Pangalawang Kabanata

Sinundan ko sa loob ng bulwagan ang binibini upang pangalan nya sana ay tanongin. Ngunit nahinto ako nang hilain ni ama ang aking braso.

"Ano ka ba kitano bakit ka tumatakbo?" Tanong ni ama

"Ama nakita ko na ang babaeng bumihag ng puso ko" masaya kong binalita ito kay ama.

"Aba'y nasaan siya upang aking makilala" tanong ni ama

"Hinahabol ko nga po eh, tumakbo siya noong tumunog ang trumpeta" sabi ko

"Magsasalita na ang Gobernador, mamaya mo nalang ulit hanapin anak" sabi ni ama.

Kagaya nga ng plano ay ipinakilala ng Gobernador ang kaniyang anak at kagaya nga ng inaasahan ko parang nakatali ang dila nito habang nagsasalita ng tagalog.

"Binabati ko kayoow mga kababayen, salemat at malugowd ninyo akowng sinaluwbong" sabi niya at ibinigkas ito sa pinakaslang na tagalog na narinig ko.

"Tss sabi na nga ba pati pag tagalog di niya alam paano sasabihin, paano niya pamumunuan ang bayan nating kung ganun" sabi ko kay ama

"Tumahimik ka nga at baka mayroon saiyong makarinig, pabayaan mo siya at sigurado akong kanya rin namang matututunan iyan" sabi ni ama

Tinitigan ko ang lalaking iyon ng puno ng pagkadismaya hanggang sa aking mahagilap ang mukha ng ng binibining aking napagmasdan kanina lamang.

"Ama halika tignan mo iyon, siya ang babaeng aking sinasabi sayo" sabi ko kay ama.

"Aba magaling kang pumili anak, ano pa ang iyong ginagawa lapitan mo na at baka sa iyo ay mayroon pang mauna" sabi ni ama

"Sige po ipadasal niyo ako ama" sabi ko

"Hindi mo na kailangan non anak, ngunit sige isasali ko rin iyan sa aking mga hiling" sabi ni ama.

Pupunta kasi sila ng kanyang mga kasamahan sa hardin upang mag-alay ng mga bulaklak sa altar na naroon at upang magdasal na rin ng mapayapa at maayos na pamumuno rito sa aming bayan. Nakagawian na ito ng mga matatanda upang patuloy na umunlad ang aming munting bayan.

Naglakad ako papunta sa binibini, sya ay nakaupo lamang sa isang hapag na walang kasama.

"Maari ba akong umupo binibini?" Tanong ko

"Kung yun ang inyong gusto" sagot niya

"Ako ay nagtataka kung bakit ang isang sampaguitang katulad mo ay nakaupo at sa wariy nababagot sa kasiyahang ito?" Sabi ko

"Hindi kasi ako marunong sumayaw, wala rin akong kilala rito dahil lagi akong nasa bahay lamang" paliwanag ng binibini.

"Ako nga pala si Kitano, at ikaw naman si?" Tanong ko

"Ako naman si Louisianna" sagot ng dalaga

"Kung ikaw ay di mahilig sa sayawan, maari bang yayain nalamang kitang sumilip sa mga bituin doon sa labas?" Tanong ko

"Hindi kasi ako pinapayagang umalis sa bulwagan ng aking ama eh" sabi ng binibini.

"Gayun ba? Maari ko bang malaman sino ang iyong ama binibini upang akin kang maipagpaalam." Sabi ko

"Ang aking ama ay si..." naputol ang sasabihin niya.

"Louisianna kanina ka pa ipinapahanap ng iyong ama, pasensya na ginoo kailangan ko ng ihatid ang aking alaga sa kanyang ama" sabi ng isang ginang kaya namaalam na ako sa kanya.

Ayos lang yun marami pang mga gabi na pwede kaming sumilip sa mga bituin.

"Kitano halika rito" tawag sakin ni Miguel ang isa sa aking mga kaibigan.

"Siya si Kitano, naaalala mo pa ba siya? Sa pagkakatanda ko ay magkaiibigan kayo noon" sabi ni Miguel habang akoy ipinapakilala kay Jallente.

