Last Mischief
Nakatayo ngayon si Andrius sa harap ng pinto ng isang maliit na bahay.
Hindi niya alam pero kinakabahan siya.
Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na ngayon lang toh. This is just a one time only. Pinagbibigyan lang niya si Avah dahil makulit ito at sa isang araw ay napalapit na ang loob niya sa bata.
Hindi niya alam kung anong nasa batang iyon at di siya makatanggi. He hates blind dates at wala siyang planong pumasok sa isang relasyon at kahit pilitin man siya ay di siya pumapayag pero isang tingin lang ng batang iyon ay nadadala na siya.
She got him wrapped around her little fingers.
Inayos niya ang buhok at damit tsaka kumatok sa pinto.
Naghintay siya ng ilang segundo pero walang sumasagot.
Nilingon niya si Avah na nasa loob ng kotse niya pero sumenyas lang ito na ipagpatuloy lang ang ginagawa niya.
Muli naman siyang kumatok at nagsimula ng mainip ng marinig niya ang boses mula sa loob.
"Sandali lang! Putspa naman oh, sarap ng tulog eh." rinig niya mula sa kabila ng pinto
Biglang bumilis ang kabog ng dibdib niya nang marinig ang boses nito. Isang tinig na sa loob ng siyam na taon ay naririnig niya lang sa kanyang panaginip na tuwing maalala ay maghahatid ng kirot sa dibdib ngunit sa kabila nito'y di maitatangging hinahanap hanap parin niya.
"Kung kayo yung mga batang bumalik para mangangaroling sa kalagitnaan ng taon, magsimula na kayong tumakbo dahil ibibitin ko talaga kayo patiwarik gamit ng christmas lights--"
Saktong pagbukas ng pinto ay sabay silang napasingap ng makaharap ang isa't isa.
Ang kanina pa niyang mahigpit na hinahawakang bulaklak ay nabitawan at nalaglag sa sahig.
"Andrius?/ Sienna?" sabay nilang bulalas.
Before he could even recover from shock ay agad siyang pinagsarhan ng pinto nito.
Ilang minuto din siyang walang kibo at nakatitig sa pintong pinagsarhan siya. Unti unti niyang nilingon si Avah na ngayo'y nasa likod na niya at nakangisi.
"She's your mama?" di niya makapaniwalang bulalas at tumango lang ito.
Halo halo ang nararamdaman niya kaya wala nalang siyang ibang nagawa kundi mapahilamos ng mukha.
Nine years...nine fucking years then why now?
Sa tingin niya pinaglalaruan lang siya ng tadhana or was it this mischievous little girl, pero imposible naman yata iyon.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.
Siyam na taon kinimkim niya ang galit para sa babaeng bigla nalang siyang iniwan na walang paalam at ngayon malalaman niyang may anak na ito?
The woman left him with a broken heart, siyam na taon niya itong pilit inaayos but still finds himself crying himself to sleep whenever he remembers her. How can he fix his broken heart when a piece still remains with her.
Hindi niya alam kung anong mararamdaman ngayon. Lungkot? Saya? Kaba? Pagsisi? Marami, pero ni isa don ay wala na siyang makapang galit. Parang iyong galit na nararamdaman niya sa makalipas na siyam na taon ay naglaho na parang bula.
Napatingin siya kay Avah.
Nakabungisngis parin itong nakatingin sa kanya.
"Does your mom even know where you were today?" tanong niya
Nagtaka siya, she doesn't seem like she's aware na nawawala ang anak niya.
"Hindi po, wag mo pong sabihin kay mama. Kasama ko po kasi muna sina lalamamsi at lolopapsi."
Napatango naman siya at tinanggap ang dahilan ng paslit. Still he still haven't figure out how she got to his office all by herself o may kasama ba siya.
She's too witty and brave for a young girl of her age.
Lumuhod siya upang lumebel dito.
He was about to tell him that the thing between him and her mom will never gonna work but something in the girl's eyes was making him stop and rethink his decision.
Hinawakan ni Avah ang magkabila niyang pisngi at pinisil.
"I want you to be my daddy. So be a man, okay? You passed."
This girl never really ceases to surprise him at times. Kung makasalita ito parang matanda na. At anong sinasabi nitong nakapasa.
"You were testing me?"
"Hehe, I love you daddy." tugon lang nito but it sent his heart shaking. Parang tumaba iyong puso niya sa sinabi nito.
Napabuntong hininga nalang siya.
For some reason may pumipigil din sa kanyang umalis. Nakatayo parin siya sa mismong harap ng pinto. He doesn't want to admit it but he really want to risk it and take a chance.
Seconds later, he found himself knocking on the door again. Avah returned to his car.
"Sienna!" sigaw niya sabay katok pero ni hindi siya nito pinagbuksan.
"Sienna!"
"Ano?" nagulat siya ng bigla siyang pagbuksan ng pinto at sinalubong siya ng nakasimangot na mukha.
"I want to talk please." malumanay niyang sabi.
Tila nagdadalawang isip pa ang dalaga kung papapasukin ba niya ito o hindi.
Napabuntong hininga naman ito at lumambot ang mukha. Nilawakan nito ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok siya.
"Tuloy ka."
Nang makapasok siya ay nilibot niya ang tingin sa loob ng bahay. It was small and cramp.
Ang sala at hapagkainan ay iisang pwesto lamang katabi nito ang tingin niya ay c.r. May dalawang kuwarto naman ito.
Hindi niya mapigilang mapaisip. If she hadn't left him, magara sana ang buhay niya ngayon. She would've lived like a queen. Itong tinitirhan niyang bahay ay katumbas lang sana ng kwarto nila kalaki. If she hadn't left him, he would've given her the world, everything she could ever need and want.What if she stayed? Ano na kaya ang buhay nila ngayon?
