Unang Kabanata
"KITANO!!! GISING NA! ANO BA ANG BATANG IRE NAPAKATAMAD." sigaw ni tiya Josefa
"Kitano magising ka na huwag mong painitin ang ulo ng iyong tiya." Sambit naman ni papa na napadaan sa pinto ng kuwarto ko
"Opo, eto na po." Sabi ko at nagising na
Nagunat-unat ako ng katawan saka binigyan ng pagkain si pita. Si pita ang alaga kong pusa, nakita ko siyang pakalat-kalat noon kaya inampon ko siya.
Napaka aga pa ngunit nagkalat na ang mga taong animo'y nasunugan sa mga dalang mga gamit. May gaganapin kasing kasiyahan sa bahay ng Gobernador ngayun kaya naman lahat gumagalaw.
Papunta ako sa batis upang kumuha ng tubig pampaligo nang makasalubong ko si mang episaryo
"Oh hijo mukhang di ka pa handa sa gaganaping kasayahan ah." Sambit ni mang episaryo
"Siya nga po, papunta po akong batis upang magsalod ng tubig." Sabi ko naman
Pareho kaming dumiretso sa kanya-kanyang paparuonan. Habang naglalakad naman naririnig ko ang tilian at usapan ng ibang babae.
Uuwi kasi ang anak na lalaki ng gobernador na nag-aral sa estados unidos. At ang kasiyahang gaganapin mamaya ay upang pormal siyang ipakilala sa mga nasasakupan ng kanyang ama.
Para sa akin wala namang espesyal sa araw na ito gayun din sa anak ng gobernador kaya sinadya ko talagang di magising ng maaga.
Di ko maintindihan kung bakit ang taas ng tingin ng mga kasamahan ko kay jallente. Jallente Escovar ang mukhang bibig ng lahat ng tao sa bayan, maaring mas maraming naituturo sa estados unidos na mga asignatura kesa sa mga paaralan dito sa pilipinas ngunit di naman siguro ito nalalayo sa itinuturo sa amin.
Si Jallente ang magpapatuloy ng mga nasimulan ng kanyang ama pagdating nito sa tamang edad. Di ko ito gusto, di ko alam paano kami papamunuan ng isang lalaking dayuhan sa sarili niyang bayan. Limang taon siya noong umalis siya dito sa bayan labing limang taon siyang nanirahan sa estados unidos ni hindi nga namin alam kung marunong itong magtagalog eh.
***
"Tiya ayaw ko nga sabing sumama aalagaan ko na lamang si pita dito sa bahay kayo nalang ni papa ang pumunta." Sabi ko kay tiya josefa
"Hindi pwedeng wala ka roon, ipapakilala kita sa anak ng mga kaibigan ko baka doon ka pa makahanap ng iyong nobya." Sabi ni tiya josefa at humalakhak
"Alam mo Kitano ako'y tumatanda na gusto ko pa makitang lumalaki ang aking mga apo. Kelan mo ba ako bibigyan ng apo?" Tanong naman ni papa
Wala akong nagawa kundi maggayak ng magara at sumama sa kasiyahan dahil aasarin nanaman ako nila papa at tiya ng kung ano-ano. Kako magandang lalaki naman raw ako ngunit wala pa ding nobya, tinatanong pa ako ni papa kung paminsan kung lalaki ba raw ako.
Syempre naman lalaki ako, di ko lang talaga nahahanap ang babae na mamahalin ko. Gusto ko ng babaeng simple kung mangarap, yung gugustuhin yung buhay na gusto ko rin. Marami namang mga babaeng maganda sa bayan namin na ipinapakilala ni tiya ngunit wala akong magustuha. Kung hindi naglalagay ng mga kolorete at nagsisigarilyo ay mga babaeng mahiyain naman na tindig palang halatang nagmula sa mayamang pamilya.
Ayaw ko ng ganoong klaseng babae. Di ko naman sinasabing kinamumuhian ko ang mga mayayaman dahil para ko na ding kinamuhian si papa. Ngunit gusto ko talagang mamuhay ng payapa at simple kung hindi lang ako ang nagiisang anak ay matagal ko na sanang binalak na magsimula ng sariling buhay sa taas ng mga bundok.
"Oh Kitano maghanda ka na bubuksan na nila ang pinto hudyat na pwede na tayong pumasok." Sabi ni tiya josefa
Pagpasok namin sinalubong kami ng makukulay na bulaklak at magagarbong palamuti na nakasabit sa paligid ng bahay. Isang tingin palang halatang-halata na galing nga mismo ang pamilyang ito sa mayayamang angkan ng pilipinas. Napuno ang bulwagan ng mga lalaki at babae na nakasuot ng magagandang gayak.
"Kitano, halika may ipapakilala ako sa iyo." Sabi ni tiya josefa
Eto nanaman si tiya madami nanaman itong ipapakilalang dalaga sa akin.
