episode 15

episode 15

kumaripas ng takbo ang pito samantalang ako iniwan lang dito ng mag isa...

walang hiya talaga, iniwan ba naman daw ako dito para lang dyan sa bike na yan. akala naman nila mauubusan sila ng bike eh ang dami pa nga eh....

tsk...

napakagat labi na lang ako at namili ng bike na pwedeng masakyan..


may mga iba't ibang klaseng bike dito. merong yung pangcouple, yung pangmaramihan, at pangsingle...

meron ding pambata pero dahil single ako single din ang bike ko no?!

nagsimula akong umangkas at buti na lang talaga malawak ang daanan dito kahit maraming nagbabike kaya ang kinalabasan, para akong nasa edsa na matraffic...

pero masaya naman dahil hindi sya gaanong masikip...

habang nagbabike nakita ko pa sina madel at dwell na nakasakay sa pangcouple na bike at masayang masaya pa sila na ang bilis pa ng pagpalatakbo nila..

napangiti na lang ako dahil kahit mortal enemy sila ang saya parin nila tignan..
nakakainggit much!!

sa kabilang side din, ayun sina jessa at joshua na same bike as madel lang din at dahil hindi sanay magbike si jessa, kawawa silang dalawa ni joshua dahil lagi silang natutumba kahit saan at nakasagasa na rin pero tawa lang sila ng tawa kaya pati ako napangiti na lang din sa kapalpakan nang dalawa...

medyo nasa dulo na ako ng kalsada at kailangan ng lumiko dahil limited lang kalsada para sa bike dahil separate yung pambata at pangmatanda dahil baka madisgrasya..

pagliko ko naman ay nakita ko si denies at lea sa isang tabi ng kalsada na nagbabangayan dahil sa bike...,hahaha.. kahit kailan tong dalawang to hindi na titigil sa pag aaway..

dahil nakita ko ang bike nila na pangcouple dim ay alam ko na kung ano ang pinag aawayan nila..

napangiwi na lang ako at dumiretso sa pagbabike dahil pinagtitinginan sila ng mga tao at akalang mag asawa sila na nag aaway... eh sa nahihiya ako sa ginagawa nila at ayoko naman sabihin sa mga tao ang salitang  'hindi ko po sila kilala' baka sakin pa ibaling ng dalawa ang galit nila. hahaha.. masisira lang beauty ko  no?

yung dalawang yon kahit saang lugar dalhin laging nagbabangayan, buti pa yung apat kahit konti ay nagpakita sila ng magandang asal.

hahaha....

parang bike lang naman eh pinag aawayan pa nila?!

syempre mahihirapan talaga silang magdrive non kung yung paa nila hindi sabay sabay....

bakit ba kasi ganung klaseng bike ang kinuha nila? sira ulo din eh... ayaw pa ng single bike.. buti pa ako walang problema at nag eenjoy lang dito.hahahaja..

nagkaroon ng traffic sa edsa este dito kaya ayun nakasabay ko sina madel at dwell sa kaliwa at sina jessa at joshua naman sa kanan habang hinihintay matapos ang traffic dito...jajaja..

"lang hiya naman. pati ba naman dito sa kalsada ng bike magkakatraffic?!"-  reklamo ni jessa kaya napalingon sa kanya ang mga tao at nginitian nya na lang ito para peace...

napatingin naman silang dalawang babae sakin kung saan nasa pagitan nila ako.. lang hiya sinasadya talaga nila akong ma op dito ah?! porque't may kasama silang prince charming na hindi naman charming?! tsk..

nginitian nila akong dalawa   "hi kasey!!! masaya bang single?!"-  madel try to tease me kaya sinamaan ko ng tingin

"hajajaha.....   try ko rin kaya dyan sa single kasi single naman talaga ako eh... epal lang kasi ang mokong na to!!"- sabay tawa naman ni jessa kaya tinitigan sya ng masama si joshua..

kahit kailan talaga ang hilig mang asar ng babaeng to!

"mas masaya ang single na bike dahil walang istorbo di tulad ng pangcouple na bike na sagabal lang gaya nila lea at denies na naging dahilan ng pagtatalo nila..ayon hindi na natapos ang bangayan!! hahaha"- sabay tawa ko rin kaya mas lalong humagalpak ng tawa ang mga kaibigan ko pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao dito.. para kaming timang eh tawa ng tawa habang pinag uusapan yung dalwang nagbabangayan.. hahaha.

