CHAPTER 14
CHAPTER 14
MASAYANG pinagsaluhan ni Aminah at Magnus ang pagkaing inihanda nito para sa kanilang dalawa. She's enjoying every minute of it. The food, the company and the view. Hindi niya akalain na nagmamay-ari si Magnus ng Yacht. Alam niyang mayaman ito pero hindi ganito kayaman.
"This is good." Aniya habang kumakain ng cupcake. "Ano 'to?" Tanong niya ng makabalik na si Magnus galing sa pagkuha ng Milk Tea sa ref.
"Crab cupcake." Sagot ni Magnus saka tinusok ang straw sa plastic na takip ng milk tea at binigay yon sa kaniya. "Nagustuhan mo?"
Tumango siya at sumipsip ng Milk Tea. "Ang sarap, e."
Nginitian siya ni Magnus saka tinanggal nito ang mga kalat sa mesa at binasura. Kapagkuwan ay bumalik ito sa tabi niya.
Hindi mapigilan ni Aminah na sundan ang bawat galaw ni Magnus. The way his muscle flex, the way he move and the way he walked. She admires everything about him. At hindi iyon normal sa kaniya.
She's bitter for goodness' sake!
Nang makaupo ang binata sa tabi niya, pinaglandas niya ang mga daliri sa matitipuno nitong braso. At dahil nakahubad-baro ito, umabot ang mga daliri niya sa paghaplos sa dibdib nito pababa sa torso.
"Hmm..." she hummed as her finger caress the tattoo on his side. "June 07, 2013." Nag-angat siya ng tingin kay Magnus na napansing niyang natigilan ng banggitin niya ang petsang 'yon. "Bakit may tattoo ka nito? Anong ibig sabihin nito?"
He looked deeply into her eyes. "That's the day when i first saw you."
Mapait siyang napangiti. "For me, that's the day when my groom ditched me."
Tumiim ang bagang nito. "Sa araw na 'yon ka niya sinaktan?"
"Sabi mo nakita mo ako na nakasuot ng dirty white gown?" Mapakla siyang natawa. "That's my wedding gown." Huminga siya ng malalim saka hinaplos ulit ang tatoo ni Magnus sa tagiliran. "Kasal ko nang araw na 'yon, pero hindi niya ako sinipot. I already told you the reason and its bullshit, but it still hurts like fucking hell. Sinasabi ko sa sarili ko na gago siya na hayop siya, pero deep down, ang sakit-sakit na, hindi ko na kaya. All the pain, the anger, the hatred and the self-pity. Halo-halo ko 'yong naramdaman habang naglalakad palabas ng simbahan ng mag-isa at umiiyak. I thought that, that day will mark the happiest day of my life, it turns out, it will be the worst day and i wasnt prepared for it. I wasnt ready to be hurt like that." Mapait siyang ngumiti. "I keep on telling myself that i already moved on. Yes. I do. I moved on from Josh. But i havent move on on the pain that i felt that day."
Hindi niya alam na umiiyak pala siya kung hindi pa niya naramdaman ang daliri ni Magnus na tinutuyo ang basa niyang pisngi.
"Because of what happened that day, i became bitter, so bitter that it affects my view of life. Then you came." Tumitig siya sa mga mata nito. "Dumating ka sa buhay ko. You melted all the bitterness away thats keeping all my defenses strong against your kind. And now i feel so bare." Tumingin siya sa malayo, "i'm scared of what awaits me in the future if i let you get closer to me."
"Aminah, baby..." Sinapo nito ang mukha niya saka matiim siyang tinitigan. "Let me in. Let me get close to you. I promise, you won't regret it."
Aminah can see it, Magnus is dead serious. But still, fear clouded her judgement and decision. Inalis niya ang mga kamay nito na nakasapo sa mukha niya saka nag-iwas siya ng tingin.
"Lets stay like this." Aniya. "Okay na ako sa ganito."
Magnus shoulder fell but he replied, he just smile.
