Pangatlong Kabanata
Mayroon kaming munting paaralan sa bayan namin kung saan itinuturo nila ang nakaraan ng bayan namin. Nakagawian na kasing ipasa sa sunod na mga henerasyon kung saan nanggaling ang bayan namin.
Noong una ay akala ko isa nanaman ito sa mga nakakabagot na araw ng iskwela ngunit mali ako.
"Ginoong Kitano, mag-aaral ka rin?" Tanong ni Louisianna na nakangiti.
"Oo, ngayun lang kita nakita rito dati ka na bang nag-aaral ng historya?" Tanong ko. Sigurado akong maalala ko ang mukha niya kung dito siya nag-aaral.
"Hindi, sa manila ako nag-aral ngayung taon lamang ako umuwi rito" sabi niya kaya ngumiti ako.
"Bakit ka ngumingiti? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ni Louisianna sabay punas ng mukha.
"Nagagalak lamang ako dahil meron akong bagong nalaman tungkol sayo, kung istorya mo lamang ang itinuturo ng Guro natin ay baka di ko makakatulogan ang klase" sabi ko
"Oi natutulog ka sa klase? Sutil ka!" Pang-aasar niya sa akin.
"Di naman, kung ganun kaya pala iba ang iyong pananalita dahil hindi ka rito lumaki?" Tanong ko
"Oo ganun na nga, tiyahin ko ang nagpalaki sa akin doon. Pero ayaw na akong paaralin pa ni ama kaya pinauwi niya na ako" sabi ni Lousianna.
"Ano ba ang iyong pangarap binibini?" Tanong ko
"Pangarap ko maging guro at magturo sana sa mga batang di makaluwas dito sa bayan" sagot ni Louisianna.
"Puwede ka pa rin namang maging guro kahit hindi ka na nagkolehiyo" sabi ko
"Paano?" Tanong niya
"Ibahagi mo lamang ang iyong natutunan, di naman kailangan ng diploma upang makapagbahagi" sabi ko
"Tama ka nga, ikaw ginoo anong pangarap mo?" Tanong ni Louisianna
"Pangarap ko ay ikaw" sagot ko kaya ngumiti siya ng patago.
"Naku bolero, wag ako marami na akong narinig na ganyan sa ibang lalaki" sabi ko
"Marami ka nang narinig ngunit ako pa lamang ang makakakamit" sabi ko at ngumiti.
"Kaibigang kitano, binibining Louisianna maari ba akong makiupo?" Tanong ni Miguel na kakarating lamang.
"Miguel mayroon akong nakitang bakanteng upuan doon sa likod" sabi ko at tinigna siya ng makahulogan
"Ngunit wala akong kasama roon" sabi ni Miguel
"Ayos lang ginoo maupo ka na" sabi ni Louisianna
Gusto kong makasama si Louisianna, gusto kong kinakausap siya na nasa akin lamang ang atensyon.
"Aray ko!....."sigaw ni Miguel dahil kinurot ko siya tinitigan ko siya ng masama at nag-usap kami gamit ng mata
"May langgam ata sa aking upuan" sabi niya na lamang at hinimas ang kanyang kamay.
"Kung alam ko lamang na di mo na ako tatabihan sa klase kung makikilala mo si binibining Louisianna ay di ko na sana itinuro ang bahay niya sayo" bulong ni miguel sa akin.
"Kung alam ko lamang makikiupo ka sa amin hinanapan na sana kita ng iyong nobya" bulong ko rin sa kanya at pareho kaming natawa na lamang.
Inaasar lamang ako niyan dahil alam niyang ayaw kong may tumabi sa amin ni Lousianna. Nag-usap kaming tatlo, parang bata si Miguel na nakikisali paminsan-minsan sa usapan namin upang makigulo.
"Haha tama ka ginoong Miguel kumukunot nga ang noo niya" tawa ni Louisianna nang makita ang kunot noo ko.
"Wag mo naman akong pagtawanan binibini at akoy nahihiya" sabi ko
"Tabi!" Biglang singit ni Jallente at naupo sa tabi ni Louisianna.
