CHAPTER 21

CHAPTER 21

PARA LIBANGIN nag sarili, pumunta sa Mall si Aminah at nag pa-ikot-ikot. Wala naman siyang bibilhin na nasa isip niya pero dinala siya ng mga paa niya sa Department Store kung saan naroon ang mga damit pambata.

Hinaplos niya ang pambinyag na damit na nasa harapan niya saka napangiti. Kung babae ang anak niya, tiyak babagay dito ang damit na 'to.

Wala sa sariling hinaplos niya ang tiyan niya. "Magugustuhan din kaya ng Daddy mo ang damit na 'to?" Tanong niya at may nahulog na luha sa pisngi niya.

Mabilis niya iyong pinahid at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Ayaw na muna niyang isipin si Magnus. Kagabi pa siya umiiyak. Mugtong-mugto na ang mga mata niya. Hindi na niya kaya pang umiyak na hindi nananakit ang mga mata niya.

"Aminah? Is that you?"

Napukaw siya sa kaniyang pag-iisip at nilingon ang tumawag sa pangalan niya.

Natigilan siya ng makita ang ex-fiance niya na hindi siya sinipot sa simbahan. "Josh." Huminga siya ng malalim. "Ikaw pala."

Ngumiti ito. "Hi. Kumusta?"

Sa halip na sagutin ito, tumuon ang tingin niya sa katabi nitong babae na medyo may kalakihan na ang tiyan dahil halata na 'yon sa suot nitong damit. Kapagkuwan ay ibinalik niya ang tingin kay Josh.

"Asawa mo?"

Tumango ito. "She's six months pregnant." Nakangiting sabi nito, halata ang excitement sa mukha nito.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Hinintay niya ang sakit na palaging lumulukob sa puso niya kapag naiisip niya si Josh noon, pero hindi iyon dumating. Hindi niya iyon naramdaman sa mga sandaling iyon. Sa halip ay ngumiti siya.

"Congratulations." Aniya.

"Salamat." Anang babae na mukhang walang ka idi-ideya kung sino siya noon sa buhay ni Josh at wala naman siyang balak ipaalam rito. "Buntis ka rin ba?" Tanong ng babae sa kaniya. "Nandito ka kasi."

Kagat ang labing tumango siya. "Yes."

"Aww. Ilang buwan na?"

Umiling siya. "Hindi ko pa alam."

"Ganoon ba? Alamin mo na para makapaghanda kayo ng Mister mo." Ini-angkla nito ang braso sa braso ni Josh. "Kami nga nitong si Josh, talagang naghanda kaming dalawa e."

Sinalubong niya ang tingin ni Josh sa kaniya. "Congratulations." Tinanguan niya ito bilang paalam. "Sige, mauna na ako."

Nakakailang hakbang palang siya ng may pumigil sa kaniya sa braso.

"Can we talk, Aminah?" It was Josh.

Humarap siya rito at inalis ang pagkakahawak ng kamay nito sa braso niya. "Kung ano man 'yon, Josh, ayoko nang pag-usapan 'yon. Tapos na ang bahaging yon ng buhay ko at ayoko nang balikan pa. Sana maging masaya ka sa asawa mo at sana huwag mo siyang iwan sa ere tulad ng ginawa mo sakin noon." Nginitian niya ito saka naglakad siya palayo.

Nang makalabas ng Department Store, pumasok siya sa isang Cafe at akmang oorder ng kape ng maalala niyang hindi yata yon puwede sa buntis, kaya naman Frappe nalang ang inorder niya at isang slice ng carrot cake kasi wala naman doon Milk Tea.

Matapos kumain, lumabas siya ng cafe at walang destinasyong nagpalakad-lakad lang siya sa Mall. Nang mapagod, umuwi siya sa condo niya at naabutan niya ang kaniyang ina na nasa labas at halata ang iritasyon sa mukha.

"Thank God, you're here." Anito habang masamang nakatingin sa kaniya.

Hindi niya ito pinansin saka binuksan ang condo niya at pumasok siya. Umupo siya sa sofa at akmang bubuksan ang TV ng agawin ng ina niya ang remote sa mga kamay niya.

