Ika-Labing Tatlong Kabanata

Jallente's POV

Ngayun na nakuha ni Kitano na mahimbing eh pinagtutulungan na ako ng mga Aranazona at ng pinuno nila. Halos sampong minuto ko ng nilalabanan ang apat na aranazona ngunit is pa lang ang napapatumba ko dinagdagan pa nitong pinuno nila na muntik pa akong patayin noon.

Gusto ko sanang tumakbo kaso di ko pwedeng iwan na lamang si Kitano. Naghintay ako ng susunod nilang galaw ngunit mukhang hinihintay rin nila ang susunod kong gagawin kaya't may naisip ako na maaring hindi gumana pero wala na akong ibang maisip.

"Susuko na ako, patawad na pinuno. Patawarin mo kami ni Kitano" sabi ko habang hinahawakan siya sa braso ngunit lihim ko pala siyang kinukurot upang magising.

"Patawad? Matapos ng ginawa niyo sa akin? Kamatayan ang inyong kaparusahan!" Sigaw ng pinuno at tinignan ang kanyang mga mandirigma at umamba naman silang pugutan kami ng ulo.

"KITANO!!!!!!" sigaw ko ng malakas at buti nahimasmasan ang sira ulo.

Sinangga ni Kitano gamit ng kanyang bolo ang mga sandata ng mga mandirigmang babae. Nilabanan niya ang mga ito at dalawa ang kanyang napatay at isa ang napuruhan.

"Mga lapastangan!" Sigaw niya at saktong nadaplisan ako ng kaonti ng kanyang kris ang pagkadiin ng hindi isa kundi tatlong bala ng pana sa dibdib, braso at tagiliran niya.

"Pinuno!" Sigaw ng babaeng aranazona.

"Kitano! Jallente tara na" sabi ni Aoustreya at binawian ng buhay ang natitirang mandirigmang aranazona.

"Salamat Aoustreya!" Sabi ni Kitano.

Hinanap namin si Ama ngunit hindi namin siya mahanap kung kaya't naghiwalay kami. Kalat na sa paligid ang katawan ng mga guwardiya ng Gobernador at ang iilang katawan ng mga Mandirigmang Aranazona.

"Jallante, anak" tawag ni ama sa akin mula sa likod.

"Ama" tugon ko sa kaniya.

"Come back son" sabi ni Ama.

"Babalik ako kung iiwan mo tong lahat" sabi ko sa kanya at ngumisi siya.

"Mas mahalaga sa akin ang Miranasa kaysa sayo Jallente at alam mo yan" sabi niya at sinenyasan ang iilan sa mga guwardiya niya na puntahan ako.

Inihanda ko ang aking sandata sa paglapit nila at sinangga ang mga taga nila. Ngunit napatigil ako nang makaramdam ng baril sa ulohan ko.

"Hindi kayo mananalo sa digmaang ito Jallente, at alam mo yan" sabi ni ama at nawalan na ako ng malay dahil sa pagpokpok ng isang matigas na bagay sa aking ulo.

Nang magising ako ay nasa bahay na kami nakatali ako sa upuan ng hapag, At nagsusumigaw si ama.

"Bumalil kayo dun! Ilabas niyo ang mga bomba, ang mga baril kung kinakailangan upang mapaalis sila. Hindi ko hahayaang sirain nila ang matagal ko ng plano" sabi ni Ama nang may pumasok ulit na isa pang guwardiya.

"Gobernador nasa may paanan na po ng bayan ang mga Aranazona at nagwawala sila, ililikas na po namin ang mga tao" sabi ng guwardiya.

"Hatiin mo ang mga tauhan mo sa tatlo. Isang grupo ang maglilikas ng mga tao, isang grupo ang lalaban sa mga Aranazonang iyan at isa ang pupunta sa gubat habang nalilingat sila upang sunugin ang mga bahay at ang gubat nila" sabi ni ama at umalis na ang guwardiya.

"Wag! Hindi iyo ang Miranasa ama, tama sila Kitano hindi maganda ang iyong pamumuno" sabi ko at sinubukang makawala sa pagkakatali.

"Maiintindihan mo rin ako anak, darating ang panahon na wala na ako at matanda ka na ang bayan na toh ay mapapalitan ng pangalan mo at isa ito sa magiging magandang bayan sa Pilipinas" sabi ni Ama.

