CHAPTER 19

CHAPTER 19

ABALA si Aminah sa pag-aayos sa sarili para sa photoshoot niya ng tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, nagsalubong ang kilay niya ng makitang unregistered number iyon.

Hmm...

Pinulot niya ang cellphone na nasa kama saka sinagot ang tawag. "Good morning. Who's this?" Tanong niya sa nasa kabilang linya.

"May i speak to Miss Aminah Pajota?"

"Speaking."

"Oh, hello ma'am. This is Romero's Hospital Main Branch, we are calling you to inform you that your husband is in the Hospital."

Kumunot ang nuo niya. "Husband?" Ulit niya na nagtataka at naguguluhan, "i think you called the wrong number."

"Are you Ms. Aminah Pajota?"

"Yes."

"Then you are the person we're looking for. Nandito nakasulat ang pangalan mo sa in case of emergency ng I.D. na nakuha namin sa wallet ng pasyente. Unless, you don't know Mr. Magnus McGregor?"

"M-Magnus?" Kinain ng takot ang puso niya, "a-anong nangyari kay Magnus? Teka, a-anong... b-bakit siya nandiyan sa Hospital? Dapat nasa photoshoot siya ngayon! Ano ba ang nangyayari? May nangyari bang masama sa kaniya?" Ang dami niyang tanong at ni isa walang sinagot ang nasa kabilang linya.

"Mas makabubuti kong pupunta kayo ngayon dito." Anang nasa kabilang linya.

Tumango siya. "Yes. I'm coming."

"We'll wait for you, Ma'am."

Nang mawala ang nasa kabilang linya, mabilis siyang lumabas ng condo niya at sumakay sa elevator. Wala siyang pakialam kung hindi pa niya nasusuklay ang buhok. Abo't-abot ang kaba at pag-aalalang nararamdaman niya para sa binata.

Parang hindi siya makahinga sa tuwing pumapasok sa isip niya ang mga posibilidad na nangyari dito.

"Oh God, please," mahina niyang sambit, "please, keep him safe. Please."

Nang bumukas ang elevator, malalaki ang hakbang na lumabas siya ng gusali at sumakay sa kotse niya at mabilis iyong pinaharurot patungo sa Romero's Hospital Main Branch.

Wala siyang pakialam kung lampas na sa speed limit ang bilis ng pagmamaneho niya. Kailangan niyang makita si Magnus. Kailangan niyang masigurong ayos lang ito. Kailangan niyang makitang ayos lang ito at hindi siya iiwan.

Isang butil ng luha ang nalaglag mula sa mga mata niya. "Be safe, Magnus." Napahikbi siya, "i'm sorry... please be safe."

Nang makarating siya sa Hospital kung nasaan si Magnus, kaagad siyang lumapit sa Information Desk. "Magnus McGregor. Where is he?"

Kaagad namang tumipa-tipa sa keyboard ng desktop ang staff na nasa likod ng Information Desk saka tumingin sa kaniya. "Nasa Emergency po siya, ma'am."

"Thank you."

Mabilis niyang nahanap ang emergency at inisa-isa niya ang higaan, hinanap si Magnus, hanggang sa makita niya ang binata sa dulo ng higaan.

Nasapo niya ang bibig ng makitang may dugo sa mukha nito at nagkalat na dugo sa damit. May malay si Magnus at panay ang ngiwi nito sa sakit sigurong nararamdaman.

May dalawang nurse at at isang Doktor ang nag-aasikaso dito.

"Oh, god." Mahina niyang sambit saka mabilis na lumapit kay Magnus. "Okay lang ba siya?" Tanong niya. Halos manikip ang dibdib niya sa takot at kaba. "Okay lang ba siya?!" Tumaas ang boses niya ng walang sumagot sa kaniya.

Bumaling sa kaniya ang Doctor na mukhang hindi natinag sa pagsigaw niya. "Kaano-ano ka ng pasyente?"

Naging mabilis ang sagot niya. "Ako yong nasa I.D. niya na dapat tawagan kapag in case of emergency."

"Oh." Tuluyang humarap sa kaniya ang Doctor. "He's fine. May mga gasgas lang siya sa katawan dahil sa pagbunggo niya sa likod ng kotse at tumilapon siya dahil sa motorsiklo siya nakasakay at may bali din siya sa braso. Mabuti nalang at hindi masyadong mabilis ang motor niya kaya yan lang ang tinamo niya pero kailangan pa rin niya ng tulong kaya ka namin pinatawagan. Nalinis na namin ang gasgas sa mukha niya at naka-cast na rin ang kanan niyang kamay."

Para siyang nakahinga ng maluwang sa sinabi ng Doctor. "Magiging maayos din naman ang lagay niya diba?"

"Yes. Puwede mo nang i-uwi ang pasyente pagkatapos mo'ng pumunta sa Billing section. After two weeks, bumalik kayo rito para masuri ko ang naka-cast niyang braso."

"Thank you, Doc."

Tumango ang Doctor, "sige, maiwan ko na kayo."

