28-Together for Good
Ano kayang mangyayari pagkatapos nito?
Ito ang mga naglalaro sa aking isipan habang nakadungaw sa bintana ng bus papuntang Baguio. Sinabi sa akin ni Ginoong Miranda kung saan tumutuloy si Jaime at ibinigay niya sa akin ang address. Ito raw ang kanilang summer cottage sa nasabing lugar.
"Salamat po." Iyon lang ang matipid kong sinagot.
"Kayo ay binabasbasan ko. Sana pagbaba niyo galing Baguio, may wedding plans na!" Natutuwang sinambit ni Ginoong Miranda.
Agad akong nag-impake nang gabing iyon. Tinawagan ko si George para ihatid ako sa bus station, at swerte na pumayag ito. Halos hindi ako nakatulog sa sobrang pagkasabik at nerbyos. Pagdating ng alas tres ng umaga, agad akong nagising at nagbihis. Naghihintay na ang kotse ng aking manager pagkalabas ko sa bahay ni Tiya Cely, at agad na kaming nagtungo sa bus station malapit sa amin.
Habang nag-aabang para sa unang biyahe, naikwento ko na sa kanya ang lahat ng nangyari sa radio interview.
"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala ah!" Napasinghap si George at halata na siya ay kinikilig. "Kayo ay para talaga sa isa't isa!"
"Kung kailan handang-handa na akong kalimutan siya at magbagong-buhay, nagugulat na lamang ako sa mga takbo ng kaganapan." Sa likod ng aking isipan, tinatanong ko pa rin ang aking sarili kung totoo nga ba ito o nananaginip na naman ako at muling magigising sa mapait na katotohanan.
"You're a brave girl, 'Loisa," ika ni George. "Iyan ang biyaya sa iyo ng buhay, dahil nararapat sa iyo maging masaya. At totoo nga, kayo ang itinadhana para sa isa't isa! Tignan mo, bata pa kayo, magkakilala na kayo, hindi ba?"
Kinuha ko ang kamay ni George at pinisil ito. "Maraming salamat sa pagiging mabuting manager at kaibigan," ngiti ko.
"Anytime, my Lovely Girl!" Yumakap sa akin si George.
Nagtawag na ang konduktor para sa mga sasakay ng unang byahe. Tumayo na ako at nagpaalam na kay George para sumakay ng bus.
Nakatulog ako nang ilang oras at nagising ako bandang tanghali na. May stopover muna ang bus sa isang siyudad sa Pangasinan, at bumaba muna ako para kumain saglit at makigamit ng palikuran. Umakyat muli kami ng bus pagkatapos ng trenta minutos, at nagtuloy-tuloy na ang byahe paakyat sa tinaguriang "City of Pines".
Tanaw ko sa malayo ang mga kabundukan na kulay berde dahil sa malalagong mga puno na tinanim doon. Nilanghap ko ang malamig na hangin na pumapalibot sa amin sa loob ng bus, dahil nakabukas ang mga bintana nito. Kinuha ko ang aking cardigan sa loob ng aking maliit na maleta at isinuot ito.
Sa gitna ng aking kaba at pagkabalisa, pinakalma ko ang aking sarili at inisip na magiging maayos ang lahat.
Sa wakas ay natapos na ang byahe. Dumaong kami sa bus station mga bandang alas-tres na ng hapon. Nakisabay ako sa pagbaba kasama ng aking mga kapwa pasahero habang bitbit ang aking maleta. Tumigil muna ako saglit at kinuha sa bulsa ng aking cigarette pants ang address ng summer vacation house ng mga Miranda. Ito ay matatagpuan sa loob ng Camp John Hay.
Pumara ako ng taxi at pinakita kung saan ako dapat dalhin. Tumango ang taxi driver at ilang minuto lang ang inabot namin bago kami makarating sa loob ng nasabing kampo.
"Dito niyo na lang po ako ibaba," bilin ko kay manong.
"Sigurado po kayo, Ma'am?" Tanong niya. "Pwede ko kayo ihatid hanggang sa pinakaloob ng kampo, sa mismong address na."
"Lalakad na lang po ako. Susurpresahin ko po kasi ang aking... nobyo." Natawa ako nang sabihin ko ang salitang nobyo.
"Ah, ganoon ba? Naku, mukhang bababa po kayo nang may ibang kasama ah," biro ng driver.
"Hindi po, Manong!" Natawa ako at alam ko ang ibig niyang sabihin. "Sige po, ito ang aking pambayad. Maraming salamat!"
Iniabot ko sa driver ang aking salapi at bumaba na ako ng taxi. Dumiretso ako sa may guard sa main gate at tinanong muna kung saan matatagpuan ang address sa papel. Doon ko lang nalaman na sa looban pala ang tahanan ng mga Miranda, at aabutin ako ng ilang minuto para marating ito.