Napailing siya at pilit binaling ang atensiyon sa maliliit na bagay na mayroon sa bahay. Walang magbabago kung patuloy niyang iisipin ang mga bagay na iyon. It would be pointless.
Naligaw ang tingin niya sa babae. The woman he ever loved too much to the point that he could not think it would be possible of ever loving someone else again.
Pumayat siya. Lumalim ang mata niya. Maputla din ang balat niya. She looks like someone who's just recovered from chemotherapy. Mukhang hindi siya masyadong lumalabas sa bahay. Sa kabila doon ay kita parin ang natatangi niyang kagandahan.
He looked into her eyes and he could see different emotions.
"Ahm...ano kukuha lang ako ng maiinom." Sabi nito at nagpunta sa kusina nila.
Naghanap siya ng mga litrato ni Avah pero ni isa wala siyang makita. Sa sobrang hirap ba nito ay hindi niya kayang bumili ng picture frame man lang? The house looks...lifeless.
"How have you been all this years?" pambabasag niya sa katahimikan nang makabalik ito na may dala dalang pitsel ng tubig at baso.
"O..okay lang naman. Ikaw?" Sabi nito pero pansin ni Andrius iyong kalungkutan sa mga mata nito.
"Fine." He pursed his lips. Naalala niya si Avah. Maraming tanong ang naglalaro sa isip niya. Why is she staying with her grandparents?
Tumikhim siya bago magsalita.
"I heard you have a daughter."
Nagulat siya ng bigla nitong mabitawan ang baso dahilan para mabasag ito sa sahig.
" Ayos ka lan----"
Agad namang tumayo si Andrius para tulungan siya.
"Maaari ka ng makalabas Andrius." malamig nitong sabi sa kanya.
Napakunot siya ng noo. Why did her mood change all of a sudden?
"Sienna ano bang----"
"I SAID LEAVE ANDRIUS!!" Pinagtaasan siya ng boses nito sa di niya malamang kadahilan.
Sa halip na umalis siya ay nanatili siya sa kanyang kinatatayuan. Tiim bagang niya itong tiningnan. Hindi niya ito maintindihan kung bakit siya ganyan. Ito ang nang-iwan sa kanya. She left him without much of a word pagkatapos ay siya pa ang may ganang magtaboy sa kanya.
"I'm not leaving here until I get what I want." Pagmamatigas nito. Gusto lang niya malaman ang tungkol sa bata at kung anong nangyari sa babaeng kaharap niya ngayon.
Seeing her today confirmed everything. Hindi parin pala nawawala ang pagmamahal niya rito. Sa loob ng siyam na taon ay napuno ng galit at pagkamuhi ang puso nito sakanya yet just one look at her again ay bigla nalang iyong naglaho.
All he wants to do right now is to hold her tight and kiss her.
Nagulat nalang siya ng bigla siya nitong pinaghahampas-hambas sa dibdib.
"I hate you! I hate you! Bakit ka pa ba bumalik? We were doing fine! I was doing fine without you. Ano pa bang gusto mo ha!? I hate you. Bakit kailangan mo pa akong saktan ng ganito ha?" It was like she was having a tantrum. Nakita niya itong lumuluha.
Wala nalang siyang nagawa kundi yakapin ito ng mahigpit kahit nagguguluhan na siya sa sitwasyon. Bakit parang lumalabas na siya pa ang nanakit sa kanya? It was she who left him with another man.
Ramdam niyang basa na ang damit niya sa mga luha nito pero isinawalang bahala nalang niya ito.
"I...I understand if you don't want to talk about Avah."
Pilit niya itong inintindi. Siguro'y hindi pa ito nakakamove-on sa ama ni Avah. Sumikip iyong dibdib niya pero di niya lang ito pinansin.
"N...no, siguro panahon na para malaman mo ang tungkol kay Avah."
"Hindi, naiintindihan ko. Wala ako sa lugar para manghimasok sa inyo. If you don't wan--"
"Anak mo siya." Pagputol nito sa kanya.
Tila nabingi si Andrius sa narinig. He was not able to move. Ni hindi siya makabuo ng wastong pangungusap sa gulat.
"H-how did...what...I...I don't understand."
Inalala niya ang mukha ni Avah. Her brown wavy locks, her chocolate brown eyes. They do have some resemblance but he just thought it was a coincidence.
Nag-angat ng tingin sa kanya si Sienna at nakita ang naguguluhan niyang mukha kaya naguluhan rin ito.
"Akala ko alam mo na. Isn't that why you're here?"
"I don't...it's not...how...ah shit." parang nabubulol parin iyong dila niya.
He was again at loss for words. How would he explain that her mischievous daughter led her here without him knowing who she was.?
Napabitaw siya ng yakap dito. He loved the idea of Avah being his own flesh and blood. Hindi na siya nagtanong pa. Even if it was a lie, tatanggapin parin niya ito just to have her back in his life again of course with a bonus of a cute brat.
"Sorry....sorry talaga." paulit ulit na paumanhin ni Sienna habang humahagulgol parin.
He reassuringly hugged her at repeatedly pat her back. He loved her so much he easily forgave him.
He was floating on cloud nine only to fall hard back to the ground.
"She died. Avah died three years ago."
...
(A/N
Okay, final part will be next week maybe.
To be honest wala talaga akong planong tapusin ito, it started out as a random idea when I saw a pic at nasimulan ng isang chapter pero dahil nasimulan na ay tinapos ko na rin. Thanks for reading this short story.)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top