Huling Kabanata

Aoustreya's POV

Muling nagka-isa ang mamamayan ng Miranasa. Ang mga karatig baranggay nito ay muli nang sumanib sa kanila at naging maayos ang pamumuhay nila.

Nagkaroon ng pagkakaisa sa mga mamamayan ng Miranasa na isang taon mamumuno si Kitano at ipapasa niya naman ito sa susunod. Ganito ang mga nangyari, dalawang taon na ang nakalipas mula ng namatay ang mga pinuno at nabuhay ang bagong Miranasa.

Ang Aranolo ay pinamumunuan na ni Onomatreya at patuloy pa din ang pagtugis ng mga Mandirigmang Aranazona sa akin.

"Hindi ka ba nagsasawa sa pagtatago?" Tanong ni Kitano.

"Dumito ka na sa Miranasa, Aoustreya ituturing ka naming Pamilya" sabo ni Jallente.

"Hindi ako pwede mamalagi sa inyo, dahil dala ko ang sumpa ni Onomatreya" sabi ko sa kanya.

"Totoo pa ba ang mga sumpa? Napakaluma na ng mga paniniwalang iyan" sabi ni Jallente at natawa.

Nanahimik na lamang ako dahil walang alam ang mga taont katulad nila sa kakayahan ng mga Aranazona.

"Tungkol sa sumpa, kami ba ang tinutukoy ni Onomatreya?" Tanong ni Kitano.

"Isinumpa niya kayong dalawa kaya palakihin niyong maayos ang mga anak at kaapo-apohan niyo" sabi ko

"Ano ba ibig sabihin non?" Tanong ni Jallente.

"Sa ika-limang henerasyon niyo mauulit ang digmaang ito, kaya iwasan niyong mag-agawan muli ang mga bunga niyo sa trono ng Miranasa" sabi ko

"Eh ano naman yung sumpa sayo?" Tanong ni Jallente.

"Ang aking tagapagmana ang magiging katuwang ng inyong ika-limang henerasyon sa pagbura ng Miranasa sa mapa" sagot ko kaya nagkaroon ng kaonting katahimikan sa aming tatlo.

"Hindi naman mangyayari yan eh, magkaayos na tayong lahat ngayun" sabi ni Jallente habang nakangiti at nakatingin lang naman sakin si Kitano.

"Kaya nga para hindi na nga yun matutupad magpapakalayo-layo na ako" sabi ko kaya nabigla silang dalawa.

"Ano? Hindi pwede yan Aoustreya bakit mo kami iiwan?" Tanong ni Jallente.

"Hindi lang kaibigan kundi pamilya na ang turing namin ni Jallente sayo Aoustreya, tanggap ka ng bayan ng Miranasa. Wag mo kaming iwan, utang namin ang mga buhay namin sa iyo" sabi ni Kitano.

"Nakapagpasiya na ako mga Pinuno ko" sabi ko at nagbigay pugay sa kanila katulad ng pagbigay namin ng pugay sa Aranolo.

Lumuhod ako at yumukod, Tinignan ko silang dalawa.

"Kayo lamang ang mga pinunong aking kinikilala, labis akong nagagalak sa kung saan kayo ngayun" sabi ko at naluha.

Alam kong balang Araw kailangan kong iwan ang aking mahal ngunit hindi ko inaasahang ngayun na ang Araw na iyon. Binigyan ko silang dalawa ng mga sulat.

Matagal ko ring pinag-aralan ang Alpabeto nila. Marami akong natutunan sa kanila katulad ng masarap na pagluluto, tinuruan ako ni Tiya Isabella. Natuto din ako maghabi ng mga damit mula kay Kitano, itinuro daw ito ng kanyang ina sa kanya ngunit nahihiya siyang ipakita ang talento niyang ito dahil para lamang daw sa mga babae ang paghahabi sabi ng mga kaibigan niya, ngunit sa tingin ko ay wala namang pinipiling klase ng tao ang paghahabi basta ba marunong ka bakit hindi mo gawin. Tinuruan rin ako ni Jallente ng Matematika at Siyensiya na hanggang ngayun ay di ko pa din maintindihan kung bakit nakaparami nilang tanong tungkol sa mga bagay-bagay. Minahal ako ng mga mamamayan ng Miranasa at ganon din ako sa kanila.