"Ang totoo niyan, kaya po itong lakarin. Exercise po iyan, Madam," ngiti ng guard.
"Sige po, ako ay aalis na," ika ko. Nagsimula na akong maglakad patungo sa nasabing address.
Hindi madali ang daan na aking tinatahak. May pataas at pababang mga kalye, at mabato rin ang ibang nilalakaran. Limang minuto ko binagtas ang paliku-likong daanan, ngunit ang sariwang simoy ng malamig na hangin at ang mga nagtatangkarang pine trees ang nagbigay-inspirasyon para sa akin na libangin ang sarili sa aking paglalakbay.
Sa wakas ay natanaw ko na ang cottage na pagmamay-ari ng Pamilya Miranda. Nasa ibabaw ito ng isang mataas na lupain, at may aakyatin ka pang ilang hagdan bago mo marating ang mismong pintuan.
May naisip akong paraan para surpresahin si Jaime. Buti na lang ay may common restroom sa gilid. Pumasok ako doon para magpalit ng damit, at pagkalabas ko, ay suot ko ang isang coat and tie, black pants, at fedora hat. Oo, nagbihis-lalaki ako para gulatin siya. Isiniksik ko pa ang aking buhok sa loob ng sumbrero at naglagay muna ng pulang lipstick. Buti na lang ay nagkasya ang coat na pinahiram sa akin ni George, habang ang puting polo shirt naman ay galing sa sarili kong kagamitan.
Huminga ako nang malalim at inakyat ang munting hagdanan patungo sa front door ng vacation house. Ni-ring ko ang doorbell at inabangan kung andoon ba sa loob ang taong kinasasabikan ko nang makita.
Narinig kong may kumaluskos sa loob. Dumagundong na ang aking puso at napahawak tuloy ako sa aking dibdib.
"Who is it?"
Alam kong iyon ang kanyang boses. Hindi muna ako sumagot hanggang sa nagbukas na ang pintuan. Agad akong yumuko at tinakpan ang mukha gamit ang sombrero, habang nasa gilid ko ang aking maleta.
"Good day, may I know who you are?" Tanong ni Jaime Miranda. Bakas sa kanyang tinig ang pagtataka, ngunit malambing pa rin ito sa pandinig.
"I'm a secret agent." Pilit kong pinalalim ang aking boses. "Jaime Miranda, you are arrested."
Pigil na pigil ang aking tawa sa ilalim ng aking sombrero.
"How... paano mo natunton ang address na ito? At bakit mo ako aarestuhin? Anong kasalanan ko... nagbabayad ako ng buwis sa tamang oras at malinis akong magnegosyo!"
Mukhang malapit na siyang magalit, kaya inangat ko na ang aking ulo at ipinakita ang aking mukha.
"Mr. Jaime Miranda, you're a criminal for breaking my heart. And you will be pardoned for your crimes if you kiss me right now."
Natigilan si Jaime nang maaninag na niya ang aking mukha sa ilalim ng fedora hat. Tinanggal ko na ito at kusang bumagsak sa aking mga balikat ang aking kulot na buhok. Pumamewang ako at sinabing, "Ano pang hinihintay mo?"
"Eloisa? How come? Is this true?" Nagugulumihanang tanong ni Jaime. His face was pleasantly shocked. How I missed seeing that handsome face.
Hindi na ako nag-atubili pa. I approached him right away, placed my arms around his neck, and kissed him fully on the lips. He was still as a stone, until he wrapped his arms around my waist and kissed me back. He even lifted me up while kissing and we did a little spin.
I felt droplets of rain starting to pour down on us. It soon turned into a light drizzle, soaking everything around us. We did not stop kissing even as we got drenched, and when Jaime pulled back his face, I caught a whiff of the earthly scent of rain together with the musky scent of his cologne.
"I missed you," bulong niya sa akin habang hawak ang aking mga pisngi.
"Me too," ngiti ko sabay halik muli sa kanya.
Tumingala kami ni Jaime sa kalangitan. "Looks like we are being blessed by the heavens," ika niya.
"Noong nagkita tayo sa mga kalye ng Escolta, umuulan noon, at sinasalo ng ating mga kamay ang patak ng ulan," kwento ko habang nakayakap sa kanya. "Nang umalis na ako sa Luxurant, naglakad ako sa gitna ng ulan habang umiiyak. At ngayong magkasama muli tayo, andito muli ang ulan."
"Eloisa, I won't break your heart ever again," pangako niya sa akin.
"And I will not leave you ever again," sagot ko sa kanya.
Jaime kissed me deeply once again. This time, we are together for good.