"Bakit hindi ka um-attend sa kasal ng pinsan mo?" Nameywang ito. "Nakakahiya, Aminah. Sa pamilya natin, mag-isa lang ako do'n. Saan ka ba nagpupunta at hindi ka dumalo?"

Pagod na tiningala niya ang ina. "Yan talaga ang inalala mo, Mommy? Hindi mo man lang ba naisip na baka may nangyaring masama sakin kaya hindi ako nakadalo?"

"Bullshit, Aminah. Kung may nangyaring masama sayo, malalaman ko kasi tatawag sakin ang manager ko."

Mapakla siyang tumawa. "Wala kang alam, Mommy. Ni hindi mo nga alam na buntis ang nag-iisang mong anak, e."

Bumadha ang gulat sa mukha nito at napakurap-kurap. "Anong sinabi mo?"

Tumayo siya at taas nuong hinarap ang ina niya. "Buntis ako."

Napuno ng kaguluhan ang mukha nito. "Ano? Sino ang ama?"

"Wala ka na do'n." Tinalikuran niya ito pero pinigilan siya nito sa braso.

"Anong wala na ako do'n, ha?" Pinihit siya nito pahatap dito. "I'm your mother, Aminah! Syempre may pakialam ako sayo!" Bulyaw nito sa kaniya. "Sino ang ama ng batang dinadala mo ha?"

"Hindi ko kilala."

"Huwag kang magsisiningaling sakin, Aminah." Dinuro siya nito. "Alam kong alam mo dahil hindi ikaw ang uri ng babae na pumapayag sa one night stand. At kung kilala mo ang lalaking 'yon, papanagutin mo! Hindi kita pinalaki para maging duwag magsabi ng katutuhanan sa nakabuntis sayo."

Pagdating kay Magnus, duwag siya. Ayaw na niyang madagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya.

Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi ko siya kilala, Ma." Pagkasabi no'n ay iniwan niya ito sa sala at umakyat sa kuwarto niya.

Wala siyang pakialam kung umalis na o nanatili sa condo niya ang kaniyang ina. Inaantok siya kaya matutulog siya. Ayaw niyang manatiling gising habang mag-isa sa condo  niya dahil alam niya ang kalalabasan no'n, iiyak lang siya.

NAGISING si Aminah dahil sa pag-iingay ng cellphone niya pero hindi niya iyon pinansin, katunayan ay pinatay pa niya ang tawag pati ang cellphone niya. Ayaw niya ng isturbo. Ayaw niya ng maingay.

At dahil hindi na siya makatulog, bumaba siya sa sala at nanuod ng T.V.

Aminah was watching a comedy film but her tears are streaming down her face. Ni hindi nga niya namalayang namamalisbis na pala ang luha niya. Kaagad niyang tinuyo iyon saka kinusot ang mga mata para hindi na siya maluha.

She had been like this before... but this is the worst. She can't seem to stop crying and feeling the pain in her heart.

Napukaw ang pag-iisip niya ang tumunog ang doorbell ng condo niya. Tumayo siya at naglakad palapit sa pinto. Sinilip muna niya ang peephole para tingnan kung sino ang nasa labas, nang makitang si Psyche 'yon, kaagad niyang binuksan ang kaibigan.

"Hey. How are you?" Nakangiting tanong nito at nakipag-beso-beso sa kaniya. "May mga dala ako para sayo."

Napatingin siya sa dala nitong cellophane. "Ano naman ang mga 'yan?"

Psyche grinned. "Pregnant stuff." Excited itong pumasok sa bahay niya saka nagtuloy-tuloy sa dining table niya.

Siya naman ay isinara ang pintuan saka sinundan si Psyche. Naabutan niya itong isa-isang inilalabas ang laman ng cellophane na dala nito.

"A milk for pregnant women." Ani Psyche saka nginitian siya. "Vitamins for the baby. Lots and lots of ice cream and of course five different flavors of Milk Tea."

Aminah beamed at Psyche. "Maraming salamat."

"Welcome." Ani Psyche saka tinapik-tapik nito ang cover ng gatas. "One glass every day and every night. Okay? Para mas maging healthy si baby. Tapos kinausap ko na kanina ang kilala kong OB-GYNE Doctor, si Dra. Czarina Salem-Stroam, nakapagpa-set na ako sa kaniya ng appointment para bukas. 10 AM. Text ko sayo mamaya ang exact address ng Clinic niya, hindi ko kasi kabesado nasa note ko 'yon e. And then of course, we'll visit some stores--"

Bigla niya itong niyakap ng mahigpit. "Salamat, Psyche."

