipin ng tatlo..nung simula daw, ang bait-bait sa kanya ng tatlo pero di nagtagal, nagbago daw ang ugali ng tatlo at minaltrato daw sya...how rude??!!! nag kwento din sya ng kung anu- ano pa at ako naman nakikinig lang hanggang sa makadating kami ng canteen.
tril ko kasi ngayong pumunta dito eh! hehe..

" alam mo kasey, magpapakatotoo na ako sa'yo ngayon ah? sana lang wag mo akong mamaliitin sa sasabihin ko.."- bella said


" ano yun?!"- tanong ko habang umiinom ng orange juice


" eh kasi, scholar lang ako dito at mahirap lang pamilya namin..
"-


" ah ganun ba?!  ok.."- sabi ko


" ok lang ba sayo mahirap lang ako.?!"- tanong nya

" oo. ano namang problema kung mahirap ka? at scholar ka? atleast matalino ka at masipag ka.. that's  important..."-

" salamat.."- aniya

" for what?!"- i ask

" for accepting me.."- napangiti ako sa sinabi nya at niyakap nya naman ako.. ang drama ng buhay nya..haha! feeling close agad?! 

nagulat naman kami ni bella ng may biglang nagbuhos ng juice samin..nabasa tuloy uniform namin.. shet this shit!! sino bang walang hiyang nagbuhos ng juice samin?! shete!

agad kong tinignan ang mukha ng  mga taong nagbuhos ng juice... tatlong bulating babae ang nakatayo sa harapan ng table namin.. damn this girl!  bakit nila kami binuhusan ng juice? ang lagkit ko tuloy!

" oh?!"- sabi ng isang babaeng nasa gitna na nakatingin doon aa walang lamang baso na hawak nya.. sinamaan ko sya ng tingin..

" how dare you?!"- pasigaw na sabi ko. malapit ng kumulo ang dugo ko

" ericka?! bakit mo ginawa yun?!"- sabi ni bella sa kanila.. so, sya pala si ericka na kinekwento ni bella? damn this girl!! ugh! totoo nga sabi ni bella.. ang pangit ng ugali ng tatlong ito..


" i want you to congratulate for having a new bestfriend.."- maarteng sabi neto.. nakakairita sya! tsk.


" pero hindi mo dapat ginawa yun!"- nag-aalalang sabi ni bella.. tumingin ito sakin..  " sorry kasey.."- bella said


" hay naku! nakahanap ka nga ng bagong kaibigan bella, pero weak din like you.. bagay nga kayo!"-  nainis ako sa asal ng babae.. kaya tumayo ako at hinampas ang mesa.. e sa nabwisit na ako..



" hello miss ericka.."- medyo naiinis na bati ko...  " anong kasalanan namin sayo at binuhusan mo kami ng juice?! ang lagkit- lagkit tuloy namin!"- tinawanan lang ako ng mga gaga!! aba, naglolokohan ba kami dito?! baka gusto nyang makatikim?!



" girls, narinig nyo  ba yung tono ng pananalita ng babaeng ito?!"- sabi nya sa kaibigan nya at dinuro-duro pa ako... gagraduate na lang sila mga isip bata pa rin!! tsk... nakakabwisit.


" ericka tama na.."- pagmamakaawa ni bella

m
" no! no! nag pepretend na matapang ang babaeng ito the fact na weak naman..hahajha!!"- bwisit! pag ako talaga hindi makapagtimpi sa kanila!! naku naku lang!


" you haliparot girl,. for you to know that i am not a weak! baka magugulat ka pag nalaman mo kung sino ako?!"- muli silang nagtawanan.. wala namang nakakatawa! mga may sayad sa ulo! kailangan ng dalhin sa mental para gamutin.
.

" oh really?, baka nga mas mahirap ka pa kay bella eh?!"- saad nya


" at ano namang kinalaman ng pagiging mahirap ni bella sa ginawa mong pagbuhos ng juice,?!"- tinaasan ko pa sya ng kilay nyan ah?. peto tumatawa lang sila



" malaki ang kinalaman ang pagiging mahirap ninyong dalawa kase salot lang kayo sa lipunan!"-

hindi ko napigilan ang sarili ko..
  binuhusan ko rin sya ng orange juice sa sobrang inis..  nagulat tuloy sya.. tsk.. buti nga sa kanya no?! ngayon ko lang napansin na nakatingin na pala sa'min ang lahat ng tao dito sa canteen.. ok malaking gulo ang pinasok ko..

bigla namang sumama ang timpla ng mukha ni ericka at nasampal ako.. shet ang sakit ah?! bumuntong hininga na lang ako sinuklian sya ng masakit na sampal.. napahawak tuloy sya sa pisngi nya..

