Ika-Anim na Kabanata

Third Person's POV

Matigas ang ulo ni Kitano sinabihan man siyang huwag na munang bumalik sa bayan ay sinuway niya pa din ito.

"Kung makakausap ko ang mga kasamahan nating tumiwalag ay siguradong magsasabi sila ng totoo" paliwanag ni Kitano kay Miguel

"Alam kong hindi kita mapipigilan kaibigan. Di man ako makakasama sa iyong paglalakbay tandaan mong nasa likod mo lamang ako lagi" sabi ni Miguel.

Humayo na si Kitano. Sa kanyang isip ay maaring tinakot ng mga Escobar ang mga kasamahan upang magsinungaling. At doon nagsimula ang mapanganib na paglalakbay ni Kitano.

Samantalang sa bayan si Jallente ay nag-iimpake ng kakonting pagkain at inumin upang hanapin ang pinagtataguan ni Kitano. Nanalo na siya sa halalan ngunit di pa tapos ang termino ng ama kung kayat d pa siya tuluyang naging Gobernador.

Tinatahak ni Kitano ang mahabang daan kung saan mayroong mga ligaw na hayop tulad ng mga Ahas, tigre at buwaya. Umiiwas siya na makaingkwentro ng tao o kaya makita ng mga ito.

Si Jallente naman ay walang alam sa gubat kung kayat tinahak niya ang gitnang daan, kumpara sa mahabang daan ay mas ligtas ang gitnang daan dahil maraming mga tao rito kung kaya't walang mga hayop na ligaw, yun nga lang ang mga taong naninirahan rito ay hindi ganaanong pabor sa pamamalakad ng kanyang ama ngunit wala ding ginawa upang mapatalsik ito.

Sa loob ng isang araw na paglalakad ay naabot ni Jallente ang munting Baranggay ng Santa Barabara.

JALLENTE'S POV

"It's freaking hot, normal pa ba ang init na toh?" Tanong niya sa Sarili.

Tila baliw na ako habang kinakausap ang sarili upang hindi mabagot o di kaya ay kumakanta paminsan-minsan hanggang sa may nakita akong mga bahay.

Nagmistulang hardin ang buong paligid sa dami ng mga bulaklak at halaman sa paligid, ngunit isa sa napansin ko ay ang tingin ng mga tao sa akin lahat sila ay tila galit. Lahat sila ay nakakunoot ang noo habang nakatingin sa akin dahilan upang ako ay matakot at yumuko na lamang.

Maya-maya pa ay may lalaking lumapit sa akin.

"Ano ang sadya mo sa aming baranggay?" Tanong ng lalaki mukhang pinuno ng mga tao rito.

"Pupunta po ako sa bundok, napadaan lang po ako dito. Maari po ba akong humingi ng kaoting tubig?" Tanong ko. Wow straight yung tagalog ko dun ha.

"Urduja bigyan mo ng tubig ang ating panauhin" sabi ng lalaki.

"Ako si Tiago ako ang namumuno sa Santa Barbara, nanggaling ka ba sa bayan?" Tanong ni Tiago.

"Opo doon nga po ako nanggaling" sagot ko

"Urduja bigyan mo siya ng makakain nang makaalis na, hanggang jaan na lamang ang maitutulong namin sa iyo dahil hindi kami nagpapatira ng mga dumadaan rito" sabi ni Tiago at umalis na.

Tahimik lamang na naghahain si Urduja ng makakain sa akin.

"Kumain ka" sabi niya habang inilalapag sinabawang gulay, Roasted Vegetables, mga binalatang prutas at juice na gawa sa prutas.

"Salamat, pwede ba akong humingi ng kanin?" Tanong ko

"Wala kaming kanin dahil walang bigas dito sa amin" sagot ni Urduja. Okay this is creepy, lahat sila masama ang tingin sa akin habang kumakain.

"Ah pasensya na di ko alam, matanong ko lang bakit mukhang galit kayo sa akin?" Tanong ko kay Urduja.

"Wag ka nang magsalita at bilisan mo na kumain kung ayaw mong hindi na makaalis dito, nangigiliiti na ang mga kasamahan ko sa presensya mo at baka hindi ka nila matansya" sabi ni Urduja.

Binilisan ko nang kumain dahil sa sinabi niya.

"May ano ba sa presensya ko?" Tanong ko sa kanya.

"Ayaw nila sa mga galing bayan dahil kinukuha ng mga tauhan ng Gobernador ang mga ani namin ditong palay upang ihain sa merkado niyo" sabi ni Urduja.

Ah kaya pala wala silang bigas, hindi ko alam na ganito pala si ama. Wala akong alam sa mga ginagawa niya.

"Bakit niyo ibinibigay?" Tanong ko.

"Dahil sa tuwing di sapat ang aming naibibigay ay mayroong namamatay na isa sa amin" sagot ni Urduja.