Tinugon niya ang ngiti nito kapagkuwan ay inaya na itong umuwi ng makitang madilim na ang kalangitan.
Magnus just nod and silently went to the helm to navigate the Yacht back to the port.
Nang makadaong sila sa Port, may pinagbilinan muna si Magnus sa Yacht nito bago sila sumakay sa kotse nito.
Habang nagmamaneho ito pabalik sa lungsod, wala itong imik at hindi siya mapakali. Was it because of what she said earlier? Is his silence because of her?
Napabuntong-hininga siya saka tumingin siya sa labas ng bintana. Dahil gabi na, wala siyang makita kundi ang mga ilaw na nadadaanan nila.
Hanggang sa makarating sila sa condo niya, wala pa ring imik si Magnus.
"Sige." Aniya saka binuksan ang pinto ng kotse nito. "Ahm," tumikhim siya, "ingat ka sa pag-uwi."
Tumango lang ito saka hinintay na makababa siya ng sasakyan. Nang makalabas siya ng kotse nito, kaagad nito iyong pinaandar at pinausad palayo sa condo niya.
Her heart contracted in pain. Shit! Ayaw niya nang masaktan kaya lumayo siya sa mga lalaki, pero heto, nasasaktan na naman siya dahil sa kalahi ni Adan na sinumpa niya tatlong taon na ang nakakaraan.
Mabigat sa dibdib na naglakad siya papasok sa condo niya. Nang makapasok siya, wala siyang buhay na umupo at napadaosdos ng higa sa mahabang sofa.
Habang nakatitig sa kisame, naalala niya si Magnus at ang mga masaya nilang ala-ala habang magkasama. Ang mga mabilis na pagtibok ng puso niya, ang mga maiinit na sandali na pinagsaluhan nila, bumabalik sa ala-ala niya lahat at mas lalong naninikip ang dibdib niya.
Ayaw niya ng ganito kaya naman kinuha niya ang cellphone sa bag at tinawagan si Magnus.
Isang ring palang sumagot na ang binata.
"Magnus--"
"Open the door."
Natigilan siya. "Huh?"
"Open the door."
"Anong pinto?" Nagtataka niyang tanong.
Biglang may kumatok sa pinto ng condo niya. Kumabog ng mabilis ang puso niya.
It cant be...
Mabilis niyang binitiwan ang cellphone saka tumakbo patungo sa pinto ng condo at mabilis na binuksan 'yon.
"Magnus." Mahina niyang sambit ng makita ang binata sa labas ng pinto.
"Aminah." Hinawakan siya nito sa pulsohan saka hinila siya palapit dito at hinapit siya sa beywang saka niyakap ng mahigpit. "I'm sorry. I was just mad."
Mahigpit niyang iniyakap ang mga braso sa leeg nito at ibinaon niya ang mukha sa leeg nito. "Galit ka pa sakin?"
Mas humigpit pa ang yakap nito sa kaniya. "Hindi ko kayang magalit sayo ng matagal."
Her heart melted. "Gusto mo bang dito matulog ngayong gabi?"
Bahagyan siya nitong pinakawalan saka matiim siyang pinakatitigan. "Puwede bang matulog ako sa tabi mo habang-buhay?"
Her heart flipped. "Magnus..."
"I would really like that." He smiled. "Would you... let me?"
Hindi niya napigilan ang kinikilig na ngiting kumawala sa mga labi niya. "Dito ka matulog ngayong gabi, pati sa susunod na gabi, tapos sa susunod na linggo, at kung gusto mo buong buwan dito ka matulog."
Tumaas ang dalawang kilay ni Magnus, may kislap ng kasayahan ang mukha nito. "E, sa susunod na buwan?"
"Pag-iisipan ko pa." Nangingiting sagot niya saka hinila ito papasok.
"Bukas na pala ang photo shoot mo para sa Advertisement ng produkto na gawa ng kompanya ko." Wika ni Magnus habang hinihila niya ito patungo sa second floor.
"Oo nga e." Nang makarating sa kuwarto niya, mabilis niyang inayos ang kama niya. "Nakakapagod na namang araw bukas."
