Minion Shot 3

M.S: 3-Chinito

“Mag taxi na lang tayo. Male-late na kayo, 7 am na,” sabi ni Tita habang nakatayo kaming dalawa ni Kuya sa sidewalk. Kanina pa kami nandito, nag-aabang ng masasakyan kaso punuan ang mga jeep pati fx. Isama mo pa ang traffic.

Ngayon ang araw kung saan kukuhain ko ang aking DLSUcet, short for De La Salle University College Entrance Test. Sabi dun sa form, kailangan daw nasa designated building na ang mga examinees thirty minutes before exam. Eh 8 in the morning ang exam ko at eto, nakatunganga sa tabi dahil walang masakyan papuntang La Salle. Ngayon din kasi ang araw ng One Run, One Philippines na gaganapin sa circle. Saktuhan pang madadaanan namin yun. Pag minamalas ka nga naman.

Si Kuya naman, parehas lang kami ng way. He has his OJT somewhere near Taft kaya sumabay siya sa amin para tipid sa pamasahe.

Sawakas, may taxing walang laman ang umabot sa amin. Sumakay si Kuya sa harap habang nasa likod kami ni tita. I plugged in my earphones and shut the world up. Sinubukan kong magpahinga and achieve peace of mind dahil nahihilo ako. Hindi ko kasi gusto yung amoy ng aircon sa loob ng taxi. Nakakasuka. May mga aircon kasi na merong halong air refresher, tapos sa sobrang tapang eh nakakahilo. Madalas mangyari sakin to, mapa-taxi man o bus. Kaya nga minsan, mas gusto ko pang sumakay sa jeep kesa sa ganito.

Mas lalo pang dumagdag sa hilo ko yung pasikot sikot ni Manong Taxi driver. Nag-uusap pa nga ata sila ni tita kung saan dadaan para makaiwas sa traffic. Halos masuka na nga ako dahil paliko-liko. Sinubukan kong mag-relax pero lalo akong na-stress.

“Ay lagot ka! Bar exam din pala ngayon ng UST,” narinig kong sabi ni tita. Ayun, good luck na lang sakin. Traffic ulit. Wish ko lang na sana umabot ako. Gusto ko pa namang makakuha ng scholarship sa La Salle. Bukod kasi sa maganda nang school, dito rin ako nakakuha ng gusto kong course.

Pero isa rin sa dahilan kung bakit gusto kong mag-aral dito ay dahil sa chinito ng buhay ko.

Dahil kay Jeron Teng.

Weird diba? Ewan ko ba. Unang panood ko pa lang sa game niya, na-attract agad ako sa kanya.

Ang cool nga eh. Hindi naman talaga ako masyadong mahilig sa basketball. Pero simula nung mapanood ko yung game niya, sunod-sunod na yung panonood ko. Mapa-UAAP man o NCAA. Pati Gilas Pilipinas, suportado ko. Kahit ultimong Governor’s Cup ay inuuna ko din kesa sa mga homeworks ko. Syempre NBA fan na rin ako dati pa. Siguro mas lumala lang. Miami Heat fan ata to.

Ewan ko ba. I was captivated by his chinky eyes. Para sa akin, ang cute kasi ng mga taong medyo singkit. Nagmumukha silang anime.

Nakakatawang isipin, tuwing napapanood ko siya, kinikilig ako. Yung parang may sparks na nararanasan ng mga babae kapag napapansin sila ng mga crush nila. Tipong mapapangiti ka na lang nang hindi mo nalalaman. Ang cool lang talaga. Kadalasan kasi, nakakaramdam lang ako ng ganyan sa mga crush kong anime characters.

Pero ngayon sa paningin ko, para siyang isang anime character na lumabas sa virtual world at pumunta sa earth para maglaro ng basketball.

Napapakanta tuloy ako ng chinito ni Yeng Constantino. Ohh~ Chinitoo~

“Sige tita, una nako. Hoy taba! Galingan mo,” paalam ni Kuya na binaba namin sa isang tabi.