Tinugon nito ang yakap niya. "Anytime, Aminah. Basta paglabas ni baby, ninang ako, ha?"

Mahina siyang natawa saka pinakawalan ito sa pagkakayakap. "Ikaw lang ang Ninang, wala nang iba."

"Good." Psyche grinned. "Anyways, anong gusto mong ulam? Binilhan kita."

"Huwag na. Ako na ang bahala sa sarili ko."

"No, i insist."

"Okay." Napalunok siya ng maalala ang paborito niyang ulam. "Kahit anong klase ng pagluluto basta atay."

Ngumiwi ito. "God, i hate atay." Maarte pa nitong itinikwas ang kilay. "But for you, honey, i'll buy you some. Maghahanap pa nga lang ako. Makapaghihintay ka naman diba?"

"Yep." Nakangiting sagot niya.

"Okay." Nagmamadali itong lumabas ng condo niya.

Si Aminah naman ay inilagay ang Milk Tea sa ref niya saka tinabi niya ang gatas at vitamins na para daw sa bata.

Napailing-iling siya.

Sana naman kaya nalaman ni Psyche itong mga bagay na 'to tungkol sa pagbubuntis? Baka nagtanong ito sa kakilala nitong OB-GYNE Doctor.

Nang maitabi ang gatas at vitamins, kinuha niya ang isang milk tea sa ref saka tinusok niya ang takip non gamit ang straw saka sumimsim ng Milk tea.

Napahalinghing siya sa sarap. This tastes like heaven.

Bumalik siya sa sala at nanuod ulit ng T.V., napatigil lang siya sa panunuod ng marinig na nag-ingay ulit ang doorbell ng condo niya. Sa isiping si Psyche 'yon, mabilis niyang binuksan ang pinto ng hindi sinisilip sa peephole kung sino ang nasa labas.

"Psyche, may dala ka nang--" napatigil siya sa pagsasalita at sumasal ang tibok ng puso niya ng mapagsino ang nasa labas.

Muntik pa niyang mabulunan ng Milk Tea ng makita niya si Magnus sa labas ng pinto. Napa-ubo siya saka tinapik-tapik ang dibdib niya kung saan napakabilis na pagpintig ng puso niya.

Pero hindi siya nagpa-apekto sa nararamdaman niya sa mga sandaling 'yon. She wanted to hug him, kiss him and feel him. Pero tinikis niya ang sarili. This man doest deserve it. 

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya sa binata habang abot-abot ang kabang nararamdaman niya.

God. She missed him.

Sa halip na sumagot, inabot ng kamay nito ang mga labi niya saka pinahid ang nagkalat na milk tea sa gilid niyon dahil siguro sa nasamid niya kanina at napa-uno. "It's late, Aminah. Dapat gatas ang iniinom mo, hindi yan. Gabi na."

"Ano naman ang pakialam mo?" Mataray niyang tanong saka tinabig ang kamay nito. "Umalis ka na. Bumalik ka na kay Georgina." Parang pinipilipit ang puso niya sa sakit. "Ayokong makagulo sa inyo."

"Aminah--"

"Umalis ka na, Magnus." Pagtataboy niya rito tulad ng ginawa nito sa kaniya. Nakita niya ang pagbalatay ng sakit sa mga mata nito. Mapakla siyang natawa at umingos. "Please, Magnus, spare me with your bullshits. Tapos na ang kasinungalingan mo. Buntis na si Georgina. Congratulations sa inyong dalawa." May sarkasmo ang boses niya.

"Aminah, please let me--"

"Let you what?" Tumaas ang kilay niya. "Let you hurt me again?" Mapait siyang ngumiti. "Hindi, Magnus. Hindi kita hahayaang saktan ulit ako. Pagkatapos mo akong itaboy doon sa bahay mo, pupunta ka ngayon dito sa condo ko na parang wala lang? Ano na naman 'to, Magnus? Balak mo na naman akong saktan?"

