CHAPTER 10
CHAPTER 10
HINDI alam ni Aminah kung bakit hindi siya makaramdam ng disappointment habang nakatingin kay Magnus na pilit na nagpapaliwanag sa kaniya. Siguro dahil hindi siya umasa na iba ito sa mga lalaking nakilala niya.
Maybe someone only gets disappointed when she expected something and it didn't happen. Sa kaso nila ni Magnus, hindi siya nag expect. Basta hinayaan niya lang ang mga pangyayari ang magdesisyon at maghusga.
And now it has. At wala siyang karapatang makaramdam ng selos. E wala nga silang relasyon.
At saka, nakita niyang tinulak nitong si Georgina. Siguro sapat na 'yon para hindi siya magalit kay Magnus.
"Aminah, please, listen to me." May pagsusumamo ang boses ng binata. "Puwede kong ipakita sayo ang CCTV para maniwala ka lang na wala akong ginagawang masama--"
Itinaas niya ang kamay para tumigil ito sa pagsasalita. "Don't explain."
"But Aminah--"
"Magnus," tumingin siya sa mga mata nito, "una, wala tayong relasyon para mag explain ka sa nangyari. Pangalawa, wala akong pakialam actually. Pangatlo, hindi naman sa nagmamalaki ako pero mas maganda naman ako sa Georgina na 'yon. May God, pipiliin mo ba ang isang higad?"
Napakurap-kurap si Magnus sa kaniya. "What?"
Umikot ang mga mata niya saka inilabas ang laman ng plastic bag na dala niya. "Para sayo. 'Yan ang dahilan kaya sinadya talaga kita rito sa opisina mo."
Magnus looked at the ice cream, dumbfounded. "Really, baby? A Magnum ice cream?"
Mahina siyang natawa saka siya na ang nagbukas ng ice cream na nakabalot. "Magnum, tanggalin lang ang 'm' at palitan ng 's' pangalan mo na 'yon."
Napapantastikuhang napatitig sa kaniya si Magnus. "Okay ka lang?"
Tumango siya saka kumagat sa magnum na para dapat kay Magnus. "Sayo 'to. Kainin mo na."
Tinanggap naman ni Magnus ang ice cream saka matiim siyang tinitigan. "Galit ka ba sakin? Is this your way of telling me to fuck off?"
Inirapan niya ito. "Magnus, contrary to what you think, kanina pa kami ng sekretarya mo riyan sa may pinto. Narinig at nakita ko lahat."
"E bakit sabi mo kanina galit ka--"
"Galit ako sa babaeng higad na 'yon." Kaagad na nalukot ang mukha niya saka tinaasan niya ng kilay si Magnus. "Pinatulan mo ang babaeng 'yon? Eww ka, ha."
"Well..." kumagat ito ng Magnum, "that was three years ago."
Aminah rolled her eyes. "Kahit na. Naging kayo pa rin."
Hindi nalang umimik si Magnus at inubos ang Magnum na binigay niya. Nang maitapon nito ang magandang stick ng Magnum na tiyak niyang kasama sa binayaran niya, inilabas niya ang isa pang Magnum.
"Tsaran!" Nakangiting ipinakita niya sa binata ang isa pang Magnum. "Magnum Gold. Para sayo ulit."
Lumapit sa kaniya si Magnus saka umupo sa kaharap niyang visitor's chair. Magkadikit ang mga tuhod nilang dalawa.
Matiim siyang tinitigan ni Magnus. "Pinagti-tripan mo ba ako?"
Umiling siya habang sinusupil ang ngiti sa mga labi. "Hindi. Bakit ko naman gagawin 'yon?"
Magnus narrowed his eyes on her. "You sure?"
Inosente siyang ngumiti. "Very." Tinanggal niya sa pagkakabalot ang Magnum Gold saka inabot iyon dito. "Heto. Kain na. Masarap yan."
"I wouldn't know that." Anito saka tinanggap ang ice cream.
Kumunot ang nuo niya sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin? Don't tell me hindi ka pa nakakakain ng Magnum Ice Cream."
Ngiti lang ang tugon sa kaniya ni Magnus saka kinain ang Magnum.