"maasar nga natin sila mamaya.. hahahaha..."- sakto namang lumuwag ang lugar kaya nagkanya-kanya  na naman kami ng  way ng bike...

at dahil  nakadaan na naman ako sa kalsada kung saan nagbabangayan parin ang dalawa ay humagalpak na ako ng tawa dahil inuubos na nila ang oras nila sa pag aaway...

dumating naman ang apat kaya nakitawa rin sila dito sa tabi ko...

"hoy love birds, itigil nyo na yang paggiging sweet nyo!! nilalanggam na kami!! hahaha!!"- asar ni dwell dito kaya mas lalo pang lumakas ang tawa namin kaya pinagtitinginan din kami ng mga tao at nagbulong bulongan..

'hayss.. mga kabataan nga naman oh?!'-

"ang cute nilang tignan habang nag aaway.. mag asawa ba sila?!"+

"siguro pero ang bata pa nila para maging mag asawa."-

"pinagtatawanan tuloy sila na mga kaibigan nya ata yun no?!"-



"oo nga....   nakakatawa naman talaga kasi ang bangayan ng dalawa eh."-

"oy teka! si denies at lea yung nag aaway diba?!"-


"oo nga!! bakit sila nag aaway?!"-


"ang cute naman nila tignan!!"+

"ang gwapo talaga ni papa denies!!!"-

"mas gwapo naman si dwell."-


"mas gwapo si joshua."-

"pero ang pinakagwapo ay si dean.."-

by hearing the name of dean, nawala bigla ang ngiti ko at nainis..
tsk..
bakit sinama pa ang salitang dean?! nakakainis lang..

"hoy! kayong dalawa, titigil kayo dyan o titigil?!"- sermon ko sa dalawa dahil na badmood na ako..

tinignan lang ako ng matalim ng dalawa at nagpatuloy sa pag aaway kaya tinawanan ako ng apat.. sarap din sapatosin ng mga to eh!! tsk..

"tumigil nga kayo!"- saway ko dito kaya tinikom nila ang bibig nila pero nagpipigil parin sila ng tawa.. tsk.

lumapit na lang ako sa nag aaway at pumagitna    "ano ba, titigil ba kayo dyan or i'll make the both of you?!"- singhal ko dito..

napatigil naman sila dahil seryoso na ang mukha ko at alam ni lea kapag seryoso na ako ay kailangan ng sundin dahil alam nyang iba ako magalit.

"bwisit kasing lalaking yan eh!! sabing dahan-dahan lang sa pagdadrive pinapabilis pa!!!  ayan tuloy natumba kami!! kainis talaga!!"- sabay irap ni lea dito

"wow!!! ako pa talagang may kasalanan ah?! eh sino ba sa atin ang may kasalanan kung bakit tayo nabangga? diba ikaw?! tapos sisisihin mong mabilis akong magpatakbo? ayos ah?!"-
sagot naman ni denies

"kapal mo rin ano?! baka nakalimutan mong ikaw ang dahilan kung bakit tayo nabangga?!"-  at ayun na naman po, nagsimula na naman silang magbangayan na parang wala ako dito...

sa sorbrang lakas ng boses nila ay wala ba akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila.. tsk.... SAKIT SA TENGA ANG SIGAWAN NILA!!!

"TUMIGIL NA KAYO!!!"-sigaw ko sa dalawa at binigyan sila ng matalim na tingin.
      "hindi ba kayo nagsasawa sa walang humpay na sigawan ninyo ah? kasi ako naiinis na!!!! kung pwede ko lang kayo sakalin dito ginawa ko na dahil naririndi na kaming mga tao dito sa bunganga ninyo!!"-

at nag walk out agad ako..

kainis na eh!!   .

binalik ko na lang yung bike kahit wala pang isang oras na nagamit dahil napagod na ako.. mas mabuting magpahinga na lang kesa ang makitang nagbabangayan ang dalawa. nabadtrip lang ako.

tumawid ako sa isang kalsada dahil may nakita akong bench.. kahit malawak tong park na to may kalsada parin .tsk.

pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng kalsada ng may biglang nagpaharurot ng motor  kaya nabigla ako sa sobrang bilis ng pangyayari..

hindi agad ako nakareact dahil shock parin ako sa nangyari..

akala ko nasagasaan na ako pero nakita ko na lang ang sarili ko  kasama ang isang lalaki na nakahiga sa damohan..

nasa dibdib nya ako at magkatapat ang mukha namin sa isat isa na ilang inch na lang ang pagitan...

natulala ako sa mga mata nyang ang cool ng kulay...

natauhan naman agad ako bigla kaya lumayo agad ako sa kanya at tumayo..

ganun din ang ginawa nya kaya nahiya naman ako sa ginawa nya..