Tumango siya saka lumapit kay Magnus na ngayon ay pangiwi-ngiwi habang pinipilit ang sarili na umupo. Kaagad naman niya itong dinaluhan at tinulungang makaupo.

"Dahan-dahan lang ang paggalaw." Sabi niya, "may cast ka."

Nang maayos na itong nakaupo, tumingin ito sa kaniya. "I'm sorry you have to be here." Nag-iwas ito ng tingin, "hiningan kasi nila ako ng I.D. kaya na-contact ka nila."

Speaking of which, "bakit pala ang pangalan ko ang nakalagay sa in case of emergency mo sa I.D.?"

Naging mailap ang mga mata nito, "i ahm, i... ahm," nauutal ito hanggang sa naging tahimik ito at hindi na umimik.

"Magnus," sinapo niya ang mukha nito saka pilit niyang pinaharap ang mukha nito sa kaniya, "tell me. Bakit nakasulat ang pangalan ko sa I.D. mo?"

"I have no one, Aminah." His eyes looked inyo hers, he looks so vulnerable, "no parents, no siblings, no relative that i know... nothing."

Hinaplos niya ang pisngi nitong walang gasgas. "Why me?"

He shrugged. "Because i trust you."

Binasa niya ang nanunuyong labi saka mahinang napabuntong-hininga, "paano kung na-aksidente ng hindi pa kita kilala. Anong gagawin mo, ha? Siguradong hindi ako pupunta. Sinong mag-aalaga sayo? Sino pupunta dito sa Hospital? Nag-iisip ka ba? Puwede namang ilagay mo ang numero mo sa bahay, bakit numero ko pa? At teka, paano mo nakuha ang number ko?"

"Pina-update ko palang 'yong I.D. ko. Pinalagyan ko ng numero mo, dati pangalan mo lang. So kung na-aksidente man ako no'n, hindi ka nila matatawagan."

Napabuga siya ng marahas na hininga. "Kahit pa." Napailing-iling siya. "Magnus naman e..."

"Alam ko namang ayaw mo akong makita." Anito saka umalis sa pagkakaupo at napangiwi ng lumapat ang mga paa sa sahig. "Fuck..."

Aminah sighed and wrapped her arms around Magnus' waist. At ang isa nitong kamay na wala namang bali ay ipinatong niya sa balikat niya para alalayan ito.

"Saan ka ba pupunta?" Kunot ang nuong tanong niya sa binata.

"Just let me be, Aminah. Pupunta ako sa Billing. Alam ko naman na ayaw mo akong makita kaya makakauwi ka na."

Pinaikot niya ang mga mata. "Magnus, nandito nga ako diba? Kung ayaw kitang makita, e di sana hinayaan kitang mag-isa dito."

Magnus stilled. "So you want to be here?"

"I'm worried." Tiningala niya ito, "kaya maupo ka muna dito, okay? Ako na ang bahalang pumunta sa Billing. Babalikan nalang kita rito."

Napaupo ulit ito sa higaan, "babalikan mo talaga ako?"

"Oo."

"Okay." Tumitig ito ng matiim sa kaniya, "hihintayin kita." Parang may ibang ibig sabihin ang sinabi nito.

Tumango lang siya saka lumabas ng E.R. at hinanap ang Billing Section kung saan siya magbabayad. Madali naman niyang nahanap iyon at pangalan lang ang hiningi sa kaniya sa Billing at hinanap iyon sa computer pagkalipas ng ilang minuto, mayroon na siyang Statement of Account. Nang makabayad siya sa Cashier, kaagad siyang bumalik si Magnus sa E.R.

Naka-upo pa rin ang binata at hinahaplos nito ang may gasgas na mukha.

Hinawakan niya ang kamay nito saka inilayo iyon sa sugat nito. "Don't touch it. Baka ma-infection ka."

Tumingin ang binata sa kaniya, "tapos na?"

Tumango siya. "Halika na. Ipagmamaneho kita pa-uwi."

Tumango si Magnus at ini-akbay ang braso sa balikat niya habang siya ay ipinalinot ang braso sa beywang nito saka inalalayan ito palabas ng Hospital at pasakay sa kotse niya.

Nang makasakay siya sa Driver's seat, dumukwang siya palapit kay Magnus at isinuot ang seatbelt nito pagkatapos ay pinausad na niya ang kotse.

"Ayokong umuwi sa bahay." Basag ni Magnus sa katahimikan na lumukob sa kotse niya, "puwede bang dalhin mo ako sa ibang lugar?"

Sumulyap siya rito pero mabilis din niyang ibinalik ang atensiyon sa daan. "Saan naman kita dadalhin? At saka mas mabuti na na sa bahay mo kita ihatid, may mag-aalaga sayo do'n. Maliban nalang kung yong gusto mong puntahang lugar ay nandoon si Georgina para alagaan ka."

Narinig niyang bumuntong-hininga ito. "Bakit naman napasok si Georgina sa usapan natin?"

"Bakit? Hindi ba totoo?"

"Hindi."

Umingos siya. "Wala kayong relasyon?"