---
Pinatuloy ako ni Jaime sa kanilang summer cottage, at pinahiram niya muna ako ng kanyang makapal na bath robe pagkatapos kong mag-shower. Siya rin ay naligo pagkatapos at nagbihis ng sweater at jogging pants. Pinaupo niya ako sa dining station habang abala siya sa pagluluto ng ham and cheese omelette.
Nakapaglibot ako sa nasabing bahay, na may kalakihan kumpara sa ibang cottages sa kampo. Mayroon itong living room na may fireplace, dining station na may table for four at kalapit na kusina, bathroom, at dalawang bedrooms. Bungalow-type ito, at masasabi ko na masarap magbakasyon dito.
"Here's our first meal." Inilapag ni Jaime ang plato ng omelette. Kinuha na rin niya ang dalawang toasted bread sa may toaster at ipinatong ito sa plato gamit ang tongs. Naglakad ulit siya sa kusina at pinagsalin kami ng dalawang tasa ng brewed coffee.
"Breakfast food at four-thirty pm?" Tanong ko nang makaupo na siya sa aking harapan.
"Why not? Bukas magpunta tayo downtown at bumili ng mga pagkain sa grocery," ngiti niya.
"I would love to go grocery-shopping with you," ika ko. Kinuha ko ang kanyang kamay na nakapatong sa lamesa at hinawakan ito.
Tahimik kaming kumain, at nag-toast pa muli si Jaime ng dalawang tinapay. It was a quiet moment between us, and I'm looking forward for more moments like this in the future. Our future.
That night, we just sat beside each other by the fireplace, holding each other. Background music played from the long player. There was no need for words to interrupt the sweet silence, just our arms around each other and the occasional kiss here and there.
"Thank you for giving me another chance," bulong ni Jaime sa akin.
I looked up to him and smiled. "The fates made a way for us to be together."
He looked down at me and kissed me fully. It went on for quite some time, just the two of us meeting each other's lips and savoring each other's warmth. Before I knew it, I was already sitting on top of his lap. I wrapped one arm around his neck while we kissed and led his other hand towards the insides of my bath robe. I wasn't wearing anything underneath.
"Loisa." Sinambit niya ang aking pangalan sa mariin na paraan.
Tumigil si Jaime sa paghalik nang maramdaman na niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking dibdib. Lumayo siya at pinaalalahanan ako, "Gagawin na natin ito pagkatapos ng ating kasal."
I smiled at his blushing face, illuminated by the glow of the fireplace nearby. "Alam mo ba, walang nangyayari sa unang gabi ng kasal," ngisi ko. This feeling brewing up within me was new, and I wanted to end my yearning for this.
"Gusto mo bang gumaya kay Flora Sanz?" Tawa nito.
"Tayo lang naman dalawa ang nandito sa cottage. Hindi nila malalaman, pwera na lang kung ipagsisigawan natin." Ngumisi ako at natawa sa aking naiisip. "Matindi ang ginawang pagsisinungaling ni Flora, pero buti na lang at mahal siya ni Enrico. Ngayon, we have each other, we can do it. I'll take off my robe now."
Huhubarin ko na sana ang aking robe ngunit kinuha ni Jaime ang aking kamay para ako ay pigilan.
"You're a naughty girl, Miss Aldaba. Your boss says no." Jaime laughed and pinched my nose bridge. He then pulled away away from me and propped me gently on the carpeted floor.
"Ito naman, kunwari ka pa." Natatawa ako sabay sandal ng aking ulo sa kanyang balikat. "Sige na nga, maghihintay ako hanggang sa tayo ay ikasal."
"We can make love all we want after that. Oo nga pala, hindi ko na magiging unang beses iyon," ika ni Jaime.
Napaupo ako nang diretso at tinignan siya nang nanlalaki ang mga mata. "Ano kamo?! Teka, ginawa niyo rin ba iyon ni Flora?"
"Hindi ah, that was a long time ago," tawa ni Jaime. "An old girlfriend. It never worked out. You're the only person who knows this. You should, because you're going to be my wife."
"Nagseselos ako bigla," ngumuso ako.
"At least when I do it with you, hindi ka na magugulat," tawa niya. "You'll be the only woman I'll ever make love to. My last."
"Can we try it now?" Pagpupumilit ko. "Unang beses ko pa lang gagawin iyon."
"Not when you're a naughty girl. You should behave first," paalala niya.
Natawa na lang ako at yumakap kay Jaime. "Magpapakabait na ako ngayon, Sir."
"I miss you calling me Sir. But you can also call me Sweetheart, Darling."
"Of course. Junior, my sweetheart, my Jaime."
Humalik muli si Jaime sa akin. Nang gabing iyon, wala talagang naganap sa pagitan naming dalawa. Ngunit hindi ako nagmamadali. Alam kong magmula ngayon, ako lang ang babaeng mamahalin niya.
We're together for good.
(Itutuloy)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top