15-Paninindigan
Love filled all my days and nights.
Sikreto ang relasyon namin ni Jaime, ngunit hindi niya nililihim sa akin ang pag-ibig na kanyang nararamdaman. Pormal kami kapag araw ng trabaho, ngunit pagdating ng Sabado, magkasama na kami at maligayang dinadama ang aming pagmamahalan sa isa't isa.
Mula sa pag-inom ng chocolate ice cream soda sa Botica Boie, sa pamamasyal sa Luneta, paglalakad sa kahabaan ng Dewey Boulevard at panonood ng makulay na sunset ng Manila Bay, tumitigil ang aking mundo at umiikot lamang ito para sa kanya. Natatapos ang aming araw sa isang hapunan at ihahatid na niya ako pauwi.
Our secret love bloomed in these seemingly ordinary corners of Manila. It will never be the same again to me. It was amazing how a kiss at a diner changed me and my entire life.
Ngunit hindi ko pa naipapakilala si Jaime sa aking tiyahin. Humahanap pa ako ng tamang tiyempo at lakas ng kalooban para magawa ko ito.
Kahit patago ang aming relasyon, hindi ako nagrereklamo tungkol dito. Alam kong sigurado kami sa aming dalawa. Ngunit paano na lang ang mundong ginagalawan namin? Paano nila ito tatanggapin, at ano na lang ang sasabihin nila?
Pinipigilan ko ang aking isipan na mag-alala sa ganitong mga bagay. Basta kami ay nagmamahalan, wala na akong dapat ikabahala pa. Ako ang kanyang pinili nang may paninindigan.
---
"Paborito ko nang araw ang Lunes."
Ngumiti ako kay Jaime habang magkahawak ang aming mga kamay. Ang malamig na ihip ng hangin ang yumakap sa amin habang naglalakad sa Dewey Boulevard. Tanaw sa malayo ang papalubog na araw na nagbibigay kulay sa malinaw na tubig ng Manila Bay.
"Iba ka rin," biro ni Jaime. Kinurot niya ulit ang ibabaw ng aking ilong. It's his habit already, which was a flattery for me.
"Siyempre, yung kendi o chocolate bar na iniiwan mo sa lamesa at may kasama pang love letter."
"Ilan na ba nakolekta mo na sulat mula sa akin?"
"Mga trenta na. Nilalagay ko sa lata ng biskwit sa aking kwarto, na ako lang ang nakakaalam kung saan nakatago. Halos dalawang buwan na tayo sa ating relasyon," ika ko.
"Binilang talaga ah," ngisi ni Jaime. "Siya nga pala, nakakahalata na ba si Mila?"
"Hindi naman. Magaling tayo magtago," biro ko. "Pero sana, isang araw, malaya nating maipapahayag ang ating pagmamahalan."
Nakatingin ako sa malayo, na para bang hinihiling ko ito sa hangin.
"Nahihirapan ka na ba sa akin?"
Tinignan ko si Jaime. Kay lambing ng kanyang mga mata. Hindi ko mahanap ang tamang mga salita para ipahayag ang aking natatagong saloobin.
"Hindi sa ganoon. Naiintindihan ko kung bakit tayo palihim na nagkikita tuwing Sabado. Basta makaalis na ako sa Luxuriant, doon na tayo magiging malaya."
"Pangarap ko rin iyon, Eloisa. Sa ngayon, keep your job. Alam kong kailangan mo ito."
Humarap ako kay Jaime. Hinalikan niya ang aking noo at yumakap siya sa akin. Ilang sandali kami magkayakap nang walang imik. Nang kumalas na siya, ito ang kanyang sinabi:
"Inaanyayahan ako ni Papa sa isang hapunan sa susunod na Linggo. Kilala niya ang ama ni Flora Sanz at balak nilang maging business partners. Gusto niyang tulungan si Mr. Sanz na mag-import ng mga tsokolate at kape galing Germany para dito ibenta."
Natigilan ako sa binalita ni Jaime. Naramdaman ko ang pangamba sa kanyang tinig. Kapag may anak na babae at anak na lalaki ang magkasosyo sa negosyo, alam ko na kung saan pupunta ito.