"I'll be with you the whole day."
Nakangiting nahiga siya sa kama saka tinapik niya ang space sa tabi niya. "Higa ka na."
Magnus smiled and took off his shirt, then he lay beside her with only his pants on.
Ginawa niyang unan ang braso nito saka yumakap siya sa beywang ng binata. At dahil masyadong malapit ang mukha niya sa dibdib nito, kita niya ang ibang tattoo nito sa katawan na hindi niya pinapansin noon.
"Bakit ang dami mong tattoo?" Tanong niya kay Magnus.
"Pinapa-tattoo ko kasi yong mga importanteng pangyayari sa buhay ko." Patagilid itong humarap sa kaniya. "Mukhang interesado ka sa mga tattoos ko."
Napangiti siya. "Kinda."
"Ask away."
That made her smile. "Ito," tinuro niya ang tattoo nito na nasa tagiliran, nasa ibaba ng June 07, 2013. "Ano naman 'to?"
"What does it say?" Balik na tanong ni Magnus.
Binasa niya ang tattoo nito. "In love with a killer." Kunot nuong ibinalik niya ang tingin sa mukha ng binata. "Ano 'yan?"
"Its a song."
Kumunot ang nuo niya. "Kanta 'yon?"
He nodded. "Yon 'yong kanta nuong una tayong nagsayaw sa bar. You were dancing like there's no tomorrow and you look so pretty while swaying your hips and rockin' your body."
Lumamlam ang mga mata niya. Talagang naalala ni Magnus ang bawat detalye ng una nilang pagkikita. "Ipaalala mo nga sakin."
"I'm not a good singer, baby."
Umikot ang mga mata niya. "Pakialam ko maman. Just sing. Ipaalala mo sakin."
"Oo na." Tumikhim ito saka nagsimulang kumanta.
'A little danger's never stopped me before...
Seduced by hypnotic eyes and a kiss to die for.
Everything you do causes me pain...
Torture me with a smile, burning me with your flames.'
Bumilis ang tibok ng puso ni Aminah ng makitang titig na titig sa kaniya si Magnus habang kumakanta. He have a decent voice and its making her heart thump like crazy.
'I taste blood everytime that we kiss...
Get lost in your gaze when you're licking your lips
I'm lyin' here, i'm holdin' my breath...
Can't wait for you, to love me to death.'
Sadyang binitin nito ang pagkanta saka nagsalita.
"Naaalala mo na?" Tanong nito.
Umiling siya. She was drunk that night. Hindi niya maalala ang kalahati ng nangyari ng gabing 'yon.
"Keep singing." Aniya.
Magnus smiled and he continued singing.
'Yeah turn it up, this f-f-f-fire inside
Yeah turn me up, your body's a weapon tonight...
You cut me up, cut me up, stab me straight through the heart
Don't you know i'm in love...'
Hinaplos ni Magnus ang mga labi niya kapagkuwan ay ginawaran siya ng masuyong halik sa mga labi. Kapagkuwan ay pabulong itong kumanta habang ang mga labi nila ay isang gahibla nalang ang pagitan.
'...with a killer, its driving me wild.
Masochistic thriller, you're my burning desire
Don't care if i make it out alive
K-k-killer, love me 'till the day that i die.'
"May naalala ka na?" Tanong ni Magnus matapos kumanta.
Mahigpit siyang yumakap sa beywang nito. "Blurry. Lasing ako ng gabing 'yon at matagal ko nang binura ang petsang iyon sa isip ko. Kaya pasensiya ka na kung hindi ko maalala."
"Its okay." Hinaplos nito ang buhok niya. "I remember every detail of it. Magtanong ka lang, sasagutin kita."
Lihim siyang napangiti. She felt flattered that Magnus remember their first meeting. Sinong mag-aakala na may lalaking magpapahalaga ng ala-alang matagal na niyang kinalimutan.
"Inaantok ka na?" Kapagkuwan ay tanong sa kaniya ni Magnus.
Tumango siya.
