episode 12
episode 12
pumunta ako sa headquarter dahil pinapatawag na naman ako ni lolo.. tingin ko may sasabihin na naman sya..
"yes lo?!"- sabi ko at umupo sa harap nya..
"hija, magsabi ka nga sakin, ikaw ba yun?!"- huh?! nagtaka ako
"ako po yung alin?!"- i ask curiosly
"ikaw yung babaeng nandoon sa hotel kung saan may nangyaring masama..."- napalunok laway ako.. patay..
"ahh... ano po .. ummm..."- ano ba? sasabihin ko ba o hindi?! nagdadalawang isip ako eh
"ano nga? ikaw yun diba?!"- seryoso nyang sabi
napayuko na lang ako "opo."-
bumuntong hininga sya... "bakit? bakit ka nandon? anong ginagawa mo don? bakit maraming namatay don?!"-
napalingon ako kay lolo sa huling tanong nya "po?! maraming namatay?!"- naguguluhan ako... pano nangyari yun?
"huli na ng makarating kami doon.. maraming mga biktima ang namatay, isa na roon ang manager at mga staff... kaya sabihin mo sakin, may alam ka ba sa nangyari?!"-
"t-teka lang lo..p-panong maraming namatay? eh hindi naman sila ang sadya ng~~"- hayysss... pano ko ba sasabihin?
"sadya ng...????"-
"ahhm.. kasi po ano...."-
"hija, may tinatago ka ba sakin?!"- patay!! wala akong tinatago no? hindi ko lang alam kung sasabihin ko ba o hindi.. err...
"wala po..kasi... umm... hinold-up po yung hotel tapos sakto naman dumaan ako kaya tinulongan ko ang mga tao kaso ang dami po ng mga kalaban at may mga armas po silang dala kaya ayun, nasaksak ako ng dalawang beses eh nanghihina na ako kaya hindi ko na natulongan ang mga tao... hindi ko na rin po alam ang sumunod na nangyari.. pasensya na po.."- sabay yuko.
pasensya na lolo hindi mo pwede malaman ang mga nangyayari dahil masyado pang malabo para sakin ang tungkol dito..
"so, hindi nga sila ang may gawa non.."- sabay iling..
"ano pong ibig nyong sabihin?!"- tanong ko..
"blue gang... hindi naman sila ang may gawa non diba?!"-
napalunok laway ako
"ahh... siguro..."- nasabi ko na lang... eh miski naman ako hindi alam kung anong gang ang sumugod kay dean.. malay ko bang may iba pang gang dito?! tsk.
"by the way, may bago na namang report tungkol sa pagkamatay ng isang babae... nag aaral sya sa parehong skwelahan..."- tinignan ko ang larawan ng babaeng naliligo sa dugo...t-teka.... parang familiar sakin ang mukha ng babaeng to ah?! san ko nga ba nakita? hindi ko maclear ang mukha dahil puro dugo sa mukha ang bumabalot sa kanya...
kaya tinitigan ko ng mabuti..
yung mata nya.. familiar sakin....
yung ilong.
yung pisngi...
yung labi.....
teka.....
p-panong.......????!!
no way highway!!!!!!
hindi..
...
hindi sya to....
imposibleng mangyari to.......
tinitigan ko ulit ng maigi pero hindi eh.....
.
sya talaga eh!!! yung mukha nya talaga!!!!...
"kilala mo sya?!"- lolo ask
"p-panong—"-
"so kilala mo nga...."-
"bakit sya—"-
"pinatay sya tatlong araw na ang nakakalipas.... at parehong gang lang din ang pumatay sa kanya..."- kinabahan ako bigla..
kaya pala.... kaya pala simula ng makita ko at makilala si mella hindi na sya nagpapakita sa school... kaya pala...
kaya pala wala ng gumugulo kay dean tuwing pumupuntang canteen...
my goodness!!!!..
i just cant believe this is happening to her...
isa syang bitch pero alam kong inosente syang tao.
grabe hindi parin ako makapaniwala... parang kailan lang sinabunutan nya ako..
tapos namatay sya sa isang iglap lang?!.. kawawa naman... gusto ko pa naman sana syang gantihan pero wala na!! nasira na plano ko sa kanya!! hindi na ako makakaganti sa babaeng yon!!!
wala na si ericka!!
kawawa naman
paalam ericka....