Sa pagkakatanda ko naman ay matagal ko nang kinalimutang kaibigan ko ang Jallente na ito.

"I remember you, ikaw iyong magaling sa matematika" sabi ni Jallente.

"Kay tagal ng panahon di ko inaasahang maaalala mo pa ako" sabi ko at pilit na ngumiti.

"Paano kita make-ke-limutan ika'y nagpapabenta ng mga handkerchief na gawa ng iyong ina sa mga babae noon" sabi ni Jallente

"Oo nga, yun ang mga panahong babad pa kayo sa utang Kitano" sabi ni Juarico

"Eh hindi ko naman iyon kinalimutan, ikaw ba naalala mo rin ba noong ikay natae sa iyong upuan?" Tanong ko kaya nawala ang ngiti sa mukha niya.

"Ay ako naaala ko iyon, ika'y pinalo pa ng iyong Ina dahil di ka kumain ng iyong agahan dahil ayaw mo sa gulay" sabi ni Miguel

"Wow! Andaming papuwedeng maalala iyon pa ang di mo nalimutan" sabi ni Jallente

"Di ko rin nalimutan iyong utang mong limang piso noong talo ka sa larong trumpo niyo sa akin ka nangutang" sabi ko.

"Huwag kang mag-alala bukas na bukas rin ay ipapadala ko sa bahay ninyo ang limang daan, baon pa rin ba kayo sa utang? Bakit hanggang ngayun pera pa rin ang inaalala mo?" Tanong niya

"Huwag na tinanaw ko na iyong utang ng loob mo sa akin, hindi na kami baon sa utang sa katunayan ay si ama na nga ang nagmamay-ari ng mga lupaing nakapaligid sa bahay ninyo" sabi ko

Naiinis na ako sa lalaking ito, kanina pang parang lahat ng binibitawan niyang salita ay maroong kaakibat na nilalaman. Para bang nagsisimula siya ng pagaawayan gayung akoy nananahimik lamang.

"Ah ganoon ba? Hindi ko tinanong, si ama pa rin naman ang pinuno ng bayan kung kayat ibig sabihin ay amin ang lahat ng nakikita mo sa bayang ito!" Sabi ni Jallente.

"Mukhang napakainit naman dito sa loob ng bulwagan aking kaibigang Kitano, tara doon muna tayo sa hardin upang makalanghap ng malamig na hangin" sabi ni Miguel at inilayo na ako roon.

"Napaka-hulhang na lalaki! Tama bang kaniyang banggitin sa una naming pagkikita na kami ay baon sa utang noon?" Tanong ko kay Miguel.

"Ikay magpasensya na lamang at di niya alam ang pamamaraan at kultura ng mga pinoy" sabi ni Miguel na natatawa.

"Istopido nais ko lamang ibahagi ang aking alaala sa kanya ngunit kanya naman itong ikinagalit gayung di ko nga ipinuna ang kanyang pagsukbit sa aking ina sa usaping iyon" sabi ko

"Naku ikay kumalma kahit kailan talaga ay parang bulkan ang iyong ulo" sabi ni Miguel.

"Maiba tayo, kaibigan akin nang nakita ang babaeng aking mamahalin" masaya kong balita

"Talaga bah? Sino siya at ano ang kanyang wangis?" Tanong ni Miguel

"Siya ay si Binibining Louisianna at siya na yata ang mayroong pinakanakakalunod na matang aking nakita, ang kanyang balat ay natural na kayumanggi na napaka kinis, ang kanyang buhok ay tulad sa mga alon ng dagat at ang kanyang tinig ay nakakabighani at ang-" ipinutol na ni Miguel ang aking sasabihin.

"Mukhang ikay umiibig na nga kaibigan" sabi ni Miguel.

Nagkukuwentuhan kamig dalawa ni Miguel nang mayroong mga tauhan ng Gobernador na dumakip sa amin at piniringan kami.

"Ano ang ibig sabihin nito?" Tanong ko habang nakapiring pa din.

"Shut up! This is for pesky brats like you" sabi ni Jallente at sinuntok ako.

"Wag kang magtago sa likod ng dilim! Kalasin mo ang mga taling ito at harap-harapan tayong magtalo!" Panghahamon ko.

