episode 1
" boss nandito na po ang bagong deliver ng cocaine..",-
" very good... siguradohin nyo lang na hindi kayo nasundan ng mga kalaban..",-
" opo boss..",- inilagay ko na ang mga boxes sa isang sulok ng kwarto at tumayo naman ang pesteng boss ko kuno kunwari..
lumapit ito sa isa pa naming kasamahan at parang may binulong na something.. i dont care about that..
pagkatapos ay tinawag nya ang pangalan ko at lumapit naman ako..
" bakit po boss?",- tanong ko
" sumama ka sakin may pupuntahan tayong clients na gustong bumili ng shabu..,"-
" ok po boss.."- sabi ko.. sana lang talaga hindi nya napapansin ang boses ko... ang hirap kayang magboses lalaki at palagay- lagay pa ako ng bigote hindi naman bagay sakin.. damn you lolo.. its your fault.. tsk.. sinisi ko pa talaga ang lolo ko ah?? but thats ok dahil ito na rin naman ang huling beses na magpapanggap lalaki ako..
bumaba na kami ng hotel kasama ang dalawang tauhan ni boss russel..pagbaba namin, nakita ko na agad sa may entrance ang tatlo kong kasamahan na pulis na nagpapanggap bilang body guard at yung iba naman ay may kanya kanyang diskarte.. magaling din umisip ah?.
agad kaming nagsenyasan ng makita nila ako at lumapit ang mga ito sa amin..
agad kong kinuha ang baril ko kasama ang posas kasabay ng pagkagulat ng tauhan ni boss russel ..
" itaas ang kamay!"- sabi ko sabay tutok ng baril kay boss russel na ikinaGulat nya.. lumapit naman si lukas sakin, pulis rin tulad ko kasama ang mga pulis na pinalilibutan si boss russel dala ang mga baril na nakatutok dito.. nagtilian naman ang mga tao dito sa hotel at yung iba ay nagtakbuhan. natakot samin..
" w-whats the meaning of this?!"- naguguluhang tanong ni boss russel.
" arestado ka sa salang pagpatay sa isang senador at sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na droga.."- sabi ni lukas dito.. painosente pa sya, tsk...
" WHAT?!"- sabi neto.. " ano bang sinasabi nyo? carlo, anong kabaliwan to?!"-
" i'm sory boss russel, but carlo is not my real name..that's a fake name... my real name is shia kasey.. kasey for short.. i'm a policewoman and i am not a boy.."- napaatras sya ng tanggalin ko ang bigote at wig ko..bwisit talaga ilang araw din ako nagpanggap lalaki para lang dito ah?!.
" how dare you carlo?! why did you do this to me?!"- hindi makapaniwalang sambit ni boss russel.pasalamat sya may galang ako sa matatanda..
" sorry boss trabaho lang."- saad ko.. pinusasan na ni luke si boss russel pati yung dalawang tauhan nya.. hindi makapalag eh.. sa dami ba namin at tatlo lang sila?.
" hindi nyo ako pwedeng arestohin, wala kayong warrant of arrest! at isa pa, wala akong kasalanan.!!"-
" sa presinto ka na magpaliwanag!"- sabi ni luke at lumabas na ng hotel..
" wala pa kayong warrant of arrest! hindi nyo ako pwedeng hulihin!"- sabi pa nito habang nagpupumiglas palabas ng hotel..
" meron kaya.."- sabi ko at sumakay na ng kotse...
i'm SPO1 shia kasey cadiente.. kasey for short. at ito ang kwento
ko.. isa akong pulis na medyo reklamador. ay mali, reklamador talaga ako. pero makulit ako lalo na kung nasa mood ako.. kahit yung kausap ko naiinis na wala pa rin akong paki.. maganda ako.. oo maganda ako and i'm proud to be.. angal kayo?! . habulin din ako ng mga lalaki., noon yun pero nang malaman nila na pulis ako nilubayan na nila ako. natakot ata sakin baka ikulong ko sila o patayin ko sila. hello? hindi po ako kriminal! .. mga timang talaga sila.. pwera na lang siguro kung nagdadrugs sila huhulihin ko talaga sila..