"wala ka man lang bang nakikitang kakaiba sa babaeng to bago sya namatay?!"- lolo ask
napailing ako "wala po.. maliban na lang sya laging mainit ang ulo nya sakin at sinambunutan pa ako..."-
"so, kaaway mo pala sya?!"-he ask
"opo pero wala naman akong nakikitang kakaiba sa kanya.. isang normal bitch lang nakikita ko sa kanya..."-
"she's the new victim of BG.. kawawang babae.."- nasabi na lang ni lolo.. "may kutob ako na isa sa mga studyante ang pumatay sa kanya... tingin ko ang studyanteng iyon ay isang myembro ng blue gang.."-
"what do you want me to do?!"-
"keep your eyes on them.."-
naikunot ko noo ko.
"huh?! sino pong tinutukoy nyo?!"- tanong ko
"your friends.... the four boys..."-
literal akong nagulat sa sinabi ni lolo.. t-teka....
"kilala mo sila?!"- hindi makapaniwalang tanong ko
"kwenento sakin ni lea ang tungkol sa pakikipagkaibigan nila sa inyo..."- that lea!!!! bat nya kwinento ang tungkol don kay lolo?! err... that bastard!!! humanda talaga sya sakin mamaya.. porket labag sa kalooban nya ang pakikipagkaibigan, ikekwento nya na?! tatabasan ko talaga ng dila ang babaeng yon..
"ano naman pong kinalaman nila tungkol dito?!"- tanong ko.
"there's a possibility na sila ang isunod patayin ng BG."-
******
umuwi ako sa bahay na lutang ang isip... hangan ngayon, iniisip ko parin yung sinasabi ni lolo.
oo, tama si lolo.. may posibilidad na sila ang isunod..
pero bakit?! anong dahilan?!
god!! ang hirap buohin ng puzzel na to!!!
si dean kailangan ko talaga syang bantayan dahil may posibilidad na sya talaga ang next na papatayin...
hindi sya pwedeng mawala sa paningin ko...
"hoy!"-
"ay mother earth!!"- peste tong babaeng to!!!! walang hiya!!! sinigawan ba daw naman ako sa tenga? ang sakit tuloy!!grr..
"bakit mo ba ako sinigawan?!'"- singhal ko
"ang lalim ng iniisip mo eh!!! nagsasalita ako dito tapos hindi ka nakikinig!!"- natatawang sambit ni jessa..
"sino ba yang iniisip mo ha?! share mo naman!!"- sabay siko ni lea.. isa pa to eh!!! may kasalanan pa naman sakin to..
tsk..
"wala akong iniisip"- sagot ko
"wala daw...weh...???"- nang aasar na naman si madel
"wala nga!! tsaka nakikinig ako hah?!"- dahilan ko kahit hindi naman talaga...
"sige nga kung nakikinig ka, ano yung huling pinag usapan namin?!"] patay!! pahamak na jessa tooo!!!!
"umm.. yung ano... yung.... yung tungkol sa pagtitripan natin yung mga boys..."-
humagalpak ng tawa ang tatlo at nag apir pa... mga loka to ah? pinagkaisahan ako?
"bakit?! totoo naman ah?! si jessa pa nga nag isip non eh!!"- saad ko..
mas lalo pa silang nagtawanan kaya sinamaan ko ng tingin pero deadma lang ako.. putek!!
"hahahaja!!! huli ka sa akto kasey!! hahaha.. halatang hindi ka nga nakikinig!!"- sasapakin ko talagang to si madel... makikita nya
"hahaha.. oo nga!!! eh wala naman kaming pinag usapan eh!! hahaha!! kita mo to? huli ka na talaga!!!"- err.... walang hiya to ah? naisahan ba naman ako?! mga babaeng to.. hindi ko na lang pinansin
"sino ba kasing iniisip mo ha?!"- tanong ni lea ng mahismahasan..
"ikaw ang iniisip ko!! iniisip ko kung paano kita ihuhulog sa building na to!!! akala mo hindi ko alam na sinabi mo kay lolo ang tungkol don?!"- nag peace lang ang bruha...