"Turn around." Bulong ni Magnus sa tainga niya.
Mabilis siyang sumunod ang sinabi ni Magnus. Tinalikuran niya ito habang naka-unan pa rin sa braso nito.
Then her heart started going wild when Magnus embraced her from behind. Its like he's cocooning her from all the pain in the world. He snuggled, hugged her tighter and kissed her nape.
"Good night, baby." Bulong ni Magnus sa kaniya.
Niyakap niya ang braso nito na nasa beywang niya. "Good night, Magnus."
Ipinikit ni Aminah ang mga mata at magaan ang pakiramdam na natulog habang yakap-yakap siya ng lalaking unti-unti nang nakakapasok sa puso niya.
NANG MAGISING si Aminah kinaumagahan, sabay silang nag-agahan ni Magnus at sabay din silang nagtungo sa venue kung saan gaganapin ang photo shoot para sa Advertisement.
At habang ginagawa ang photo shoot, hindi siya nagsisising kinansela niya ang Fashion Show niya dapat ngayong araw.
Masaya siyang gawin ang photo shoot lalo na at alagang-alaga siya ni Magnus.
The day was tiring but it was amazing. Masaya sila ni Magnus na kumain ng lunch at dinner ng magkasama.
Bago siya nito ihatid sa condo niya, dumaan muna sila sa bahay nito para kumuha ito ng ilang pares ng damit kasi balak na naman nito sa condo niya matulog na ayos lang naman sa kaniya.
Nang makarating sila sa condo niya, natigilan siya ng makitang may puting envelop sa may ilalim ng pintuan.
Kunot ang nuong pinulot niya iyon saka inalaman ang laman.
It's a wedding invitation.
"Kaninong kasal?" Tanong ni Magnus na nakapasok na pala sa condo at nakasilip sa hawak niyang imbitasyon.
Sinipa niya pasara ang pinto saka naglakad patungo sa sala at pabagsak na umupo sa mahabang sofa.
"Sa pinsan ko." Sagot niya sa tanong ni Magnus ng umupo ito sa tabi niya. "Si Sheena. Ikakasal na siya sa one year boyfriend niya."
"Pupunta ka ba?"
Humilig siya sa balikat ng binata. "Hindi ko alam. Nakakabagot naman ang kasal, e."
"Gusto mo samahan kita?"
Nag-angat siya ng tingin sa binata na nakatingin din pala sa kaniya. "Okay lang ba sayo? I'm bitter when it comes to weddings so... you might be embarrass with me or something..."
He smiled. "I'll be with you in every second of your bitterness. Hindi kita ikakahiya kahit pa ipagsigawan mo sa simbahan na walang forever."
Mahina siyang natawa. "Talaga?"
"Oo."
Aminah can't help but to embrace Magnus tightly.
This man... this man really is something. And she really, really, really like him.
#LustMovesInMysteriousWaySoBeware- kapag kayo nilibog, ikiskis niyo nalang sa pader yan kung la ka namang asawa. Haha. Baka biglang dumami lahi mo dahil sa isang libog na hindi narendahan.
Bow.
Pero true yan. Lalo na sa mga bata pa. Sa Hospital na pinagtatrabahuan ko daming bata pa na nanganganak. Mga 13-14-15 years old, may panganay na. Kaya kayo, huwag kayong gagaya. Kung kaya niyo naman rendahan, huwag muna, aral muna kayo. Kung may anak ka naman ngayon sa murang edad, gawin mo lahat para sa anak mo at kung makakalugar, mag-aral ka. Kasi yan lang tanging paraan para mabigyan mo ng maayos na buhay ang anak mo. Huwag kang umasa sa lalaking nakabuntis sayo, kumayod ka rin para sa kinabukasan niyo.
Another bow. Hahaha. Nagda-drama na naman ako. Haixt. Bigyan niyo nga ako chocolate, pangwala ng bitterness sa buhay. Pero hindi naman yata eepekto un. Hahaha. Huwag nalang.
#ChocolateForBitterLife
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top