Mabilis nitong naubos ang ice cream saka tinapon ang stick. Kapagkuwan ay hinila siya patayo at parang naglalambing na niyakap siya. "Thanks for the ice cream."
Sumikdo ang puso niya. "W-welcome."
Pinakawalan siya nito sa pagkakayakap at masuyong hinaplos ang pisngi niya. "I really want to be with you today, but i have some business to attend to and i really have to go."
Hindi niya kung bakit nakaramdam siya ng disappointment. "Ganoon ba? Sige. Alis na ako. Hintayin nalang kita sa condo mamaya para sa party."
"Sige." Ginawaran siya nito ng masuyong halik sa mga labi. "Ingat ka, okay?"
"Okay." Nginitian niya ito bago lumabas ng opisina nito.
Dumeretso siya kaagad sa elevator at nang makababa, nagtungo siya sa Misandrist Club House para mag pa spa at magpaganda. Kung bakit niya ginagawa iyon? Isa lang ang rason. Para kay Magnus.
Pero hindi niya iyon maamin sa sarili niya kaya pilit niyang pinapasok sa isip niya na kaya siya nagpapaganda ay para sa sarili niya.
Because that's what they are taught in the Misandrist Club ... magpapaganda sila para sa sarili nila hindi para sa iba.
But tonight. She'll be breaking that rule.
SEVEN FIFTEEN P.M. Panay ang tingin ni Aminah sa relong pambisig habang hinihintay si Magnus na dumating. Nasaan na kaya ang lalaking yon? Na traffic ba?
Umupo siya sa mahabang sofa, pagkalipas ng ilang minuto tumayo na naman siya at inayos ang damit na bahagyang nalukot.
"Shit." Inis niyang mura. "Nasaan ka na bang lalaki ka?"
Tumingin siya ulit sa relong pambisig. Seven thirty na.
"He's late. I can't believe it."
A long minute passed. Nang tingnan ni Aminah ang relong pambisig, alas-otso na ng gabi.
Nagpupuyos na si Aminah sa inis dahil pinaghihintay siya ni Magnus. Kaya naman hindi na niya pinigilan ang sarili. Tinawagan ni ang binata para sabihing huwag nalang itong pumunta kasi nakakahiya naman dito.
Pero hindi si Magnus ang nakasagot ng tawag kundi boses ng isang babae. Mas lalo siyang nairita.
"This is Aminah. Nasaan si Magnus?" Aniya sa kalmadong boses pero sa loon-loob niya gusto niyang sumigaw sa galit. Nagpaganda pa naman siya para dito pero wala rin palang kuwenta. "Gusto ko siyang makausap."
"This is Gerna, Mr. McGregor secretary--" Para siyang nakahinga ng maluwang na sekretarya nito pala ang may-ari ng boses. "--pinapasabi pala ni Sir Magnus na baka daw hindi ka niya masundo, Miss Aminah."
"At bakit?" Tumaas na naman ang presyon niya.
"Inatake po kasi siya ng kaniyang allergy."
Kumunot ang nuo niya. "Allergy?"
"Oho. Naagapan naman po kasi natawagan niya yong Doctor niya pero kahit ganoon, medyo namamaga pa rin si Sir Magnus at kailangan niyang magpahinga."
Nawala ang galit na nararamdaman niya at napalitan iyon ng pag-aalala. "Ayos lang ba siya? Teka, saan ba siya allergic?"
"Hindi po puwede kumain ng Ice cream si Sir Magnus, kahit anong klase ng ice cream hindi puwede, dahil namumula siya at hindi makahinga." Kuwento ni Gerna. "Pero nagtaka nga ako, e. Alam naman ni Sir na malala ang allergy niya sa ice cream pero nakita kong may dalawang supot ng Magnum sa basurahan. I find it odd. Simula ng magtrabaho ako kay Sir, and that was seven years ago, ni minsan hindi pa yan kumain ng ice cream maliban nalang nuong time na aksidente siyang nakakain ng pagkaing may halong ice cream."
Napalabi siya kasabay ng pagkain sa kaniya ng kaniyang konsensiya.
Shit! Its her fault!
"N-nasaan po siya ngayon?" Nag-aalalang tanong niya.
"Sa bahay po niya, Miss Aminah." Sagot ni Gerna.