"hehehe... eh kasi sabi ni lolo mo, tulungan ka daw namin kaya ayun sinabi ko yun.. pero alam mo bang nagsisi ako sa ginawa ko?!"- sabay pout nya
"karma ang tawag dyan. hahaha"- sabay tawa ni jessa
"oo nga...dapat kasi di mo na lang sinabi ayan tuloy pinapabantayan satin ang mga gorilya na yun!!!"- sabat ni madel..
so, alam din pala nila? ayos ah? ako lang ata ang walang alam dito saming apat!!! aba!! pinagkaisahan talaga ako oh?! tsk...
pero napangiti agad ako ng may maisip akong gawin.. alam ko namang pag ako ang nag utos, sa ayaw at sa gusto nila susundin nila ako eh!! hahaha...
"at dahil apat tayo at apat sila ay isa isa tayo ng babantayan.."- napalingon sila sakin na gulat " si lea ang magbabantay kay denies, si madel naman kay dwell at jessa kay joshua.. game?!"-
literal talaga silang nag react..
"what?!"-
"hell no!!"<
"no way highway!!"-
"i never do that!!"-
"kapal ng mukha nila no?!"-
"bahala sila sa buhay nila!!"-
"ayaw nyo? wag nga kayong maarte!! ang cute nyo kaya tignan!!"-.
"so pinagkakaisahan mo kami?!"= sabay irap ni madel
"nope... ito ang best way para magawa nyo ang trabaho nyo.."- sabay ngisi ko
"ayoko!! hindi naman dapat namin gawain to eh!! kayo ang pulis dapat kayo ang gumagawa hindi kami!! tinutulungan na nga namin kayo eh.."- reklamo ni lea..
"oo nga,,,..ikaw na nga nagsabi na tulungan kami diba?! kaya ito ang tulong na magagawa nyo
para sakin. ang bantayan ang mga lalaking nakaassign sa inyo.. babantayan nyo lang naman sila eh, wala kayong ibang gagawin.."- paliwanag ko.. ang arte kasi ng mga to.. akala naman nila may virus ang mga kumag na yun.. tsk..
bumuntong hininga na lang sila. "i agree.... i think its the best way to help you.."- sabi ni jessa
"ok.... i second the motion."- si madel naman.. napatingin kami kay lea dahil sya na lang ang hindi pumapayag..
"ano?! magmamatigas ka parin ba?! o papayag ka?! magsesisyon ka na kung ayaw mong kaming lahat ang tutulak sayo para mahulog sa building!!"- mataray na sambit ni jessa kaya napairap na lang si lea..
"as if i have a choice..."- sabi nya at umupo sa sofa..
napangiti naman ako dahil pumayag sila.. see?? papayag talaga yan kahit reklamador...
ngayon palang napapangiti na lang ako ng maimagine ang mangyayari kapag nagsama sila ng mga boys. haha...
tingin ko tuloy magigiba na ang university kapag mag away sila sa mga enemy nila.. hahaha...nakahanap talaga sila ng katapat...
"ang problema lang ay naiinis ako tuwing kasama yung denies na yun!! umiinit ang dugo ko sa kanya! nakakagigil sya sarap tirisin!!"- halata nga mukha ni lea ang inis sa lalaking yon. haha.
ang cute nya talaga mainis.
"ako rin naman eh!!! sobrang ingay ng dwell na yun!! walang habas ang bibig at napakadaldal..sarap tahiin ng sinulid yung bunganga nya!!"- diyos ko madel. mas malala sayo kesa kay lea.. haha
"tsk.... buti nga kayo hanggang doon lang ginagawa eh!! pano naman ako?! pati yung virgin cheecks ko ninakaw! kabwisit ah?! tapos yung girfriend nyang haliparot ako pa ang sinisi sa ginawa ng boyfriend nya? ayos ah? sarap nilang pag untigin!! magsama silang dalawa!! nakakahigh blood!! nakakahagard sila ng beauty!!"- sabay flip hair ni jessa.. hahaha...
ano ba to? payabangan ng masasaklap na karanasan? hahah.. talo ako ata ako sa kanila eh!! pero i will do my best para mapantayan ang mga reklamo nila at hindi mainggit sakin..