"Shut up!" Sabi niya.

"Kitani wag ka na lamang magsalita" sabi ni Miguel.

"Miguel nasaan ka? Ayos ka lamang ba kaibigan?" Tanong ko

"Ayow lamang ako hindi ako sasaktan ni Jallente, itikom mo na ang iyong bibig upang di ka na makatikim pa ulit ng sakit" sabi ni Miguel.

"Ano bang ginawa ko sayo ha?" Tanong ko

"Sinungaling ka! Iyong ipinagkalat sa kanila na magkaibigan tayo, hindi tayo magkaibigan! Ika'y alagad ko lamang noon" sabi niya

"Iyan lamang ba ang ikinagagalit ng iyong damdamin? Napakababaw edi ipagkalat mo ring di tayo magkaibigan!" Sabi ko

"Aba syempre inuw-nahan na kiy-ta diyan" sabi niya

"Aba syempre inuwnahan na kiyta diyan" pag-uulit ko ng kaniyang sinabi ngunit mas slang.

Ipinabugbog niya ako sa mga tauhan niya inihatid ako ni Miguel sa bahay.

Hindi ko alam bakit nagagalit sya eh totoo namang magkaibigan kami dati, siya nga itong sumira sa pagkakaibigan namin noong minsang siya'y pumunta sa bahay natapunan niya ng gatas ang mga itinatahi ni ina kung kaya't nagkasakit si ina kakapuyat sa pagu-lit at paglaba ng mga inihabi niya. Mula nang magkasakit si ina ay di na bumuti pa ang pakiramdam niya dahilan upang tumigil sya sa pagtatahi at naiwan si amang nagiisang tumataguyod sa amin at sa kapatid niyang nag-aaral pa noong panahong iyon.

"Sabi ko naman sayong lumayo ka lamang kay Jallente, dahil malas sya sa iyo" sabi ni Ama

"Matalik naman kayong magkaibigan noon ewan ko b anong nangyari sa inyo" sabi ni tiya habang pinupunasan ang galos ko.

"Hindi marunong humingi ng tawad! Napaka hambog at napaka hanga sa kaniyang sarili. Hindi ko alam kung bakit ko siya naging kaibigan" sabi ko

"Tama na iyan hijo magpahinga ka na" sabi ni ama

Mula noon ay iniiwasan ko nang pumunta sa bayan dahil ayaw kong makita ang lalaking iyon.

"Kitano! Kitano asan ka? Matutuwa ka sa aking balita" sigaw ni Miguel habang pumapasok palang sa pinto ng bahay nasa sala nga pala ako.

"Ano ba iyang balitang yan at mukhang hindi ka mapakali?" Tanong ko

"Alam ko na kung saan naninirahan iyong napupusuan mong babae" sabi niya kaya napataya ako sa aking pagkakaupo.

"Nasaan siya naninirahan?" Tanong ko

"Kasalukuyan siyang naninirahan sa bahay nf kanyang Lola sa may ilog" sabi ni Miguel.

"Ano pa ang iyong ginagawa riyan at tumatayo, gumayak ka ng kanais-nais at samahan mo akong haranahin siya" sabi ko sabay palit ng kasuotan.

"Tayo lang dalawa?" Tanong ni Miguel

"Mabuti na iyong tayong dalawa lamang upang sa akin lamang mabaling ang kaniyang atensyon" pabiro kong sabi.

"Naku sigurista! Oh siya sige kukuhanin ko muna ang aking gitara sa bahay, sunduin mo nalang ako" sabi ni Miguel at humayo na.

Nakasama na ako sa mg kaibigan ko noon mangharana ng mga babaeng napusuan nila ngunit ni minsan ay wala pa akong hinarana kung kaya't medyo namamasa ang aking kamay sa kaba.

Magaling naman na akong kumanta ngunit tila ba mayroong pumipigil sa aking tinig.

"Oh hijo saan ka pupunta?" Tanong ni Ama

"Ako'y dadayo sa bahay ni Louisianna, Ama. Ako'y manghaharana" pagpapaalam ko.

"Nawa'y ika'y kanyang kagiliwan" sabi ni ama at umalis na ako.