"hi.."- bati nya at pinagpagan ang sarili


"h-hello... thanks..."- tumingin ako sa hitsura nya at literal talaga akong napanganga  dahil sa kakisigan ng katawan nya at sa sobrang gwapo nya sinamahan pa ng matangos na ilong at kulay brown nyang mata..

ang ganda rin ng buhok nyang kulay blue at agaw pansin talaga.. ang gwapo nya as in...

"your welcome, young lady."- sabay ngiti nya kaya nahiya ako sa salitang lady.. haha..

"by the way, i'm vinz.."- pagpapakilala nya at nilahad ang kamay.  'cool name huh? vinz.'

"i'm kasey... "- at nakipagshake hands.

"its nice to meet you kasey.."- sabay ngiti nyang nakakahumaling.

"uumm... nice to meet you too."- sabay ngiti ko rin.

"ang ganda ng name mo kasing ganDa ng mukha mo."- sana hindi ako namumula sa sanabi nya. nakakahiya!!

"umm... sayo rin cool as your hair.."-  napanguso sya.. hala!! did i say something wrong?!

"ganun? buhok lang pala ang cool? pano naman yung mukha kong gwapo?!"- ang cute nyang magpout. haha

"hejhe.. syempre cool ang buhok mo pero  may itsura ka naman."- i try to tease him dahil ang cute nyang mag tampo- tampohan. haha.

"tsk.. akala ko pa naman gwapo ako sa paningin mo.. pero alam ko naman kahit hindi mo aminin sakin na nagagwapohan ka. haha."-  alam nya talagang kahit di ko aminin sa kanya mukhang nabasa nya isip ko.. haha..  sige na gwapo talaga sya.

"so, anong ginagawa mo dito?!"- he ask me ng makaupo kami sa isang bench

"umm.. fieldtrip.."- sagot ko

naikunot nya noo nya    "sa HU ka ba nag aaral?!'- he ask

"how did you know?!"- tanong ko

"don din ako nag aaral eh!!! hehe.. what a destiny nga naman!! haha"-  tumawa na lang din ako dahil sa huli nyang sinabi.. loko sya.

"edi magkikita pala tayo don?!"- tanong ko.

" oo dahil schoolmate kita. at siguro araw araw na kitang makikita dahil makakasama kita dito sa bawat lugar na pupuntahan natin dito sa bagiuo.."- sabay ngisi.

"haha oo nga."- nasabi ko na lang...  buti at nakilala ko sya para may makakausap ako kapag op sa kasamahan ko dahil kung hindi baka magiging boring ang trip ko dito sa bagiuo.

"so, saan na ang mga kasama mo?!"- tanong ko

"ah, ayun may kanya-kanyang date. naiwan ako mahirap talagang maging single."- sabay kamot ulo nya kaya natawa na lang ako.

"hahaha.. same pala tayo."-

"single ka rin?!"- natahimik ako bigla sa sinabi nya..
.anong problema kung single ako? masaya nga yun eh... no boyfriend no problem.


"ahhh.. i mean yung mga kasama ko may kanya-kanya ring date kaya naiwan din ako. hahaha"- tumawa naman din sya kaya nagtawanan na lang kami

marami syang kwenento tungkol sa buhay nya pati yung nangyari sa kanya ng high school sya at yung mga karanasan nya dahil sa dami ng project na pinapagawa sa kanya kaya daw meron syang bibully at inutusan nyang gawan sya ng project.. natatawa na lang ako sa mga kwento nyang kung ano-ano... hindi naman tumatatak sa utak ko. haha..

ako naman, nagkwento rin ako ng tungkol sa buhay ko pero konti lang dahil alam nyo naman, may pinahahalagahan akong something you know?  hahaha..
baliw talaga ako..

"so,pinagkaisahan ka talaga ng mga kaibigan mo no?!"- tanong nya.