siguro nagtataka kayo kung bakit ako naging pulis? well, simple lang naman.. ayaw kung pumunta sa ibang bansa.. hindi sa ayoko ko talaga pero ipapakasal lang naman ako ng parents ko doon kaya ayoko talaga! yes, tama ang narinig nyo, ipapakasal nila ako sa taong hindi ko gusto.. kaya ayoko talaga pumunta sa ibang bansa at manirahan don.. baka mapunta sa hell ang buhay ko.. eh sa pinipilit ako ng parents ko kaya gumawa ako ng paraan, nakiusap ako sa lolo kong hepe na tulungan ako at sa kanya na lang ako tumira.. pumayag naman sya pero may kondisyon.. bakit ganun no, kapag kailangan mo na talaga ng tulong may kundisyon? wala na talagang hustisya sa panahon ngayon.... ang kondisyon na yun ay kailangan kong maging pulis like him.. at kapag hindi daw ako pumayag sa gusto nya ay ipapadala ako sa state at itutuloy ang kasal.. eh sa ayoko ko talaga kaya no choice ako.. sumunod ako sa kondisyon ni lolo.. at heto ako ngayon, napunta sa isang posisyon na hate na hate ko.. ang swerte ko.. pero ok na rin dahil hindi naman matutuloy ang kasal ko... haha!! ok back to reality....
" natapos ko na ang misyon ko kaya pwede ko na siguro gawin yung hinihiling ko, sir..!"- sabi ko na ikinangiti ni lolo.. nasa headquarter ako ngayon..
" hindi ko naman nakakalimutan yun kasey.."-
" aba dapat lang no?!"-
" but there's something that you have to accomplish first.."- parang nagsipuntahan na naman ang mga dugo ko sa ulo na para bang gusto na namang kumulo at magwala.. ugh.. na naman?? damn it!!
" sir ano na naman ba to?? akala ko ba tapos na----"-
" i'm sorry kasey, but you have to do this case.. importante to!!"-
" ugghh!!!! sir naman.. bigyan nyo naman po ako ng break.. matagal na akong humihiling sa inyo na magbakasyon at nangako ka sakin pero hanggang ngayon pinapako nyo parin!! nakakaimbyerna!"- pagmamaktol ko. kainis eh, isang taon na akong naghihitay sa pangako nya pero wala paring nangyayari,.. bwisit na buhay to oh??!
" kasey, mahalaga ang kasong ito, maimpluwensyang tao ang kalaban natin dito!"-
" wala akong paki. basta ang gusto ko magbakasyon,. yun lang!"-
" i know hija, pero wala kang magagawa, ikaw ang naka assign sa kasong ito!"-
" pero sir,.. ayoko na! tsaka ba't ako pa eh ang dami pa namang mga pulis dyan na pwedeng maasign sa kasong iyan!, kung ano man yan! bigyan nyo na ako ng leave.. kahit isang linggo lang ok na sakin.."- bumuntong hininga sya.. pumayag ka please.
ano bang kailangan kong gawin para lang makapag pahinga,? naka ilang awa at pacute na ako wa-effect pa rin.. ugh!! kaya ayoko maging pulis eh..
" sayo talaga nakaasign ang kasong to dahil sayo lang bumagay ang kasong ipapagawa sayo.. at ikaw lang ang may kayang magresolba neto.!"- tsk! maarte pala ang kasong ito? namimili ng tao? ugh!! ayoko talagaaaa!!! naman eh!!
" ah basta, kung ano man yan, hindi ko gagawin yan!"- akmang mag-wawalk out na sana ako ng magsalita si lolo.
" sige,kung hindi mo gagawin ang ipapagawa ko sayo then i will call your mother to bring you to the state.."- patay!
" sir naman, wala namang ganyanan.."- saad ko.. kahinaan ko yun eh..
" ano? tatanggapin mo ba ang kasong ipapagawa ko sayo o sa state ang bagsak mo?!"- natahimik ako bigla. simula't sapol iyan na talaga ang panakot sakin ni lolo.. ewan ko ba kung bakit kahinaan ko ang paninirahan sa state eh dahil siguro yun sa ayokong mapakasal. eh ayoko talaga eh!bakit ba?! damn it! ugh! no choice ako!
" ano? ayaw mo talagang tanggapin ang ipapagawa ko sayo?? ok then i will call your mother.."- kinuha nya ang cellphone sa bulsa nya.
" t-teka lang lo, ito naman hindi na mabiro.."- whaa!! wala na talaga! sira na buhay ko! kailangan ko talagang gawin yung pinapagawa nya! kasi naman eh! parang gusto ko tuloy tumakas pero kahit saan ako magpunta, mahahanap at mahahanap pa rin nila ako..
