Mischief #1

"Mister, you're so handsome and bagay kayo ng mama ko. I want you to be my daddy. I want a baby sister. Marry my mama and make one for me please."

Muntik nang mabilaukan si Andrius sa sarili niyang laway. His mind blanked for a second.

"Ex-excuse me?"

Napahagikgik naman ang bata.

"Saan ka po dadaan?"

Muli na naman siyang napahilot ng sentido. Mukhang tatanda siya ng mabilis sa batang ito.

"What are you writing?" tanong nalang niya rito.

Sinubukan niyang sumilip sa papel nito pero agad niya itong inilayo sa kanya para di niya makita.

"Secret. Kami lang ni Papa Jesus nakakaalam." bungisngis nito.

"How about a clue?" He can't believe naiintriga siya sa pinaggagawa ng batang ito.

She put one finger on her chin na parang nag iisip.

"Ah basta po, para kay Mama."

"Para sa Mama mo? Sino ba siya?"

He heard her giggle.

"She's the best mama in the world. Gusto mo makilala mama ko?"

Wala sa sariling napatango naman si Andrius. Gusto niyang malaman kung sino bang nagpalaki sa batang ito.

Napahawak naman siya sa baba niya at nag-isip tsaka umiling.

"Bakit naman? I thought you want me to marry your mother?" kunot noo nitong sabi, not that he was really going to do what the child wants, curiosity is just killing him.

"Eh kasi po may kailangan pa akong gawin." Sabi nito at humagikgik pa.

Tuluyan ng nakuha ni Avah ang buong atensiyon niya. What's this little girl up to?

"And what is that?"

Bungisngis lang ang isinagot nito.

"Secret lang po namin yun ni papa Jesus. Pag sinabi ko sa iyo di na magiging secret."

Napabuntong hininga nalang siya. Mukhang di talaga isasabi ng bubwit na ito ang sikreto kuno niya.

"Why do you want me to become your father?" tanong niya nalang muli.

Muli niyang kwinestiyon ang sarili. Bakit ba ang rami nitong tanong? He isn't the type to pry into someone else's life especially a child. Ano bang ginagawa ng batang ito sa kanya.

"Kasi gwapo ka po. Pretty si mama kaya dapat ganon din ang magiging daddy ko. Tsaka gusto ko kasi, brown din ang hair ng baby sister ko tapos kapareho din ng eyes. Black kasi ang hair ni mama tsaka black rin ang mata niya. Sabi nga ni Aling Gemma yung kapitbahay namin di kami magkamukha ni mama at baka daw ampon po ako--'"

Tinitigan niyang mabuti ang bata. Iisipin niyang kadugo nito o anak ang bata dahil kapareho sila ng kulay ng mata at buhok na maalon alon pero impossible iyon. Alam niya sa sarili niyang wala siyang anak at wala siyang nabuntis ng di niya alam. He's been celibate for 9 years at ang batang ito ay nasa 6-7 na taong gulang.

Napatitig siya sa bata at bigla tuloy siyang nagcucurious kung sino talaga ang ina nito. Her dimples reminds of someone...someone from 9 years ago.

Damn it!

Napamura siya sa isip niya. Bakit ba niya naiisip ang babaeng iyon. Biglang kumirot ang puso niyang akala niyang manhid na.

Tinitigan niya muling mabuti si Avah.

This girl is really trouble.

Napailing nalang siya.

"---kaya ayun po namatay iyong aso naming si Sophia."

"H-ha?" hindi niya alam kung bakit napadpad ang pinagsasabi nito sa aso niya. He was to consumed by his own thoughts di niya namalayang may matabil palang nilalang na nagnanarrate sa harapan niya.

At pano napunta ang usapan sa aso niya?

"Hay naku po! Alam niyo deaf na yata kayo." nakapamaywang niyang sabi.

Lumapit pa ito sa kanya at hinila ang pantalon niya.

"Tara na po, sasamahan kita sa hospital."

Nanatili parin siya sa kinatatayuan niya kahit hinihila na siya ng bata.

"Sige na po. Di naman po scary eh, yung in...iject...inection...ay basta yung karayom po para lang bite ng ants. Di nga ako nag-iyak eh. Tapos binigyan pa ako ng lollipop kasi brave daw ako. Baka kayo po bigyan rin."

Bumuntong hininga naman siya at lumuhod para magkasing taas lang sila ng bata.

"Look Avah, I think it's time you went back to your mom, she may be looking for you."

Umiling naman ito.

"Hindi naman po eh."

"What do you mean?"

"Wala naman siya dito eh."

Muli naman siyang napakunot ng noo? What does she mean by that.

"And why is that?"

Napakamot naman ito ng ulo niya.

"It's compilated po."

Baka 'it's complicated' pero di na siya nag-abala pang koreksiyunan ang bata. She's just too adorable trying to muster words like an adult.

He just purse his lips and decided not to push it.

"All right. Then who took you here?" It would be impossible for this child to be here by herself.

"Ganito po kasi yan, si--"

Biglang tumunog iyong telepono niya kaya wala siyang magawa kundi sagutin ito. It must be something important.

"Hold on." Sabi niya kay Avah.

