Minion Shot 4
M.S: 4-Dare
"Uno!"
Ibinaba na ni Mark yung second to the last card niya. Kulay itim ito that has a design of four different cards with different colors, o mas kilala sa pangalan na ‘color wheel’. Doon pa lang, alam na namin na talo na si Phoebe and she has to pick her dare as her punishment.
"Whoo~! Go Phoebe! Pick your dare!," sigaw ng mga kaklase ko. Nakikitawa na lang ako sakanila. Nilapag na kasi ni Mark yung huling alas niya. Ayan! Si Phoebe na tuloy yung susunod na gagawa ng dare.
Nilabas ni Thomas yung bowl na may lamang nakarolyong mga papel. Tinakpan ng iba kong kaklase yung mata ni Phoebe habang bumubunot siya.
Nagsigawan ulit sila nang makabunot si Phoebe ng papel. Kinuha ito ni Thomas at binasa.
"Say 'hi, you're handsome' to the first guy that will go down from the staircase."
Naghiyawan ulit yung mga kaklase namin habang papalabas ng room with their pajamas on.
Natatawa nga ako. Gabing-gabi na and still kami yung maingay dito sa dorm. Paano, yung iba kasi pumunta sa ceremony. Samantalang kami nagcutting dun. Wala eh. Tinatamad sila eh. So we decided to play uno cards in our room.
Nag-antay kami sa gilid ng staircase, barely visible sa taong bababa mula doon. Samantalang si Phoebe, ayun at nakasandal sa may staircase, nag-aantay ng bababa.
Hagikhik kami ng hagikhik. Ewan ko ba. Malalakas ata tama ng mga to eh.
Maya-maya, may mga yabag kaming naririnig pababa. Pinatahimik kami ni Mark, habang si Phoebe sinisilip kung sino yung bumababa.
"H-Hi," sabi ni Phoebe. Napatingin yung lalaki sa kanya. Phoebe smiled at buong lakas-loob na itinuloy yung sasabihin niya, "you're handsome."
Ngumiti yung lalaki, only to find out na ito yung gwapong ka-neighbor namin sa first floor ng dorm. Nagthumbs up pa yung mga kaklase ko sa namumula na Phoebe.
Pagkatapos non ay bumalik na kami sa kwarto namin at pinagpatuloy ang laro. We were shouting and teasing each other habang ginagawa yung mga dare. Good thing at ni isang beses, hindi pa ako natatalo.
"Nux Lyra! Undefeated ang peg," sabi ni Phoebe. Iisang card na lang kasi ang hawak ko and the usual, mukhang ako ulit ang unang makakaubos ng card.
"Uno queen na ba Lyra?," pang-aasar ni Mark. I smiled at inaantay ko na lang yung turn ko para ibaba yung huling alas ko.
Suddenly, everything turned out against my way. Bigla na lang nagbaba si Jim ng +4 na card, which Marie counter-attacked with another +4 card. Kaya ang nangyari, saakin bumagsak ang +8 na cards.
I tried to catch up with them pero hindi na umabot. And the next thing I knew, my hand was fishing inside the bowl of paper dares.
Kinuha ni Thomas yung papel na binunot ko. He silently read it first, then binasa niya sa buong crowd.
"Have a picture with your crush," nagkantiyawan yung mga classmates ko. Napa-facepalm na nga lang ako eh. They all knew who my crush is. I let out a heavy sigh atsaka lumabas ng pinto papunta sa room niya.
And the usual, inasar nanaman ako ng mga classmates ko habang nasa daan. And damn! Kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko, I can’t help but smile at the thought of it. You see, hindi kami masyadong close ng crush ko kahit ang konti lang namin sa classroom. Yung tipong makikipag-usap siya sakin kapag may group activities lang. Minsan pa, indirectly ang pakikipag-usap, yung tipong sakin niya talaga gustong iparating pero sa iba siya nakatingin. Medyo masaklap lang diba?
Binuksan ko yung pinto sa boys room at nakita siya sa far corner na natutulog with his earphones plugged in. Mabangis din siya eh, hindi umattend ng ceremony para matulog. Palagi namang tulog yan eh. I mean seriously, kahit sa klase natutulog yan. Pero siya yung tipong kahit tulog, nakakaperfect pa din sa test. Okay, siya na magaling.
