CHAPTER 12
CHAPTER 12
"TANGGAL to, tanggal din 'to. At yang pang-itaas mo rin." Ani Key habang niri-ready siya para sa commercial na gagawin. "Hay, naku, kailangan ko palang sabihan ang magdi-direct na huwag kunan ang side ng balakang mo kasi may tattoo ka do'n. Baka anong isipin ng mga manunuod."
Hinayaan nalang ni Aminah si Key na gawin ang gusto nito. Basta mamaya, sa shooting, gagawin niya ang trabaho niya.
Nang matapos ang pag-aayos sa kaniya, lumabas siya na naka bathrobe. Nasa tabi niya si Key.
"Hi." Nakangiting bati ni Key sa lalaking katabi ng Director ng commercial na si Michael Gonzano. "Ynah is ready."
Michael smiled at her. "You look lovely, Ynah."
Gusto niyang tarayan ang lalaki pero pinigilan niya ang sarili. "Thank you." Tumingin siya sa Direktor. "Ready na ako. Mag-umpisa na tayo."
Tumango ang Direktor saka iginiya siya patungo sa ilalim ng shower na sadyang ginawa sa studio na kinaruruonan niya ngayon.
"Madali lang naman ang gagawin mo." Pagkausap ng Direktor sa kaniya habang pinapabula ng staff nito ang bath tub. "Tatalikod ka sa Camera at back side mo lang ang ipapakita kasi yong ang pinaka-sexy na parte ng katawan mo. Tapos syempre, ipapalibot mo ang bula sa katawan mo habang nasa ilalim ka ng shower. Be confident in your every move. Be seductive. Be a temptress." Nginitian siya nito. "Do that and we'll finish this commercial in no time. Okay?"
"Copy." Nakangiting sagot niya.
Huminga ng malalim si Aminah at nang marinig niya ang sigaw ng Direktor na 'Action. Take One!', umarte siya kaagad na katulad ng gusto ng Direktor na gawin niya.
And the Director was right, they finished the Body Wash shooting in no time. Kaagad siyang nagbihis at lumabas ng changing room.
Natigilan siya ng makita sa labas si Key. "Hey." She smiled at her Manager. "Okay ba ang acting ko?"
Umikot ang mga mata nito. "Hay, naku, Aminah, ah. We both know that you're good in doing your job."
Mas lumapad ang ngiti niya. "Thanks."
Sabay silang naglakad ni Key palabas ng Studio. Habang naglalakad, nakatanggap siya ng text kay Magnus.
'Hey, baby. How's your day?'
Napangiti siya sa text ng binata at nag-reply. 'Tired. Done shooting a commercial.'
Magnus replied quickly. 'Want me to drive you home?'
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. 'Really? Di'ba nasa trabaho ka?'
'Yeah. But i want to see you.'
Tinext niya ang address niya.
'I'll be there in a minute.' Reply nito.
Hindi na siya nag reply at nakangiting bumaling kay Key. "Mauna ka na. May pupuntahan pa ako."
"Sige. Ingat ka." Tugon nito.
"Okay."
Nang maghiwalay sila ng Manager, hinintay niya si Magnus sa labas ng building kung saan may nasisilungan siya.
Habang naghihintay, may kotseng tumigil sa harapan niya at lumabas mula doon si Michael Gonzano na nakangiti sa kaniya.
"Hi, Ynah." Anito. "Halika, hatid na kita."
Kaagad na sumama ang pakiramdam niya pero hindi niya iyon pinahalata. "Hindi na. May sundo ako."
"No, i insist."
"I insist too." Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili niya.
Michael smiled. "Kung ganoon, have lunch with me then."
"Thanks, but no thanks." Hindi ba talaga marunong makiramdam ang lalaking 'to? "May susundo nga sakin."
"Ynah, pumayag ka na."
Pilit siyang ngumiti. "Im sorry. I cant."
"But--"
Biglang may bumusina na kotse sa likuran ng sasakyan ni Michael. Nakahinga siya ng maluwang makitang ang sasakyan 'yon ni Magnus.
"I have to go." Aniya saka nagmamadaling humakbang patungo sa kotse ni Magnus at sumakay.
"Who's that?" Kaagad na tanong sa kaniya ni Magnus.
Natigilan siya sa pagsuot ng seatbelt at napatingin sa binata. Madilim ang mukha nito.
Aminah frowned. "You look pissed."
"Do i?" Gumagalaw ang panga nito na parang nagtatagis 'yon habang masama ang tingin kay Michael na ngayon ay papasok na sa kotse nito.