"Wala."

"Hindi ako naniniwala." Humigpit ang hawak niya sa manobela. "You dined together. You shop with her." Nagtagis ang bagang niya, "ako ba talaga niloloko mo?"

"Wala kaming relasyon." Ani Magnus, "nuong magkasama kaming kumain, it was supposed to be a goodbye dinner. Aalis na kasi siya. Ayokong paunlakan pero mapilit siya at inisip ko na huli na naman dahil aalis na siya at tinatawagan kita noon pero hindi mo sinagot ang tawag ko. But it doesn't mean that we are together because i like her. I don't like her, Aminah.

"At oo, sinamahan ko siyang mag-shopping para kahit papaano malibang ako. Ayaw mo akong kausapin, ni mga tawag ko hindi mo sinasagot. Hindi ka rin nag ri-reply sa mga text ko. Nang pumunta ako sa bahay mo, pinagtabuyan mo ako. I was in a bad shaped, Aminah. Para akong mababaliw sa kakaisip kung ano ba ang dapat kung gawin, kausapin mo lang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. And then Georgina came barging into my office, dragging me to the mall. But it was nothing. It didn't mean anything. Mali ang iniisip mo at hinala mo, hindi ako pumunta sa Club at nag body shot kay Georgina. Pagkatapos kitang tawagan ng araw na 'yon, umuwi na ako, and my maids can testify on that."

Huminga siya ng malalim bago nagkomento sa sinabi ni Magnus. "I saw what i saw, Magnus."

"I saw you too, with Michael." Parang nanunumbat ang boses nito na ikinataas ang presyon niya.

"Michael is none of your business!" Tumaas ang boses niya.

"He is because he's trying to steal you away from me!"

Itinigil niya ang sasakyan saka galit na humarap kay Magnus. "Hindi niya ako kukunin sayo kasi hindi naman talaga ako sayo in the first place!" Balik niyang sigaw.

Natigilan siya at parang may kumurot sa puso niya ng makita ang sakit na bumalatay sa mukha ni Magnus.

"Magnus..."

Umiling ito at saka mapait na ngumiti. "You're right. You weren't mine to begin with." Tumingin ito sa mga mata niya, "but i thought... after everything that has happened, kahit papaano, may puwang na ako riyan sa puso mo." Mariin nitong ipinikit ang mga mata saka tumiim ang bagang kapagkuwan ay tumingin ulit sa kaniya, "pero wala kang kasalanan kung bakit ako nasasaktan ngayon. I was the one who assumed... that we have something, that maybe you can find it in your heart to like me and feel what i felt for you. And there's no one to blame but me. Minahal kasi kita masyado, Aminah, yan siguro ang pagkakamali ko."

Umawang ang labi niya ng marinig ang salitang 'minahal' sa bibig ni Magnus.

"M-mahal mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong niya kay Magnus na may halo-halong emosyon sa mga mata habang nakatitig sa kaniya.

Sa halip na sagutin siya, nagpatuloy ito sa pagsasalita na parang hindi siya nagtanong.
"Ang mali ko sa lahat ng 'to ay isenentro ko sayo ang lahat ng ginawa ko sa loob ng tatlong taon. Sayo naka-sentro ang buhay ko, Aminah. Sayo umikot ang buhay ko at pagkakamali ko 'yon. Minahal kita masyado kaysa sa sarili ko. Hindi ko nga alam kung bakit kita mahal na mahal ng ganito. Basta nang makita kita ng gabing 'yon, inangkin mo na ang puso ko. I never knew that a man could love like this... that i can love like this. Ikaw... ikaw palagi ang dahilan ng mga ginagawa ko. I clean myself up for you. I went to rehab for you. I become a better man for you. I did everything for you, thinking that maybe, when you see me again and know that i'm now a clean man, you'll stay and love me." Mapakla itong tumawa. "Kalokohan pala yong nasa isip ko kasi hindi naman mangyayari 'yon. Hindi mo ako mamahalin tulad ng pagmamahal ko sayo. Maybe this time, i'll do something for myself, and that is to stay from you from now on. Para sa sarili ko 'to, para hindi na ako masaktan ng paulit-ulit kasi yong babaeng mahal ko, hindi yata maatim na mahalin din ako." Pagkasabi no'n ay lumabas ito ng kotse niya.

Mabilis din siyang lumabas. "Magnus! Magnus! Get in!"

Pinara ng binata ang papalapit na taxi saka walang lingon-likod na sumakay do'n.

Si Aminah naman ay napatitig lang sa taxi'ng sinakyan nito.

"No..." tears fell from her eyes, "no... don't leave me."

Tinuyo niya ang luha saka sumakay ulit sa kotse niya saka mabilis na sinundan ang taxi na kinalululanan ni Magnus.

#AWomanWhoOnlyWantsToRecieveAndNotGive - Ito si Aminah dito. She wants Magnus to Stay pero hindi naman niya magawang tanggapin sa buhay niya. Naku, girl, make up your mind. Maraming nagnanasa kay Magnus diyan. Lol.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top