"Sana nga ama kung papalarin ay gusto ko na siyang maging nobya" sabi ko kay ama

"Nobya lang? Naku mukhang ika'y pinaglihi ng iyong ina sa pagong, bakit di mo pa diretsahin sa kasalan nang mabigyan mo na ako ng apo?" Biro ni ama

"Gusto ko pa mas makilala pa namin ang isat-isa" sabi ko kay ama.

Pumunta kami ni Miguel sa bahay nila Louisianna ngunit di pa man kami nakakatugtog ay nakita niya na kami kaya nagmadali siyang lumapit.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong niya

"Balak sana kitang haranahin binibini" sabi ko

"Naku bawal" sabi niya

"Kung gayon maari ko bang malaman kung bakit?" Tanong ko

"Natutulog si Lola sa taas, baka magising siya paalisin niya kayo. Medyo masungit ang aking lola" sabi niya.

"Kung gayun maaari bang kausapin na lamang kita?" Tanong ko

"Oo naman" sagot niya at ngumiti saka tumigin kay miguel.

"Ah si miguel nga pala kaibigan ko" pagpapakilala ko kay miguel.

"Maiwan ko muna kayong dalawa riyan dito lamang ako sa may ilog magmumuni-muni" sabi ni Miguel at umalis na.

"Bat naparito ka?" Tanong niya sa akin.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa upuan sa kanilang hardin na puno ng magagandang bulaklak.

"Binibini nais ko sanang ipagtapat sayo ang aking nararamdaman. Buong buhay ko ay di pa ako nahumaling sa isang babae at nangako akong kikilalanin ko muna ang babae bago ko ito liligawan ngunit di pa man kita kilala ay tuluyan na akong nahulog sa iyong kariktan" sabi ko sa kanya namula ng bahagya ang kaniyang makinis na pisnge.

"Oi di naman ako ganun ka ganda, Ginoong Kitano baka sinabi mo na yan sa ibang mga babae mo ha" sabi nito at bahagyang inilayo ang kanyang mukha mula sa akin.

"Nangangako ako binibini sa iyong kagandahan pa lamang ako nahumaling at sa iyo ko lamang ipinarinig ang mga katagang aking binitawan" sabi ko sa kanya.

"Kung ganun tatanongin kita kapag nasagot mo ay papayag akong manligaw ka" sabi ni Louisianna.

"Magtanong ka lang ng kahit ano binibini" sabi ko

"Ano ang depinisyon mo ng pagmamahalan?" Tanong ni Louisianna.

Inisip ko ng mabuti ang tanong niya. Hindi pa ako natatanong ng kahit na sino tungkol sa pag-ibig noon.

Ngunit base sa aking nararamdaman sa kanya ang pagmamahal ay....

"Ang pagmamahal ay pagtanggap mo ng buo sa isang tao kahit di mo pa man siya nakikilala ng lubusan, ang pagmamahal ay ang pagiging tapat mo kahit di ka sigurado kung masusuklian din ba ito, ang pagmamahal ay-" naputol ang mga sinasabi ko nang mayroong tumawag sa kay Louisianna.

"Lousianna sino iyang kausap mo apo?" Tanong ng lola niya mula sa bintana sa ikalawang palapag.

" kaibigan po lola" sabi ni Louisianna

"Magpaalam ka na sa kaibigan mo hija, narito si Jallente at binibisita ka" sabi ng kanyang lola.

Nabigla ako sa tinuran ng kanyang lola, narito si Jallente? Mukhang hindi lamang ako ang nabighani kay Lousianna.

"Papasok na po ako lola" sabi niya.

"Pasensya na Ginoong Kitano tayo ay mag-usap na lamang sa susunod na pagkakataon, pag-isipan mong mabuti ang sagot mo sa tanong ko ha" sabi niya at umalis na.

"Kamusta ang inyong pag-uusap?" Tanong ni Miguel.

"Nariyan sa loob si Jallente mukhang hindi lamang ako ang umaakyat ng ligaw" sabi ko kay Miguel.

"ayan na nagsalubong na naman ang kilay mo, pumunta tayo sa Verbiniada ililibre kita ng maiinom" sabi niya at uminom nga kami.



February 28, 2021

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top