"para yan sa pambubuhos mo ng juice!"- sabi ko at muli syang sinampal sa kaliwang pisngi..  " para malaman mo na hindi ako mahirap!"- sinampal ko ulit sya sa kanan..  " para malaman mo na mayaman din kami.. and i'm proud to say that i am richer than you!"-  sinampal ko ulit sya sa kaliwa..   " at para yan sa pambabastos mo sa'min!"- napangiti ako dahil sa sobrang pula ng pisngi nya.. ang sakit no? buti nga sa kanya!  may kasabihan nga tayo na kung ayaw mong gawin sarili mo, wag mong gawin sa iba..  yun ang hindi nya nagawa.. ang sama tuloy ng titig nya sakin na para bang kakainin nya ako ng buhay!!   si bella naman, shocks na shock sa ginawa ko..

" HOW DARE YOU TO SLAP ME?!"- nanggagaliiting sigaw nya.. tskk.. natahimik tuloy ang buong canteen...  hindi nila siguro alam na gagawin ko yun?!  hindi nya siguro inaasahan na lalabanan ko sya? haha! akala nya ah?!

" kasey tara na.. umalis na tayo! malalagot tayo nito!"- nag-aalalang sabi ni bella at hinila-hila pa ako pero pinigilan ko sya  at tinignan ng masa ma si ericka na ang sama  din ng tingin sakin..

" mamaya na tayo umalis bella, hindi pa kami tapos.!!"- sabi ko

" i'm sure na magagalit sayo si dean 'pag nalaman nya ang ginawa mo sa'kin!"- saad ni ericka...



"i'm sure he will!  sino bang hindi magagalit kung~~"-

" what is happening here?!"- agad kaming napatingin sa taong nagsalita.. si dean, papalapit samin, mukhang galit..

" dean!!"- tawag ni ericka at lumapit dito na pinulupot pa ang kamay sa braso ni dean.. tsk! hindi bagay.. inirapan ko na lang sila..

" she slapped me!."- sabay turo sakin,  " look at my face , it hurts!!."- tsk! ang masasabi ko lang sa babaeng to,'ANG OA!'  sarap sabunutan eh!  bwisit!


" why did you do that?!"- saad ni dean sabay lumapit sakin at tinanggal yung kamay na nakapulupot sa braso nya.. ang sama ng tingin nilang lahat sakin.. kala moy kriminal ako.. uh-oh!!



" hindi ba~~"-

" kasey tara na! "- saad ni bella sabay hila sakin palabas ng canteen..

" teka lang!!"- sabi ko pa pero wala na.. nahila nya na talaga ako.. narinig ko pang sumisigaw si dean pero wala na akong maintindihan sa sinisigaw nya.. ang lakas kasi ng pagkahila sakin ni bella eh! sayang hindi pa kami tapos ng babaeng iyon!! ang sama ng ugali eh!  parang nagmamadali rin si bella sa paghila sakin na kala moy kinakaladkad nya ako o baka naman natakot na sya dahil dalawa na ang kalaban namin?! tsk..

yung ericka na yun? totoo nga ang sonabi ni bella sakin, napakasama ng babaeng iyon! pero hindi ako magpapatalo no? buti nga sa kanya at nasampal ko.. nabuhusan pa! doble naisukli ko sa kanya.... Pustahan tayo, hindi yun papasok bukas dahil namamaga pisngi non,!

binitawan na ako ni bella ng makarating kami ng cr.. wait lang, anong gagawin namin dito,?! napansin kong tila hindi mapakali si bella at nanginginig pa na pinagpapawisan ng malamig ang kamay..



" hoy! anyare sayo?!"- kunot noong tanong ko

" kasey, hindi mo dapat ginawa yun! naku lagot tayo! malaking gulo ang pinasok natin! "- mas lalong kumunot ang noo ko

" anong sinasabi mo?!"- tanong ko, curious.

