17-Hinagpis

Author's Note: Trigger warning (s*xual assault)

Halos hindi ako makatulog nang gabing iyon dahil sa aking mga nalaman.

May kinalaman nga ba ang ama ni Jaime sa pagkamatay ng aking mga magulang?

Parang hindi ko ito gustong paniwalaan.

Kung masama ang loob ni Jaime sa kanyang ama dahil dito, at pati na rin sa pagkamatay ng kanyang ina, ito ang nagpapatunay na hindi alam ni Jaime ang mga naganap noong araw.

Kung sampung taon na ang nakararaan at nasa edad siya ng pagiging kinse (15) o disi sais (16) anyos, may isip na siya noon, pero wala pa ring karapatang makialam sa kung ano man ang ginagawa ng kanyang ama at ina.

Ngunit nagkataon lang ba talaga na wala sila Jaime at ang kanyang ina nang sugurin ang aking pamilya ng mga sundalong Hapones, ayon sa kwento ni Tiya Cely? Pinaalis ba sila para magbakasyon kuno sa bayan ng Taal at doon isinagawa ang krimen?

Gusto ko pa bang maalala ang nangyari sa akin dati?

Oo, dahil makakatulong ito para mapanatag ang aking kalooban kapag nalaman ko ang katotohanan.

At hindi, dahil sobra ang aking pagmamahal kay Jaime. Natatakot akong masira ang aming nabuong relasyon.

Handa na akong harapin ang kanyang ama kung sakali. Gusto ko pa rin siyang bigyan ng pagkakataon para maisalba ang kanyang sarili, alang-alang sa katotohanan.

Nakatulugan ko rin ang aking pagmumuni-muni. Nagising ako sa aking dating oras ng pagbangon. Tatlong oras man ang aking naitulog, mabuti na rin iyon kaysa sa wala.

Wala kaming imikan ni Tiya Cely habang kami ay kumakain ng agahan. Hindi masama ang aking kalooban sa kanyang payo noong nakaraang gabi. Nauunawaan ko kung saan siya nanggagaling.

Ngunit ayokong pilitin ang sarili na maayos ang pareho naming lagay. May tiwala siya sa akin dahil nasa hustong isip na ako. Ngunit sa ngayon, ako ay naguguluhan at hindi pa alam ang gagawin, lalo na at binunyag na niya ang katotohanan tungkol sa aking pagkatao.

Paano ko kaya maaalalang muli ang aking nakaraan? Sana may madaling paraan para dito.

"Aalis na po ako, Tiya."

Lumapit ako kay Tiya Cely at nagmano. Ito ang huli niyang mga salita bago ako ay umalis:

"Hija, pag-isipan mo ang iyong relasyon sa lalaking iyon. Bukod sa may kinalaman ang kanyang pamilya sa pagpaslang sa mga magulang mo, langit at lupa ang inyong agwat."

Tumango na lang ako. Hindi na ako nagsalita pa, at tahimik na lang akong umalis papunta sa Luxuriant.

Buong umaga ako walang imik habang ginagawa ang aking trabaho. Ngayong araw, walang iniwang kendi at sulat si Jaime sa aking lamesa.

Nasaan kaya siya?

Tinignan ko ang aking date book kung saan nakalista ang kanyang mga meeting. Wala namang nakatakdang pagkikita sa kliyente ngayong araw na ito. Bakit kaya wala pa rin siya hanggang ngayon?

Inaya ako ni Mila na mananghalian sa labas, sa karinderya kung saan kami palaging dumadayo. Ngunit tinanggihan ko muna ang kanyang alok.

"Bakit naman?" Malungkot niya akong tinignan. "Masama ba ang pakiramdam mo?" Sinalat niya ang aking noo.

"Wala naman akong lagnat," ika ko. "Maayos naman ako ngayon. Gusto ko lang muna mapag-isa," pagdadahilan ko.

"Ah ganoon ba? Sige. Kung may gusto kang sabihin, ikuwento mo lang sa akin."