"alam nyo, sa ating apat, ako ang mas malas!! buti nga sa inyo nagsasalita pa eh at sinasagot kayo.. pano naman yung akin?halos hangin na lang ang kausap ko dahil lahat ng tanong ko, mga sasabihin ko sa kanya ay parang hindi nya naririnig!!may tao nga akong kasama pero pakiramdam ko wala!! magsasalita nga sya pero sya lang din naman ang nakakaalam ng mga sinasabi nya.. magtatanong sya pero sagot nya rin.. diba ? mas masaklap yung sakin kaya wag kayong magreklamo dyan.."- sabi ko..
nagpout na lang si jessa.."oo nga no? mas pangit din yung taong halos pipi na dahil tamad magsalita.. buti na lang sakin nakakausap pa.."-
see?? mautak talaga ako.. pero totoo rin naman yung sinasabi ko sa kanila eh..
"teka lang.. sinabi na ba lahat sa inyo ni lolo ang mga dapat nyong malaman?!"- tanong ko
"kami pa?! unana pa kaya kami sa updated! haha"- mayabang din tong si madel eh.
"talaga? so alam nyo na rin pala yung tungkol sa pagkamatay ni ericka.."- sabi ko..
naikunot nila noo nila "sinong ericka?!"- sabay sabay nilang tanong.. wow... alam na pala nila ha?! galing! nagmayabang pang nauna sa updated!!
"akala ko ba sinabi na ni lolo?!"- tanong ko
"eh sino ba yung ericka na yan?! hindi naman nasabi samin ni lolo yan eh!"- sabat ni madel
"sya yung bitch na mortal enemy ko na sinambunutan ako na kwinento ko sa inyo don sa headquarters.."-
"so? pakialam namin sa kanya?!"- pagmamataray ni lea
"wala na nga sya.."- sabi ko
"who cares? diba nga mas maganda yun, atleast wala ng manggugulo sayo."-
"ang sama talaga ng babaeng to!"- sabat ni jessa.
"same as you!"- sabay irap.
"yun na nga eh.. wala ng manggugulo sakin.. dapat masaya ako dahil wala na sya, pero nakakainis lang kasi namatay man lang sya ng hindi ako nakakaganti sa kanya!! kainis.. inunahan pa ako ng walang hiyang BG na yan!!! humanda talaga sakin kung sino mang pumatay kay ericka!! sa kanya ko ibubuntong ang galit ko para makaganti kay ericka!!!"-
nagtawanan ang tatlo.. loka to ah? pinagtawanan lang ako?
"hahaha... grabe ang sama mo talaga bess!!"- saad ni madel
"as if naman mahahanap mo yang taong pumatay sa kanya..."- sabat ni lea
"talaga!! wag lang talaga syang magpapakita dahil babalatan ko talaga sya ng buhay!!"- gigil na sabi ko
"pano kung ako yung pumatay?ganun din ba ang gagawin mo?!"- jessa ask.
tinaasan ko sya ng kilay "aba, hindi na kita babalatan ng buhay dahil susunugin ko na talaga yang bungo mo hanggang sa ngipin na lang ang matira sayo!"-
gumagalpak ng tawa ang dalawa kaya inismaran na lang ni jessa..
"mas mabuting wag na kayong magsalit para tahimik na lahat!"- sabi naman ni lea
"eh bakit ka pa nagsasalita? gaga ka ba?!"- nakapamewang na sabat ni madel
sinamaan sya ng tingin nito "pilosopo ka teh?!"-
"tinatanong lang po kita.."- sabay irap.. napakataray talaga ng mga to.. ayaw patalo eh.. sarap pag untogin.. pumasok na lang ako ng kwarto para makapagpahinga..
*******
" the heck madel!!! tumahimik ka!!"- sigaw ni dwell sa kanya.. at tama, nagbabangayan na naman ang dalawa dito sa canteen or should i say lahat sila nagsisigawan sa kanya kanyang enemy.. walang hiya ang ingay nila promise!! na o-op kaming f
tatlo dito nila bella at dean... diyos ko bunganga ng mga babaeng to!! kung makasigaw kala mo pagmamay ari ang buong canteen.
tsk..