" kasey, hindi mo pa kilala ang mga ugali nila! si ericka, mga friends nya, si president dean at mga barkada nya!"- wala na talaga akong maintindihan

" ano namang pakialam ko sa mga ugali nila?! at anong sabi mo? barkada ni dean?!"


" oo! hindi mo ba sila nakita kanina?!"- nag-aalalang tanong nya, i shook my head..    "alam mo bang habang nagdadaldalan kayo, tinititigan ako ng mga barkada ni dean na para bang binabantaan ako.! nakakatakot yung mga titig nila! naku delikado talaga tayo nito,!"-


" delikado?!"-

" oo!!"- muli kong inalala yung nangyari kanina.. yung pagpasok ni dean, pero wala naman akong nakitang may kasama syang mga lalaki na pumasok.. siguro sumunod lang sila at di ko na napansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa dalawa..

" hoy!!"-

" oh bakit?!"- tanong ko.

" anong gagawin natin ngayon?! siguradong mapapahiya tayo! "-


" h-huh? mapapahiya tayo? what do you mean?!"- takang tanong ko, lutang isip ko ngayon ah?!


" sigurado akong ipapahiya tayo ng mga barkada ni dean  bukas!"- bumuntong hininga ako.. uso parin ang bullying kahit college ka na.. tsk...


" don't worry., i wont let that happen.."- sabi ko at nginitian sya.. muli kong naalala yung pinapagawa sakin ni lolo.. yung iniimbestigahan kong kaso..

" ah bella,.. can i ask you something ?!"- sabi  ko, baka mau makuha akong kahit konting impormasyon sa kanya...

" ano yun?!"- nag-aalalang tanong nya


" bago yun, huminahon ka muna at kalimutan ang nangyari kanina, pwede?!"-
pumikit sya saglit at huminga ng malalim..

" sige ano yun?!"- tanong nya ng kumalma..

" ah,, mag.sisimula ta.yo kay... ericka.."- sana lang may impormasyon sya..  " umm.. diba nagkakasama naman kayo ng maikling panahon, may ikinekwento ba sya sayo?"- nagtaka sya sa sinabi ko.

" naikwento?!"- takang tanong nya..


" oo! kahit ano.."- magsalita ka please...

" bago ako magkwento, pwede linisin muna natin ang damit natin ? ang lagkit na natin eh!"- natawa ako... pabitin eh! haha!

" sure!"- sabi ko at sinimulang punasan ang sarili.

" alam mo, sa totoo lang, medyo nawiwierdohan ako sa mga tanong mo pero sasagutin ko yan..... umm.... si ericka, wla syang ikinekwento sakin kasi hindi nya naman talaga akong itinituring na kaibigan. pero may naririnig din ako tungkol sa kanya.. mga usap-usapan about her life.. "-


" ano yung tungkol sa kanya?"- hindi ko alam pero si ericka ang napagtripan kong hingian ng impormasyon.. pero malay ko naman, may makuha ako sa kanya..



" si ericka ay anak ng isang business man na si mr. lerei.. yung nanay nya naman ay isang fashion designer sa thailand at meron ata syang kuya dito na nag-aaral.. sabi ng mga tsismosa.. ayaw kasing aminin eh, nahihiya ata! eh kasi nga famous sya dito sa university, queen kumbaga,!  at si dean? naging boyfriend nya rin yon dati  mga one week lang dahil hindi naman seryoso si dean sa kanya.. pero patay na patay sa kanya si ericka!"-

" eh pano sila nagkaroon ng relasyon?"- i ask

'" eh kasi namatay yung dating fiancee ni dean isang taon na ang nakakalipas.. eh sa hindi nya nakayanan ang lungkot ng pagkamatay ng fiancee nya kaya ayun! pinayuhan ata sya ng mga barkada nya humanap ng bagong girlfriend at si ericka nga ang napagtripan para naman daw maibsan ang lungkot na nararamdaman nya.. at hanggang ngayon, patay na patay parin si ericke sa kanya!"-

" wait lang, anong dahilan ng pagkamatay ng girlfriend ni dean?!"- curious kong tanong


" ang sabi sakin is, pinatay daw yung fiancee ni dean ng mga notorious anonymous..."-

" pano sya pinatay?!"-


" ang sabi ay brutal daw ang pagpatay sa kanya..  pinagtataga daw ng kutsilyo, binaril, at kinuha ang lamang- loob.. kadiri no?!"- kadiri nga!