"Bakit ka nagagalit diyan?" Nagtatakang tanong niya.
"Who's he?" His jaw is clenching. "Answer me, Aminah."
Napatitig siya kay Magnus na mas dumilim pa ngayon ang mukha habang nakatitig sa papalayong sasakyan ni Michael.
"Magnus." Hinawakan niya ito sa braso at natigilan siya ng makitang nakakuyom ang kamao nito. "Magnus... ano ba..." pinisil niya ang kamao nitong nakakuyom. "Ano ba ang nangyayari sayo?"
Bumaling ito sa kaniya. "Sino ang lalaking 'yon?"
"Si Michael--"
"First name basis kayo?" Tumalim ang mata nito. "Kakikilala mo pa nga lang sa kaniya. And why is he Michael to you, huh? And when you first met me, i was Mr. McGregor. May gusto ka ba sa kaniya?"
Dahil sa huli nitong tanong, naintindihan niya ang galit sa mukha nito at hindi niya napigilan ang mapangiti.
"What's so funny?" Inis na tanong sa kaniya ni Magnus.
"You're jealous." She pointed out.
Walang emosyon ang mga matang tumingin ito sa kaniya. "Oo. Nagseselos ako. May masama ba do'n?" Mas lalo pang dumilim ang mukha nito. "Bakit may gusto ka ba sa kaniya?"
After three years, nakaramdam ulit siya ng kilig sa katawan.
Hindi niya tinuloy ang pag-aayos sa seatbelt saka dumukwang palapit kay Magnus at niyakap ito sa beywang.
"What's that suppose to mean?" Tanong ni Magnus sa ginawa niyang pagyakap dito.
"It means i said no to Michael."
Tinanggal nito ang braso niyang nakayakap sa beywang nito saka hinawakan ang kamay niya at pinakatitigan siya. "He asked you out?"
Tumango siya. "Oo pero tinanggihan ko naman siya. Ang presko niya, e. Mukha palang niya nababadtrip na ako."
Kahit papaano ay nabawasan ang pagdidilim ng mukha nito. "Hindi mo siya gusto?"
Aminah rolled her eyes. "I hate men, remember?"
"So you hate me?"
Umiling siya. "No."
"So i'm an exemption?"
"Yes."
"You like me?"
"Yes--" natigilan siya, "ahm, i mean..."
Magnus smiled. "I like you too, Aminah."
Parang lumukso ang puso niya. "Okay."
Hinalikan siya nito sa mga labi. "Put your seatbelt on, baby, aalis na tayo."
Nangingiting sinunod niya ang binata saka sinuot ang seatbelt niya. Kapagkuwan ay pinausad nito ang sasakyan. Ang isang kamay lang nito ang nakahawak sa manobela dahil ang isa nitong kamay ay hawak ang kamay niya.
"Magkikita pa ba kayo ng lalaking 'yon?" Tanong ni Magnus pagkalipas ng mahabang katahimikan.
Pinisil niya ang kamay nito. "Hopefully, hindi na. Ayoko na siyang makita."
"Good. Ayoko ring magkita kayong dalawa." Pinagsiklop nito ang kamay nilang dalawa. "I feel like that man is gonna steal your attention away from me." Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. "I don't like that, Aminah. Its pissing me off."
Naririnig niya ang malakas na tibok ng puso niya. Damn Magnus for making her heart beat in frenzy. "Wala ka namang dapat na ikagalit." Aniya kapagkuwan. "Wala naman ako gusto sa lalaking 'yon." Nakasimangot niyang sabi, "ang hangin kaya niya."
"Ako hindi mahangin?" May munting ngiti na nakaguhit mga labi nito.
"Trust me, Magnus, kung mahangin ka, nasapak na kita."
That made Magnus smile. "Want some Milk tea?" Kapagkuwan ay pag-iiba nito ng usapan nila. "Im hungry."
"Sure--" napatigil siya sa pagsasalita ng makitang papalabas sila ng lungsod. "Magnus," kinunotan niya ito ng nuo, "saan mo ba ako dadalhin? Bakit Palabas tayo ng lungsod?"
"Trust me on this one." Anito saka kinindatan siya. "Okay?"
"Fine." Bumuntong-hininga siya. "Pero sabihin mo muna sakin kung saan mo ako dadalhin."
"Sa Subic."
Namilog ang mata niya. "Subic? Anong gagawin natin do'n?"
"It's a surprise." Sinulyapan siya ni Magnus at kinindatan. "Just trust me."
Trust. Isang salita na napakadaling sabihin pero napakahirap naman ibigay sa isang tao.