"anong sabi mo?! ako pangit?! baka gusto mong makita ang tunay na pangit dito sa mundo?!"- sabay pingot ng tenga ni lea kay denies.. ayos diba?
"hoy tumigil ka kutong lupa!! gusto mong plantsahin ko yang mukha mo?!"- nakapamewang na sigaw naman ni madel kay dwell
"hoy FYI lang po sayo ha? hindi ka gwapo para maging type ko!! kapal ng mukha mo!! pag untogin ko kayo ng clown mong girlfriend eh!!"- si jessa naman ang naririnig ko... basta kung sino lang yung nangunguna yung boses ang napapakinggan ko ng maayos.. nagiging elien word na kasi ang kinalabasan dahil sa halo halong bangayan ng mga to..
"ahh.. kasey pupunta lang ako sa library. bye!!"- sabay takbo ni bella kaya hindi na ako nakahabol.. lang hiyang babaeng yun!! iniwan ba naman ako dito? tsk.
so, dalawa na lang kami ni dean ang natirang tahimik.. napatingin naman ako sa kanya na nakatitig sakin kaya yumuko na lang ako.. lang hiya!! bakit nya ako tinititigan??! nakakailang tuloy!!
" lets go.."- bigla nya akong hinila kaya hindi ako nakapagreact...
binitawan nya naman ako ng makarating kami sa parking lot.. teka.. anong gagawin namin dito?
"anong gagawin natin dito?!"- kunot noong tanong ko..
"ha?!... ah eh... i dont know.."- sabay kamot ulo...
natawa na lang ako sa hitsura nya.. dinala ako dito pero di alam ang dahilan? sira ulo ata sya eh.
"whats the fun?!"- he ask calmly
"hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit mo ako dinala dito ng walang dahilan.. "- sabay ngiti ko.
napabuntong hininga na lang sya, "ang ingay sa canteen... sumasakit na tenga ko sa nakakarindi nilang sigawan kaya mas magandang malayo tayo sa kanila. naririndi ka na rin naman sa ingay nila diba? so mas magandang wala tayo don.. nakaka basag sa tenga ang bangayan don.."-
napa 'ahhh'.. na lang ako.. totoo naman eh... sumasakit na tenga ko sa ingay ng mga kaibigan ko don...
may point din sya ah?!
"so, ano ng gagawin natin?!"- tanong ko.
"sleep everywhere..."- eh?! ano kaya yun?
tinaasan ko sya ng kilay. "hilig mo talagang matulog kahit saan no?!"- sabi ko
"wala akong magawa eh.. isa pa, boring eh.."- tsk.... wala talagang kwenta kausap ng lalaking to!!
napabuntong hininga na lang ako at pumasok sa kotse nya..
sumunod naman sya at tinaasan ako ng kilay "did i allow you to enter my car?!"-
"yes..."- sagot ko "at wag kang aangal kung ayaw mong matulad tayo sa bangayan ng mga kaibigan ko."- sabay ngiti.
sinamaan nya naman ako ng tingin. "pathetic!!! magkaibigan nga kayo, parehong bungangera eh!!"-
"ano sabi mo? ako? bungangera? haha!! as if!!!"- sarkastik na pagkasabi ko "para malaman mo mister, hindi ako katulad ng mga kaibigan ko na sobrang daldal!! alamin mo muna kasi ugali ko bago ka manjudge dyan!! nakakainis ka!! masyadong judgemental!!! magsama nga kayo ng fiancee mong walang magawa sa buhay kundi ang manggulo ng buhay ng may buhay!!"- singhal ko.
"so, hindi ka pala bungangera ah? anong tawag mo sa mga sinabi mo kanina?!"- urgh!!! inuumpisahan nya akong inisin... tsk.... i have to calm myself.. hindi dapat ako paapekto sa lalaking to!! tama!! wag magpaapekto!!
huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. "paandarin mo na.. aalis na tayo.."- walang emosyong utos ko..
"at san naman tayo pupunta?!"- walang emosyong tanong nya rin.