Napakagat-labi siya. "Puwede ba akong pumunta diyan?"
Halatang natigilan ang sekretarya dahil natahimik ito sa kabilang linya ng ilang segundo. "Ahm..." mukhang nakabawi na ito, "oo naman miss Aminah. Puwede naman." Binigay nito ang address ng bahay ni Magnus.
"Malapit lang pala bahay niya sa condo ko." Wala sa sariling sabi niya. "Salamat Miss Gerna. Pupunta po ako riyan ngayon din."
"Sige, miss Aminah, paalis na rin ako. Mabuti at may magbabantay na kay Sir."
Pinatay niya ang tawag saka dali-daling lumabas ng condo. Hindi na siya nagbihis pa. Dumeretso siya sa elevator at nagpahatid pababa saka malalaki ang hakbang na nagtungo sa parking lot para sumakay sa kotse niya doon.
Mabilis ang pagmamaneho niya patungo sa address ng bahay ni Magnus.
It's just four blocks away from her condo so it was easy and fast for her to get there.
Kaagad siyang lumabas sa kotse niya saka pinindot ang doorbell na nasa gilid ng malaki at malapad na gate. Buti nalang si Nay Korita ang sumilip sa gate para tingnan kung sino ang nag doorbell kaya hindi na niya kailangan pang ipakilala ang sarili.
"Ma'am Aminah." Kaagad nitong binuksan ang gate para papasukin siya. "Pasok ho kayo."
"Salamat Nay Korita." Aniya saka pumasok sa loob ng gate. "Si Magnus ho?"
"Nasa kuwarto niya po Ma'am. May sakit, e."
Her conscience is eating her up. Kasalanan niya kung bakit may sakit ito. Kasi naman e... bakit naman kasi naisipan niyang pakainin ito ng Magnum? Argh!
"Puwede po ba akong pumasok?" Nag-aalala pa ring tanong niya kay Nay Korita.
"Oo naman, Ma'am Aminah." Nakangiti pang tumango si Nay Korita.
Nagmamadali siyang pumasok sa kabahayan. Si Nay Korita naman ay sinundan siya at iginiya patungo sa kuwarto ni Magnus sa ikatlong palapag ng bahay.
"Dito po Ma'am Aminah." Ani Nay Korita. "Bababa na ho ako para ipagluto si Sir Magnus ng Sopas. Yan kasi ang bilin ni Ma'am Gerna bago umalis kani-kanina lang."
"Sige po."
Nginitian niya si Nay Korita saka humarap sa pinto ng kuwarto ni Magnus. Nang makaalis si Nay Korita, kumatok siya at pinihit pabukas ang pinto at dahan-dahan iyong itinulak.
Kaagad na nakita niya si Magnus nakahiga sa malaki at malapad na kama saka.
Naawa siya sa kalagayan nito pero gusto rin niya itong kutusan. Bakit kasi kinain nito ang ice cream na 'yon.
Maingat siyang naglakad palapit sa kama saka umupo sa gilid niyon. Umangat ang kamay niya para haplosin ang pisngi ni Magnus. Kahit medyo dim ang ilaw ng buong kuwarto, kita pa rin niya ang pamumula ng buong mukha nito at pati na rin sa braso at sa leeg.
This is all her fault.
Humaplos ang dulo ng daliri niya sa tungki ng ilong nito. Pababa iyon sa may labi ng biglang nagmulat ng mga mata si Magnus.
Bakas ang gulat sa mukha nito. "Aminah?"
"Hey." Aniya sa mahinang boses.
Nginitian niya ito. "Yes. Its me."
Napakurap-kurap ito at akmang babangon pero pinigilan niya ito sa dibdib at tinulak ito pabalik sa pagkakahiga.
"Sabi ng sekretarya mo sakin, kailangan mo ng pahinga kaya nagpahinga ka." Aniya at pinandilatan nito. "Huwag matigas ang ulo."
Sa halip na sumagot, kinuha nito ang bakanteng unan saka tinakip iyon sa mukha.
Nagsalubong ang kilay niya sa ginawa nito saka tinanggal niya ang unan na itinakip nito sa mukha. "Magnus, ano ba ginagawa mo?"