“Lul. Baho mo,” sagot ko naman. Wag kayong magtaka, ganyan kami magsagutan. Umandar na ulit ang taxing sinasakyan namin papunta sa La Salle.

Wala pang ilang minuto at nadatnan na namin yung traffic sa bandang malapit sa La Salle. At dahil 7:30 na, wala akong nagawa kundi sumama kay tita at takbuhin na lang papunta sa mismong eskwelahan. Nakaka-stress, Gate D pa ako at nasa dulo ang building ko. Saklap lang diba?

Ayun, nagmarathon pa ako sa loob ng campus. Dinaig ko pa ata yung mga sumali sa One Run One Philippines sa sobrang tulin ng takbo ko. Late na kasi ako, mga limang minuto.

Pero habang tumatakbo, sumagi sa isip ko na baka makita ko si Chinito dito.

Sige na nga, pinapanalangin ko talaga na makita siya rito. Grabe! kapag nakita ko siya, utang na loob. Iper-perfect ko pa ang DLSUcet ko.

Kaso, wala eh. Umasa pa naman ako. Kahit konti lang yung chance. Umasa talaga akong makikita siya.

Wag kayong aasa. Mahirap. Masakit. Kahit simpleng bagay lang.

Okay, nagdrama pako.

Pagdating ko sa building, nagulat ako kasi may tatlong elevators. Partida, kada elevator naka-assign sa kung anong floor. Naisip ko, ang swerte ko pala pag dito ako nag-aral. Facilities pa lang, bongga na.

Pumasok ako sa gitnang elevator kasi dito naka-assign yung fifth floor. Ilang saglit lang at nasa harap na ako ng room. Buti at tinanggap ako nung proctor.

Binigay na rin nung proctor yung mga answer sheets. Finill-outan ko na ito at nagsimula na yung test.

Natapos yung three parts. Aaminin ko, hindi ko siya nasagutan ng maayos. Ewan ko ba. Parang wala ako sa huwisyong mag-test. Siguro pagod sa kakatakbo at idagdag mo pa yung hangover ko sa amoy ng taxi. Basta sa buong three parts na yun, wala akong matinong nasagot.

Buti na lang at may 15-minute break. Nagpunta muna ako sa C.R at naghilamos. Nagbabakasakaling mawala yung konting hilo ko dahil sa taxi. Kumain rin ako ng chocolate para makapag-boost ng braincells. Di naman nagtagal at medyo umokay ang pakiramdam ko.

Natapos ang 15-minute break at bumalik na ulit kami sa room para ipagpatuloy yung test. Nung una, medyo okay pa yung pagsasagot ko. Bigla na lang bumilis yung pagbabasa at pag-iintindi ko sa mga tanong. Di katulad nung naunang parts.

Kaso nung bandang huli, nagkanda-lokohan na.

Bigla na lang sumakit yung ulo ko. Yung bang bigla na lang bumalik lahat ng hilo kanina. Nanlabo rin yung mga mata ako. Natataranta na nga ako kasi may oras yung pagsasagot. Eh wala pa ako sa kalahati nung part 4.

Di ko na kinaya kaya umob-ob ako sa desk. Naaatat na nga akong umuwi. Gusto ko nang magpahinga. Ang sakit na talaga ng ulo ko.

“Good morning sir,” isang malalim na boses na medyo raspy ang dating yung narinig ko. I didn’t bother to check who the guy is. Masyadong masakit ang ulo ko para magmulat.

Then I heard footsteps and the next thing I knew, someone was behind me. Binuksan ko ang aking mga mata to look at him and I was surprised.

Really surprised.

Seriously.

Oh. My. Cow.

“Hi Miss. Sorry for disturbing you. Could I?” tinuro niya yung desk ko. Tinanggal ko yung mga nakapatong doon nang hindi inaalis ang tingin ko sakanya.

I was starstrucked for heaven’s sake!

Binuksan niya ang desk na sort of locker at ma kinuha rito. Gosh, I can’t actually believe he is this close.

TOO CLOSE.

Tipong ilang inches na lang at mahahawakan ko na yung biceps niya. Oh My Hot.

“Thank you Miss. Good luck on that,” he smiled then patted my head.