"sa favorite spot ko."- sabay tingin sa labas
"sa tree house na naman sa tagaytay?!"- tanong nya
"hindi."-
"kung hindi doon saan naman?!"- daming tanong ng lalaking to
"sa favorite spot ko nga! kulit?!"-
"what i mean is saang lugar??"- walang emosyong saad nya... grabe talaga kahit anong gawin kong walang emosyon malamangan lang sya waley pa rin ako sa kalingkingan nya... hindi ko kasi mapigilang mainis dito.. sya naman kahit nabubwisit na nagagawa paring kumalma... aish!!
"basta magdrive ka na lang.. ituuro ko na lang ang daan.."- nasabi ko na lang at wala naman syang nagawa kundi ang sundin ako...
tinuro turo ko na lang daan papunta sa lugar na pupuntahan namin.. maliban doon wala na iba pang salita ang lumalabas sa bibig namin.. pano pag nagsalita ako mapipikon lang ako sa lalaking to masyadong confident sa sarili.. hindi ko alam kung sa paanong way basta naiirita ako sa pagiging confident nya...
ilang minuto rin ang namayani sa pagitan namin at puro buntong hininga ang naririnig ko..
wait lang, naalala ko si ericka...
napatingin ako kay dean, alam nya na kaya ang tungkol sa pagkamatay nya?!
"ahh.... patay na pala si ericka.."- muntik na akong masubsob sa biglaan nyang pagpreno.. bwisit naman, trip nya talagang isubsob ako no?!.. diyos ko, madidisgrasya ako ng wala sa oras dahil sa lalaking to eh!
sinamaan ko sya ng tingin. "bakit ba bigla bigla ka na lang pumepreno ng wala man lang paalam? gusto mo bang magalusan ang maganda kong mukha ha?! kainis ka!"- singhal ko dito
tinignan nya ako ng masama "paano mo nalaman ang tungkol doon?!"- seryoso nyang tanong, alam mo yung tanong nya na parang nakakatakot na akala mo lalamunin ka ng buhay? diyos ko lalaking to gusto akong nininyerbos!!
"ano... bakit? masama bang hindi malaman na patay na sya?!"- malamang malalaman talaga yun kapag namatay sya eh kilala yung babaeng yun sa university eh!!! baliw ata ang lalaking to eh!!!
"walang ibang nakakaalam ng pagkamatay nya kundi kami lang, so sabihin mo, pano mo nalaman ang tungkol don?!"- eh?!
i raised my eyebrow "bakit ba hindi pwedeng malaman ang tungkol don? ano bang meron?!"- i ask instead of answering his question...
ang gulo nya promise.
hinawakan nya ang braso ko "sabihin mo sakin pano mo nalaman ang tungkol sa pagkamatay nya..."- seryosi nyang sabi na nakatingin sakin ng matalim. god!! kinakabahan ako sa ginagawa nya!
"ano... ummmm....basta namalan ko lang, bakit ba?!"- sabi ko at inagaw ang braso ko sa kanya pero diniinan nya ang paghawak dito kaya nagtaka ako... ang sakit na ng paghawak nya sa braso ko, feeling ko tuloy mababali ang buto ko... takakatakot na rin yung mga tingin nya sakin... yung parang hindi si dean ang kaharap ko..
"ano ba dean, bitawan mo nga braso ko, ang sakit hah?!"- nagawa ko pang magsalita ng ganun sa sitwasyon dito.. hindi nya naman ako pinakinggan at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak nya sa braso ko.. shete!! balak nya bang putulin ang braso ko?
"sabihin mo sakin, sino ka?!"- seryodong tanong nya
"ako si shia kasey cadiente na nakatira sa condo dito sa manila na may tree house sa tagaytay at—"-
"HINDI AKO NAKIKIPAGLOKOHAN SAYO!!! SINO KA BA TALAGA?!"- uh-oh!! galit talaga sya..
"ako nga si shia kasey cadiente na nakatira sa condo dito sa ma— Aray!!"- urgh!! sobrang sakiT na ng braso ko!! DAMN IT!!
ano bang problema ng lalaking to?! tinatanong nya lang kung sino ako at sinagot ko sya ng maayos tapos magagalit pa sya?! kainis ah?! ano bang gusto nyang isagot ko?!
