CHAPTER 17

CHAPTER 17

"I DONT think you should, baby." Pigil ni Magnus kay Aminah na pumipili ng gustong desenyo ng tattoo. "Come on, baby, let's go."

"No!" Uminom siya ng tequila mula sa boteng na hawak saka pinagpatuloy ang pagpipili.

"Aninah, baby, come on." Hinawakan siya nito sa kamay. "Halika na."

"Ayoko nga." Nayayamot niyang sabi saka uminom ulit ng alak.

Magnus groaned and tried to snatch the tequila bottle from her, pero mabilis niya iyong naiiwas.

"Huwag mo akong pakialaman, Magnus." Pinandilatan niya ito. "I want to drink."

"Aminah, nakakatatlong bote ka na niyan."

Umiling siya. "I can take it. My liquor tolerance is high."

Magnus sighed. "Aminah naman..."

"Stop it." Pinandilatan niya si Magnus.

"May napili ka nang desenyo ma'am?" Tanong sa kaniya ng magta-tattoo.

Umiling siya at napatitig sa guwapong mukha ni Magnus kapagkuwan ay ngumiti. She decided. "Ikaw, ikaw ang gusto." Yumakap siya kay Magnus saka hinalikan ito sa leeg. "I want your name on my skin so i'll never forget you but at the same time, i don't want the world to see it because you're mine."

Napatitig sa kaniya si Magnus. There's softness and affection in his beautiful eyes as he looked at her. "You want me on your skin?"

Nakangiting tumango siya saka yumakap sa beywang nito. "I don't want to forget you." Malambing niyang sabi saka bumaling sa Tattoo Artist. "I want his name. It's Magnus McGregor. On celtic alphabet." She has always been fascinated by that language. "Kaya ba?"

Ngumiti ang tattoo artist. "Kaya, ma'am. Saan mo gusto?"

Bumaba ang tingin sa damit niya. She's still wearing her wedding gown. Gusto sana niya sa may tagiliran niya pero maghuhubad siya kung ganoon.

"Hmm... sa may tagiliran ko." Ibinaba niya ang zipper ng gown na suot.

"Aminah--"

Ibinaba niya ang gown hanggang sa may beywang niya saka yumakap siya Magnus dahil wala siyang suot na bra.

Napapikit nalang si Aminah ng maramdamang naglapat ang balat nila ng binata. She can feel her body tingled. Damn. This man has a crazy affect on her.

"Aminah." Magnus whispered over her ear. "Your breast is giving me a boner."

Napangiti siya. Hindi lang naman pala siya ang apektado. "We'll deal with your boner later." Bulong niya saka tumingin sa Tattoo artist. "Simulan mo na."

"Yes, ma'am."

Napaigtad siya at humigpit ang yakap niya kay Magnus ng maramdamang tumusok ang karayom sa balat niya para umpisahan ang pag-tattoo sa kaniya ng pangalan ng binatang kayakap niya.

Magnus... Aminah smiled. She really like his name.

Magnus McGregor.

Nagising ang diwa ni Aminah ng makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto ng condo niya.

Napabuntong-hininga siya saka tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa saka naglakad patungo sa pinto at binuksan iyon.

Pain filled her heart when she saw Magnus.

"Anong kailangan mo?" Walang buhay niyang tanong sa binata.

Magnus frowned at her. "You okay?"

Umikot ang mga mata niya. "Magnus, huwag na tayong maglokohan." Wika niya saka walang emosyon ang mga matang tumingin siya sa binata. "I saw you with Georgina earlier. Please lang, kung balak mo lang akong saktan, huwag mo nang ituloy. Masyado nang durog ang puso ko, huwag mo nang dagdagan pa."

Confusion is in his eyes. "Ano ba ang pinagsasasabi mo?"