"oo.. sinabi mo pa. hahaha.... porque't may kanya kanyang lovelife inaapi ako?! tsk... wala talaga silang hustisya!!"- sabi ko sabay iling


"hahaha.. oo nga eh!! madaya sila haha!! gantihan kaya natin sila? hahaha!!"-  tumawa na lang din ako ng tawa dahil sa kabaliwang kwento nya..

doon ko nga narealize na masaya syang kasama at napapatawa nya ako kaya hindi sya boring kausap, di tulad ng iba dyan na nakakainis na nga  ang boring pang kausap at walang kwenta!! tsk...

yung lalaking yun kabwisit!!   teka, ba't ko ba sya naalala? siguro dahil pinagkukumpara ko sila ni vinz.


"OH MY GOSH!!!!"- napalingon kami pareho sa babaeng nagulat ng makita kami na napatakip pa ng kamay sa bibig para lang maperfect nya ang salitang 'shocked.' tsk... kahit kailan talagang babaeng to  ang oa..

"what the mother earth!!!"- dumating din ang isa pa na nagulat ng makita ako at ginaya pa si lea ng posisyon at may patakip bibig effect pa.. tsk..

"what?!'- bored kong sabi.


"hey hey hey!! whats going on h—OHMY CRYSTAL SHINING!!!"-  isa pa tong si jessa eh.. sarap pag untogin na tatlo..

napatakip din sya ng bibig ng makita ako...

 
teka lang, saang lupalop nya ba nahanap ang salitang  'oh my crystal shining?'. kahit kailan talagang babaeng to kung anu-ano ang mga pinagsasabi maperfect lang din ang pinaglalaban nilang 'shocked.' ayos diba?

tinaasan ko na lang sila ng kilay    "what do you want girls?!"-

"ghod kasey, where the hell did you find this handsome oppa?!"- hindi makapaniwalang tanong ni lea na kinikilig pa..  sure ako sa naisip ko ngayon.  si vinz ang una nyang nahunting!! patay talaga sya kay denies pag nalaman nya ang tungkol dito. haha..

"kilala mo sila?!"- napalingon ako sa katabi ko na si vinz sa binanggit nya

"uummm.... we're her friends!!"- pabebeng sagot ni lea kaya siniko ni jessa   "ouch!"- daing nya

sinamaan sya ng tingin ni jessa   "tumigil ka nga!! may vinz ka na!"- singhal nya dito

"hoy FYI hindi ako pagmamay ari ni vinz."- nakapamewang nyang sabi.

"ahh... pagpasensyhan mo na sila vinz, hindi ko kasi kilala ang mga yan siguro mga bal—What the hell!!! ANG SAKIT AH?!"-  lang hiya! pinitik ba naman daw ako ni madel sa noo?  nasaan ang hustisya?!

"sige, itanggi mo pang hindi mo kami kilala at suntok na talaga maaabot mo!!"- saway ni madel sakin.

sinamaan ko sila ng tingin kaya tumawa na lang si vinz.. err.

"kasi naman!! ang kukulit at ang o-oa nyo eh!!"- sabay pout.  masakit pa namamitik si madel yung magkakasugat na talaga ang bawat pitik nya kaya ayoko talagang sya ang pumipitik sakin..

"ahh hi.... i'm jessa, a friend of kasey."- pagpapakilala ni jessa at nagshakehands pa sila.

"i'n vinz."- nakangiting sambit ni vinz..

"i'm madel"-


"lea's here!!!"-  sabay kaway ni lea..

"oh, so, magkaibigan pala kayo?! sila pala yung tinutukoy nyong kaibigan mo na—djdjfkdkaldjgsk..."- agad kong tinakpan ang bibig nya baka masabi nya yung tungkol don...
ang daldal talaga ng lalaking to!! nginitian ko na lang ang mga kaibigan ko dahil na wierdohan sila..

nagtatakang tinignan ako ni vinz.   "bat mo ginawa yun?!"-

sinamaan ko sya ng tingin.. nasobrahan na sa pagiging talkative si vinz at muntika pa akong ilaglag..





"may itinatago ba kayo samin?"- nakapamewang na tanong ni jessa





"umm.. wala naman. may dapat na kaming itago sa inyo?!"- tanong naman ni vinz. buti at nagets nya ako dahil kung hindi kaming dalawa ang malilintikan dito.



"Hoy jessa, ano namang pumasok dyan sa isip mo at pati sila pinaghihinalaan mo?!"- tanong ni madel dito kaya inirapan sya ni jessa.