"Hindi ka namin inanyayahang maupo rito" sabi ko kay Jallente
"Wala akong paki, ama ko ang nagpagawa ng mga upuang ito at uupo ako kung saan ko gustong umupo" sabi niya.
"Sa tagal mo sa Estados ay nalimutan mo na ata paano galangin ang mga kabayan mo" sabi ko
"Di ko nalimutan, i just don't want to respect you" sabi ni Jallente
"You- you a lost man in your Country" sabi ko hindi ko na maalala kung ano ang tamang pagbigkas ng mga kataga ngunit parang ganuon rin naman ata iyon.
"Tss walang pinag-aralan" sabi ni Jallente.
"Huwag mo akong inglesin sa bayan ko! Magtagalog ka nga!" Nagsisimula n kaming magsagotan.
"Tama na mga ginoo wag kayong mag-away" pag-awat ni Louisianna.
"Binibini lumayo ka sa kanila baka ika'y masali" sabi ni Miguel at inilayo si Louisianna
"Bakit sila nag-aaway?"
"Ano ang nangyayari?"
"Ang binibini bang iyan ang pinag-aawayan nila?"
"Anong pinagaawayan nila?"
Napuno ng bulongan sa loob ng kwarto.
"Magsasalita ako sa lengwaheng aking gusto! Isa ka lamang anak ng magsasaka at ako ay anak ng Gobernador sino ka upang akoy sumbatan?" Galit na tanong ni Jallente.
"Di kita maintindihan! Di ka namin maintindihan, kung pumunta ka sa Estados upang mag-aral ng Ingles at saka uuwi rito upang kausapin kami ay matatawa na lamang ako! Tagalog ang lengwahe sa Miranasa! Hindi ingles. Puno man ng pangalan ng iyong ama ang mga kagamitan rito sa bayan huwag mong kalimutang mga taong-bayan ang gumawa niyan kaya huwag mo kaming minamaliit! Ang taas ng tingin mo sa sarili mo eh mas maliit ka pa sa akin!" sumbat ko
Mayroong natawa sa binitawan kong salita at mayroon namang nagpipigil ng tawa.
"Wala kang galang! Ako ang susunod na gobernador ng Miranasa, just wait I'll exile you!" Sabi ni Jallente.
"Kung ikaw nga ang susunod na Gobernador ng Miranasa ay ngayun pa lamang naawa na ako sa bayan ko" sabi ko
"At sinong dapat na mamuno? Ikaw na di man lang nakapagtapos ng Hayskul?" Tanong ni Jallente.
"Itinuro ba sa eskwelahan mo paano magsaka? Itinuro ba sa estados paano magbigay ng patas na hatol? Tinuruan ka bang gumalang roon? Itinuro ba sayo paano maging mamamayan ng iyong bansa? Kung wala ay tumahimik ka!" Sabi ko.
"Nag-aral ako ng siyensa, matematika, ingles, Pagnenegosyo at pagpapalago ng ipon ng bayan. Yun ang kailangan ng ating bayan!" Sagot ni Jallente
"Matalino ka lang ngunit wala kang galang at dahil jan hinding-hindi mo makakamit ang pagmamahal sayo ng mga taong bayan!" Sabi ko. Lubosan na atang nagalit si Jallente dahil bigla niya ako sinunggaban ng suntok.
"Iyan ba ang ipinagmamalaki mong natutunan mo sa Estados? Ang hina! Wala pa sa kalahati ng lakas ng kamao ng mga taga Pilipinas" sabi ko
Nagsihiyawan ang mga tao noong pinakawalan ko ang kamao ko.
"Turuan mo ng leksyon ang mayabang na yan Kitano!"
"Sige suntukin mo! Ipakita mo kung paano ang tamang pagsuntok!"
"Sige bugbugin mo upang matuto"
"Ginoong Jallente!"
"Tumawag kayo ng tulong"
Maingay na sa loob ng silid dumudugo na rin ang ilong ni Jallente gayundin ang labi ko.
"Ginoo tama na!" Humupa ang mga kamao ko nang pumagitna si Lousianna.