Ngumiti si Mila at dinagdag, "Siya nga pala, nagkikita na kami ng iyong kaibigan na si Tony."

"Talaga?" Bigla akong kinabahan. Sana hindi niya naikwento ang aming naging usapan nang huli kaming magkita. Alam niya na may relasyon kami ni Jaime.

"Oo, nagkasalubong kasi kami nang minsang pauwi ako at hindi kita kasama. Simula noon, madalas na kaming magkita, lalo na kapag Sabado," ngiti ni Mila.

"Mabuti at nagiging malapit kayo sa isa't isa." Pinilit ko ang sarili na ngumiti.

"Paano, mauna na ako! See you later!"

Nakangiting umalis si Mila at iniwan niya akong mag-isa na tulala at manhid sa aking nalaman.

Mukhang walang ikinuwento si Tony tungkol sa akin. Malaki ang aking pasasalamat na marunong siyang magtago ng lihim.

Bumaba na lang ako at bumili ng sandwich at juice mula sa canteen na isang tawid lang mula sa Luxuriant. Bumalik ako ng opisina at tahimik na kumain sa aking lamesa. Kahit anong pilit kong isipin na kailangan kong kumain ng ulam at kanin, ay wala akong gana.

Nang matapos na akong kumain, naisipan kong puntahan ang palikuran para gawin ang aking ninanais. Nasa dulo ito ng second floor. Ibig sabihin, madadaanan ko ang opisina ni Jaime.

Tahimik ang buong paligid nang maglakad ako sa kahabaan ng hallway hanggang sa makarating ako ng ladies' room. Nagawa ko na ang aking mga kinakailangang gawin at nang dumaan ako sa may opisina ni Jaime, ngayon ko lang napansin na nakabukas ang pintuan nito.

Kung dumating na siya, bakit wala akong narinig na ingay o yabag ng mga sapatos?

Hindi ko mapigilan ang sarili na sumilip para tignan kung nandiyan na nga ba si Jaime.

Tahimik ang aking mga hakbang habang papalapit na ako sa nakaawang na pintuan. Tumayo ako sa gilid ng pader at iginala ko ang aking mga mata sa loob, hinahanap si Jaime.

Ang aking nakita sa gilid ay labis kong ikinagulat.

Sa may sofa malapit sa kanyang lamesa, nakahiga doon si Jaime, at sa ibabaw niya ay nakapatong si Flora Sanz. Mapusok na humahalik si Flora sa kanya, habang wala sa sarili si Jaime. May damit pa rin silang suot, ngunit naka-polo shirt na lang si Jaime, at nakabukas na ang unang tatlong butones nito. Akmang bubuksan pa ni Flora ang mga butones sa ibaba nang tinulak kong pabukas ang kwarto at malakas na sinambit:

"Jaime!"

Sa lakas ng aking boses, tumigil si Flora sa kanyang maitim na binbalak. Parang nagbalik ang ulirat ni Jaime nang marinig niya ang kanyang pangalan. Nagkatinginan sila at itinulak ni Jaime si Flora papalayo. Agad inilayo ng nasabing babae ang kanyang katawan at tumayo para ayusin ang kanyang sarili.

Tulala pa rin si Jaime nang siya ay bumangon mula sa sofa. Isinarado na niya ang kanyang bukas na polo shirt at inayos ang kanyang nagulong buhok. Lumapit siya sa akin at akmang magsasalita na nang mauna si Flora.

"Aba, andito na ang kanyang Girl Friday. Inistorbo kami sa aming quality time," ismid niya.

"Eloisa, Eloisa, hindi ito gaya ng inaakala mo."

Lumapit sa akin si Jaime at hinawakan ako sa mga balikat, ngunit lumayo lang ako sa kanya. Nanginginig ang aking buong katawan, ipinapahayag ang galit na hindi ko mabigkas sa mga oras na ito.

"Jimmy dear, why don't you tell the truth to her?"