"paki mo ba? nagtatanong lang naman ako."- sabi nya..






"ummm.... gabi na at sigurado akong gutom na kayo. kain tayo, don't worry, my treat."- sabay ngiti ni vinz kaya ayun na nga po, naglulumpasay sa tuwa ang mga bruha. syempre usapang pagkain yan kaya hindi pwedeng hindi tumanggi..




sa sobrang excited ng tatlo ay hinigit agad nila kami at pumasok sa restaurant malapit dito sa hotel..




kahit kailan talaga hindi marunong mahiya tong mga to..

paano naman daw kasi, wala sa bokabularyo nila ang salitang 'mahiyain.'. kaya ito sila ngayun   nag aagawan sa pagpili ng mga pagkain.. nagtatalo pa ang tatlo sa pinili. mga isip bata talaga..



and worsed, yung mamahaling pagkain ang binili.. ako tuloy ang nahiya dahil sa kanila..


diyos ko naman maghihirap talaga ang mga taong gustong manlibre sa kanila..


basta libre talaga walang sinasayang na oras tong mga to!!




maya maya'y dumating na yung order kaya naman po ang tatlo ayun, nagwawala na parang bata za sobrang excited.. lang hiya talaga...



ang takaw takaw pang kumain na akala mo'y isang taon hindi napapakain
tsk..





"ang cute nilang tatlo no?!"- natatawang bulong sakin ni vinz. katabi ko kasi sya eh





"cute nga ang takaw-takaw naman at kung makapili ng pagkain akala mo sila magbabayad.."- reklamo ko kaya mas lalo pa syang tumawa




"hahaha.. hayaan mo na.. minsan lang ako manlibre eh sulitin nyo na. haha"- napangiti na lang din ako sa kanya at sa inakto ng tatlo na parang mga bata kung kumain...






"hhmmm... ang sarap talaga ng luto mo vinz!!!  penge ulit ako nito ah?!"-  sabi ni lea habang sarap na sarap sa pagkain kaya nagkatinginan kami no vinz at humagalpak ng tawa.. seriously, ganyan ba talaga ang epekto ng mga taong gutom?

hello? nakalimutan nya na bang restaurant tong kinainan namin at hindi sa bahay ni vinz?


lasing ata tong babaeng to eh! hahah



"hoy lea!!  lasing ka ba ha?  restaurant po tong kinakainan natin! at hindi to luto ni vinz! hustisya naman dyan para sa chef na nag effort magluto nito!!!"- singhal ni jessa sa kanya




"hahaha. kailangan mo na atang matulog lea dahil parang napapraning ka na sa away nyo mag asawa!!"- asar ni madel sa kanya kaya tumawa ako.





"ikaw din matulog ka na dahil nasobrahan ka na rin sa pagod at mukhang hinahanap ka na rin ng asawa mo. lagot ka talaga sa kanya pag hindi ka nagpakita!!"- asar din ni jessa kay madel.



sinamaan nya ito ng tingin     "FYI, HINDI KO ASAWA ANG LALAKING YUN!!!  DAHIL MUKHA LANG SILANG ALIPIN!!"- Sigaw nya kaya nagimbal ang buong restaurant at napatingin samin ang mga tao..


nagpeace sign na lang kami sa kanila dahil nakakahiya naman sabihin pa namin ang salitang   'hindi namin sya kilala' dahil kasama namin sya at baka mag susuper sayan  yan patay kami lahat..




"ang ingay naman nito!! nakakahiya ka!"- saway ni jessa sa kanya kaya nainis sya.



"hoy kayong tatlo, bilisan nyo na lang ang pagkain nyo dahil hinahanap na kayo ng mga prince charming nyo na hindi naman charming!!!"- sinamaan nila akong tatlo ng tingin. uh-oh.





"hoy, hindi namin sila prince charming no?! kapal non!!!  yung dwell na yun? mukha nga syang paa eh!! tsk.."- sabay irap ni madel.     "tsaka ang pangit non!!"-




"at sinong tinatawag mong pangit?!"- speaking of. dumating agad yung apat.. as in apat talaga sila kasama si dean na poker face parin.





"at anong ginagawa nyo dito?!"- tanong ni jessa sa kanila





"pinuntahan kayo.."- sabay upo nila sa tabi namin.

napatingin sila kay vinz na nakaupo sa tabi ko




"anong ginagawa nyan dito?!"- kunot noong tanong ni joshua.   sa tono ng pananalita nya may alitan sa pagitan nilang dalawa.