To trust someone is to lay yourself bare in front of him or her. At napakahirap gawin 'yon lalo na at minsan nang nasira ang tiwala niya sa mga kabaro ni Magnus. And now he's asking her to trust him.
Could she though? Huminga siya ng malalim.
Would she let herself trust a man again?
Matiim niyang tinitigan si Magnus na naka-focus sa pagmamaneho, at habang nakatitig sa mukha nito, napagdesisyonan niyang pagkatiwalaan ito.
She's happy with him. And she trust her happiness. Sana sa pagkakataong ito, hindi siya magkamali sa pinagkatiwalaan niyang tao.
"Okay. I trust you." Aniya kapagkuwan.
Magnus smiled and squeeze her hand. "Thank you."
Napuno ng katahimikan ang buong kotse. Binitawan ni Magnus ang kamay niya at nag-focus ang binata sa pagmamaneho patungong Subic. Siya naman ay tinext si Key na wala siya sa condo niya baka kasi pumunta ito doon.
Nang ibabalik na niya ang cellphone sa bag niya, nakatanggap siya ng mensahe galing sa isang unregistered number.
'Hi. Ynah. It's me, Michael.', Iyon ang laman ng mensahe.
Nakaramdam siya ng iritasyon. Saan naman kaya nito nakuha ang numero niya.
Inis niyang binura ang mensahe nito saka nayayamot na inilagay sa bag ang cellphone. Nakakainis. Baka si Key na naman ang nagbigay. May gusto 'yon kay Michael, e.
At mas nadagdagan pa ang inis niya ng makatanggap siya ulit ng mensahe galing sa numero ni Michael.
'Hey. Can i invite you to have coffee with me?'
Umirap siya sa hangin at inis na tinapon papasak sa bag niya ang cellphone.
"You look irritated." Pansin ni Magnus sa kaniya.
Dumaosdos siya ng upo sa pinag-krus ang braso sa harapan ng dibdib niya. "Si Key kasi, binigay yata number ko sa Michael na 'yon. Text ng text, naiinis ako."
Nakaramdam siya ng pagsisisi na sinabi niya iyon kay Magnus ng makita niyang humigpit ang hawak nito sa manobela.
"Call him." Utos ni Magnus sa kaniya.
Napakurap-kurap siya sa binata. "Ha?"
"Tawagan mo siya."
"Ayoko--"
"Give me your phone." Inilahad nito ang nakabukang palad sa kaniya.
Kinuha niya ang cell phone sa bag saka inilagay ang cell phone sa palad ni Magnus. "Anong gagawin mo sa cellphone ko?"
Bilang sagot, bumagal ang pagtakbo ng sasakyan nila saka may pinindot-pindot ito sa cellphone niya kapagkuwan ay inilapit sa tainga nito ang cellphone niya.
"Magnus, sinong--"
"Is this Michael? Good." Magnus eyes darkened in anger and his jaw tightened. "This is Magnus McGregor, you're hitting on my girl and its me pissing me off. If you don't stop, i'll beat you into pulp." Pagkasabi non ay pinatay nito ang tawag saka itinapon sa dashboard ang cellphone niya.
"Fuck." Mahina nitong mura saka bumilis ulit ang takbo ng sasakyan nila.
Napatitig lang si Aminah kay Magnus. He really looks pissed. Kita at ramdam niya ang galit nito.
Is he jealous again?
And did he just said his girl? Lihim siyang napangiti. Nasisiyahan siya sa isiping nagseselos si Magnus kay Michael.
"Kapag nagtext pa siya sayo, sabihin mo sakin." Anito na halatang iritado.
"Okay." Aniya na nangingiti pero pinipigilan niya.
"Good."
Pareho silang nawalan ng imik ni Magnus habang nagmamaneho ito.
On the way to Subic, nakatulog si Aminah. Nagising lang siya ng maramdaman niyang niyogyog ang balikat niya.
"Aminah, baby, wake up." Boses iyon ni Magnus.
Napaungol siya at iminulat ang mga mata. Bumilis ang pintig ng puso niya ng magtama ang mga mata nila ni Magnus.
"Baby, wake up."
Lihim siyang napalunok. "Hey."
Magnus smiled. "Nandito na tayo."
Mabilis siyang umayos ng upo saka tumingin sa labas ng bintana. Ganoon na lamang ang pamimilog ng mga mata niya ng makakita siya ng maraming klase ng Yacht.
"Oh my..." nasapo niya ang bibig saka bumaling kay Magnus. "Anong... anong..."
Magnus smiled. "Let's go."
Tinuro niya ang mga Yacht na nakikita. "Mayroon ka niyan?"