"Nakita kita kasama si Georgina--"

"Yes. We dine together." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin habang madilim ang mukha at nagtatagis ang bagang na nakatingin sa kaniya. "Why are you always like that? Jumping into conclusion without asking me first? Bakit ba napakadali sayo na pagdudahan ako, ha, Aminah?" Galit ito sa kaniya, ramdam niya iyon. "I haven't done anything wrong to you, Aminah. Why are you judging me so harshly."

She pressed her lips together. "I saw you."

"We're just dining."

"Really?"

"Yes."

"You seem happy?"

"Jealous?"

"No." Kaila niya saka nag-iwas ng tingin. "Just leave, Magnus. Wala akong oras para sayo."

"That's it?" Bitterness was coating his voice. "After everything... that's it?"

She have to do this. Natatakot siya. Ayaw na niyang masaktan. Ayaw na niyang magmahal ulit. And she's falling for Magnus. She have to stop all of this.

Matapang siyang tumingin sa mga mata ni Magnus, "you're..." tumikhim siya, "you're too good to be true." Hindi siya kumurap habang sinasabi 'yon. "And if its too good to be true, then its probably a lie."

Umawang ang labi nito at hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya. "That's it? Ano pa? Wala na?"

Umiling siya. "Just leave, Magnus. I don't want to see you again." Isinara niya ang pinto ng condo at inilapat niya ang nuo sa likod niyon kapagkuwan ay hinayaang makawala ang mga luha na kanina pa niya pinipigilang lumabas.

This is better... the right thing to do.
Hindi niya dapat ini-entertain si Magnus mula umpisa.

Loving is a risk... well, she doesn't want to risk. She wants to stay safe. She want her heart to stay from its safe cocoon. Ayaw na niyang maranasan ang naranasan niya noon na sobrang sakit. Hindi niya kakayanin 'yon, lalo na kung si Marcus ang gagawa ng ginawa sa kaniya ni Josh.

Her heart will perish if that ever happens.

"Aminah! Aminah!"

Napaigtad siya sa malakas na pagkatok ni Magnus sa pinto.

"Aminah! Open this door, damn it!" Sigaw ni Magnus mula sa labas. "Aminah! Please! Mag-usap naman tayo."

Pilit niyang pinatay ang emosyon sa puso niya.

No! No! No!

"Aminah, let's talk. Please? Please?"

Humakbang siya paatras sa pinto.
"Aminah, please?"

Tinakpan niya ang tainga saka tumakbo patungo sa second floor kung saan naroon ang kuwarto niya.

Ayaw niyang marinig ang boses ni Magnus. Tama na 'to keysa naman mas lumala pa at mas lalo pa siyang masaktan. Ayaw na niya.

Umupo siya sa gitna ng kama at niyakap ang sarili niya habang pinapakalma ang sarili. Nasasaktan siya. Naninikip ang dibdib niya. Masakit.

Pero tama ang ginawa niya. Tama lang 'yon para maisalba niya ang puso niya. Hindi siya makakapayag na masaktan na naman siya.

Tumingala siya sa kisame at pilit na pinapatigil ang mga luha na dumadaloy sa pisngi niya.

"Just stop!" Galit niyang sigaw ng hindi maampat ang mga luha niya. "Just stop, please, stop!"

Sa halip na tumigil, malakas siyang napahikbi at kapagkuwan ay napahagolhol na.

Ito ang iniiwasan niya. Ito ang ayaw niyang mangyari. Pero heto, umiiyak siya dahil sa isang lalaki.

"SA TINGIN mo maganda 'to?" Tanong sa kaniya ni Psyche na lumabas pa sa fitting room para ipakita ang sinukat na damit. "Bagay ba sakin?"

Tumango siya at napabuntong-hininga.
Nameywang si Psyche sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "Pagkatapos ng pagkatulala, mukha ka na namang problemado. Ano ba ang nangyayari sayo, girl?"

Umiling siya. "Wala."

"Are you sure?"

"Yes." Walang buhay niyang sagot. "Now go back to whatever you're doing."

Napabuntong-hininga si Psyche saka bumalik sa ginagawa.