" hehe.. okay then pag-uusapan na natin ang dapat mong gawin tungkol sa kasong ito.. maupo ka!"- sapilitan akong umupo at sa kaloob- looban ko, badtrip na badtrip ako! bwisit na bwisit!
i gave him a fake smile.
may binigay sya saking mga larawan ng mga tao na ang gagwapo' ang gaganda, at ANO TO??!!..... mga malalaswang larawan ng mga lalaki at babae na nakahubad na kita pa ang mga stomach at utak at iba pang lamang-loob... isa lang ang masasabi ko sa larawang ito, ' YUCK! KADIRI! ANG BRUTAL NG PAGKAMATAY NILA!!..
" sir ano to?! anong gagawin ko sa mga nakakadiring larawan na yan??!"- sabi ko sabay turo sa larawang tinutukoy ko..
" ang lalaking ito ay binaril sa dibdib pagkatapos ay pinukpok sa ulo at tinurture... ganoon din ang ginawa sa babaeng ito,. tingin ko nga mag- asawa sila eh wala kasing pagkakakilanlan.. pare- pareho lang din ginawa sa ibang mga tao sa larawang ito.."- pagpapaliwanag ni lolo..
" ah, alam ko na,. ang gusto nyong gawin ko ay alamin ang mga pangalan nila? ok madali lang yan.."- sabi ko
" no hija, hindi yan ang gagawin mo.."- eh? eh ano?! " ang mga biktimang ito ay may pare- parehong tatak na ' BG' na nakaukit sa kaliwang braso gamit ang kutsilyo.. kaya tingin ko, iisa lang ang taong nasa likod ng pagkamatay ng mga biktimang ito.. at ang isa sa mga biktima ay may logo na sa tingin ko ay isang studyante.."- pinakita sakin ni lolo ang isang larawan ng gwapong lalaki.. "sya si aljun perez base sa nakita naming ID sa loob ng sapatos nya.. ang ipinagtataka lang namin ay kung bakit nasa loob ng sapatos ang ID nya, hindi nya suot... tingin ko ay may dahilan sya... nag-aaral sya sa hiden university sa kursong business administration... 4th year college na sya sabi ng kanyang professor.. tinanong din namin ang isa sa kanyang mga kaibigan pero wala naman daw silang nakikitang kakaiba tungkol kay aljun kaya nagulat na lang daw sila kung bakit sya pinatay.."-
" tapos? anong gusto nyong gawin ko?!"- tanong ko.
" i want you to investigate who is the person behind this..."- err.
" sir ayokong imbestigahan ang kasong yan, ang hirap-hirap nyan eh.. at isa pa hindi ako imbestigador no?!"-.
" oh sige madali lang naman akong kausap eh!"- akmang kukunin nya na sana ang cellphone nya ng pinigilan ko sya..
" t-teka lang lo,"-
" ano nga? tatanggapin mo ba o hindi? pabago-bago ka ng isip eh!"- huhu! galit na si lolo
" kasi naman, ang bilis nyong magdesisyon eh!"- reklamo ko.. huminga na lang muna ako ng malalim at nag pout.. " oo na! basta siguradohin nyo lang na magkakaroon ako ng bakasyon ah? gusto ko 1 year.."-
" ok..gusto kong alamin mo kung ano ang ibig sabihin ng salitang'BG' at kung sino ang nada likod ng pagkamatay ng mga biktima.."- haayss... simula na naman ng magulo kong buhay..
" pa'no ko po maiimbestigahan yan kung hindi ko alam kung saan magsisimula.."-
" madali lang naman yan eh, simple lang naman ang gagawin mo.. "- medyo natawa pa si lolo aa binanggit nya na para bang may ibig sabihin na hindi ko magugustuhan.. " you have to pretend as a student of hiden university.."-
napatayo ako sa gulat
"WHAT??!!"-marinig mo pa naman ang salitang student hindi ka ba magugulat?! jos mayo hate ko pa naman mag-aral..
" lolo naman, alam nyo naman po diba na ayokong----"-
" i know hija, pero hindi ka lang naman papasok sa school para mag-aral.. papasok ka don dahil kailangan mong mag-imbestiga!"-
" eh ano naman pong kinalaman ng school sa iniimbestigahang kaso ko?"-
" malaki hija, may posibidad na isa sa mga studyante, proffesor o kung sino pa man ang may alam sa pagkamatay ng mga biktima.."-
" sir, gusto nyo po ba akong gawing secret agent? detective?? grabe po ah,pulis po ako hindi secret agent or detective.."- kainis talaga tong lolo ko kahit kailan! kung anu- anong kabalbalan ang pinapagawa sakin.. nung una nagpanggap ako bilang katulong, yan tuloy naging labandera ako, eh damit ko nga hindi ko nilalabhan eh.. tapos nagpanggap akong lalaki, eh ang hirap kayang umarte.. hindi naman ako actress no? tapos yung iba hindi ko na maalala, tapos ngayon naman, studyante? damn it! eh 4 years kaya akong nagtiis mag-aral ng college tapos ngayon, babalik na naman ako? malas na buhay to oh?!