"ahh.. sya ang nanlibre samin dito...  bait nya no, ang cute pa!!"- nakangiting sabi ko..




he smirk.




"hey dude.."- bati ni dean sa kanya at ganun din ang ginawa ng dalawa kaya tingin ko talaga si joshua lang ang may issue dito?!




"ang daya mo dude ba't sila lang nilibre mo, kami hindi?!"- nagtatampong sambit ni dwell.

napangiti na lang ako.





"eh kasi naman kami lang po yung kasama nya kanina at kakakilala lang namin!!"- sabi ko naman..tumango tango naman si vinz na kumbinsado sa sagot ko




"ang daya talaga!!"- oa nitong si dwell!! sarap ilampaso ang mukha eh, hehe joke lang.




"so, pano kayo nagkakilala?!"- biglang tumahimik ang table namin ng magsalita si dean.. akala mo'y may dumaan na anghel eh...


ano bang nangyayari?!



"sa park."- ako na ang nasabi dah walang balak sumagot.


tumango na lang sya...



tsk... kahit naiinis ako sa lalaking to nagawa ko pa rin syang sagutin ng matino..





"so, magkakilala na pala kayo?!"- nakangiting tanong ni vinz sa boys






"oo. matagal na.'"- sagot ni dwell





"ang totoo nyan napilitan lang talaga kaming makipagkaibigan sa kanila sa tinakot ba naman kami na kapag hindi daw namin sila naging kaibigan ay papatayin daw pamilya namin at hskfkhldkgkdkwkggms..."-  tinakpan agad ni denies ang bibig ni lea dahil sa kadaldalan nitong hindi totoo.

sinamaan tuloy ito ng tingin.


"ang ingay mo kasi eh!! tapos puro kasinungalingan pa yung mga sinasabi mo!!!"- singhal ni denies sa kanya.. at dahil alam kong mapupunta na naman to sa bangayan ng dalawa ay sumingit  na ako.






"so, good to know dahil magkakilala na rin pala kayo."- nakangiting sambit ko






"oo matagal na."- nakangiting saad ni vinz...





so, ayun na nga..

nagkwentohan na kaming lahat at buti na lang talaga dahil kada mag aaway ang mag couple dito ay sumisingit ako para hindi matuloy ang bangayan nila...


ang hirap naman awatin ang mga bibig nilang walang humpay sa away...







after kumain ay dumiretso kami sa kanya kanyang kwarto para magpahinga.. at malas ko lang dahil kasama ko si dean dito..



tsk...



hindi ko na lang sya tinitignan sa ginagawa nya at naligo na lang ako..



pagkatapos kong maligo ay humiga na ako dahil napagod ako ngayong araw...





nag cecellphone naman si dean kaya nag celphone na rin ako para kahit papano at mawala ang awkwardness dito...





hindi ko sya kakausapin no at hindi ko rin sya titignan dahil naiinis ako sa pagmumukha nya!!






ilang minuto na rin akong nagcecelphone and good to know dahil walang nagsalita saming dalawa edi heaven ang kwarto!!








" wag kang masyadong lumalapit sa kanya or better choice, yoy have to avoid him!"- out of the blue bigla syang nagsalita na bumasag sa katahimikan.. hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap nya or may kausap sya sa cellphone..






"sino kausap mo?!"- tanong ko.
nacurious lang ako eh.. malay ko ako ang kinakausap pero hindi rin dahil sa cellphone ang mata nya..




huminga naman ito ng malalim at lumingon sakin.    "ikaw."- sabi nya kaya napaturo ako sa sarili ko






"ako?!"- i ask curious.. eh sa hindi ko alam ang sinasabi nya at hindo ko rin in-expect na ako pala ang kinakausap nya..





"you have to avoid him o kung hindi mo kaya, wag kang masyadong lumalapit sa kanya."- seryosong sambit nya






"sino?!"- kahit kilala ko ang tinutukoy nya ay nagawa ko paring magtanong to confirm.






"vinz."-




i raised my eyebrow   "and why would i do that?! mabait naman syang tao kaya give ang explanation to aviod him."-






bumuntong hininga sya    "because............"-





tinignan ko sya ng seryoso.  
"because......??????!!!"-













"he's too dangerous........"-




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top