CHAPTER 22

CHAPTER 22

"HINDI KA okay, Aminah." Sabi ni Psyche sa kaniya ng bisitahin siya nito isang araw sa condo niya habang nakaupo sila sa mahabang sofa sa sala. "Hindi ka puwedeng maging ganito, buntis ka, kung hindi pa ako bumisita hindi ka pa kakain."

Tinuyo niya ang ilang butil ng luha na nalaglag sa pisngi niya. "Ayos lang ako, Psyche." Huminga siya ng malalim. "I'd been trying to be okay. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na dapat matanggap ko na si Magnus pagkatapos ng paliwanag niya nuong isang araw kasi nga magkakaanak na kami, pero sa tuwing kumakatok siya sa labas ng pinto ng condo ko, sa tuwing naririnig ko ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko, ang sakit-sakit pa rin. Hindi ko pa rin siya kayang harapin." Napahikbi siya. "I'm trying so hard to forget everything and forgive, pero kahit anong pilit ko sa sarili ko, hindi ko magawa. Ang sakit-sakit pa rin at naiinis na ako sa sarili ko kasi hindi ko magawang burahin yong sakit sa puso ko."

Bumuntong-hininga si Psyche saka pinisil ang kamay niya. "Aminah, ang ganiyang klaseng sakit sa puso, hindi naman yan basta-basta nawawala. The heart always needs time to heal the wound. Hindi mo puwedeng pwersahin ang sarili mong burahin ang sakit kung hindi pa 'yon ang tamang panahon para mawala siya. You can't force your heart to forget the pain because it's still bleeding."

Tinuyo niya ang basang pisngi dahil sa mga luha niya. "I want to be with Magnus, Psyche." Malakas siyang napahikbi, "i want to be with him, but the pain... my heart won't let me." Mas lumakas ang hagolhol niya. "Gusto ko na siyang makausap, makasama, mayakap pero sa tuwing nakikita ko siya mas lalong sumasakit ang puso ko. God knows how much i want to forgive Magnus, to forget everything and just be with him, but i can't... i'm trying, but i couldn't."

Niyakap siya ni Psyche mula sa tagiliran. "Mas makakabuti siguro kong lumayo ka muna hanggang sa kaya mo na siyang harapin ulit." Hinaplos nito ang buhok niya, "rest for a while. Balikan mo nalang siya kapag kaya mo na. At kung talagang mahal ka nga niya, hihintayin ka niya. He owe you that, Aminah."

Humugot siya ng malalim na hininga. "Tama ka, magbabakasyon muna ako." Niyakap niya ang sarili, "hindi ko pa kaya sa ngayon, masakit pa rin. I had been hurt before, Psyche, pero iba ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang sasabog ang puso ko sa sakit."

Tumango si Psyche. "You rest. And when the time comes that you can finally face Magnus without feeling pain, then its time for you to forgive him and love him."

Mahina siyang napahikbi. "I will do that... i'll rest for now."

"Sige," pinakawalan siya sa pagkakayakap ni Psyche. "The weather in Korea is nice this time of year, ako na ang bahala sa plane ticket mo at sa titirhan mo do'n. Puwede ka sa bahay, puwede pa kitang samahan do'n kung gusto mo."

Nginitian niya ang kaibigan. "Salamat, Psyche. I owe you a lot."

Psyche smiled back. "You dont owe me anything. That's what friends are for."

Kahit papaano ay sumaya ang puso niya dahil may kaibigan siyang mapagkakatiwalaan at maaasahan. "Salamat, Psyche. Pero ayos lang kung hindi mo ako samahan, hindi naman siguro ako doon magtatagal. Kailangan ko lang ng time na walang Magnus na kakatok sa pinto ng condo ko araw-araw. My heart needs to heal. Babalik din naman ako," hinimas niya ang tiyan, "my baby deserves to have a father. I just need time to heal."

Psyche smiled. "Sige, ikaw ang bahala. Basta mag-iingat ka do'n." Tumayo na si Psyche mula sa pagkakaupo sa sofa, "tatawagan kita kapag naayos ko na ang plane ticket mo, may kaibigan ako sa immigration kaya hindi ka mahihirapan." Hinaplos nito ang pisngi niya, "pack your clothes. Baka bukas din, makaalis ka."

Tumango siya saka mas humigpit lalo ang yakap niya sa sarili.

Nang makaalis si Psyche, nanatili siya sa sala, kaya naman narinig niya ng may kumatok at narinig ang boses ni Magnus.