" bukas ang simula ng pasok mo, galingan mong umarte ok? i trust in you kasey.. you can do it! "- err.. if anything happen to me lolo, swear i will blame you!!.. whaaaaa......
xxxxxxxx
today is the first day of school....
it means simula na naman ng kalbaryo ko.. kainis talaga! kasi naman sa lahat ng pwedeng gawin ito pa? grabe talaga..
nandito ako ngayon sa labas ng hiden university pinagmamasdan ang kabuuan ng university.. take note, i like thier uniforms.. kaso yung akin maikli..kung u
ikukumpara tong universiting ito sa dating university na pinasukan ko mas malaki to pero mas type ko yung akin no? don ako nag-aral eh! proud to be dapat..
ok.. magsisimula na ako ngayon..
nagsimula na akong maglibot sa university at bawat rooms sy sinisilip ko pati yung mga office pero wala naman akong nakikitang kakaiba dito. pati yung mga studyanteng nadadaanan ko wala ring kakaiba sa kanila..ang inosente ng mga mukha nila..
haaiissst.... ano bang gagawin ko dito? maglibot at pumasok sa room para mag-aral?! tsk.. eh nakakatamad kayang mag-aral eh dati nga lagi akong nagca- cutting classes eh.ewan ko ba kung bakit hate ko ang mag-aral.. ibang-iba ang ugali ko sa kuya ko na matalino at masipag pa ayan tuloy may sarili na syang business at president pa ng isang kompanya sa state.. samantalang ako isang pipitsuging babae na walang ibang ginawa kundi ang sumunod sa utos ng lolo ko at magreklamo pa.... ang hirap naman ng buhay ko..
napatigil ako sa paglalakad ng may narinig akong ingay mula sa loob ng room ng mga ABM ata.. hindi ko kasi alam kung nasaang building ako eh.. eh sa hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila sa loob kaya ang ginawa ko ay lumapit ako sa may pintuan at pasimpleng idinikit ang tenga sa door.. baka kasi may makakita sakin dito, mahirap na baka kung ano isipin at sabihin ng mga tao dito..
" steve, maniwala ka sakin, hindi ko nga alam kung sino angmay gawa non! "- rinig kong sabi ng isang lalaki mula sa loob.. ano bang pinag-uusapan nila?
" jon, nakikiusap ako, sabihin mo na!"- medyo nagagalit na sabi pa ng isang lalaki.. ano tinutukoy nya?
eh sa interesado akong marinig sa pinag-uusapan nila at sa gusto kong makita ang mga mukha nila ay sumilip ako sa may hiwang ng bintana .. wala namang masyadong studyante ang dumaan dito sa floor na to..
agad kong na clear ang mukha nila.. mga anim silang lahat at ang gagwapo pa..yung isa, ay mali! yung dalawa pala ay nakatayo at yung apat naman ay nakaupo sa may sofa..magkaharap silang lahat.. ano ba talaga ang pinag-uusapan nila? mukhang may kinalaman sa iniimbestigahang kaso ko ah?!
" jon, ito na ang huling tanong ko, sino ang may gawa non?"- sabi ng isang lalaki, steve atang pangalan.. yung jon naman halatang kinakabahan na..
" pare, hindi ko nga alam! sasabihin ko naman sayo kapag nalaman ko na eh! "- ano tinutukoy nya? ang gulo. promise..
" haayyss.. hindi ko talaga maintindihan ang pinag-uusapan nila. ang gulo talaga!"- sabi ko sa sarili ko.
" oo nga eh! pati ako nagugulohan! mahirap talagang maging stalker!"-
" oo tama ka! kaya----"- hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng magpagtanto ang isang bagay.. agad akong napatingin sa tabi ko... laking gulat ko ng makitang may katabi na pala ako?!
" SINO KA?!"- sabi ko. grabe para syang multo na bigla-bigla na lang sumusulpot sa harap ko.. isa itong matipunong lalakina matangkad, maputi, at gwapo pa..
parang multo talaga sya..
" IKAW?! SINO KA?! "- balik nyang tanong, " at anong ginagawa mo dyan mo dyan? "-sabi nya na tinutukoy ay nakahiwang na bintana.. agad akong sumandal sa bintana para hindi nya makita ang mga tao sa loob..
" ah, ano kasi,, hinahanap ko yung kwentas na nalaglag sa loob kaya sumilip ako sa bintana... hehe.."- palusot ko.. pa-smile effect pa ako hindi naman bagay.. tsk.. kailangan kong magsinungaling ngayon..