Lumapit si Flora kay Jaime at yumakap mula sa kanyang likuran, na nakalingkis ang kanyang mga braso. Isang mapangasar na ngiti ang nasa kanyang mga labi, na para bang nanalo siya sa sugal at si Jaime ang premyo.

"Lumayo ka!"

Nagpumiglas si Jaime at marahas na tinanggal ang mga braso ni Flora sa kanyang katawan. Lumapit siyang muli sa akin.

"Maniwala ka, walang namamagitan sa amin ni Flora. Bigla na lang siyang pumunta dito at nangyari ang di-inaasahan---"

"Huwag ka nang magpaliwanag."

Matalim akong nakatitig sa kanya. Tinignan ko pabalik si Flora. Hindi pa rin nabubura sa kanyang mga labi ang ngiting mapangalipusta. Pinigilan ko ang sarili na sugurin siya at imudmod ang mukha niya sa sahig.

"See? She accepted what happened. Akala mo hindi ko alam ang secret relationship ninyong dalawa ah? May mga mata ako sa paligid!"

Lumapit si Flora sa akin at nagpatuloy:

"I just had an interview and the article came out today on the newspaper. Guess what I just said."

Nagpunta si Flora sa may desk ni Jaime, kung saan nakapatong ang dyaryo ngayong araw na ito. Ibinigay niya ito sa akin at inutos:

"Sa likod mo basahin, andoon ang sinabi ko."

Tinignan ko kaagad ang likuran ng pahayagan kung saan nakalagay ang showbiz section. Mayroong litrato si Flora Sanz at ito ang headline:

Miss Sanz, Engaged?

Binasa ko ang nakasulat:

Flora Sanz' father, a German national, made a business deal with a well-known department store owner in Escolta, Manila. It is also said that she is dating the son of the businessman and is about to be engaged to him soon. Details will follow once they have formalized it.

Inangat ko ang aking mukha at tinignan si Flora. Umaapaw ang aking pagkamuhi sa kanya. Ihinagis ko sa kanyang paanan ang pahayagan.

Inapakan lang niya ito gamit ang kanyang sapatos.

"Jaime can't say no anymore to his father. My dad and his made a deal that if he backs out, we will publicize his scandal of having a secret relationship with you, girl. You thought Mr. Miranda knew nothing about this?"

Ibinaling ko ang tingin kay Jaime. He was speechless and nodded his head, biting his lip to stop himself from tearing up.

"Paano, maiwan ko na kayo. You will never be together. Anong laban ng isang hampaslupa na babae sa isang lalaking kagaya ni Jaime?"

I silently accepted Flora's loatheful stares. She approached Jaime and kissed him on the cheek, na para bang siya si Judas Iscariote. Lumabas na siya ng kwarto at iniwan kaming nakatitig sa isa't isa.

Nanahimik na ang paligid. Ngunit nanginginig muli ang aking katawan, at sa pagkakataong ito, tuluyan nang tumulo ang aking mga luha.

"Dalawa pala kaming ka-date mo."

Nanlabo na ang aking paningin. Yumakap sa akin si Jaime.

"Patawarin mo ako, 'Loisa. Wala akong nagawa, hindi ako makatanggi sa aking ama at kay Flora," mangiyak-ngiyak na tugon ni Jaime. "Hindi rin ako nakalaban kanina nang ako ay kanyang dambahin."

Tahimik akong sumandal sa kanyang balikat. I wish it was still my place, but now, I don't belong here anymore in his arms.

Unti-unti akong kumalas sa kanyang pagkakayakap. Marahan ko siyang itinulak papalayo at sinabing:

"Hanggang dito na lang tayo. Salamat sa masasayang mga araw na kapiling kita. Kahit anong mangyari, hindi talaga tayo nararapat para sa isa't isa. Tama ang aking tiyahin, langit at lupa ang agwat natin. Mabuti na rin ito, para hindi tayo parehong mapahamak."

"Eloisa."

