Miney, Moe
Natanaw ko sa kabilang kalsada si Pauline. Nasa loob siya ng 7-11 at may hawak na chocolate. Mukhang meron siyang malalim na iniisip habang nakatingin sa kalsada. Kala mo tuloy nasa music video siya lalo na at malakas ang ulan.
Pang-music video naman talaga ang ganda niya kaya nga halos tatlong taon na kong patay na patay sa kaniya kahit hindi niya alam. Ni hindi niya nga ako kilala.
Magkaiba kasi kami ng course kaya magkaiba rin kami ng floor at schedule pero matagal ko na talaga siyang crush. Simula pa noong kumatok siya sa room namin para kausapin ang prof namin ay nakatok niya pati ang puso kong tulog. Yuck, cheesy ko.
Hirap naman mag-pigil ng feelings lalo na at hindi ko naman sure kung magugustuhan niya rin ako. Malabo. Balita ko matagal din sila noong ex-boyfriend niya.
"Uy, si Gab pala 'to eh. Wala kang payong?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Claire pala, classmate ko.
"Wala nga eh kaya 'di pa ko makasakay ng jeep." Kasinungalingan. May payong talaga ako sa bag pero nandito pa rin ako sa sakayan kasi gusto ko pang sumulyap kahit konti kay Pauline. Medyo umaasa ring sana makasabay ko siya sa jeep.
"Sabay ka na sa'kin," alok ni Claire na agad kong tinanggihan.
"Magpapatila muna ako, medyo maaga pa naman."
Medyo nagdududa man ay hindi na siya nag-usisa pa at sumakay na sa pumaradang jeep sa tapat namin. Pagsakay niya ay nilingon niya ako mula sa bintana ng jeep sabay ngumiti at sinabing, "Kung ako sa'yo, puntahan mo na kesa puro titig lang."
Namula ako sa sinabi niya pero bago pa ko makapag-deny ay umandar na ang sinasakyan niyang jeep.
Gusto ko naman talagang puntahan si Pauline pero ayoko naman maging creepy at magmukhang stalker, slight lang. Wala naman akong ibang gusto kundi ang makasakay agad siya ng jeep at makauwi nang maayos.
Okay na ako sa pasulyap-sulyap lang sa malayo. Okay na 'to. Okay lang ako.
Pero bakit ko kinuha ang payong mula sa bag ko? Bakit ako hinila ng mga paa ko patawid ng kalsada? Kala ko ba nakaw-tingin lang? Bakit parang palapit na ako sa kaniya?
"Aray!/Ouch!" sabay naming sigaw sa gulat at sakit.
Ten times ang kabog ng dibdib ko kasi kaharap ko na ang crush ko. First time ko siyang makita sa malapitan. Hindi ko alam anong pumasok sa utak ko at lumapit ako sa kaniya in the first place.
"Pasensiya ka na, Miss," sinabi niyang okay lang pero alam kong hindi siya okay dahil sa lakas ng pagkabangga namin sa isa't isa ay nahulog sa sahig ang chocolate niya. Inanod na ng tubig-ulan ang balot ng Hershey's Milk Chocolate niya.
"Palitan ko na lang..."
"Hindi, ayos lang talaga. Paubos na rin naman 'yon saka kasalanan ko rin kasi sumugod ako sa ulan kahit wala kong payong."
"I insist."
"Last na Hershey's na 'yon sa shelf eh. Bukas pa raw ang restock."
Chance ko na 'to.
"Meron malapit sa'min! Dalhan kita bukas? Sa school or dito? Gabriella nga pala, Gab na lang."
Mahina siyang napatawa sa sunod-sunod kong tanong.
"I'm Pauline, and sure, see you ulit dito bukas."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top