"Aminah! I'm back! Please, mag-usap tayo."

Her heart instantly contracted in pain.

"Aminah, please... give me a chance to explain."

Tinakpan niya ang tainga. Ayaw niyang marinig ang pagsusumamo nito. Mas lalong sumasakit ang puso niya.

"Aminah, please, open the door... talk to me please." He begged. "Please, Aminah, I love you so much. Please! Please!"

Umalis siya sa sofa at mabilis na tumakbo patungo sa kuwarto niya para makatakas siya kay Magnus saka naglagay ng mga damit sa maleta hanggang sa mapuno 'yon.

Psyche is right. She have to get away from Magnus for now. She have to heal. She have to erase the pain in her heart before she face Magnus again.

For now, this is the right thing to do.

GABI NA NANG matanggap ni Aminah ang tawag ni Psyche. Naayos na niya ang lahat at sinend na sa e-mail niya ang ticket niya. Ang kailangan nalang niyang gawin ay sumipot sa Airport para makaalis siya patungong Korea.

Inilapag niya ang cellphone sa ibabaw ng kama saka umalis sa kuwarto niya at bumama sa sala.

"Aminah, please, talk to me." Anang namamaos na boses ni Magnus.

He's still here?

Humugot siya ng malalim na hininga saka naglakad patungo sa pinto at binuksan 'yon.

Gumuhit ang gulat sa mukha ni Magnus ng pagbuksan niya ito kapagkuwan ay malapad na ngumiti.

"Aminah!" Sinugod siya nito ng mahigpit na yakap. "God, i miss you so much!"

Tinulak niya ito palayo sa kaniya at nakita niya ang sakit na bumalatay sa mukha nito dahil sa ginawa niya.

"Aminah--"

"I need space, Magnus." Aniya habang pinipigilan ang sarili na hindi umiyak. "Pareho nating kailangan 'yong dalawa. Please, give me that."

Umiling ito. "No... iiwan mo ako. Nararamdaman ko, Aminah, iiwan mo ako." His eyes were begging, "i came here everyday, knocking and begging in front of your door, hoping that you'll forgive me. Tapos sasabihin mo sakin ngayon na kailangan mo ng space? Aminah naman, huwag mo naman sakin gawin 'to."

"E di sana hindi mo rin ako sinaktan. That way, hindi sana tayo nag-uusap ngayon ng ganito." Huminga siya ng malalim. "I just need space, Magnus. 'Yon lang. Babalik din naman ako tapos mag-uusap tayo."

Umiling ito saka mapait na ngumiti. "No... no, you're leaving me." Hinawakan siya nito sa kamay. "Please don't leave me. Puwede naman tayong mag-usap ngayon, bakit kailangan mo pang umalis?"

Napakurap-kurap siya ng may nahulog na ilang butil ng luha mula sa mga mata niya. "Magnus, God knows how much i want to be with you, but not now, i'm still in pain and if this pain continue to torture my heart, baka mas piliin kong kalimutan ka nalang at mag move on." Inagaw niya ang kamay na hawak nito saka tinuyo ang luha sa pisngi niya, "just give me this one and i'll give you a chance when i get back. Huwag lang ngayon, sobrang sakit pa e. Pagpahingahin mo muna yong puso ko. Alam mong minsan na akong nasaktan dahil sa kabaro mo, tapos sinaktan mo rin ako ngayon, kaya masyadong masakit kasi pinaniwala mo ako na hindi ka katulad nila."

Tumiim ang bagang ni Magnus kapagkuwan ay hinaplos ang pisngi niya saka umatras ito. "Fine. I'll give you your space, just promise me, hindi mo ako iiwan, na babalik ka."

Tumango siya hanang namamalisbis ang luha sa pisngi niya. "Promise. I need this, Magnus."

Nag-iwas ng tingin si Magnus pero hindi nakatakas sa tingin niya ang panunubig ng mga mata nito.

"Maghihintay ako, Aminah." Wika nito bago umalis ng nakakuyom ang kamao.

Siya naman ay pumasok sa condo niya at isinara ang pinto saka napasandal do'n at napadaosdos ng upo sa sahig habang yakap niya ang sarili ay umiiyak.

Ang sakit... ang sakit-sakit na... hindi na niya kaya. Parang sasabog ang puso niya sa sobrang sakit ng dibdib niya.

But even though it's painful, even though she couldn't take it anymore, she can't just give up life. Buntis siya, may buhay sa sinapupunan niya at iyon ang kailangan niyang ipaglaban. Iyon ang pinagkukunan niya ng lakas para makaahon sa sakit na nararamdaman niya.