I motioned them to be quiet at kinuha yung camera kay Jim na abot tenga ang ngiti. I rolled my eyes para hindi nila talaga mahalatang kinikilig ako. Mabuti na lang at madilim, at least they can’t see my face blushing like hell.
I silently walked inside the room. Naiwan sila sa labas at ang ingay-ingay nila na parang may pinagtatalunan. Humarap ako sa kanila and sinitsitan. Hindi ko na sila pinansin at nagtuloy-tuloy sa hinihigaan ni Brent.
Papalapit pa lang ako sakanya pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Para bang merong nasa loob ito at nagdru-drums. Hindi ko na nga marinig ang mga bulungan nila. I can only hear the fast beating of my damn heart.
At last I reached his place. Nakapatong ang isang kamay niya sa mukha niya while the other one was resting freely on his stomach. Sheez ang hot niya tignan! And his face looks angelic when he’s sleeping.
Kahit gaano ko pa gustong titigan ang mukha niya, hindi ko magawa kasi may mga nanonood. Dali-dali akong umupo sa tabi niya at nilapit ang mukha ko sa kanya. Then I positioned the camera and started to pose.
*Click
Nagulat ako nang mag-flash. I suddenly looked at him, terrified na baka magising siya. Good thing that he’s still asleep.
Nag-thumbs up yung mga kalaro ko as I went out. They kept on teasing me habang naglalakad kami pabalik sa room. I can’t help but smile and blush. Damn this red-face of mine.
Pinagpatuloy na ulit namin ang laro. Wala pang ilang minuto at pumasok si Brent kasama ang ilang kabarkada niya na classmates namin. Hala! Baka nagising siya nung pinicturan ko?! Sheet! I’m dead! Totally dead!
Dahan-dahan akong nagtago sa likod ni Marie, nananalangin na sana hindi alam ni Brent na nagpapicture ako sakanya. Uwaa~ Dead. Meat. Na. Ako. Neto.
“Tikas niyo ah! Hindi talaga kayo umattend ng ceremony?,” tanong ni Alex sabay kinuha yung clover chips na nakapatong sa kama.
“Tinatamad kami eh. Umattend kayo? Anyare?,” balik tanong ni Marie.
“Ahh~ wala naman. Natulog lang kami sa loob ng session hall. Nakakahawa kasi tong si Brent eh. Sarap ng tulog sa upuan,” sagot ulit ni Alex na nilalantakan na yung clover.
Nagkatinginan kaming pito. Si Brent? Tu-tulog sa upuan?
“Huh? Eh paano nangyari yun? A-Akala ko.. akala ko nasa kwarto niyo si Brent?,” nanginginig nang tanong ni Phoebe.
Tinanggal ni Brent yung earphones niya sabay antok na antok na tumingin sa amin.
“Humabol ako sa ceremony. Akala ko kasi may libreng pagkain kaya pumunta ako. Kaso wala kaya natulog na lang ako dun kasama tong dalawang mokong na to. Nakakangawit nga sa upuan eh,” reklamo niya.
Nagkaroon ng katahimikan sa loob ng kwarto. Walang gustong magsalita. Walang gustong gumalaw.
“Seryoso ka Brent?,” muling tanong ni Mark sakanya, halatang takot na.
“Mukha ba akong nagbibiro? Bakit ba? Anong nangyari?”
“Kung nasa ceremony si Brent, eh sino yung pinicturan mo Lyra?,” napunta sa akin lahat ng atensyon pagkasabi ni Thomas ng nag-iisang tanong na kanina pa bumabagabag sa amin.
Sino ang kasama ko sa picture?
Kinuha ko ang camera at nanginginig na binuksan ito. Parang bumagal ang bawat segundo habang inaantay ko ang paglo-load ng litrato.
Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatitig na lang ako sa screen nito.
Naramdaman ko na lang silang nagsilapitan at nagulat sila sa kanilang natuklasan.
Sa litrato, naroon ako katabi ang isang maputing babae na walang mata at umiiyak ng dugo.
At ang nakakatakot?
Nakatitig siya sa akin.
~~~**~~~
AN :3 Happy Halloween :D Try try lang sa horror. XD HAHAHA Salamat sa pagbabasa.
P.S. Nakakakilig dapat kalalabasan niyan eh. Hindi ko alam kung pano napunta dyan. Ohwell XD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top