It was his private attorney kaya nagpasya siyang sagutin ito.  Tungkol ito sa lupang plano niyang patatayuan ng bagong branch kaya lang may konting di pagkakaunawaan lang sa mga naninirahan doon. Inireport naman ng attorney niya ang mga kasalukuyang nagaganap at ginagawang solusyon doon.

Masyado siyang tutok sa kanilang usapan, hindi niya napansin ang pagbukas - sara ng pinto.

Kakatapos lang ng tawag niya ng mapansin niyang nawawala ang bata.

"Avah?"

Inilibot niya ang tingin sa buong opisina niya pero wala siyang makita ni anino nito.

He stepped out of his office at nakita niyang kakasara lang ng elevator.

He was about to go after it ng mapatigil siya.

Why was he about to chase after the child anyway? Napailing nalang siya at bumalik sa kanyang opisina.

He was left alone in the solace of his quiet office. Maraming tanong ang pumapasok sa utak niya. That little girl really made him curious.

Who took her here?

Pano ba ito nakarating sa opisina niya. Nasa ikadalawampung palapag ang opisina niya. He can't believe she managed to wander around in this part of the building.

Nawaglit siya sa iniisip niya ng biglang kumatok iyong sekretarya niya at isinilip ang ulo mula sa pinto.

"Nandito po si Mr. Hudson sir, papapasukin ko po ba?"

Napakunot naman siya ng noo. Oliveriano Hudson? Anong ginagawa niya dito. He can't believe it. Two surprises in one day. Pag sinuswerte  ka nga naman.

"Let him in." Maikli niyang sabi at wala pang isang minuto ay pumasok na ito sa opisina niya at umupo sa sofa. Talagang feel at home na feel at home ang gago.

"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito Oliveriano."

"Come on man, I told you call me Oliver. Malay mo, yung masamang hanging nasinghot ng mama ko nung pinag-isipan nila iyong pangalan ko ang nagdala sa akin dito. At ano namang masama sa pagdalaw ko? I'm one of the major stock holder in your company. Natural lang na ichecheck ko kung ano ng kalagayan ng investment ko."

"Kung yun lang ang ipinunta mo dito, your money is fine. Stable pa ang kompanya at maayos parin ang market sales. Maaari ka nang umalis."

"Geez chill dude. What crawled up in your ass and died? Kaya ka walang syota dahil ang sungit mo eh."

Biglang uminit ang ulo niya.

"Just get the fuck out of here, Hudson!" Pabagsak niyang sabi.

Lumapit naman ito sa kaniya at inilagay ang dalawang kamay sa desk niya.

Nagsukatan sila ng tingin. And like hell kung magpapatalo siya lalong lalo na sa lalaking to.

"Uy G-tech! Akin na to ah. Wala kasi akong ballpen eh palaging nawawala." Mabilis pa sa kidlat itong nag-iba ng interes.Bigla nitong iniwas ang atensyon sa kanya at biglang kinuha ang pluma sa desk niya at ibinulsa.

Hindi makapaniwala si Andrius sa mood swings ng lalaking ito parang bata. He really hate his guts.

Napasandal nalang siya swivel chair niya at napahilot ng sentido. Who knew he had to deal with two children in one day.

"Ano ba talagang ipinunta mo dito Hudson?"

"Masama bang kumustahin ka? Come on man, we're best buds since college. You came back from US nag-iba ka na. What really happened to you, what happened to us?!"pagdadrama nito pero wala siya sa mood para patulan ito.

"Just get out before I'll have security to drag you out."

"Fine" Naglakad na ito palabas ng opisina niya at sinarado ang pinto pero wala pa man nakakasampung segundo at may kumatok ng panlimang beses at sumilip ang ulo ni Oliveriano.

" 🎶Do you wanna build a snowman?🎶🎶Or come with me and bang a whore~" kanta nito.

"Hudson." pabanta nitong sabi sa kanya na siya namang ikinatawa ni Oliver.

Muntik na nga niyang maibato ang sapatos niya dito.

"Seriously Ferrer, para kang si Elsa of Erindell. You always drive everyone out. Tsaka ang cold mo. Loosen up a little will you?  You really need to get laid Ferrer."

"Fuck off."

"Dude dapat fuck on. What you need is a sex life. Mukhang matagal mo nang di nailalabas yan kaya bumabara sa utak mo ayan tuloy palaging mainit ang ulo."

"Oli-- ”

" Oo na, oo na. Aalis na po wag mo lang ulit babangitin ang isinumpang pangalan ko. Geez."

Tuluyan na nitong isinarado ang pinto  pero muli nanaman itong bumukas.

"Oliveri---"

"I know I know, may itatanong lang ako.Can I have your permission to bang your secretary? She's really hot. Can I?"

Sinamaan niya lang ito ng tingin.

"Right. Okay. So silence means yes. Good day." Mabilis naman nitong isinarado ang pinto at napabuga naman siya ng hangin ng tuluyan na ngang di siya ginulo ni Oliver.

Bubuksan na niya sana ang laptop para magcheck ng mga emails ng biglang tumunog iyong pribadong linya ng telepono niya.

He checked to see who the caller was at napahilot nanaman siya ng sentido.

Can this day get any worse?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top