13-Lihim na Pag-Ibig
Nang dumampi ang kanyang mga labi sa akin, tumigil ang aking mundo. Wala na akong ibang hiniling pa kundi ang mahalin din niya ako.
I got my long-time wish. I wrapped my arms around his neck while he pulled me closer, deepening the kiss. I responded with deep fervor and kissed him back.
Ito ang unang beses na ako ay nakahalik, na ibinigay sa akin ni Jaime Miranda. Tonight, he became my lover. Tonight, I am now someone else's lover.
Inilayo na ni Sir Jaime ang kanyang mukha. Diretso siyang tumingin sa aking luhaang mga mata at ngumiti.
"Hindi ako makapaniwala," bulong ko.
"Kay tagal kong itinago ang aking damdamin para sa iyo," tugon niya sa akin.
"Kung alam mo lang, sinusubukan kitang tanggalin sa aking isipan," tawa ko. "Pinipilit kong umasta nang normal kapag nasa opisina tayo."
"I will stay in your mind for good, and down straight to your heart. We don't need a contract for this."
Humalik sa aking noo si Sir Jaime. Tumigil na ang awitin, at doon ko nakita ang malaking orasan na nasa pader.
"Kailangan ko na pong makauwi. Alas-onse na po ng gabi," paalala ko.
"Aba, si Cinderella pala ang aking nobya," ngisi ni Sir Jaime.
"Paano ko ito sasabihin sa akin tiya?"
Kinakabahan na ako sa kung ano man sasabihin ng aking tiyahin dahil ginabi ako ng uwi.
"Don't worry, ibababa kita sa harapan ng inyong bahay. Kung magtanong man siya, ako ang magpapaliwanag."
Hinawakan ni Sir Jaime ang aking kamay at tahimik kaming lumabas ng diner. Sumakay ulit kami sa kanyang kotse, at tahimik siyang nagmamaneho habang ako ay malalim ang iniisip.
Nobyo ko na ang aking amo. Ang aking unang nobyo. Nagagalak ako at nangangamba sa estado ng aming magiging relasyon. Paano namin ito itatago sa ibang mga tao? Paano kapag nalaman ito ng aking tiyahin at ng pamilya Miranda? Paano kapag nalaman ito ni Flora Sanz?
"Pang-ilan mo na ako?"
Napatingin ako sa kanya at nagitla. "Ah... Ngayon pa lang po ako magkakanobyo," nahihiya kong tugon.
"I'm honored," ngiti niya. "Ako pala ang nauna sa buhay mo."
Hinawakan niya ang aking kamay at sa buong biyahe, hindi na niya ito pinakawalan pa.
Itinuro ko sa kanya ang ruta patungo sa aming tahanan. Nang makarating kami sa tabi ng gate, sinabi niya:
"Matulog ka na, Miss Aldaba. See you on Monday."
Yumakap sa akin si Sir Jaime at muli niya akong hinalikan sa labi. Agad din siyang lumayo at napansin niya ang pamumula ng aking mukha.
"Huwag po niyo akong gugulatin sa opisina," biro ko sabay tawa. Napakagat tuloy ako sa aking labi.
"Business is business. Let's keep it discreet. We can do anything we want during weekends." Kinindatan niya ako.
"It's a deal. Our relationship is secretly professional." I pretended to sound like him. Pareho kaming natawa.
Lumabas si Sir Jaime at pinagbuksan niya ako ng pintuan. Lumabas na ako at nagpaalam sa kanya.
Hinintay ko siyang makaalis. Nang umandar na ang kanyang kotse, tinignan ko ito hanggang sa nakaalis na ito sa malayo.
Pumasok ako ng aming bahay at inabutang nakabukas pa ang ilaw sa salas. Umakyat na siguro si Tiya Cely at nabagot siguro sa kakahintay sa akin.
Nang gabing iyon, natulog ako na may ngiti sa aking labi.
All this time, he was also looking at me secretly. All this time, he was in love with me, as much as I loved him.
Dalawang beses niya akong hinalikan. Doon pa lang ay ramdam ko ang kanyang pag-ibig sa akin.
I turned into a woman tonight. I will never be the same person again.
---
Buti na lang at hindi ako tinanong ni Tiya Cely kinabukasan tungkol sa aking ginabing pag-uwi. Tahimik ang aking naging Linggo, at nasasabik sa magiging simula ng aking Lunes.