" eh ano yung pangalan ng babae?! nahuli ba yung suspek?!"-

" ang pangalan nya ay julian ganstien..at naireport din yun sa mga pulis pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit walang nag imbestiga.. ay ewan! meron naman ata pero hindi ko alam eh,!"-  muli kong naalala yung mga biktimang puno ng saksak, binaril at tinurture.. hindi sila nagkakalayo sa sinapit ng fiancee ni dean.. pero imposible naman yun dahil maraming klase ng krimen.. mukhang marami pa akong dapat malaman ah?! naireport sa pulis pero walang nag imbestiga? pano nangyari yun eh lahat naman ng pulis ganun ang ginagawa eh kung may karumal-dumal na nangyari.. wait lang, may gusto akong malaman...

" hindi man lang nagreklamo ang pamilya ng fiancee ni dean dahil walang nag imbestiga?!"- i ask

" iyan ang hindi ko alam.."-  bakit ganun ?!  naguguluhan ako!  julian ganstien.. hahanapin ko ang pangalang iyan sa headquarter.. baka konektado ang pagkamatay nila sa iniimbestigahang kaso ko..

" tapos? anong nangyari?!"-  i ask..

" pagkatapos ng one week na relasyon nina ericka at dean ay naghiwalay din agad sila  dah sa hindi kaya ni dean na kalimutan ang fiancee nya at isa pa, wala naman talagang gusto si dean kay ericka eh,! pero hanggang ngayon, lagi parin syang kinukolit ni ericka.. nasasakal na ata sya eh!!"-

" ah ganun ba?!"- kaya pala ganun na lang ang kapit ni ericka kay dean kanina ng dumating ito..  " ah, pano mo nalaman ang tungkol sa kanila?!"- takang tanong ko..

" eh panong hindi ko malalaman ang tungkol sa kanila eh  halos lahat ng mga tao dito sa university ay kilala sila.. in short, they are famous.. alam ng mga tao dito ang talambuhay nina ericka, dean, ar mga kaibigan nito na sina joshua, denies, at si dwell.."-

" tungkol naman s barkada ni dean., may alam ka rin ba tungkol sa kanila/?"- tanong ko ulit... parang ngayon palang gusto ko ng alamin ang mga background nilang lahat.. parang may something kasi eh! parang sekretong silang lahat na tinatago.


" ang alam ko lang sa barkada ni dean ay mapang_-asar at mahilig magpahiya ng mga tao.. lalong,- lalo na yung mga katulad ko, mahihirap, tinatakot nila katulad kanina.."-


" dont worry bella, i will here to help you., and i wont let that happen to us!. trust me."- she gave me a reasuring smile.



" thank you kasey ah?, hindi nga ako nagkamali ng nilapitan.."- niyakap nya ako kaya napangiti na lang ako.. at ngayon, dahil may nalaman na ako, iimbestigahan ko na ang pagkamatay ni julian ganstien, a fiancee of dean adrian crelain.. konting tiis na lang at matatapos na rin ang misyon ko at makakapagpahinga na ako.. magtatravel ako! hajha! kailangan kong kausapin si lolo!


" let's go?"- sabi ko at lumabas na ng cr. may mga mantsa pa ring naiwan sa uniform namin pero ok lang.. walang ibang damit eh! habang naglalakad sa hallway, tinanong ko si bella

" ah bella, paano naging fiancee ni dean si julian?"- i ask curiously


" ang sabi nila, ipinagkasundo lang sila ng parents nila.. nung una, hindi nagkakasundo ang dalawa.. para silang aso't pusa na nag-aaway but hindi naglaon, nahulog sila sa isa't isa.."-

" ahh.. ganun pala yun? akala ko si dean ang nagpropose.."- natawa ako sa naisip ko.



xxxxxx



nandito ako ngayon sa corridor, naglilibot , umaasang may mahahanap pang impormasyon. tungkol sa iniimbestigahan ko. sa totoo lang , oras ng pasok ko ngayon pero nagcutting ako, tamad ako eh! si bella naman, ayun masipag,  nag-aaral sa loob ng classroom..

habang naglalakad pababa ng hagdan, nakita ko yung anim na lalaki sa di kalayuan. dalawa sa kanila ay kilala ko. si steve.. oh m! kailangan ko silang makausap! kailangan kong kumuha ng impormasyon sa kanila! pero pano,??  hindi sila basta- bastang nakikipag-usap sa hindi nila kilala
isip...

isip...

ting!!!!    alam ko na ang gagawin ko! haha.sana um-effect..  kinuha ko yung ballpen at notebook ko pagkatapos ay tumakbo papalapit sa kanila.. dito sa hallway..  nasa likod na nila ako at di napapansin, pano nagTatawanan eh! ang awkward tuloy!