Aminah sighed. Wala siya sa sariling tumingin-tingin sa mga damit na naka-display. May nagustuhan siya pero hindi niya kinuha, wala siya sa mood magsukat at mamili ng damit.

Wala sa sariling napatingin siya sa pinto ng boutique.

Parang may sumakal sa puso niya ng makita si Georgina at kasama nito si Magnus. Naka-angkla pa ang braso ng babae sa braso ni Magnus.

Naninikip ang dibdib na tumalikod siya at umaktong interesado sa mga damit na nasa harapan.

"Sa tingin mo bagay sakin 'to?" Boses iyon ni Georgina at halatang nilalandi nito si Magnus.

"Yeah. I guess so." Sagot ni Magnus.

"I want it then." Ani Georgina. "Just like before. Excited na akong makapunta ulit sa Club Red."

"Yeah. Me too."

Bumungisngis si Georgina. "I miss doing a body shot with you."

Kumuyom ang kamao niya dahil sa kirot na nararamdaman ng puso niya. Hindi niya kaya ang sakit kaya naman umalis siya ng boutique at iniwan si Psyche.

Habang naglalakad na nakatungo at nanunubig ang mata, bigla siyang bumunggo sa isang bulto. Nang mag-angat siya ng tingin, mabilis niyang pinahid ang luha ng makita si Michael.

"Hey, Ynah--" napatigil ito sa pagsasalita ng makita ang luhang nahulog sa pisngi niya. "Why are you crying?"

Umiling siya saka tinuyo ang luha sa pisngi. "Wala. Sige, alis na ako."

Akmang lalampasan niya si Michael ng pigilan siya nito sa braso.

"Wait."

Nilingon niya ito. "What?"

"Let's have coffee." Lumamlam ang mga mata nito. "Mukhang kailangan mo na kausap."

Umiling siya. "No--"

"I insist."

Huminga siya ng malalim saka tumango. "Sige." Maybe Michael can help lessen the pain she's feeling. "Saan?"

"Follow me." Hinawakan siya nito sa kamay ay masuyong hinila.

Nagpaubaya naman si Aminah kay Michael hanggang sa makarating sila sa isang Cafe sa loob din ng Mall.

Pagkatapos nilang mag-order, inukupa nila ang mesang nasa gilid, katabi ng salaming dingding ng cafe.

"So?" Panimula ni Michael. "Why are you crying?"

Huminga siya ng malalim. "Wala 'to. Napuwing lang ako kanina."

"Are you sure?"

Tumango siya. "Ayos lang ako." Pilit siyang ngumiti. "Salamat pala sa hot choco."

Michael smiled. "Anything for you, Ynah."

Nagbaba siya ng tingin. She can see affection on Michael's eyes and she doesn't want to see it.

Nang dumating ang order nila, doon tinuon ni Aminah ang buong atensiyon. Panay naman ang kuwento ni Michael at panay naman ang tango niya.

And from the corner of her eyes, she saw a man standing outside the glass wall, meters away from her.

Nagtama ang mga mata nila ni Magnus. Matiim itong nakatitig sa kaniya, matalim ang mga mata nito at madilim ang mukha.
He looks livid.

Nagbaba siya ng tingin kapagkuwan ay nginitian si Michael.

Kasama ni Magnus si Georgina at mukhang masaya ang dalawa, ayaw niyang makita ng binata na malungkot siya.

"There's that smile." Ani Michael saka hinaplos ang pisngi niya. "Ang ganda mo talaga."

Pilit niyang nginitian si Michael. "Thank you."

Bumalik na naman sa pagku-kuwento si Michael at panay lang ang tango niya. Pagkalipas ng ilang minuto, tumingin siya sa dereksiyon kung saan kanina nakatayo si Magnus pero wala na doon ang lalaki.

Nakaramdam siya ng kahungkagan ng hindi na nakita si Magnus, pero nang maalala ang magka-angklang braso ni Magnus at Georgina, nawala ang kahungkagang nararamdaman at napalitan iyon ng kirot.