"Pasensya na di ko alam na ganon pala ang kalagayan niyo" sabi ko.

"Kilala kita" sabi ni Urduja kung kayat kinabahan ako bigla,eh kung malaki kasalanan ni ama sa kanila baka sa akin sila gumanti hala hindi ko pa nahahanap si kitano.

"Kilala...mo a-a-ako?" Tanong ko, nabilaukan pa nga sa sobrang takot.

"Oo ako lamang ang nakakakilala sayo dito, dahil lagi akong pumupunta sa Merkado upang magbenta ng mga gulay at minsan na kitang nakita roon noon" sabi ni Urduja.

"Kung ganon galit ka ba sa akin?" Tanong ko

"Bakit ako magagalit sayo kung ganon talaga ang ugali niyong mag-ama ay wala na akong magagawa diyos na lamang ang hahatol sa inyo" sabi ni Urduja.

"Bakit ano ba sa tingin mo ang ugali ko?" Tanong ko sa kanya. Matagal na din ako nakakarinig ng mga bulong-bulongan sa bayan tungkol sa pag-uugali ko ngunit ni minsan ay di ko naman ito binigyan ng paki.

"Sutil ka, mababaw ang tingin mo sa kapwa, hambog ka rin at mapanakit" sabi ni Urduja.

"Hala di na man siguro ako ganun binibini" sabi ko.

"Ganun ang ugali mo!" Sabi niya na galit

"Di naman siguro ganun kalala?" Tanong ko

"Tinuran ko lamang ang mga mitutukoy ko tungkol sayo kung kaya't huwag ka nang magkaila" sabi ni Urduja.

"Hindi ko alam na ganito pala ng sinasapit niyo, huwag kang mag-alala gagawin ko ang aking makakaya uoang maibalik ang bigas niyo pag ako na ang Gobernador" sabi ko

"Kung ikaw ang Gobernador mas lalo akong mag-aalala dahil bunga ka ni Juarlito kung anong puno ay siya ring bunga" sabi ni Urduja.

"Masyado ka namang mapang-hatol, di ba pwedeng magbago?" Tanong ko

"Tapos ka na bang kumain?" Tanong ni Pinunong tiago nang makabalik ito.

"Patapos na po" sabi ko at inubos na ang sabaw.

"Mainam upang ika'y makaalis na" sabi ni pinunong tiago.

"Ako'y aalis na po, Binibining Urduja salamat sa pagkain" sabi ko.

"Humayo ka na at hinihiling ko na ang landas natin ay di na muling magtagpo pa" sabi ni Urduja.

"Hinihiling naming ang landas natin ay di na muling magtagpo pa!" Sumabay naman ang ibang tao sa pagsabi non.

Masyado naman silang pahalata na ayaw nila sakin dito, At muli ay naglakad na ako. Habang naglalakad ay iniisip ko ang sinabi ni Urduja, Oo sa tingin ko sutil nga ako pero hambog ba ako at ganun nga ba ang tingin ko sa iba?

Gumagabi na naman kaya kailangan ko na ulit maghanap ng lugar na mapagpapahingaan. Kagabi gumawa ako ng apoy para hindi malamig yun nalang din siguro ang gagawin ko ngayun.

Third Person's POV
Tatlong araw na naglalakad si Kitano ng walang tigil. Hanggang sa ikatlong gabi ay napagod na siya kung kayat namahinga muna ito. Di makatulog si Kitano dahil alam niyang mayroong nagmamasid sa kanya mula pa kahapon nang makadaan siya sa may bahagi ng bundok na may talon, hinala niya ay may tigre na sumusunod sa kanya.

Nagutom si Kitano kaya nagluto siya ng mga ibong nahuli niya sa paglalakbay. Habang kumakain ay napapasulyap siya sa bituin, noong di pa namayapa si Louisianna ay aalalayan niya ito papunta sa bintana at pinapanood nila ang mga tala at buwan.

Biglang may tumamang bagay sa binti ni Kitano at nang bunutin niya ito nawalan siya ng malay.

Nagising si Kitano na nakapiring ang mga mata at nakatali.

"Pak-awa-lan mo a-ako" nahihirapan siyang magsalita dahil sa nagpapamagitan sa bibig nito na tila kahoy.

Sumigaw ng sumigaw si kitano hanggang sa mawalan siya ng boses dahil sa pagod. Nang maramdaman niya ang isang kahoy sa likoran niya na abot ng kanyang mga daliri ay ginamit niya ito at dahan-dahang pinuputol ang tali.

Dahan-dahan niyang inalis ang isang kamay, ginamit niya ang nakawalang kamay upang bahagyang itaas ang piring niya sa mata.

Nakita niya ang isang babaeng wala gaanong kasuotan, natatakpan lamang ang mga pribadong parte ng katawan nito. Ang babae ay naghahabi at umiihaw ng pagkain.

"Kailangan makaalis ako dito" bulong ni Kitano sa sarili.