" umm.. ehem.."-  sabi ko pero hindi ata ako naririnig ang lakas ng tawa eh!


" pare ang ganda talaga ng napanood natin kanina! nakakatawa!! hahahahha"-  hayss... pano ko ba makukuha ang atensyon nilang lahat?



" ummm.... excuse me?!"-

" hahahah"-


" excuse me... umm.."-


" whahahahha"- damn it, hindi talaga ako naririnig ah? gusto ata nilang sumigaw ako?


" hahahha"-  may naisip na akong strategy,. para makuha ang atensyon nila..  ngayon palang natatawa na ako..lumuhod ako at sumigaw..    "umm....  WHAAAAAA!!!!!!  TULONG!! TULONGAN NYO AKO!!  ANG SAKIT NG PUSO KOOO!!!!!!!"- 

nagulat silang lahat ng simigaw ako.. lahat natahimik, nagtataka,.. pano ba naman ang kulit ng posisyon ko.. hahah... success...    tumayo na ako pagkatapos at nag bow sa kanila.. amen.. kala nila?.. nginitian ko naman agad sila..


" what a rude!!"- kunot- noong sabi ng isa sa kanila na kala mo'y nawiwierdohan sakin...



" hayysss... buti naman at nakuha ko ang atensyon ninyong lahat!."- nakangiting sabi ko at pinagpagan ang sarili sabay lapit kay steve na nagtataka parin... buti na lang  talaga walang tao dito sa hallway.. kundi mapagkamalan na akong baliw...


" ah, hi!"- nakangiting bati ko kay steve. mas lalong kumunot ang noo nya

" get out of my way.."- seryosong sabi nya at lalagpasan na sana ako pero hinarangan ko

" wait lang!"- sabi ko at tinaasan nya ako ng kilay..   " i'm kasey,. an HRM student.."-  pagpapakilala ko sabay lahad ng kamay.. ngunit tinitigan nya lang ito kaya binaba ko na lang.. suplado rin eh!

" what do you want?"- he ask seriously

" umm.. ano kasi.. "- ano ba yan! pano ko ba to sasabihin?

" ano?!"- naiirita na ata sya.. grabe nakakahiya tong gagawin ko..

" ah,, kasi.. hehe.."- nginitian ko muna.     " ah, p-pwede ba kitang mainterview?"- nahihiyang sabi ko

"yun lang ba sasabihin  mo ?"- he ask.. pumayag ka please..

" pwede ba?"- i ask

" what is happening here?!"- agad kaming napatingin sa taong nagsalita . si dean na naman papalapit.. hulaan ko manggugulo na naman to! pambihira naman oh?!



" hi dean.."- sabi ni steve dito.. eepal na naman sya.. tinignan ako ni dean na para bang nagtatanong.. lunok laway

" you?! what are you doing here ?!"- dean ask me seriuos..

" gusto nya akong interviewhin."- steve said dahilan para magtaka si dean..

" is that true?"- dean ask me

" ah, y-yes.."- nahihiyang sabi ko


" for what reason?!"- he ask again.. heto na naman kami sa walang katapusang tanongan.. bahala na nga!

" ah, inutusan ako ni ms.chen to interview someone"- ang totoo? hindi diba?

" at this hour?"-

" y-yes..;"- err

" ah excuse me lang sa inyong dalawa ah, may gagawin pa kasi ako so, miss beautiful, tutal nandito na rin naman si mr. president, sya na lang ang interviewhin mo.. i'm sorry, i gotta go now."- akmang aalis na sana sya ng hinarangan ko ulit

" sandali lang! "- sabi ko  " eh k-kasi, ikaw dapat ang interviewhin ko hindi si dean.."- wag ka munang umalis please.. ikaw ang sadya ko hindi si dean..

" bakit? ayaw mo sakin?"- dean

" oo nga, bakit ayaw mo sa kanya?"- steve added..E KASI , WALA AKONG MAKUKUHANG IMPORMASYON SA LALAKING YAN, SAYO MERON,! AT ISA PA, EPAL LANG YANG LALAKING YAN!