" yun lang ba ang dahilan o may iba pa?!"- sabi nya.. . ang sungit ng lalaking ' to..
" ah, oo.. y-yun lang.."- palusot ko ulit.. " ah, i'm kasey, you?!"- pag-iiba ko ng usapan.. mahirap na baka malintikan ako dito eh nagsisimula pa lang ako eh.. inilahad ko kamay ko.. panandalian nya itong tinitigan na akala moy tinitignan kung may dumi ba excuse me, malinis po kamay ko..
" i'm dean adrian crelain., the president of SSC officer.. "- sabi nya at hindi tinanggap ang kamay ko.. suplado masyado?? kaya binaba ko na lang kamay ko maarte eh! tsk..
" h-hi!"- masigasig kong sabi.. with smile.. pampabawas stress
" anong track kinuha mo?"- he ask, seriuosly.. mukhang hindi ko gusto ugali ng lalaking to ah?!
" umm, HRM."- I said, still smiling
" hmm.. HRM.. as far as I know , an HRM student is on that building.. "- sabay turo sa kabilang building.. nagkaroon ng panandaliang katahimikan......
" so...... what are you doing here? this floor is for an ABM only."- patay! anong sasabihin ko/? isip.
isip......
" ummm,, ano k-kasi, ah,, h-hindi ko kasi alam kung nasaan ang room ko kaya, napunta ako dito kasi baka dito ang room ko.."- ok.. great pretender... atleast nakalusot... naikunot nya naman noo nya na parang nagtatanong
" baguhan ka lang ba?!"- he ask curious
" ah, oo eh.. hehe"- napaisip sya saglit... buti may dahilan ako..
" so ibig sabihin naliligaw ka pero bakit ang sabi mo kanina nalaglag ang kwentas mo sa room na to?!"- patay!
" k kasi, habang hinahanap ko ang room ko ay nalaglag yung kwentas ko kaya ayun!.."-
" eh ano naman yung sinasabi mong naguguluhan ka sa usapan ng mga tao dyan sa loob?"- bakit ba ang daming tanong ng lalaking it, tsismoso ba sya? nakakaimbyerna sya ah?!.. pinapakialaman ang ginagawa ko.
" eh kasi may narinig akong usapan ng mga tao sa loob eh hindi ko maintindihan ang sinasabi nila eh!"-
" so, tsismosa ka pala?!"- aba?! loko sya ah?!.. ako pa talaga tsismosa dito?! kainis ah?! bigla tuloy kumulo dugo ko. err..
" hoy mister! bakit ba ang dami mong tanong sakin? reporter ka ba ha?!"- hindi ko na mapigilang mainis sa kanya.. nakakabwisit eh! Panira ng araw.
" no, i'm not a reporter. i'm a future lawyer.. "- o kitams? future lawyer daw.. kaya hindi na ako magtataka kung bakit ang daming tanong ng lalaking to.. lawyer pala kausap ko eh! plus pulis ako... hehe.. pwede na. pwede ng magpartner.
joke
" umm... sige una na ako, late na ako eh.. nice to meet you na lang.."- sabi ko at agad umalis baka magkaroon ng walang katapusang pag- uusap sa pagitan namin.. mahirap na baka humantong pa sa pag-aaway namin... pero inaamin ko ah? ang cute ng lalaking yun.
at mukhang matalino.
pumasok na ako sa room na nakaasign sakin at gaya ng inaasahan ko., magugulat talaga sila, pati yung prof. napatigil sa pagtuturo ng pumasok ako.. lahat sila seryosong nakatitig sakin.. may multo bang pumasok?? o baka naman may dumi ako sa mukha? grabe kasi makatitig eh.. nagambala ko ata sila.. sorreeyy....
" so, you are~~"-
" yes i am."- i cut what prof said.
" ok. but you are 20 minutes late."-
" i dont care!!"- pagmamataray ko
" please intruduce your self.."- he said..
pumunta ako sa gitna at nagpakilala
" hi everyone.
my name is shia kasey cadiente.. kasey for short.. nice to meet you all.."- pagkatapos kong magsalita, ay umupo agad ako sa bandang likuran para hayahay ang buhay.. haha... e sa tamad talaga akong mag- aral eh! hindi ko nga maintindihan kung bakit ang tamad tamad kong mag- aral , samantalang si kuya, ang sipag- sipag....
xxxxxxxxx
hay sa wakas natapos ang ep.1.. hope you like it.... ep. 2 is next..
another time again..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top