Pang-Apat na Kabanata
Third Person's POV
Dahil sa inis ni Jallente kay Kitano ay nagbalak itong ipahamak ang kamag-aral sinabotahe niya ang upuan nito na masira kapag umupo ito, hindi pa siya nakuntento dito dahil naglagay pa sya ng sigarilyo sa lamesahan nito upang mapagkamalang naninigarilyo si Kitano.
Kitano's POV
"mukhang kinain ng anay ang upuan kung kayat nasira" sabi ni Miguel.
"Hindi tuwid ang pagkakaputol ibig sabihin ay sinadya" sabi ni Kitano.
"Wala naman sigurong mangangahas sirain ang upuan na pinagawa ng Gobernador diba? Baka anay nga talaga" sabi ni Louisianna.
"Tignan niyo mayroong Tobacco sa ilalim ng lamesa ni Kitano!" Sabi ni Jallente.
"Anong tobacco?" Tanong ko
"Mukhang di naman talaga perpekto itong kitano niyo" sabi ni Jallente.
"Hindi ito akin" sabi ko.
"Paanong hindi eh nasa lamesahan mo!" Sabi ni Jallente
"Ikaw ang naglagay nito dito" sabi ko
"Isang buwan na mula nang nag-kainitan tayo ako pa din sinisisi mo?" Tanong niya
"Ni hindi nga ako marunong gumamit nito" sabi ko
"Eto! Ganito!" Sabi ni Jallente at sinindihan ang tobacco, ganyan baka hanggang ngayun magmamaang-maangan ka pa din.
Bawal kasing manigarilyo sa silid-aralan namin yun lamang ang nag-iisang polisiya ni Ginang Baryosa dahil ayaw niya sa amoy nito.
"Eh hindi nga akin yan!" Sabi ko at tinabig ang kamay niyang may sigarilyo.
"Oh your starting a fight? Sige pagbibigyan kita!" Sabi ni Jallente.
Muli kaming nag-away habang nag-aaway kami ay nasusunog na pala ang mga gamit namin sa likod kung saan natapon ang tobacco. Nagsilabasan na ang iba ngunit ang mga kagaya naming nakatuon sa labanan ang utak ay di napansin ang sunog.
"AHHHHHH!" malakas na tili ni Louisianna nang umabot na pala sa ilalim ng saya niya ang apoy. Ang ibang kababaihang nakikitingin ay nagsitilian rin nang mapansin ang apoy sa mga saya nila.
Nagtakbuhan na ang karamihan sa naiwan at nagkatulakan nasa labas na kami nang di ko mahagilap si Louisianna.
"Si louisianna nasa loob pa!" Siga ng isang babaeng kakalabas lang rin mula sa umuusok na silid.
Tumakbo ako upang puntahan siya. Naabutan ko siyang walang malay sa sahig. Binuhat ko siya at pilit pinapatay ang apoy sa may saya niya.
"Ano ang nangyayari rito?" Tanong ni Ginang Baryosa
"Jusko! Tumawag kayo ng manggagamot" sabi ni Ginang nang makita ang walang malay na si Louisianna
"Kasalanan mo toh Kitano!" Sumbat sa akin ni Jallente.
"At paano ko naging kasalanan gayung ikaw ang siyang nanguna!" Sumbat ko rin.
"Kung mayroong mangyaring masama sa kapatid ko sisiguraduhin kong mamamatay ka!" Sigaw niya.
Sandali tama ba ang aking pagkakadinig? Kapatid niya si Louisianna? Kung gayun anak rin ng Gobernador si Louisianna.
Nang dumating ang mga manggagawa na tumulong magpahupa ng apoy ay sakto ding dating ng manggagamot dinala si Louisianna sa isang silid at naiwan naman kami uoang tumulong sa pagpahupa ng apoy.
Hindi ko na nakausap o nakita man lang si Louisianna sapagkat pinauwi na kami sa kanya-kanyang tahanan ng dumating ang Gobernador Juarlito.
"Nabalitaan ko ang nangyaring sunog, anong lagay mo Kitano? Maayos ka lang bah?" Tanong ni Tiya.