"Paalam na Miranasa, nawa'y dito na magtapos ang kuwento ng paghihirap ng iyong mamamayan" sabi ko habang nakatingin mula sa malayo, tinitignan kong bumalik sa bayan si Kitano at Jallente na di tanggap ang aking pag-alis.

"Aoustreya!!!" Sigaw ni Jallente at tumakbo pabalik upng yakapin ako.

"Nais kong malaman mo na inibig kita, narinig ko na mula sa kapatid mo na di ka pwedeng umibig ngunit nagpapasalamat ako sayo ang laki ng naging tulong ng dalawang taong pagkakaibigan natin upang mas lalo kong mahalin ang bayan ko dahil ginawa kitang idolo. Inisip ko na ikaw nga nakaya mong magparaya para sa kaligtasan ng Aranolo at Miranasa ng di nagrereklamo bakit di ko ito kayang gawin. Kaya Maraming salamat Aoustreya, Paalam hanggang sa muli kaibigan mahal kita" sabi niya at hinalikan ang aking mga palad.

"Tanggapin mo ang aking singsing, upang kung saan ka man paparoon ay maalala mo ako" sabi niya at tumakbo na ulit upang maabutan si Kitano.

Naiyak ako sa mga sinabi ni Jallente. At nais kong sabihin sa kanya na noon pa man ay alam ko nang iniibig niya ako ngunit mas mainam na wala silang alam upang di na nila ako pigilan.

Mukhang labis na dalamhati ang dinala ni Kitano dahil ni hindi man lang niya ako tinignan muli ng umalis siya sa kinaroroonan ko ngunit sapat na ang aking sulat upang malaman nila ang aking mga gustong sabihin na di kaya pakawalan ng aking bibig mababasa din nila yun pag tanggap na nila.

~Ang laman ng aking mga sulat~

Para kay Jallente

Kaibigang Jallente salamat sa paulit-ulit na pagtanong sa aking kalagayan gayong ikaw naman itong tunay na nasasaktan, antagal mo nang dinadala ang pagkamatay ng iyong ina at kapatid sa tingin ko ay dapat mo na silang pakawalan. Gaya ng sabi mo sa akin magtuon na lamang tayo sa kasalukuyan, sana ay matuto ka nang magpatawad. Alam kong magiging magaling kang pinuno at alam kong hindi mo pababayaan ang mga mamamayan ng Miranasa, aalahanin ko ang mga sinabi mo na balang araw magkakaisa din ang mga mamamayan ng Miranasa at mga Aranazona. Higit ka pa sa iyong iniisip Ginoo huwag na huwag mong iisipin na may kulang sa iyo, naway magkaroon ka ng mahabang buhay kaibigan ituloy mo lang ang pagtuon sa kasalukuyan. Pamunuan mo ang Miranasa ng naayon sa iyong Layon.

-Iyong kaibigang Aoustreya.

Para kay Kitano.
Binibini, iyan ang maaalala kong naituro mo sa akin Kitano. Kahit makalimot man ako ang katagang iyan ay hinding-hindi ko lilimutan dahil iyon ang tawag mo sa akin, sa salitang Binibini nagsimula ang ating pagkakaibigan. Nawa'y matupad ang pangarap mong magkaroon ng bahay sa bundok at mamuhay ng tahimik, alam kong magiging mabuti kang ama kitano. Huwag mong Isirado ang pinto mo alam kong magiging masaya si Louisianna kung maging masaya ka Ginoo, at iyon lamang rin ang aking hiling ang mahanap mo na ang iyong kasiyahan sa mundo na puno ng kasakitan. Paniwalaan mo ang iyong damdamin, Sundin mo ang sigaw ng iyong puso.

-Binibining Aoustreya

Lahat ng storya ay nagtatapos na masaya ngunit ang aming kuwento ay nagtapos na malungkot, maaring hindi pa ito ang aming wakas.

Hindi ako sigurado sa mangyayari sa akin ngayun ngunit ayaw kong mangamba gusto kong umalis ng nakangiti, iiwan ko ang aking bayan na masaya sapagkat ang ginagawa kong pag-alis ay ang pagbukas ng magandang pagkakataon at pamumuhay sa Miranasa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top