" kasi, ikaw lang tlaga. please."- nagmamakaawa ako sayo steve..

" no. hindi pwede.. si dean na lang.."- eh? ikaw nga dapat eh! kulit?!

" eh hindi nga sya pwede, ikaw lang!"- sasapakin kita pag hindi ka pumayag! promise

" bakit ako?!"- naiiritang tanong nya.. eh bakit nga ba ikaw? haytss.. pano ko ba maeexplain? kasi epal lang yang si dean!

" ah ano kasi.. umm.."- ang hirap ng ginagawa ko!    " kasi....  C-CRUSH KITA!!"-  diyos ko maryusep! ano ba tong pinagsasabi ko? nasisiraan na ata ako ng ulo!  nagulat naman silang lahat sa sinabi ko.. patay na! maiipit ako neto,.

" what?! crush mo si Steve?!"- hindi makapaniwalang sabi ni dean.
pano ba to?

" ah.. eh.. oo.. hehe!!"- patay ka talaga kasey!! kailangan ko tong panindigan..     " crush ko talaga si steve! ang totoo'y gusto ko sya!"-

" whahahhahah!!!! narinig nyo yun? crush daw?! hahaha"- sabi ng isang kaibigan ni steve.. at nagtawanan nga silang lahat.. parang mga timang.. sige ituloy nyo lang tawa nyo at tignan lang natin kung sinong mawawalan bg hininga..

" are you insane miss?!! hahaha"- sabi ni steve na halos lumuha sa kakatawa.. may nakakatawa ba sa sinabi ko ?!

" nananaginip ka ata ng gising!"- iritadong sabi ni dean.. buti naman at hindi sya nakikitawa.. ang seryoso ng mukha eh!

" totoo ang sinasabi ko, crush ko talaga si steve! idol ko sya!"- sabi ko  "ang totoo nyan eh, gusto ko talagang magpa-autograph at papicture kaso naisip ko na mas magandang mainterview ko na lang sya.. para sulit diba?!"-  diyos ko po lord..patawarin nyo po ako sa mga pinagsasabi ko..eiw! ang masasabi ko lang sa binanggit ko ay,'  YUCK! NAKAKASUKA TALAGA!'

" WHAHHAHA!!  nakakatawa talaga! akalain nyo yun?! may nagkakagusto kay steve?! whahaha!!"- damn you boy, kanina ka pa!

" haha! nakakatawa!"- sarkastikong sabi ko

" wait lang kasey ah, ang sabi mo, inutusan ka ni ms.chen to interview someone tapos ngayon, sinabi mo na crush mo sya at imbes na autograph, interview ang gagawin mo?"- ayan na naman yung curiosity ni dean.. pano ba yan?!!  epal talaga eh!

" actually, matagal ko na syang gustong interviewhin pero nahihiya ako, eh dahil sa inutusan ako ni ms.chen kaya ayun, nahkarion ako ng lakas ng loob na sya ang interviewhin.."- ang hirap palang magpalusot..

" ah, ok!"-

" sorry miss ah? pero hindi ako magpapainterview sayo ngayon, si dean na lang.. he's available today.. excuse me.."- akmang aalis na sana sya pero hinarangan ko ulit..

" sandali lang!!"- tinignan ko sya with paawa look.. sinamaan nya ako ng tingin..    "ayoko ng makulit..!"- inis nyang sabi at tuloyan ng umalis kasama ang mga kaibigan nya.. at ako naman, naiwan dito kasama ang kumag na ito at epal na si dean.. ugh! nanghihinayang tuloy ako! alam mo yung feeling na dismayado?! malungkot?! whaa!!  i failed!!  palpak ako sa plano at kasalanan ng lalaking epal na ito!

" anong feeling  na binalewala ng crush mo?!"- may halong pang-aasar na sabi ni dean..

" obvious namang malungkot diba? alangan namang masaya?!!"-  sabi ko.. hoooo... magdiwang!!!

"  so, dahil wala sya, ako ang iinterviewhin mo.. "- err.. wala na! no choice ako!! at sinadya talaga ng pagkakataon na sya ang mainterview..  at ano namang itatanong ko sa kanya, aber?!!  kainis naman! gusto kong magwala! may epal eh!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top