Ika-Walong Kabanata
KITANO'S POV
"Mga kasama may pumupuslit!!!" Sigaw ng guwardiya.
Nagtago ako sa ilalim ng isang bahay ngunit tumatahol ang asong alaga nila kung kayat napilitan akong tumakbo ulit. Wala na napapalibutan na sana ako nang may humila sa aking damit at tinakpan ang aking bibig.
"Huwag kang maingay!" Sabi ng lalaki at itinago ako sa loob ng kanyang bahay.
"Sino ka?" Tanong ko
"Shhh! Huwag kang maingay nariyan pa sila" sabi niya kung kayat naniwala naman ako sa tinuran niya.
Nang makaalis na ang mga guwardiya ay inalok niya ako ng pagkain at maiinom.
"Ako si Giliamo ako ay kaibigan ng iyong ina noong siya ay nabubuhay pa" sabi ni Giliamo.
"Salamat sa iyong tulong Ginoong Giliano ngunit ako'y aalis na" sabi ko sa kanya ngunit pinigilan niya ako at hinabol ng higpit na hawak ang aking mga kamay
"Bitiwan mo ako!" Sabi ko ng mahinahon.
"Wala akong masamang balak sayo Kitano ngunit kung ikaw ang tagapagligtas ng ating bayan dapat lamang na makinig ka sa akin dahil ako ang narito at alam ko kung ano ang stratehiya ng mga yan. Tuwing may pumupuslit rito o nagtatangkang makaalis di nila titigilang hanapin iyan, halika sumilip ka sa bintana nakikita mo ba ang mga alagang ibon nilang iyan? Matalino ang mga yan at tapat sa mga panginoon nito kung kayat dapat bukas ka na umalis kung ayaw mong mabulag o di kaya naman makagat ng mga asong yun" sabi niya at tinuro ang mga aso.
"Sige salamat at paumanhin kung ako ay nakagagambala" sabi ko sa kanya.
"Ako ay balo na at tanging ang kambal na mga anak ko na lamang ang akin kasama sa buhay" sabi niya sabay turo sa mga babaeng nagtatago sa likod ng kurtina at sa mga lalaking nakatayo sa may dulo ng munting bahay.
Mayroong siyang apat na anak na kambal dalawa ay lalaki dalawa naman ay babae. Napakalinis at ganda ng bahay nila kahit na maliit man ito.
"Mukhang kayo po ay biniyayahan ni bathala ng labis na swerte dahil dalawa ang inyong kambal" sabi ko
"Labis nga Kitano, ako'y tumatanda na at kung magtatagumpay kang makuha ang bayang ito sa mga Escobar masaya akong papanaw dahil sigurado akong nasa mabuting kamay ang aking mga anak" sabi niya at ngumiti.
"Ama nais kong sumama sa paghihimagsik ni Kitano laban sa mga Escobar" sabi ng anak niyang babae. Kulot ang buhok nito na parang ganun sa sanga ng kalabasa at medyo maputi ang dalaga.
"Linda maghunos dili ka nga, iiwan mo ba ako?" Tanong ng isa pang babaeng kambal. Ang babae namang ito ay ma-alon ang pagkakulot ng buhok at medyo maputi rin, ito ay may kakaibang kulay ng mata dahil hindi itim ang kulay ng mata nito kundi ay kayumanggi.
"Linda napag-usapan niyo na iyan ng iyong kapatid, wala kang dapat ipagpaalam sa akin dahil malugod kong tatanggapin ang iyong pasya ngunit huwag mong paiiyakin ang iyong kapatid" sabi ni Giliamo.
"Matagal ko nang nais na sumunod sa bundok Greta at alam mo yan!" Sabi ni Linda
"Ngunit napag-usapan na natin ito ayaw kong mawala ka sa akin, una ay si ina wag ka nang sumunod Linda!" Sabi ni Greta.
"May kanya-kanya kayong daan na gustong tahakin Greta kelan mo ba siya papakawalan?" Tanong ng isang lalaking kambal kulay kayumanggi ang balat nito kulot ang buhok at matangos ang ilong.
"Greta hayaan mo siyang alamin ang pinipili niyang kapalaran" sabi ng isa pang kambal na kayumanggi rin ang kulay matangos rin ang ilong ngunit imbes na itim ay kayumanggi rin ang mata.