"Ano ang nangyayari rito?" Tanong ni Ginang Baryosa
"Siya ang nagsimula!" Turo ni Jallente sa akin.
"Kitano! Jallente anong paguugali itong pinaairal ninyo? Napaka hindi maginoong ugali, anak pa man rin ng mga iginagalang na tao" sabi ni Ginang Baryosa.
Ipinakansela na ang Klase noong araw na yun dahil kinausap kami ni Ginang Baryosa, ipinatawag niya rin si Ama at ang Gobernador Juarlito Escobar.
"Napaka di maginoong pag-uugali, paano nila pananatiihing maayos ang bayan sa paglaki nila?" Tanong ni Ginang sa mga ama namin.
"Pasensya na Ginang Baryosa ngunit maaari bang palampasin niyo na lamang ito dahil mayroon pa akong pupuntahan" sabi ni Gobernador.
"Estupido! Hindi mo ba alam na importante ito, anak mo ang isa sa mga pinagpipilian ng mga tao na susunod na mamumuno sa Miranasa tapos ganyan ang kanyang pag-uugali" sermon ni Ginang Baryosa, si ginang Baryosa ay pitompo't limang gulang na, siya ay naging guro pa ng aming mga ama.
"Hindi makikipag-away ang anak ko kung hindi ito inunahan ng iba" singit ni ama.
"Isa ka pa Jose itong anak mo tignan mo ang ginawa niya sa ilong ni Jallente halos mabasag na ang mga buto nito" sabi ni Ginang.
"Kagay nga po ng sabi ko di makikipagaway ang anak ko kung di sya pinangunahan ng iba" sabi ni ama.
"He stared it! He said i was not fit to rule Miranasa!" Sigaw ni Jallente.
"Kita mo bastos! Sumasagot. Manahimik ka dahil hindi ka kinakausap" sabi ni Ginang.
"Ano? Sinabi niya iyon sayo? Aba napaka Inggit naman ng anak mo sa anak ko Jose upang kuwestyunin si Jallente" sabi ni Gobernador.
"Kitano bat mo sinabi yun?" Tanong ni ama
"Eh ini-ingles ako ama, di ko maintindihan kung kayat sabi koy magtagalog siya, aba mas lalong nag-ingles! Minamaliit kaming mga kaklase niya" sabi ko
"Kita mo Juarlito! Ganyan ba ang ugali ng isang ginoo?" Sumbat ni ama.
"Bakit mo iyon sinabi Jallente?" Tanong niya.
"Ayaw niya akong paupuin sa napili kong upuan" sabi ni Jallente
"Di ka man lang nagpaalam na uupo ka! Wala kang galang sa amin!" Muling tumaas ang boses ko.
Nagbangayan ang mga ama namin at pareho kaming apat na napagalitan ni Ginang Baryosa, lumabas kami ng silid na masasakit ang mga daliri mula sa paghampas nito sa amin.
"Patingin nga ng kamay mo" sabi ni Louisianna
"Pahamak talaga si jallente" sabi ko
"Sa susunod ay umiwas ka na lamang sa gulo" sabi ni Louisianna
"Ang galing kaya sumuntok ni Kitano" sabi ni Miguel.
"Syempre anak ko yata yan" sabi ni ama na galing sa kanyang silid.
"Ama, si Louisianna nga pala. Louisianna siya ang aking ama" sabi ko
"Magandang hapon po" bati ni Louisianna
"Abay magandang hapon rin, Louisianna huwag ka sanang magalit ngunit tatanongin kita kailan mo b sasagutin itong anak ko?" Biglang tanomg ni ama kung kayat namula yata ang pisnge ko.
"Eh hindi pa naman po kasi nanliligaw ang anak niyo, ni hindi nga ako binibigyan ng bulaklak o hinaharana" sabi ni Louisianna.
"Ganun ba? Oh eh kitano galaw galaw naman sige ka baka maunahan ka ng iba" sabi ni ama.
"Kamay ko na nga po ang hinahawakan niya maagaw pa ng iba?" Tanong ko kung kayat natawa na lamang si ama
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top