She have to be strong for her child and she have to be strong for herself.

"MAG-IINGAT ka do'n ha?" Bilin sa kaniya ni Psyche ng puntahan siya nito kinabukasan sa condo niya. "Pagdating mo do'n, tawagan mo kaagad ako okay?"

Nakangiting tumango siya. "Yes. Don't worry about me, Psyche, okay?"

"Mag-aalala ako sayo, okay? Kasi kaibigan mo ako." Niyakap siya ni Psyche. "Basta mag-ingat ka do'n."

Tumango siya. "I will."

Sabay silang lumabas ni Psyche sa condo niya, siya ay hila-hila ang travelling bag niya. Pagka-lock niya ng pinto, sabay silang sumakay si Psyche at nagpahatid sa ground floor. Naghiwalay lang sila ng kaibigan sa lounge dahil nandoon na ang taxi na maghahatid sa kaniya sa Airport.

Habang nakasakay sa Taxi, panay ang hinga niya ng malalim. Hindi niya alam kung bakit nanenerbiyos siya at kinakabahan sa gagawin niyang pag-alis.

Hindi ba ito naman ang gusto niya? Ito ang makabubuti para sa kaniya, kung ganoon bakit parang ang bigat sa dibdib? Bakit ang bigat sa pakiramdam?

Humugot siya ng malalim na hininga saka tumingin sa dinadaanan. This is for the best. Babalik din naman ako kapag okay na ako. Kailangan niya itong gawin.

"NO! I HAVE TO SEE HER!" Sigaw ni Magnus sa Security Guard ng labas ng condominium building kung saan naroon ang condo ni Aminah. "Please, i have to see her! Let me in. Kailangan kong makausap si Aminah."

Panay ang harang sa kaniya ng guard. "Pasensiya na, Sir, nagrereklamo na kasi ang mga katabi ng may ari ng condo na ginugulo mo. Ang ingay mo raw kaya pinagbawalan ka na ng Management na papasukin."

"No..." umiling siya, "please, kailangan ko lang siyang makausap."

"Pasensiya na, Sir. Ako ang mawawalan ng trabaho kung papapasukin kita."

Bumagsak ang balikat niya saka tiningala ang mataas na gusali.

Aminah...

Hindi pala niya kaya... hindi niya kayang hayaan itong umalis at maghintay na bumalik ito. Hindi niya kaya. Iniisip palang niya, para na siyang mababaliw.

Kailangan niya itong makausap, kailangan niya itong pigilan.

Humakbang siya paatras, nag-iisip sa susunod na hakbang, pero bago pa siya makapag-isip ng dapat gawin, may kumalabit sa balikat niya.

Mabilis niyang nilingon ang kumalabit sa kaniya. Kumunot ang nuo niya ng tumuon ang mga mata niya sa isang babae. "May kailangan ka?"

"Kaibigan ko si Aminah." Anito. "At umalis na siya. Nandoon na siya sa Airport ngayon kaya huwag mo na siyang guluhin pa."

Dread and fear consumed him. "No..."

Tumakbo siya patungo sa kotse niya saka nagmamadaling sumakay at pinaharurot 'yon patungong Airport.

"No..." marahas siyang umiling. "Hindi mo ako iiwan. Hindi... hindi!"

Inapakan pa niya lalo ang silinyador para mas bumilis pa ang takbo niya.

"No, Aminah..." humigpit ang hawak niya sa manobela, "hindi ka puwedeng umalis... hindi ko pala kaya... hindi ko kayang wala ka... hindi ko kayang malayo ka." Tumalim ang mga mata niya. "You're mine, Aminah, and i will keep you."

Mas binilisan pa niya lalo ang pagmamaneho, halos lumilipad na ang sasakyan niya. Mas bibilisan pa sana niya ng bigla siyang makarinig ng malakas na busina ng bumaling siya sa pinanggalingan no'n, nanlaki ang mga mata niya ng makitang may malaking truck na babanga mula sa kanang bahagi ng sasakyan niya.

It was too late to move out of the way... too late to escape.

Pinikit nalang niya ang mga mata saka inisip ang nakangiting si Aminah habang masayang nakatingin sa kaniya. Napuno ng kasiyahan ang puso niya. And the next thing he knew, his car is flying in the air and when it hit the ground, he lost his consciousness.

#MayJowaKaNgaXXSNaman - Bigti at laslas na 'yan. Hahaha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top