"Oh josefa ito na ba si Kitano?" Tanong ng isang ginang
"Oo,siya nga." Sabi ni tiya sabay sukbit ng kamay sa akin
"Eto naman ang aking anak na si Conchita." Sabi nong ginang at sinukbit rin ang kamay sa kanyang anak
Ngumiti sa akin si Conchita at nginitian ko lang din ito mukhang isa rin ito sa mga babaeng mahilig magpaganda at maglagay ng kolorete sa mukha base sa kanyang gayak ngayun.
"Kitano, nagkita na tayo noon pareho tayo ng paaralan na pinasukan noong elementarya." Sabi nito na nakatabon ang mukha sa pamaypay nito at paminsan-minsan pinapakita nito ang ngiti niya sa akin
"Ganoon ba? Masaya akong naalala mo pa iyon." Sagot ko naman, maaring ayaw ko sa pamamaraan ng babaeng ito ngunit mukhang mabait naman siya
"Oo, sa katunayan naaalala ko pa noon magkaibigan kayo ni Jallente diba? Lagi kayong magkasama noong di pa siya umalis papuntang Estados." Sabi ulit nito at uminom sa kanyang baso
Matagal ko nang kinalimutan na kaibigan ko ang lalaking iyon. At matagal ko na ding iniwaksi na magkaibigan kami.
"Totoo ba? Hindi ko alam dati mo palang amigo ang anak ng gobernador." Sabi mi tiya josefa
"Noong buhay pa si ina lagi niya akong pinapayagan maglaro sa labas at doon kami nagkakilala." Pahayag ko naman
"Siya nga,si Imelda ang iyong ina siya ang pinakamagaling na mananahi ng mga kasuotan sa bayan noon. Sa katunayan nasa akin pa din ang itinahi niyang damit at hanggang ngayun ang ganda pa din, hanga ako sa iyong ina napalungkot lang na ang aga niyang namayapa." Sabi ng ginang na ina ni Conchita
At dahil doon naalala ko nanaman si mama nahalata naman nilang ayaw kong pagusapan ang tungkol kay ina kaya nagusap nalang sila tungkol sa mga kausotan at mga taong nasa loob ng bulwagan.
Nagpaalam akong maglilibot at pumayag naman sila. Nababagot na ako sa mga pinaguusapan nila. Lalabas sana ako papuntang hardin upang magpahangin ngunit nahagip ako ng paningin ni ama at kanya akong tinawag.
"Kitano! Anak, halika nga muna rito." Sabi ni ama at napatingin naman sa akin ang mga kausap niya
Kilala ko ang mga kasama niya mga nagmamay-ari ito ng mahahabang sakahan o nagmamay-ari ng malawak na hacienda.
"Magandang gabi mga ginoo." Bati ko sa kanila
"Magandang gabi, ang laki na ng iyong anak Jose." Sabi ni Ginoong mario siya ang may-ari ng malawak na lupain na pinagtatamnan ng mais dito sa bayan
"Siyang tunay ngunit wala pa ding nobya." Sabi ni papa at sabay-sabay naman silang humalakhak
"Sa mukhang yan wala pang nobya?" Bakit naman hijo? Tanong ni Don Miguel
"Naghahanap pa po ako sa malawak na bulwagang ito." Pabiro ko namang sabi para lamang matapos ma ang panunukso nila
Hindi ko alam bakit gustong-gusto nilang magkaroon na ako ng nobya.
"Mukhang nakagambala kami sa iyong paghahanap, mabuti pa at hayaan na natin ang binatang ito na maghanap ng kanyang mapapangasawa." Sabi ni Don Eksibo
"Siya nga." Sabi naman ni ginoong Mario
"Mauuna na po ako, at maghahanap pa po ako ng aking mapapangasawa." Biro ko sa mga ito
Pumunta ako sa hardin paglabas ko ng pinto lumiko ako papunta sa mga bulaklak sakto namang mayroon din palang papunta roon kaya nagkasalubong ang mga mata namin.
Nagulat ang binibini at nawalan ng balanse natakot ako na baka mabagok ang ulo nito kaya sinalo ko siya ngunit maging ako ay nawalan rin ng balanse sapagkat madulas pala ang inaapakan namin.
Agad akong tumayo upang alalayan siya.
"Pasensya na binibini." Sabi ko at yumuko
"Naku! Pasensya rin ginoo pati ikaw ay nawalan din ng balanse." Pagkasabi ko non ay iniangat ko na ang ulo ko sa pagkakayuko at doon ko nasilayan ang napakagandang binibini.
Wala siyang kolorete sa mukha ngunit napakaganda niya pa ding tignan. Simple lang rin ang kasuotan niya ngunit kapag titignan mo ay paramg mas nakakahigit pa ito sa lahat ng babae sa loob ng bulwagan. Napatingin ako sa mapupungay niyang mata sa mala anghel niyang mukha.
Bigla na lamang tumunog ang mga trumpeta hudyat na magpapakita na ang gobernador at ang anak nitong galing Estados.
Pagtingin ko ay mabilis nang tumakbo ang babae paalis di ko man kang nakuha ang pangalan nito.
May 31,2020
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top