Pagpatak ng Lunes ng umaga, nagising ako, kumain ng agahan, naligo, at nagbihis ng damit pamasok. Pinili kong suotin ang isang sleeveless na knitted turtleneck blouse na kulay emerald green, itim na A-line skirt, at black handbag. Nag-make up ako ng gray eyeshadow, mascara, at pink na lipstick.
Tinignan ko ang sarili sa salamin. Mas mukha na akong mature ngayon, lalo na at inilugay ko ang aking buhok, na nakahawi sa gilid gamit ang hairclip.
Iba ang nagagawa ng babaeng umiibig.
"Papasok kang nakaganyan?"
Ito ang bati sa akin ni Tiya Cely nang bumaba ako galing sa kwarto.
"Tiya, may alampay po ako sa opisina. Hindi naman sila mahigpit sa pananamit."
Kinuha ko ang aking high-heels na pumps at isinuot ito. "Aalis na po ako."
Nagmano ako sa kanya. "Paalam po."
"Mag-iingat ka. Huwag kang tatakbo diyan sa sapatos mo!" natatawa niyang paalala.
"Opo tiya!" ngiti ko.
Nang makarating ako sa Luxuriant, naupo muna ako at tinanggal ang aking sapatos. Medyo masakit ngang maglakad sa Escolta nang naka-high heels, pero tiniis ko iyon. Maipapahinga ko naman ang aking mga paa at binti habang abala sa aking mga gawain.
May folder sa ibabaw ng aking lamesa. Sa gilid ay napansin ko ang isang kendi na may munting papel sa tabi.
Kinuha ko iyon at ito ang nakasulat:
Have a sweet week ahead. Work hard. On Saturday, meet me at 4pm, Botica Boie's soda fountain.
Love, J.M.
Ramdam ko ang kilig pagkatapos basahin ang sulat. Alam kong galing ito kay Sir Jaime. Ang aga niyang dumating para lang bigyan ako nito.
Dinampot ko ang kendi at nakangiti itong tinitigan.
Sana Sabado na bukas. Pero gaya ng aking pinangako, magtatrabaho akong mabuti habang kinukubli ang aming relasyon.
Hanggang Biyernes ay araw-araw na nag-iiwan si Sir Jaime ng kendi sa ibabaw ng aking lamesa. Minsan ay may kasama itong mensahe na nakalagay sa kapirasong papel:
You're in my thoughts, knowing you're a few steps away from my office.
Work well today, Miss Aldaba.
See you tomorrow, Saturday.
Maayos kong ginawa ang aking tungkulin. Walang weekly meeting na naganap, ngunit tuwing napapadaan siya sa aking lamesa, lihim kaming magtatapon ng sulyap at ngiti sa isa't isa.
"May napansin ako sa iyo nitong linggo," ika sa akin ni Mila habang naglalakad kami sa kahabaan ng Escolta. Biyernes na ngayon at pauwi na kami.
"Ano iyon?" Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Iyang bihis mo. Palagi ka yatang naka-A line skirt at sleeveless."
Pinasadahan niya ako ng tingin. Tama nga siya, halos pareho ang aking sinusuot mula noong Lunes. Ngayon ay white collared sleeveless blouse at blue A-line skirt ang aking bihis.
"Bakit, mahaba naman ang palda ko, lagpas tuhod. At mainit pa rin, kahit Hulyo ngayon," dahilan ko.
"Nagtataka ako, hindi ka sinisita ni Sir Jaime. At iyang kolorete mo, lagi ka yatang naka-eyeshadow!" Tawa ni Mila.
"Teka, ano ba ang ibig mong sabihin?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"May pinagpapaganda ka ba?" tukso niya.
"Aba, bakit, di ba pwede magpaganda para lang sa sarili?"
Hindi ko basta masabi sa kanya na may relasyon na kami ni Sir Jaime at iniiba ko na rin ang aking imahe.
"Sabagay, tama ka. Hindi mo kailangang magbihis para mapansin ka," kibit-balikat ni Mila. "Mauna na ako, paalam!"
Nakipagbeso ako kay Mila. "Ingat ka!" Ngumiti ako sa kanya at pinanood ang kanyang paglalakad palayo.
Napabuntong-hininga ako. Buti ay nakaisip ako ng dahilan sa aking pagbabagong-bihis.
"Eloisa!"
Lumingon ako nang marinig ang aking pangalan. Nakangiting lumalapit sa akin si Tony.
