Ika-Limang Kabanata
Mahigit Apat na buwan na kaming magkasintahan ng aking mahal na si Louisianna at sa apat na buwan na iyon mas lalo lamang siyang nahihirapan. Walang sapat na kaalaman ang mga doktor rito sa amin noon upang magamot ang iniinda ni Louisianna kaya hinintay pa naming dumating ang doktor mula maynila na ipinatawag ni Gobernador.
"Ayaw ko sayo pero salamat sa pagpapatatag sa kapatid ko" sabi ni Jallente.
"Ayaw ko rin naman sayo" sabi ko sa kanya.
"Mayroon palang asthma ang binibini, iiwanan ko itong mga gamot na ito upang mapainom niyo sa binibini. Huwag niyo siyang pakakainin ng bawal, hahayo na ako" sabi ng doktor.
"Gagaling pa po ba ang kapatid ko?" Tanong ni Jallente.
"Kung pagpapalain Jallente, mahina ang puso ng kapatid mo at hirap rin sa paghinga ang mga baga niya isang milagrong nalampasan niya ang nasusunog na silid na yun" sabi ng doktor at umalis na.
Purong mga tulong lamang ito sa paghinga ng maginhawa ang mga ibinigay niyang gamot, pan madalian lamang ang epekto nito.
"Manalig ka malakas si Louisianna lumalaban siya" sabi ko sa kanya. Lumabas naman ng silid si Jallente matapos kong sabihin iyon.
Third Person's POV
Kulang na lamang ay sumabog si Jallente sa kwartong kinaroroonan ng kapatid niya kung kaya lumabas siya.
"Kasalanan ko toh" iyon ang nasa isip niya paulit-ulit niya itong pinagsisisihan gabi-gabi. Pilit na idinadalangin ang pag-galing ng kapatid niya ngunit ang hindi niya alam ay naplano na ng panginoon ang pagpanaw ni Louisianna, tanging si Louisianna na lamang ang ayaw pa magpaawat at kinakaya pa din ang hirap.
"Jallente!!!" Nakarinig siya ng malakas na sigaw mula sa silid ni Louisianna.
"Jallente halika rito!!!" Sigaw ulit ni Kitano.
Pagbukas ni Jallente sa pinto ay nakasungab ng yakap si Kitano kay Louisianna at nananangis.
"Hindi na siya humihinga Jallente" nanangis si Kitano habang hinahagkan ang kanyang mahal.
"Hindi! Louisianna gumising ka!" Ilang beses pilit na ginising ni Jallente si Louisianna.
"Tawagin niyo ang doktor!!!" Sigaw ni Jallente ngunit alam ni Kitano na huli na ang lahat hindi na siya humihinga.
Walang nagawa ang binata kundi tanggapin ang kapalaran ng babaeng kanyang mahal. Lubos siyang nagpapasalamat dahil kahit apat na buwan lang ay nahagkan niya si Louisianna bago ito namatay, ngunit nananangis pa din ang kanyang damdamin sa pagkamatay ng pinaka una niyang mahal.
Lubos na naapektuhan ng pagkamatay ni Louisianna ang ikot ng kalakalan sa Miranasa kung kaya't medyo mahina ang kita ng pera ng lahat. Dahil tuliro at hindi masyadong maayos kausap si Jallente ay walang katulong ang ama niya sa nalalapit na halalan. Dahil maraming nagugutom na tiyan at di mabigyan ng sapat ng atensyon ng kanilang Gobernador ay maraming nag-aklas laban sa kaniyang pamamalakad.
"Jallente hijo lumabas ka na sa kwarto mo, i invested the people's money to build a big Casino in Miranasa. Tulungan mo ako anak, nalulugi na tayo" sabi ni Juarlito
"Solve your own problems" sabi ni Jallente, masakit pa din ang loob ni Jallente dahil sa pagbabaliwala ng Gobernador sa kapatid niya ng maraming panahon, at di man lang ito pumunta sa libing ni Louisianna.
"Jallente hindi kita pinaaral sa Estados upang magkulong diyan sa Kwarto mo!" Sigaw ng Gobernador.
"At si Louisianna? Wala man lang ba kayong nararamdamang sakit ha ama" tanong ni Jallente.
"Ang iniisip ko ay ang bayan Jallente! Wala akong panahon manangis" sabi ni Juarlito.
Di na siya muling nagsalita alam ni Jallente ang tunay na kulay ng kanyang ama, natutunana niya ang mga impormasyong ito nang mga panahong may sakit pa si Louisianna.
Samantala nalalapit na ang eleksyon kung kayat ang mga di sang-ayon sa pamamalakad ng Gobernador ay nagtipon na ng kanilang alyansa nangunguna sa kanila ay si Mang Precioso.
"Kitano sige na naman, alam mong tanging ikaw nalamng ang may kakayanang makatalo kay Jallente. Hindi kami papayag na sumailalim nanaman ang bayan sa isang Escobar, kalbo na ang bundok ng Miranasa dahil sa kanila" sabi ni Mang Precioso ang pinuno ng mga mansisibak ng kahoy.
"Oo nga Kitano maatim mo bang masira ang Miranasa? Paano naman kaming mga nabubuhay lamang sa pag-aani ng prutas kung ubos na ang mga puno" sabi ni Ginoong tiburcio
"Kaming mga magsasaka nama'y natatakot dahil sa aking pagkakarinig mula sa bayan ay bumili na raw si Juarlito ng mga Makinaryang mas mapapadali ang pag-ani ng palay, paano na kami?" Tanong ni Mang Elo
"Kaonting sakripisyo lamang po siguro iyon upang mapaganda ang ating bayan" kumento ni Jose ang ama ni Kitano
"Aba Jose hindi ba't noon ay hindi ka rim sang-ayon sa pamamalakad ni Juarlito?" Tanong ni Mang Precioso.