"Aminah, i was hurt that day too." May diin nitong sabi. "Intindihin mo naman ako. I have love since i first saw you and i assumed that we have something. Pagkatapos isasampal mo sa mukha ko na hindi naman kita naging pagmamay-ari. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon?"

Dinuro niya ito sa galit na nararamdaman niya. "Alam mo rin kung gaano kasakit ipagtabuyan ng taong akala mo mahal ka?!"

"Aminah, please--"

"Please what, Magnus?!" Galit niyang sigaw. Hindi na niya napigil ang pag-agos ng luha niya. "Mahal mo ako pero pinagtabuyan mo ako ng sundan kita. Buntis na si Georgina, ano pa ba ang gusto mo sakin?" She sobbed. "Wala na akong kayang ibigay sayo, Magnus. You already took everything from me. All of me, Magnus. Wala nang natira sa akin na puwede mo pang kunin."

Umiling ito at hinawakan siya sa kamay. "Walang katutuhanan ang mga sinabi ni Georgina ng araw na 'yon. Sinakyan ko lang kasi gusto kitang itaboy. Nasaktan mo ako ng sobra ng araw na 'yon, Aminah. Siguro naman may karapatan akong itaboy ka kung hindi na kaya ng puso kong tumanggap pa ng sakit." The pain is visible in his eyes. "Hindi ko na kasi kaya. Pero kahit naman pinagtabuyan kita, ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso ko. Sinasabi kong kakalimutan na kita pero hindi ko naman magawa. Nandito pa rin ako, nagmamahal sayo ng buong-buo."

Pakiramdam ni Aminah ay natanggal ang mabigat na nakaatang sa balikat niya ng marinig ang mga sinabi ni Magnus. Yon lang ang hinihintay niya mula rito, ang pabulaanan nito ang mga sinabi ni Georgina.

But her heart... it's still in pained. Hindi niya alam kung kailan mawawala ang sakit na pinaramdam sa kaniya ng binata. Sariwa pa rin ang hiwa. Masakit pa rin.

"Aminah, please, baby, talk to me." Ani Magnus saka hinaplos ang pisngi niya. Nahulog ang isang butil ng luha sa pisngi niya na kaagad namang tinuyo ni Magnus. "Huwag ka nang umiyak, please?"

Pasinghot-sighot na matalim ang mga matang tiningala niya ang binata. "Galit ako sayo dahil sa pagtataboy mo sakin. Naiinis ako sayo." Dinuro niya ito. "Alam mo ba yong sakit na naramdaman ko ng hindi mo pabulaanan ang sinabing yon ni Georgina? Gusto kitang katayin ng buhay! I hate you... i hate you!"

"Please don't hate me." Pagmamakaawa ni Magnus sa kaniya. "Please don't say that. Please Aminah, love me. Love me, please."

Malakas na itinulak niya ito palayo saka mabilis siyang pumasok sa condo niya saka ini-lock niya ang pinto.

Napa-igtad siya ng marinig ang sunod-sunod na pagkatok ni Magnus sa pinto.

"Aminah, open the door please. Let's talk!"
"Aminah, please, baby. I love you! I love you so much!"

Umiling siya. "Hindi yan totoo..."

"Aminah, please, kausapin mo naman ako. Aminah, parang awa mo na. Aminah! Mahal na mahal kita!"

Umiling siya saka umatras. "Hindi yan totoo!" Lumuluha niyang sigaw. "Pinagtabuyan mo ako! Yan ba ang mahal?! Hindi mo ako mahal! Hindi! Nagsisinungaling ka!" Napahagulhol siya. "Bakit ba kayong mga lalaki palagi niyo akong sinasaktan? Bakit ba palagi niyong winawasak ang puso ko? Bakit?! Bakit?!"

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako kinakausap." Pagbabanta ni Magnus mula sa labas ng pinto. "Maghihintay ako, Aminah. Please. Talk to me, baby. Please..."

Umiling siya saka itinapon niya ang milk tea sa kung saang parte ng condo niya at tumakbo siya patungo sa kuwarto niya kung saan niya pinakawalan ang hagulhol na kanina pa niya tinitimpi.

#BeingBitterIsLikeHavingSex - it really taste bitter when he already orgasm and stop moving and you didnt even hit the clouds while doing the nasty with him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top