"Nag-aalala ako para sa ating dalawa. Pero hahanap ako ng paraan para sa huli ay tayo ang magkatuluyan," pangako ni Jaime.
"Ako na lang ang magpaparaya."
Masakit itong ipahayag, ngunit handa na ako kung sakaling hindi magtagumpay ang aming pag-iibigan. Sapat na ang nakasama ko siya kahit saglit lamang.
"No." Kinuha ni Jaime ang aking dalawang kamay at mahigpit itong hinawakan. "Ikaw lang ang nararapat para sa akin."
Napangiti ako sa kanyang sinabi. I tiptoed, wrapped my arms around his neck, and kissed him fully on the lips.
He kissed me back with all the love we have for each other. I know I was going to be his only choice.
---
Dumating ang Lunes. Sabik akong pumasok sa opisina. Agad kong tinignan kung may iniwan bang kendi at love note si Jaime, ngunit nadatnan kong malinis ang aking lamesa.
"Eloisa."
Lumapit sa akin si Mila sabay bulong ng aking pangalan.
"Ano iyon?"
"Si Flora Sanz, kanina pa nakatayo sa labas ng opisina ni Sir Jaime."
Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko agad nakita iyon dahil ang aking lamesa ay sa pagpasok sa second floor, at sa looban pa ang opisina ni Jaime.
"Paano siya nakapasok?"
"Ang aga nga ng dating niya, nauna pa sa iyo. Kakarating ko lang tapos sinundan pa niya ako papaakyat dito. Sabi ko, di pwede ang hindi empleyado ng Luxuriant dito sa second floor, pinakiusapan ko na umalis na siya at may meeting sa kliyente si Sir Jaime. Pero mapilit ang bruha. Maghihintay daw siya."
Halos hindi maipinta ang mukha ni Mila habang nagkukwento. Natawa ako at sinabing, "Andoon pa rin siya?"
"Oo, kanina pa nakatayo. Kulang na lang, pasukin niya ang opisina ni Sir Jaime at maupo doon sa arm chair niya."
"Ladies, hindi pa ba darating ang amo ninyo?"
Agad kong nakilala ang tinig na iyon. Lumingon ako at nakitang naglalakad si Flora Sanz papalapit sa amin. Hapit ang kanyang suot at nakataas ang isa niyang kilay.
Umurong si Mila at nag-aalala niya akong tinignan. Napalugok ako at inihanda ang sarili.
"Good morning, Miss Sanz. How can we help you?" Pinilit kong maging magalang sa aking tanong.
"Is Jimmy coming?" Tanong nito.
"Yes, probably later. Do you have any appointment with him?"
Lumapit sa akin si Miss Sanz. "Kailangan ba ng appointment para makipagkita sa kanya?" Humalukipkip siya at matalas akong tinignan.
"Usually, we only allow visitors by appointment. Mas maganda kung scheduled appointment, instead of dropping by for a walk-in."
I cannot help but flash a victorious fake smile at the witch in front of me. Oo, alam ko na ang tunay na kulay ni Miss Flora Sanz.
"Ah, don't worry. I will have an appointment meeting with him next time," ismid niya. "Anyway, can I have a glass of water? Maghihintay na lang ako sa sofa diyan." Itinuro ni Miss Sanz ang munting sofa sa harapan ng aking desk.
"You can wait," ika ko.
Naglakad ako papunta sa pantry habang nakasunod sa akin si Mila.
"Di mo sinubukang paalisin?!" Gulat niyang tanong.
"Baka naman importante ang pakay niya," sagot ko sabay kuha ng pitsel ng tubig sa refrigerator at isinalin ito sa isang baso.
"Pakiramdam ko, may relasyon sila ni Sir Jaime. Aba naman, matuto siyang mahiya at huwag siyang haharot-harot dito tuwing oras ng trabaho!" Galit na nabigkas ni Mila.