"Kumusta?" Bati ko sa kanya. Inaya ko siyang tumabi sa gilid para hindi kami nakaharang sa dinaraanan ng mga tao.
"Maayos naman, ito, abala sa pamamahala ng boutique ni inay," kwento ni Tony. "Ikaw? Parang may iba sa iyo ah."
Alam kong tinutukoy niya ang aking pananamit. Tumawa ako at sinabing, "Anong ibig mong sabihin?"
Pinasadahan ako ni Tony ng mapanuring paningin. "Bakit parang... Parang..."
Hindi niya ito masabi nang diretso, na lalong mas nakapagpatawa sa akin.
"Alam mo, ganyan din reaksiyon ni Mila sa akin!" Tuluyan na akong natawa.
"Siguro di lang ako sanay na makita kang ganyan ang bihis." Tumingin sa malayo ang aking kababata. "Naninibago lang ako. Tumatanda na talaga tayo, ano?"
"Ikaw naman, tumangkad at natutong mag-ayos!" Ngiti ko sa kanya. Nakasuot ngayon si Tony ng collared shirt na asul, black slacks, at leather shoes. Nakapomada rin ang kanyang buhok, kaya mas maaliwalas ang kanyang itsura. Halata na ang kanyang malalim na mga mata at matangos na ilong.
"Oo nga eh. Ah, siya nga pala, Eloisa. Maari ba kitang ayain kumain ngayong Sabado? Puntahan natin ang panciteria sa amin."
Nanahimik ako.
"Loisa?"
Hinawakan ko si Tony sa braso. "Pwede ba kitang kausapin nang masinsinan tungkol dito?" Nakakita ako ng isang kainan sa tabi. "Pumasok muna tayo doon."
Pumayag si Tony. Nang makapasok kami, umorder muna ako ng dalawang bote ng soda para sa aming dalawa.
Naupo kaming magkaharap sa isang table for two malapit sa labasan.
Paano ko sasabihin kay Tony ang aking ibabalita?
Uminom muna ako ng softdrink sa aking bote para ihanda ang aking sarili.
"Eloisa, pwede ka ba ngayong Sabado?"
Nakita ko ang pagkasabik ni Tony at ang kanyang malawak na ngiti.
"Ah, hindi ako pwede bukas," ika ko.
"Sayang. Masarap pa naman ang pancit ni Nanay Lulu. Eh sa ibang Sabado na lang kaya?"
"Tony, hindi mo na ako pwedeng ayain nang tayong dalawa lang."
Nanahimik ang binata.
"Bakit?"
Huminga ako at sinabi na ang katotohanan.
"May nobyo na ako."
Tensyon ang bumalot sa amin. Bumagsak ang paningin ni Tony, na para bang nalugi ito sa negosyo. "Si... Sino ito?"
"Hindi ko pa pwedeng sabihin."
"Bakit hindi? Kaibigan mo ako," giit niya.
"Dahil di pa nararapat."
Napapikit si Tony. Halatang nagpipigil lang ito, ngunit tinanong niyang muli:
"Bakit di nararapat sabihin? Pwera na lang kung ito yung amo mo sa trabaho."
"Siya nga."
Mas lalong nanahimik si Tony. Kumunot ang kanyang noo at lihim akong nasaktan para sa kanya.
Ngunit agad siyang pumasada ng ngiti at sinabing, "Mabuti. Mukhang masipag na lalaki iyon. 'Loisa, ingatan mo ang iyong sarili. Sana maging tapat siya sa iyo. Sige, mauuna na ako. Magsasarado pa kami ng boutique."
Tinignan niya ako sa huling pagkakataon at dinagdag:
"Sana maging masaya kayong dalawa. Pero andito lang ako kung kinakailangan."
Tumayo na si Tony at lumabas ng karinderya na hindi lumilingon. Nakatingin siya sa malayo sabay palis ng luha gamit ang kanyang kamay.
Nasaktan ako para sa aking kababata. Doon ko lang natanto na may lihim siyang pagtingin sa akin.
Ngunit ayokong magsinungaling sa kanya, na magkunwaring may pagtingin din ako. Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.
Hahayaan ko muna na maghilom ang kanyang nasugatang puso. Sana ay makatagpo rin siya ng magmamahal nang tapat sa kanya, gaya ng pagmamahal niya sa akin.
Nagkaroon ako ng nobyo, ngunit nawalan ako ng mabuting kaibigan at kababata.
You gain some, you lose some.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top