"Wala naman kasi tayo sa katayuan upang magsalita dahil hindi tayo miyembro ng kahit anong mataas na samahan. Hindi rin tayo papakinggan" sabi ni jose
"Maaring para sa iyo huli na ang lahat ngunit kami ay may natitira pang pag-asa at yun ay si Kitano, hayaan mong itama niya ang mga hindi mo nagawa noon" sabi ni Mang precioso.
Nag-isip si Jose saka bumaling kay Kitano.
"Gusto mo bang maging kasapi ng kilosan nila anak?" Tanong ni Jose
"Hindi...hindi ko pa po alam" sabi ni Kitano.
"Pasensya na ayo ngunit hindi pa siya maapagpasiya dahil sariwa pa din sa alaala niya ang pagkamatay ni Binibining Louisianna." Paliwanag ni Jose.
Nagsi alisan na rin ang mga tao matapos mapagsang-ayonan na magsisimula pa din sila ng kilosan kasapi man o hindi si Kitano.
Kasuluyang naghahalo ang mga damdamin ni Kitano. Nakakaramdam siya ng lungkot para kay Louisianna, galit sa ama nitong sakim, at konsensya. Inaamin niyang noon pa man ay ayaw niya na sa Gobernador ngunit ama ng kanyang namayapang katipan ang kinakalaban niya, nang minahal niya si Louisianna tinggap niya lahat ng meron ito pati na din ang pagrespeto sa ama nito ay ginawa niya.
Isang buwan bago ang Eleksyon ay napabalitang namatay si Fisco ang anak ni Mang Precioso na kanilang ipinatakbo sa halalan. Mabilis kumalat ang usaping ito dahil pinagbintangan ni Mang Precioso si Gobernador Escobar na may kagagawan sa pagpatay.
Muli ay pumunta si Mang Precioso sa bukana ng pinto nila Kitano.
"Parang awa mo na Kitano tulungan mo akong mabigyan ng hustisya si Fisco" lumuha ang matanda habang nakaluhod nagsusumamong pagbigyan ni Kitano ang kahilingan niya.
"Maghunos dili ka nga Mang Precioso, isa din akong ama at ayaw kong sapitin ng anak ko ang sinapit ng anak mo" sabi ni Jose.
"Isa kang duwag Jose! Kung kelan ka tumanda saka ka naging duwag!" Sigaw ni Mang Precioso.
"Hindi ako duwag ngunit intindihin mong si Kitano na lamang ang natitira sa akin, wala na akong asawa at si Josefa na aking kapatid ay may sarili ring Pamilya si Kitano lamang ang meron ako!" Sabi ni Jose.
Mukhang naintindihan naman ni Mang Precioso kung kaya't siya ay naupo sa hagdanan ng bahay nila Jose at nanangis.
"Anak ko! Anak ko! Ibalik niyo si Fisco mga walang hiya kayo! Ibalik niyo ang anak ko" sabi ng matanda habang umiiyak.
"Sasama ako sa inyong samahan" biglang nagsalita si Kitano kung kayat natigil sa pagtangis ang matanda.
"Ngunit kitano!" Sita ng kanyang ama.
"Di mo ako papwedeng ikulong nalang lagi sa bahay ama, panahon na upang aking ipaglaban ang aking paninindigan" sabi ni Kitano.
"Salamat! Kitano, salamat" sabi ng matandang Precioso.
"Ngunit kailangan maging maingat tayo, hindi tayo ligtas dito sa bayan" sabi ni Kitano.
"Tama si Kitano, mas mainam kung sa bundok na muna kayo manirahan at maiwan na lamang rito ang iilan sa inyong mga bantay" sabi ni Ginoong Jose.
Pinagplanohan nila ang lahat isang linggo bago mag eleksyon ay kanilang sinabotahe ang sinasakyang karwahe ng mga binayarang magbantay ng gobernador sa gaganaping halalan. Kasalukuyang nagpapahinga pa ang mga ito kung kaya't nagkaroon ng tyansa ang mga Alagad ni Mang Precioso na magpresintang magbantay sa gaganaping halalan.
Ginawa nila ito dahil ito ang isinaad ni Kitano sa kanyang plano. Upang maiwasan ang palitan ng balota ay sila ang magbabantay upang mahuli ang sinumang mandadaya. Ang mga kabataang lalaki naman ang nagmamasid kung mayroon bang bentahan ng boto na nagaganap sa labas. At dahil doon nahuli nila ang mga bumebenta ng boto at bumabayad.
Itinanggi ng Gobernador ang lahat ng akosasyon. Samantala sa di inaasahang pagkakataon biglaang tumiwalag ang tatlong lalaki na nakahuli sa mga nagbabayad sa botohan at sinabing sila ang totoong binayaran upang gawin ito.
"Estupido! Mga hunghang kay bilis pumikot ng dila pag pera na ang pinag-uusapan" galit na saad ni Mang Precioso.
"Alam niyo ho ba kung nasaan nakapiit sa ngayun ang tatlo upang makausap natin sila" saad ni Kitano.
"Para saan pa kitano? Siguradong ikaw ang pinagbibintangan ng lahat sa ngayun dahil ikaw lamang ang nag-iisang kalaban ni Jallente sa Eleksyon" sabi ni Ginoong Jose.
"Tama ang iyong ama Kitano manatili nalang muna tayo rito at maghintay ng balita" sabi ni Ginoong Precioso.
Naghintay sila ng naghintay hanggang sa mayroong isang espiya na pumunta sa kanila upang ipahayag na natalo na sila sa halalan. At tuluyan na ngang nanalo ang mga Escobar
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top