Muntik ko nang mabitawan ang aking hawak na baso. Dalawang buwan nang mahigit at buti ay hindi pa nahahalata ni Mila na kami ni Sir Jaime ang totoong magkarelasyon.
"Bumalik ka na sa desk mo. Ako na ang bahala sa kanya."
"Sige, 'Loisa."
Mag-isa akong lumabas ng pantry at binalikan ang naghihintay na si Flora Sanz sa may lobby.
"Here is your glass of water." Maayos kong inabot sa kanya ang baso ng tubig. Kinuha ito ni Flora Sanz, ngunit tinitigan lang niya ang baso. Nagulat na lang ako nang isaboy niya ang tubig sa aking mukha.
"Why are you giving me dirty water?!" Galit niyang tinanong.
Hindi ako makaimik o makagalaw sa mga sandaling iyon. Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng kanyang palad sa kanang bahagi ng aking mukha.
"Sumagot ka kapag tinatanong kita!" Bulyaw niya.
"Madam, hindi po tama iyang ginawa niyo!"
Narinig ko ang galit na tinig ni Mila. Lumapit siya sa amin at pumagitan sa aming dalawa. Akmang magsasalitang muli si Flora nang mabasag ang tensyon sa amin.
"I saw everything."
Lahat kami ay napalingon sa boses ni Sir Jaime, na kararating lang. Matalas ang kanyang tingin na lumapit sa amin.
"Sinabuyan mo ng tubig ang aking empleyado, sinampal mo pa."
"Jimmy, I was waiting for you!" Lumapit si Flora sa kanya at humawak sa parehong balikat niya, ngunit tinanggal ni Jaime ang kanyang mga kamay at marahan siyang tinulak papalayo.
"Why are you here?"
"I just want to talk to you! Humingi lang ako ng baso ng tubig sa sekretarya mo, ngunit maduming tubig binigay niya!" Pinakita pa ni Flora ang baso, na kalahati na ang laman.
Kinuha ito ni Sir Jaime. "Galing ito sa fridge namin. Wala akong nakikitang dumi. Ikaw ah, huwag kang gagawa ng kwento kung balak mo lang ipahamak ang ibang tao," naiinis niyang paalala.
Nagtapon ng tingin sa akin si Jaime. Pinunasan ko ang aking basang mukha gamit ang panyo sa aking bulsa.
"Sinabuyan mo na nga ng tubig, sinampal mo pa. Get out, Miss Sanz. I don't tolerate such behavior here."
"Jimmy, why are you treating me this way? We're about to be engaged!" Giit niya.
Nagkatinginan kami ni Mila sa narinig.
"Get out." Itinuro ni Sir Jaime ang pintuan. Bakas ang galit sa kanyang mga mata sa gitna ng kanyang pagiging kalmado. Walang nagawa si Flora Sanz kundi sumunod sa kanya.
"Huwag ka nang babalik dito ah," paalala ni Sir Jaime.
"The next time I do, I will enter the grounds of this building as your lawful wife."
Miss Flora Sanz shot a glaring look at me and exited the scene, taking her anger with her.
"Eloisa, ayos ka lang?"
Nilapitan ako ni Mila at hinaplos ang aking mukha kung saan sumampal si Flora.
"Wala ito, ayos lang ako." Huminga ako nang malalim at ngumiti kay Mila.
"Miss Aldaba, nasaktan ka ba?"
Nilapitan kami ni Sir Jaime na halata ang pag-aalala.
"Masakit po, siyempre. Ngunit gagaling din ito, mapula lang siguro."
"Mila, you can stay first at Eloisa's station. Doon muna siya sa pantry, maglalagay lang ng ice pack sa pisngi niya," utos ni Sir Jaime.
"Masusunod po," magalang na tugon ni Mila.
Naglakad ako patungo sa pantry. Nakasunod sa akin si Sir Jaime at isinarado ang pintuan.
"Maupo ka. Ako na ang bahala sa iyo."
Umupo ako sa isang stool habang binuksan ni Sir Jaime ang fridge. Inilabas niya ang ice pack mula sa freezer at naupo siya sa aking harapan. Inilapit niya ang kanyang katawan sa akin at maingat na dinampi ang ice pack sa kanang bahagi ng aking mukha.