Nag-iwas ito ng tingin. "I look bad. And you look gorgeous in that black dress. Nakakahiyang tumingin sayo, ang pangit ko."
Sinabunutan niya ito saka pabirong pinisil ang tungki ng ilong nito. "Hindi ka pangit. Guwapo ka."
Natigilan ito kapagkuwan ay nanunudyong tumingin ito sa kaniya. "Naguguwapuhan ka sakin?"
Inirapan niya ito kapagkuwan ay pinukol ito ng masamang tingin. "Wala ka dapat sa ganiyang sitwasyon kung hindi mo kinain yong Magnum--"
"Yon ang unang bagay na binigay mo sakin, Aminah." Lumamlam ang mga mata nito. "Nang sabihin mo sakin kanina na sinadya mo ako para sa ice cream na dala mo, i just lost it. I mean, the woman that i like actually went to my office to give me something to eat. Hinding-hindi ko yon kayang tanggihan at hindi ko yon puwedeng palamapasin."
Bumilis ang tibok ng puso niya, dinig na dinig niya ang tibok niya. Bakit ba ganito ang lalaking 'to, palaging pinapatibok ang puso niya ng mabilis na para bang may humahabol do'n.
Tumikhim siya, "ahm," nag-iwas siya ng tingin, "sana hindi mo kinain. Sana sinabi mo sa akin na allergic ka sa ice cream tapos--"
"I want to eat it. So i did." Ani Magnus saka hinawakan ang kamay niya at pinisil iyon. "Hayaan mo na. Okay na naman ako."
"Anong okay?" Inirapan niya ito. "Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin."
"I'm fine."
Umiling siya. "No, you're not."
"Tama ka." Huminga ito ng malalim saka matiim siyang tinitigan. "Mas magiging mabuti ang pakiramdam ko kung tatayo ka ngayon at ipapamakita mo sakin ang kabuonan niyang damit mo."
Inirapan niya ito saka tumayo at umikot saka parang nasa catwalk na naglakad paikot sa kama nito saka nag-pose.
Magnus looked at her intimately. "You're so beautiful, Aminah."
Nginitian niya ito. "Thank you."
Tinanggal niya ang suot na stilettos saka lumuhod siya sa kama at umupo sa tabi ng binata, ang likod niya ay nakahilig sa headboard ng kama.
Pakiramdam ni Aminah ay may nag-iba sa kaniya ng patagilid na humiga si Magnus at yumakap ang braso nito sa beywang niya saka sinubsob ang mukha sa balakang niya.
This felt normal. She felt safe. She feel at ease. Kahit noon kay Josh, hindi niya naramdaman ang ganitong pakiramdam kapag kasama niya ito.
Napabuntong-hininga nalang si Aminah saka hinaplos ang buhok ng binata. "Okay ka lang ba talaga?"
"I'm disappointed." Pabulong na sabi ni Magnus.
Kumunot ang nuo niya. "Bakit naman?"
"Kasi hindi tayo nakapunta sa party." May panghihinayang sa boses nito.
Dumaosdos siya ng higa hanggang sa magpantay ang ulo nila ng binata. "Ikaw kasi kinain ang ice cream."
"It came from you, baby." Bulong ni Magnus sa kaniya. "And when it came from you, it's very important to me."
Bumaling siya rito at natigilan ng mapansing gahibla nalang ang pagitan ng kanilang mga labi. "Bakit?" Pabulong niyang tanong habang matiim na nagkakatitigan silang dalawa ng binata. "Bakit importante sayo kung ano man ang ibibigay ko?"
Magnus brushed his lips against hers and spoke. "Because you're important to me, Aminah. Very important."
Her heart flipped and skips a beat. Importante siya rito? Ang normal na reaksiyon niya ang maging bitter, sabihing sinungaling ito o kaya naman ay hindi maniwala rito. Pero sa halip na iyon ang gawin, inilapat niya ang mga labi sa labi ng binata at mariin itong hinalikan sa mga labi.
#vageygeyIsAVeryImportantPartOfOurBody
Why? Malamang, kuweban yan e. Haha. May lamang dyamante yan. Masarap na dyamante na kapag nanakaw ng isang walang hiyang sawa, lalaki tiyan mo. Sige ka. Ingat-ingat din. Yong dyamante na yan, importante yan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top