Tumango si Magnus saka lumabas ito ng kotse saka umikot sa passenger seat at pinagbuksan siya.
"Come out, baby." Aniya.
Tinanggap niya ang kamay nito na nakalahad sa kaniya saka lumabas siya ng sasakyan.
Magkahawak kamay sila ni Magnus habang ginigiya siya nito patungo sa may pinakadulo ng Port, kapagkuwan ay tinulungan siya nitong makasakay sa isang Yacht na kulay steel gray at masuyo siya nitong hinila patungong top deck. Pero habang nasa gitna ng hagdan, nauna na itong umakyat.
Nang marating ni Aminah ang tuktok ng hagdan, nagulat siya ng makita si Magnus na hawak na bouquet ng puting rosas.
"Flowers..." mahina niyang sambit habang nakatingin sa bulaklak na hawak ng binata.
Lumapit sa kaniya si Magnus saka ibinigay sa kaniya ang bulaklak. "Para sayo."
Her heart melted at that. "For me?"
Tumango si Magnus. "My surprise." Ani ng binata saka iminuwestra ang isang kamay sa mesang nasa gitna.
Umawang nalang ang mga labi ni Aminah ng makita ang romantic table for two na magandang nakaayos.
Parang lahat ng bitterness sa katawan ni Aminah ay nalusaw, lalo na nang mahawakan niya ang bulaklak na bigay sa kaniya ni Magnus.
Noon, para sa kaniya, ang bulaklak ay binibigay ng lalaki para makauto ng babae. Pero ngayon, nag-iiba na ang pagtingin niya sa mga bagay-bagay, at dahil iyon kay Magnus.
Ano ba ang ginagawa sa kaniya ng lalaking 'to?
"Come with me."
Tumango siya saka hinayaan itong hilahin siya patungo sa helm ng Yacht.
"Saan tayo pupunta?" Tanong niya ng maramdamang gumalaw ang Yacht.
Pinaharap siya ni Magnus sa helm saka inilagay doon ang kamay niya at ipinatong nito ang kamay sa kamay niya para silang dalawa ang nagpapagalaw ng Yacht.
Ramdam na ramdam ni Aminah ang matitipunong dibdib ni Magnus sa likod niya at nararamdaman niya ang ri-react ang katawan niya.
Oh god...
Lihim siyang napalunok ng maramdamang ipinatong ni Magnus ang baba sa leeg niya.
"Aminah?" Pabulong nitong tawag sa pangalan niya.
Abo't-abo't ang kabang nararamdaman ng puso niya. "Hmm?"
"Are you happy?"
Tumango siya. "Yes. Are you?"
"Very." Hinalikan nito ang likod ng tainga niya. "Nandito ka, e, at ikaw ang magpapasaya sakin."
Dumagundong ng tibok ang puso niya. Huminga siya ng malalim saka pumihit paharap kay Magnus.
"Why do you say that?" Tanong niya habang nakatitig sa mga mata nito.
"Because i really, really like you, Aminah." Hinaplos nito ang buhok niya. "Gustong-gusto kita. Kaya naman napapasaya mo ako."
Lumambot ang puso niya. "Kailan mo pa ako gusto?"
"Matagal na."
Nanlaki ang mga mata niya. "Gaano katagal?"
"Three years long."
Parang may kumudlit na ala-ala sa isip niya pero kaagad niya iyong tinanggal. Ayaw niyang maala-ala ang nakaraang iyon, ang araw kung kailan nadurog ang puso niya at ang araw kung kailan nag-umpisa ang galit niya sa mga lalaki.
Napakurap-kurap siya saka nagbaba ng tingin kapagkuwan ay umalis sa mga bisig ni Magnus at nag lakad palapit sa railing saka tumingin sa dagat.
Mabilis ang takbo ng Yacht. Nililipad ang buhok siya ng hangin hanggang sa bumagal ang Yacht at tumigil iyon kapagkuwan.
Ilang segundo ang lumipas, naramdaman niyang niyakap siya ni Magnus mula sa likuran.
"Aminah..."
"Three years long..." ulit niya saka humarap kay Magnus, "when... how did you see me? How did we meet?"
"In a bar." Hinaplos ni Magnus ang buhok niya, "and you were wearing a ripped, dirty and tattered white gown."
Bumalik ang ala-alang kumudlit kanina sa isip niya.
She was in a bar. Drinking in her dirty wedding gown. And there's a man. A man with tattoos, ear piercing and seductive smirk.
Was it Magnus?
#Aherm.
#NextChapter?
#BlueJobSlashAsulNaPintura
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top