"Ynah? Nakikinig ka ba?"

Napakurap-kurap siya saka tumango. "Oo naman. Medyo napaso lang ako dito sa hot choco." Pagdadahilan niya.

"Ah. Maybe we should dine together later?"

Umiling siya. "May appointment ako mamaya."

"Ganoon ba? Maybe some other time."

She fake a smile. "Maybe."

Gusto na ni Aminah na tapusin ang pagkakape niya kasama si Michael pero hindi niya mamadali dahil mainit pa ang hot choco niya.

Natigilan siya ng marinig ang message tone ng cellphone niya. Mabilis niyang kinuha iyon sa loob ng bag niya saka binasa ang text ng makitang galing iyon kay Magnus.

'May ipinalit ka na pala sakin. Are you having fun with him?'

She replied. 'Yes.'

Ilang minuto ang lumipas bago sumagot si Magnus sa text niya.

'Keep him away from me, baby. I might beat him to pulp for touching you.'

Sumikdo ang puso niya sa nabasa. Mabilis niya iyong binura saka ibinalik ang cellphone sa bag at nginitian si Michael.

"I'm sorry but i have to go. Nagtext na kasi ang kaibigan ko." Ayaw niyang mapahamak si Michael ng dahil sa kaniya. Naalala pa niya ang galit sa mukha ni Magnus ng makita nito si Michael na kausap niya. The anger in his eyes scared her. "Sige, alis na ako."

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Michael. Mabilis siyang umalis ng cafe at lumabas na rin siya ng Mall.

Mabilis ang bawat hakbang niya patungo sa parking lot. Nakahinga siya ng maluwang ng makasakay siya sa kotse niya.

Sumikdo ng mabilis ang puso niya ng marinig na nag ring ang cellphone niya. Mabilis niyang kinuha 'yon sa bag at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Annoying Magnus Calling...

Huminga muna siya ng malalim bago niya sinagot ang tawag. "H-hello?"

"Pinagpalit mo na ako sa iba?" Walang emosyon ang boses ni Magnus sa kabilang linya.

"Magnus--"

"I change for you, Aminah!" Bigla nitong galit na sigaw na ikinagulat niya. "I change for you, baby." His voice softened. "Because i thought, if i become a better person, if i become a good man, a clean man, you'll finally stay with me. Why is it so hard for you to care for me, huh, Aminah?" There's sadness on his voice. "Why? Mahirap ba akong magustuhan? Mahirap ba akong pagkatiwalaan? Hindi pa ba sapat na nagbago na ako? Hindi pa ba sapat ang pag-aalaga ko sayo?"

Naninikip ang dibdib niya dahil sa kalungkutan sa boses ng binata. "Magnus..."

"You know what, Aminah..." he sound like he's choking, "... you're killing me... you're killing every bit of goodness that i have. You're killing the better man that i have become..."

"Magnus--"

"Huwag ka nang lalapit ulit sa lalaking 'yon." Biglang naging matalim ang boses nito, "kapag lumapit ka pa sa kaniya, hindi ko alam kung kaya ko pang pigilan ang sarili ko. You're mine, Aminah. You promise me that three years ago. At pinanghawakan ko ang pangako mong 'yan sakin. Akin ka lang, at hindi ako makakapayag na may ibang lalaking humawak sayo tulad ng paghawak ko sayo."

Sasagot sana siya pero pinatay na nang binata ang tawag.

Nanghihinang bumaba ang kamay niyang may hawak sa cellphone saka ipinikit niya ang mga mata.

"Mali ba ang naging desisyon kong dumestansiya muna kay Magnus?" Tanong niya sa kawalan. "Mali bang isipin ko muna ang puso ko bago ang iba?"

All she's doing is self-preservation. Pero bakit nangyayari sakin 'to?

IMPORTANT A/N: No update tomorrow until wednesday next week. Nasa manila kasi ako for MIBF. Sa mga pupunta, see you sa Sept. 18 from 10am-1pm :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top