"Pwede mo naman gawin ang mga plano mo nang wala kang naaapakan, kinamumuhian kita!" Sabi ko sa kanya.

"Kahit saan mo banda tignan ako pa din ang magiging masama sa mata ng mga tao,Jallente! Kahit Ipaalam ko pa sa kanila ang aking layunin ay sa tingin mo ba isusuko nila ang mga pamana ng kanilang mga ninuno sa akin?" Tanong ni ama.

"Yun na nga ama! Lubos na mahalaga ang bawat bahay, bawat buhay at bawat pinaglalaban ng mga taong iyan. Makinig ka, yun lamang ang hiling ko Ang matuto kang makinig ama" sabi ko at naluha na lamang.

Naaalala ko namatay si Ina sa Estados ng di man lang nasisilayan si Louisianna at si Lola dahil ayaw makinig ni Ama na naghihingalo na si Ina. Si Louisianna ay namatay din ng di man lang nakakaramdam ng tunay na pagmamahal mula sa ama dahil lubos niyang tinutuunan ng pansin ang mga plano niya sa Miranasa, nakalimutan niyang may pamilya siya. At ako masyado akong nabulag at takot na di ako ikararangal o mamahalin ni Ama kung hindi ako naging tulad niya yun pala ay naging ibang tao na ako dahil sa pagsunod ko sa kanya.

"Makinig? Nakikinig ako anak, nakikinig ako sa taas. Sinusunod ko ang habilin ng Ama pa ng aking Ama, sinusunod ko ang habilin ng ating mga ninuno" sabi ni Ama at tumawa.

Ang nasa isip ko na lamang noong mga oras na yun ay nahihibang na si Ama. Nabaliw na siya sa kagustuhang matupad ang habilin ng mga ninuno nito na ipangalan ang bayan sa kanila.

"Argh! Ackkk" iminulat ko ang mata ko mula sa pag-iyak at halong mga damdamin ang naramdaman ko sa aking nakita.

Si ama, may tama ng pana sa dibdib at naghihingalo. Hindi ko alam kung magiging masaya ako na makakalaya na ang bayan mula sa kasakiman niya o malulungkot ako dahil hanggang sa kanyang huling hantungan sinubukan niya pa ding tuparin ang pangako niya sa kanyang mga ninuno.

"Papatayin ko kayong lahat!" Sigaw ni Onomatreya sabay lapit sa akin.

"Ikaw! Ikaw ba ang pumatay kay Ama?" Sigaw niya at itinutok sa akin ang pana.

"Huminahon ka Mandirigmang Onomatreya" sabi ko.

Handa akong makipagkaibigan sa mga Aranazona at akuin ang mga kasalanan ni Ama sa kanila at sa gubat nila.

"Sumagot ka! Ikaw ba ang pumatay sa kanya o tama ang hinala ko? Si Aoustreya ba ang pumatay sa kanya? Sagot!!!" Galit na galit na tanong ni Onomatreya.

"Patawad Mandirigma ngunit hindi ko iyan masasagot" sabi ko

Nirerespeto ko si Aoustreya at ayaw kong tuluyang magalit sa kanya si Onomatreya, niligtas niya kami ni Kitano sa Aranolo at kahit ito man lang ang maisusukli ko.

"Magsasalita ka o puputulan kita ng dila?" Sigaw ni Onomatreya. Huminga ako ng malalim at binitawan ang mga salitang gusto niyang marinig.

"Ako nga ang pumatay sa ama mo" sabi ko at sa sobrang galit niya hindi na siya nagdalawang isip na pakawalan ang pana niya.

Ang akala ko ay kawalan ko na ngunit nang imuklat ko ang aking mga mata ay wala na ang pana ito'y napako na sa dingding kasama ng isa pang pana. sinangga ito ng isa pang pana na nanggaling kay Aoustreya.

"Ako ang pumatay kay Kida, Onomatreya. Pakawalan mo siya" sabi ni Aoustreya.

"Arghhhhhhh!!! Ama!!!! Pinatay mo si Ama! Magbabayad ka Aoustreya!" Hindi na magkamayaw sa pagsigaw si Onomatreya dahil sa galit sa kapatid.

Sinubukan kong pigilan ang pagkamuhi niya kay Aoustreya ngunit wala. Mukhang nakatadhana talaga silang magtunggali.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top