"Alam mo ba, tayo lang ang opisina dito sa Escolta na may pantry at fridge? Binili ko pa iyan abroad, sa General Electric."
Nilingon niya ang dilaw na fridge na may tatak na General Electric at ibinaling ang tingin sa akin.
"Tinotohanan ata ni Flora ang kanyang huling pagganap sa pelikula niya bilang kontrabida. That woman is a headache." Natawa si Jaime sa naisip.
"Nag-usap na ba ang mga pamilya niyo?" Bigla kong tanong.
Nanahimik si Sir Jaime at sumagot.
"Pinapunta ako ni Papa kahapon sa aming tirahan. Naghihintay doon sila Flora Sanz at ang kanyang ama. Napaaga ang aming meeting, at isinama ang business deal namin."
"Totoo ba ang tungkol sa pagiging engaged ninyong dalawa?"
Kumirot ang aking puso nang ito ay tinanong ko. Isang patak ng luha ang dumaloy mula sa aking mata, na agad hinimas ni Jaime.
"Ang totoo niyan, hindi ako pumayag sa deal kung may kasamang engagement sa aming dalawa. Nagalit ang aking ama pagkatapos, ngunit paninindigan ko ang aking desisyon."
"Pero sinabi ni Miss Sanz, you're about to be engaged."
"Drama lang niya iyon. Tinanggihan ko nga, hindi ba?"
Tuluyan na akong umiyak. Hindi ako makatingin nang diretso kay Jaime.
"Ngunit importante ang negosyo. Paano kapag may balak na gawin si Flora at ang kanyang ama laban sa inyo? Paano kapag gumanti siya? Hindi mo kailangang isakripisyo ang negosyo dahil lang sa akin," hikbi ko.
"Mírame, Eloisa."
Natigilan ako nang bigkasin ni Jaime ang salitang Mírame.
Inangat ko ang aking ulo para salubungin ang kanyang mga mata. Dumampi ang kanyang mga labi sa akin at nagtapos ang aming usapan sa isang nag-aalab na halik.
Humalik ako sa kanya. Ipinikit ko ang aking mga mata at may sumagi sa aking isipan.
Isang natatagong alaala.
Isang batang lalaki na binibigkas din ang salitang Mírame.
Agad akong pumiglas sa aming halik at seryosong tinignan si Jaime.
"Mírame," bulong ko.
"Look at me," ika ni Jaime. "Mírame, palagi ko itong sinasabi kay Darling noon. I'm going crazy," tawa niya.
"Hindi po ako si Darling."
Naguguluhan ako, bakit niya biglang binanggit ang pangalan ng kanyang first love?
"That necklace."
Ibinaba ni Sir Jaime ang tingin sa aking leeg. Napahawak ako sa aking kwintas na may munting pendant na ginintuang puso. Nakalimutan ko na nasuot ko pala ito ngayong araw at scoop neck ang aking pang-itaas, kaya halata ito.
"I gave Darling that necklace as a gift bago ako umalis patungo sa bayan ng Taal para magbakasyon kasama ng aking ina. Pagkabalik ko sa bayan namin sa Calatagan, doon ko nabalitaan na wala na si Darling at ang kanyang pamilya. Ngunit ngayon, nabuhayan ulit ako ng loob."
Kumunot ang noo ko kay Jaime. "Ano po ang ibig ninyong sabihin?"
"Hindi ba wala kang maalala sa nakaraan mo?"
"Tama ka."
"I know that necklace. Nakapaloob ito sa isang mas malaking pendant na hugis puso rin."
Nanlaki ang aking mga mata kay Jaime.
"Eloisa, hindi kaya, baka ikaw si Darling?"
(Itutuloy)
A/N: Dewey Boulevard was the former name of Roxas Boulevard.
Nakuha ko ang pangalang Eloisa from Eloisa St. in Sampaloc, Manila. Meanwhile, Jaime was taken from the name of actor Jaime Dela Rosa, na sikat sa LVN studios noong 1950s.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top