"Opo maayos naman po ako, ngunit si Louisianna ay kasalukuyang ginagamot pa po dahil siya ay naapakan at natumba nang mga tao noong sila'y nagtakbuhan palabas" paliwanag ko
"Naku masamang balita iyan" sabi ni tiya.
"Tiya maari ka ba magluto ng masarap mong Arroz Caldo dahil balak ko sanang dalhan kinabukasan si Louisianna, upang mas mabilis siyang gumaling" sabi ko kay tiya.
"Sige sige ako'y pupunta na ng kusina upang maihanda na ang mga kakailanganin" sabi ni tiya.
Kagaya nga ng aking tinuran ay lumakad na ako dala ang palayok na naglalaman ng iniluto ni tiya na Arroz Caldo.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Jallente.
"Bibisitahin ko si Binibining Louisianna kung papuwede" sagot ko.
"Kuya hayaan mo na siyang bisitahin ako" dinig kong sabi ni Louisiannana nasa loob ng kwarto.
"Madali lang Louisianna, uuwi na maya-maya si ama di niya gugustuhing makita ang lalaking ito rito" sabi ni Jallente.
"Salamat kuya" sabi ni Louisianna at umalis na si Jallente.
"Kamusta ka Binibini? Ayos ka na ba? Pasensya na kung hindi kita natulungan agad, may dala akong Arroz Caldo" sabi ko sa kanya.
"Ano ka ba huwag mong sisihin ang iyong sarili ginoo, sapat na iyong inilabas mo ako mula sa nagbabagang silid na iyon" sabi ni Louisianna.
"Ito Arroz Caldo luto iyan ng aking tiya, masarap yan" sabi ko sa kanya sabay lapag ng palayok sa may lamesahan.
"Salamat" sagot niya. Tinignan ko si Louisianna at di ko sukat akalaing hinayaan kong siyang mapahamak. Tuwing tititigan ko siya mas lalo ko lamang siyang minamahal, bawat titig ko sa kanya ay gusto ko siyang kanlongin sa mga bisig ko upang hindi pa siya mapahamak pa.
"Binibini mukhang ako'y mayroon nang sagot sa iyong katanungan" sabi ko
"Anong katanongan?" Tanong niya.
"Iyong katanungan mo tungkol sa Pagmamahal" sagot ko.
"Ano ang iyong sagot?" Tanong ni Louisianna.
"Di natatapos sa isang depinisyon ang pagmamahal dahil habang dumadaan ang mga araw mas lalo lamang dumadami ang iying kaalaman tungkol rito, ngunit madami man itong kahulugan malalaman mong nagmamahal ka kung nasasaktan ka, tuwing nakikita mong nahihirapan siya ay mas lalo mo lamang ninanais na pangalagaan at ibigay sa kanya lahat ng atensyon mo. Higit pa ito sa kayamanan dahil wala itong katulad." Sabi ko
Di ko alam kung paano ko naisip ang sagot na iyon ngunit habang pinapakawalan ko ang isang salita ay tuloy-tuloy nang lumalabas ang iba pa.
Umiyak si Louisianna kung kayat akala ko ay mayroong masakit sa kanya.
"Anong masakit? Tatawagin ko na ba si Jallente? Gusto mo papuntahin yung doctor? Gutom ka ba?-" pinutol nya ang mga sasabihin ko.
"Naiiyak ako dahil sa sinabi mo, kumalma ka nga" sabi niya sabay punas ng luha at tumawa.
Ay ganun ba ang mga babae? Normal bang umiyak at tumawa nang sabay? Siguro ayaw niya lang makita ko siyang umiiyak.
"Totoo ba? Wala ba talagang masakit?" Tanong ko
"I love you" bigla niyang sabi.
"Ano ulit binibini?" Tanong ko sabay kumunot ng noo. Alam ko ang ibig sabihin nong sinabi niya ngunit di lang ako sigurado kung yun nga ang narinig ko.
"Mahal na kita Ginoong Kitano" sabi ni Louisianna.
Walang bibig na lumabas sa bibig ko dulot ng sobrang kasiyahan. Niyakap ko siya at pinakiramdaman, ganoon lamang kami ng ilang minuto hanggang sa naisip kong baka di na siya makahinga.
"Mahal din kita ng sobra sobra Binibining Louisianna" sabi ko sabay tapat ng mga noo namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top