"Paumanhin Kitano sa pagtatalo ng mga anak ko, pagod ka na siguro at nais na mamahinga" sabi ni Giliamo.
"Kami na ang bahala sa kanya itay" sabi ng kambal na lalaking itim ang mata.
"Dito ang kwarto namin" sabi ng kayumanggi ang mata.
"Pasensya na kung ako ay makikihati pa sa inyo ngayung gabi" paghingi ko ng dispensa
"Ayos lang iyon, pasensya na kung hindi kami makasali sa inyong kilusan kami ay may mga pangarap pa at takot kaming di maabot ang mga ito" sabi ng lalaking kayumanggi ang mata.
"Ako si Ruocio, kami ay makikinig lamang sa digmaang ito wag sanang ikasama ng damdamin mo" sabi ni Roucio
"Ako naman si Riocu" pakilala ng may itim na mata
"Ako si Kitano, ayos lamang iyon dahil hindi naman namin kayo pinipilit na makisali sa pakikidigma namin" sabi ko.
"Ngunit ako gusto kong sumali" sabi ni Linda na pumasok sa Kwarto.
"Ika'y napakatapang na binibini ngunit hindi ba sasama ang loob ng iyong kapatid sayo?" Tanong ko
"Ako ang pipili ng sarili kong Landas, hindi ako katulad niya di ko pangarap na magkapamilya ang aking pangarap ay makapagprotekta ng mga naaapi at sa mga oras na ito aping-api na ang mga kababayan natin" sabi ni Linda.
"Ako'y sasama kung papanig ka sa kanila Linda" sabi ni Riocu.
"Ngunit ang akala ko ba ay ayaw mo sapagkat gusto mo pang maikasal at bumuo ng pamilya sa hinaharap?" Tanong ni Linda
"Sa ngayun kayo ang aking Pamilya at gusto kitang protektahan kaya sasama ako" sabi ni Riocu.
"Nawa'y gabayan kayo ni bathala" sabi ni Rucio
Nag-usap pa kami tungkol sa pag-alis namin hanggang sa napagpasyahan na naming matulong. Maaga rin kaming nagising dahil balak naming pumuslit habang madaling araw pa lamang.
Namaalam na ang dalawang magkapatid sa mga kambal nito at sa kanilang ama. Ligtas kaming nakaalis sa Miranasa at dadayo na kami ngayun upang hanapin si Jallente.
Dahil sinusubukan naming hanapin si Jallente hindi kami dumaan sa dating dinaanan ko kundi sa tuwid ma daan kami naglakbay. Nagbigay pugay ako sa pinuno ng Baranggay Santa Barbara na si Kapitan Tiago.
"Ikinagagalak kitang muling makita Kitano ano ang iyong sadya rito?" Masiglang bati ni Urduja.
"Narinig kong nangahas kang kalabanin ang mga Escobar" kumento ni Kapitan Tiago.
"Siya nga kapitan, ako ay naparito dahil ako ay may hinahanap na lalakoig estranghero na sa balita ko ay may dalang ulat para sa akin ngunit walang kaalam-alam sa gubat nakita niyo ba ang estrangherong ito?" Tanong ko
"Hindi ko alam kung nakita nga namin Kitano dahil maraming dumaraan na dayo rito" sabi ni Kapitan.
"Kilala ko kung sinong hinahanap mo at dumaan ng siya rito" biglang sambit ni Urduja kung kaya napatingin ako sa gawi niya.
"Saan siya pumunta?" Tanong ko iniiwasan ang mahabang usapin.
"Dumiretso siya sa gubat na pagmamay-ari ng mga Aranazona, gutom ka ba Kitano ipagluluto kita" sabi ni Urduja
"Kapitan Tiago mauuna na po kami at baka kung anong mangyari sa taong hinahanap ko" paalam ko
"Paalam Kitano" sabi ni Urduja
"Paalam Binibini hanggang sa muli nating pagkikita" sabi ko at dumiretso na kami.
Kung dumiretso nga siya sa gubat ng mga Aranazona ay kataposan niya na. Hindi mahilig sa mga taong-bayan ang mga tiga-tribo ng Aranazona.