"anong kailangan mo samin?!"- seryoso nya na namang tanong. ayan na naman po sya sa tanong nyang hindi ko maintindihan..tsk.. ako ba ang kausap nito o baka naman may ibang tao sa likod ko na kausap nya? pero wala eh ako talaga.
"anong kailangan ko sayo?! wala akong kailangan sayo. may pera naman ako may bahay, may kaibigan, may nanay at tatay at kuya, may pamangkin at higit sa lahat puno ng pagkain ang bahay namin kaya lagi akong busog... kaya wala akong kailangan sayo dahil dahil kompleto naman ang buhay ko.."- hindi ako namimilosopo ah? sinasagot ko ng maayos ang mga tanong nya.. kaya wag syang magalit dyan!!
sa hindi inaasahan sinakal nya ako na ikinagulat ko... what the!! i cant breathe properly!! ano bang ginagawa ng lalaking to?! papatayin nya ba ako?!
"i'm not joking at you girl.. so please answer me if you want to have a long life..."- binabantaan nya ba ako ha?! damn it!! pinilit kong kalmahin ang sarili ko para hindi nya mahalatang nasaksaktan ako sa pagsakal nya at para hindi mamatay sa nyerbos..
takte!!
" what answer do you want from me?! sinasagot kita ng tama kaya wag kang— ugh!!"- walang hiya!! ang sakit na ng lalamunan ko!!! grabe ang lakas ng lalaking to, gusto nya na ata akong patayin eh!! ang hirap ng huminga!!!
"wanna die now?!"- seryosong banta nito. he smile devilishly.
"what?! ano bang ginagawa mo h-ha?! s-sira ulo k-ka ba?! ako?! g-gustong mamatay?! mauna k-ka muna!!"- sabi ko at pinilit na ilayo ang kamay nya sa leeg ko.. peste to!!!!
"tell me, may kinalaman ka ba sa pagkamatay ni ericka ha?!"- he ask seriously
"hello?! a-ano ako?! m-mamamatay tao?! k-kilabutan ka nga!! aaminin ko m-maldita ako p-pero hindi ako mamamatay tao!! kaya b-bitawan mo n-na ako dahil m-magmumukha kang c-criminal sa ginagawa mo!! ugh!! i... cant... breathe!!!"- lord!!! help me please!!! ayoko pang mamatay sa kamay ng lalaking to!! please lang po!!! this is not a time to die!!!!
please.....
feeling ko namumutla na ako dahil sa hirap ng makahinga... hindi nya parin ako binibitawan!!!
naghihingalo na ako at feeling ko wala ng dugo ang
buong mukha ko... please lord....
pinipit kong habulin ang hininga ko kahit alam kong imposible dahil isang demonyong dean ang nakikita ko ngayon....
s-sino ka ba talaga dean?! bakit napakamisteryoso mo?! may kinalaman ka ba sa nangyayari ngayon?!
napatitig na lang ako sa mga mata nyang maganda at hindi ko na namamalayan na may luha na palang tumulo sa mga mata ko...
galit na galit yung mga mata nyang nakatitig sakin... bakit ba sya nagkakaganito?! ano bang meron sa kanya?!
ayoko pang magpaalam pero parang hanggang dito na nga lang ata ako....
"dean......."- huli kong nasabi bago ko maramdamang nakahandusay na ang mga kamay ko at pinikit ang mga mata.......
mukhang hindi na ata magtatagal ang buhay ko.....
gusto ko pang mabuhay pero mukhang ayaw ng pagkakataon na pagbigyan ako...
muli kong naalala ang mga kaibigan ko...
yung mga ngiti nila.....
yung mga mukha nilang mga amazona....
yung kulitan namin....
yung asaran namin....
yung damayan......
yung pagtutulongan........
gusto ko pang makita ang mga yun.......
gusto ko pang maranasan ang mga yun....
pero parang hindi na....
sana maging masaya ka na dean sa ginawa mo sakin.....
tinulongan kita pero ito ang isinukli mo sakin.....
well, i thank you for that.....
atleast naman may nagawa akong maganda kahit hanggang dito na lang.....
masaya na ako doon.....
"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top