Nakita niya ang sandata nito sa di kalayuan at dahan-dahang lumapit rito. Nakuha niya ang armas niya at lalapitan sana ang babae at kukuwestyunin tungkol sa pagdakip nito sa kanya ngunit nabigla siya noong biglang itinapon ng babae ang bolo nito papunta sa kanya mabuti na lamang ay malayo ito ng kaonti sa mukha ni Kitano kundi ay nadaplisan na sana siya nito.

"ARGHHHHHHH!!!!" sigaw ni kitano habang naglalad ng patakbo papunta sa babae hawak ang punyal nito at handang isaksak sa babae.

"Kung nais kong kitilin ang iyong buhay ay ginawa ko na sana kanina, kaya huwag kang magkakamaling saktan ako kundi magkakaproblema tayo" sabi ng babae habang nakatalikod na naghahabi pa din.

"Bakit mo ako tinali ha!" Sigaw ni Kitano.

"Mula sa Talon ng Bulan hanggang sa inaapakan mo ngayun ay Teritoryo ng Aniya Titabo, naghintay lamang ako ng utos mula sa aking pinuno kung ikay akin bang kikitlin o hindi" sabi ng babae.

"Aniya titabo? Di ko alam kung ano yon!" Sabi ni Kitano.

"Dahil wala pang nabubuhay na taong nakakakita sa isa sa amin" sagot ng babae kaya napalunok na lamang si Kitano.

"Anong utos sayo ng pinuno mo tungkol sa akin?" Tanong ni Kitano.

"Inutos nilang patayin na lamang kita" sagot ng babae

"Kung ganun papatayin mo ba ako? Dahil kung ko nagsusumamo ako Binibini pataposin mo muna ako sa aking misyon at buong-lugod kong ibibigay ang buhay ko sa iyo" sabi ni Kitano.

"Ano naman ang kailangan ko sa isang tulad mo? Ang hina, ni maging alipin ay di mo bagay" sabi ng babae.

"Pasensya na" sabi ni Kitano at nanahimik na lamang, pinapakiramdaman ang babae.

"Ang iyong tinuran kanina, yung binibini ano ang kahulugan ng iyon?" Tanong ng babae na naghahabi.

"Paumanhin kung gumamit ako ng mga salitang di mo maintindihan. ang kuhulugan nito ay dalaga o isang babaeng wala pang asawa, ginagamit ito upang magbigay respeto o galang para sa mga kababaihan" sagot ni Kitano.

"Napakagandang salita" sabi ng babae.

"Paumanhin sa aking tanong ngunit bakit ganyan ang iyong kasuotan?" Tanong ni Kitano sa babae.

"Bakit ano bang mali sa suot ko?" Tanong ng babae.

"Wala naman di lang siguro ako sanay sa pananamit ng iyong tribo, sa bayan kasi lahat ng babae ay lampas tuhod ang saya at di nakikita ang mga dibdib nila." Sabi ni Kitano.

"Isa akong mandirigma sagabal lamang sa akin ang kasuotang iyong tinuran" sabi ng babae.

Huminga ng malalim si kitano at sinubukang humugot ng inspirasyon at tatag upang magsalita.

"Maari bang huwag mo akong patayin?" Tanong niya. Tumawa ang babae kung kaya't kumati naman ang ulo ni Kitano sa taka.

"Pasensya na sa tanang buhay ko ngayun lamang ako nakaingkwentro ng tao mula sa bayan na di ako sinisigawan at kinakausap pa ako ng maayos, iba ka sa kanila" sabi ng babae.

"Di ako nagbibiro Binibini nais ko lamang matupad ang misyon ko bago ako mamatay" sabi ni kitano.

"Bakit mo gustong mamatay?" Tanong ng babae.

"Gusto kong makasama ang aking mahal na si Louisianna" sagot ni Kitano kaya huminga ng malalim ang babae at tumango.

"At ano ang misyong iyong nais tuparin?" Tanong ng babae.

"Nais kong mabawi sa sakim naming pinuno ang aming bayan upang makapamuhay ng maayos ang mga kababayan ko roon" sabi ni Kitano. Nagkaroon ng mahabang katahimikan bago humarap ang babae kay Kitano.

"Umalis ka na, tumakbo ka na ng mabilis dahil kapag naabutan kita ay sisiguraduhin kong mamamatay ka na" sabi ng babae.

Nang marinig yun ni Kitano ay sinunod niya ang babae at tumakbo na halos tatlumpong minuto rin siyang tumatakbo palayo bago niya napagpasiyahang magpahinga ng saglit upang huminga ng malalim.

Tumingin siyang muli sa gubat na pinanggalingan niya at tinuran ng pabulong ang salitang "salamat binibini"

Kanyang itinuloy ang paglalakbay niya sa kanyang tansya ay kung hindi siya titigil sa paglalakad ay maabot niya na ang bayan sa loob ng dalawang araw.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top