"Tunay bang ang mga Aranazona ay mga mababangis sa pakikipaglaban?" Tanong ni Linda
"May mga haka-haka rin akong narinig na wala raw sapat na saplot ang mga kababaihan rito?" Tanong ni Riocu kaya nakatanggap siya ng sapak mula sa kapatid na babae.
"Tigil-tigilan mo ang iyong mga tanong na ganyan bigyan mo naman ng respeto ang mga kababaihan" sabi ni Linda
"May respeto naman ako sa kababaihan akin lamang tinatanong kung totoo nga ang haka-hakang ikinuwento sa akin ng aking mga kaibigan" sabi ni Riocu.
"Napakabangis sa pakikipaglaban sa katunayan nga ay muntik pa akong mapatay ng isang babaeng Aranazona noong ako'y bumababa pa lamang sa bundok" sagot ko kay Linda.
"Eh yung tanong ko? Sasagutin mo ba Kitano, tunay nga bang wala silang saplot sa katawan?" Tanong nj Riocu kung kayat nakatikim ulit ng sapak mula sa kapatid.
"Hindi naman sila talagang walang saplot, mayroong mga bahagi ng katawan nila na natatakpan. Ngunit kailangan niyong alalahanin na parte iyon ng kanilang kultura" paalala ko sa dalawa.
"Sana maka-engkwentro tayo ng isang Babaeng Aranazona" sabi ni Riocu kaya nakatikim ulit siya ng sapak.
"Nais ko din maka-engkwentro ng babaeng Aranazona ngunit hindi dahil wala siyang saplot nais ko silang makita upang mapatunayang mabangis nga sila sa pakikipagbaka" sabi ni Linda at pinandilatan si Riocu.
"Kung makaka-engkwentro nga tayo ng babaeng Aranazona ay ipagdasal niyong hindi tayo nito papatayin ng nakatalikod" sabi ko iniisip na maaring manganib ang buhay namin sa paglalakbay na ito.
Naglakad pa kami ng mas matagal hanggang sa ako'y nakapagpasya na tumigil upang pabalikin ang magkapatid.
"Riocu dalhin mo si Linda umuwi na lamang kayo, napakamapanganib ng mga babaeng ito swerte na lamang tayo na hindi pa tayo nakaka-engkwentro ng isa sa kanila" sabi ko kay Riocu.
"Hindi ako papayag Kitano, ako ay sumumpa na tutulong sa inyo ng mga kasamahan mo na bawiin ang bayan kung kayat sasama ako sayo kahit saan ka pa man paparoon" sabi ni Linda.
"Oo nga ang layo na natin kahit pa bumalik kami ay huhulihin lamang kami ng mga guwardiya" sabi ni Riocu.
"Hindi niyo naiintindihan mahirap na katunggali ang mga Aranazona, natatakot akong sa pangangalaga ko ay mapahamak kayo" paliwanag ko.
"Mainam at natuto ka na sa huli nating pagkikita, takot ka na sa amin?" Rinig kong tanong ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko.
"Aranazona!!!" Sigaw ni Riocu.
"Kitano!" Sigaw ni Linda nang hablutin ako ng Aranazona at tinutukan ng patalim sa leeg.
"Ibaba mo yang hawak mo, pakawalan mo siya!" Sabi ni Linda.
"Hindi mo ba naalala ang sinabi ko noon ha lalaki? Ang sabi ko ay papatayin kita pag nakita kita!" Sabi niya at saka inilayo ang patalim upang humugot ng puwersa upang itanim sa lalamunan ko ang patalim ngunit pinigilan ko siya.
Natumana kaming dalawa ako nasa taas niya siya nasa ilalim ko magkaharap ang aming mga mukha ngunit ang patalim na hawak niya sa likod ko ay pinipigilan ng isa kong kamay sa pagtusok at ang isa ko namang kamay ay sinasakal siya.
"Huwag kayong lumapit dahil papatayin ko siya!" Sabi ng Aranazona.
"Bakit mo ba ako gustong patayin?" Tanong ko sa kanya.
"Dahil tinutupad ko ang aking salita" sabi niya.
"Magiging masaya ka ba kapag pinatay mo ako?" Tanong ko kung kayat tumigil siya sa pagtusok sa akin.
"Hindi, hindi ako magiging masaya" sabi niya sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top