Hindi ko matiis ang kanyang mukhang puno ng luha at hinagpis. Lumapit siya sa akin at muling humalik, ngunit itinulak ko na siya bago ko hayaan ang aking sarili na bumigay sa kanya.

"Mr. Jaime Miranda..." umiiyak kong bungad. Huminga ako nang malalim at tinuloy ang aking sasabihin.

"Mr. Jaime Miranda, from now on, I am resigning as your secretary, and as your girlfriend."

Tumakbo akong umiiyak papalabas ng kanyang opisina. Hindi ko na siya nilingon pa. Nakabalik ako sa aking lamesa nang naglakad papasok si Mila.

"Eloisa! Bakit? Bakit ka umiiyak?!"

Nag-aalala niya akong nilapitan at hinimas ang aking likuran. "Anong nangyari, nagalit ba si Sir Jaime sa iyo? At bakit ko nakita si Flora Sanz na naglalakad sa kalye kanina lang? Teka, may kinalaman ba ito kay Flora?"

Inangat ko ang aking kamay para patahimikin si Mila.

"Mahabang kwento. Mila, resigned na ako simula ngayon."

"Bakit?! Teka, anong nangyari?"

Tumayo ako at inayos ang aking mga gamit.  "Kung may hinala ka man sa aming dalawa ni Jaime, tama ka doon."

"Naging kayo?!" Halos mapasigaw na si Mila, ngunit napigilan niya ang sarili at hininaan din ang kanyang boses.

Kinuha ko ang aking handbag at umiiyak na niyakap si Mila.

"Paalam, at salamat sa pagiging mabuti mong kaibigan sa akin. Hindi ko na hahabulin ang aking huling sahod," hikbi ko.

"Baka pwede pa natin itong pag-usapan, 'Loisa."

"Hindi na," iling ko. "Sige, mauuna na ako."

Dahan-dahan akong naglakad papalabas ng Luxuriant. Tinginan ko ito sa huling pagkakataon.

Lugar ko ito ng masasayang alaala sa trabaho at ang pag-ibig ko kay Jaime.

Ngunit ngayon, sa isang iglap, ito ang lugar kung saan binigo ako ng aking hibang na pag-ibig kay Jaime. Hindi na ako muling babalik sa gusaling ito magmula ngayon.

Binagtas ko ang kahabaan ng Escolta. Malabo ang aking paningin dahil sa mga luha na patuloy pa ring tumutulo. Tinignan ko ang langit na maulap.

Unti-unting nahulog mula sa kalangitan ang butil-butil na patak ng mga ulan. Wala akong dalang payong, at wala rin akong pakialam na nababasa na ako ng ulan habang pinupuntahan ang sakayan ng jeepney, na mag-uuwi sa akin sa Sampaloc.

Patuloy akong lumuluha sa ilalim ng ulan, at kahit tumigil man ito, hindi na mahuhugasan ang sakit mula sa naunsiyami naming pag-iibigan.


Author's Note Part 2:

Bakit di lumaban si Jaime nang ginawa iyon ni Flora sa kanya? The sofa kiss?

Time to get serious. Correct me if I'm wrong, though.

Jaime froze.  But it doesn't mean he wanted that kiss. Yes, it can happen to guys as much as it happens to females. Parehong mali. Parehong traumatic. Girls, this is not the right way to get a guy to like you. Imagine if this was the other way around.

Flora is emotionally manipulative, hiding behind the guise of having money and power to do what she wants, to get what she wants, plus the connections with Jaime's family.  Take note that this story is set in the mid-1950s.

According to psychology, the "freezing" is part of the brain's response, "fight-or-flight on hold. It's a way for your brain to assess the situation, helps you prepare to protect yourself, and be prepared for what happens next.  Automatic reaction ito kaya di ito agad mako-control.

Source: "Fight, Flight, Freeze: What This Response Means"

https://www.healthline.com/health/mental-health/fight-flight-freeze#how-to-cope

The next chapters will answer all your questions about this stories. Thank you for sticking by.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top