He patted my head.

He smiled at me.

He patted my head.

He smiled at me.

Ha pat—

“Miss? Miss? Wake up, you haven’t finish your test yet. Five minutes more to go,” nagulat ako nang niyugyog ako nung proctor. Shitbrix! Nakatulog pala ako. Amp! Five minutes?! How am I supposed to finish this part in five minutes?! Wala pa sa kalahati tong nasasagot ko!

Out of desperation, shinotgun ko na lang yung part na yun.

Tuluyan na rin akong nawala sa huwisyo sa pagsasagot but I tried my best to shade the right circle.

In the end, hindi na ako umasang makakapasa ako. Though, I cannot take away all of that hope inside my heart. Kahit papaano, umaasa ako.

Malay mo, may miracle na mangyari diba?

Nakakainis si Jeron Teng eh! Pumasok pa talaga sa panaginip ko. Sayang! Akala ko pa naman totoo na. Haaaay.

Tinawagan ko si tita para sabihin sunduin na ako. Sabi niya, hindi pa daw tapos yung meeting niya kaya kumain na lang daw muna ako ng lunch sa nearest restaurant at dun na lang mag-antay.

Naglakad-lakad ako habang lumulutang yung utak ko sa kung saan. Wala eh, di ako makaget-over sa test ko. I didn’t give my best.

Sinayang ko lang yung pagkakataon.

 Tumigil na lang bigla yung paa ko sa paglalakad. Nakaramdam na ako ng gutom. Sakto namang sa Chowking ako napadpad. Ayun pumasok ako sa loob at doon kumain. Pumwesto ako sa pinakasulok para di masyadong mapansin.

Naiiyak talaga ako eh. Ganito siguro pag nakakadepress.

Yung tipong.. haaay~ sayang talaga. Sayang. Ang tanga ko. Sinayang ko.

Di ko na napigilan pero tuluyan nang pumatak yung mga luha ko. Simpleng problema sa iba pero malaki para sa akin. Future ko kasi nakasalalay dun eh. Masyado akong nagpaka-easy going. Nakakainis.

Siguro kung maaga akong gumising, edi hindi kami magtataxi. Hindi sana ako mahihilo. Siguro kung nag-review ako kahit konti, baka may nasagot ako. Siguro kung hindi ako umob-ob, baka hindi ako nakatulog. Siguro kung binigay ko lahat ng makakaya ko, baka sakaling pumasa ako.

Ang daming siguro at baka. Para namang mababalik ng dalawang salitang yun ang mga nangyari na.

Wala na. You can never turn back time. Hindi mo na mababago pa ang nangyari na.

All that was left is to face the consenquences.

“Miss, here..” bumungad na lang sa akin ang green na panyo. Maayos ang pagkakatiklop nito, at amoy na amoy ko ang pabangong nakakapit dito.

Kinuha ko ito at pinunas ko sa mga tumulong luha. Nagdadalawang-isip ako kung ibabalik ko na agad sa may-ari o lalabhan ko. Kaso baka hindi ko na ulit siya makita.

Nag-angat ako ng tingin para pasalamatan siya, and to my surprise, I never expected to see him here.

“Everything’s going to be alright. So smile now okay?,” a heart-melting smile formed on his face and patted me on the head. Someone called him and for the last time, he smiled at me bidding goodbye.

Naiwan yung panyo niya sa akin.

Akala ko namamalik-mata ako.

But the letters embroidered in his handkerchief made me believe that I was living in reality.

J.A.T

~~~**~~~

Date created: October 12, 2013

Dahil panalo ang La Salle sa UAAP Season 76. <3 I love you Jeron Alvin Teng. Congratulations for winning the MVP title <3 HAHA baka mabasa mo to. xD lol

ANIMO LA SALLE!

Pasensya na, nagpantasya na naman ako. Pero yung test ko sa DLSUcet, totoo yun. Yung panaginip, hindi. Pati yung Chowking. xD Oh how I wish na totoo yun xD lol

Salamat sa pagbabasa ng sariling version ko ng chinito. HAHA :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top