SPECIAL CHAPTER!!!

HOY! Akin yan! [Special Chapter]

A/N: Ang hinihintay ng iba :O Hoho. Sorry ngayon lang. Anak kasi ng chowchow eh nasira laptop namin ----___---- nagtampo pa sinama pati hard disk. Sama nya nuh? HUHU! Tapos dapat nung last month iu-update ko na 'to kaso nadelete ko!! Aym su istooopid rayt? T^T So ayun! Naggawa na naman ako ng bago! Ok eto ha. Sorry sa mga korny scenes, ke? HAHAHA! Ganyan daw talaga pag-inlove. Nagiging cheesy ka kahit hindi ka naman ganun dati. Nagiging korni. Nagiging-- AH WATEBER  I'LL STAPH NOW INJOY RIDENG ESTE ENJOY READING! XD

PS. Oh @exoltimate na dating si @GrowLikeAWolf, sinasabi mo sakin nung isang araw mag-update na ako ng SC, eto na meme :P You enjoy, oke? You read it with happiness and enjoyment, ke? XD Me language is so oke, 'ke? XD

---------------------------------------

Genina's POV

"BAAAAAEKHYUUUN!!! HAPPY ANNIVERSARYYYYYY!!!"

Halos mag-echo sa buong condo ko yung sigaw ko. Galing ko noh? HAHA!

"TSE!! GALIT AKO SAYO!!!"

Napapout ako sa narinig ko. Leche naman eh. Kakauwi pa nga lang nya galit agad sakin. Nasa kusina sya tapos ako nasa sala. Ayaw nya ako palapitin sa kanya. Mukha nga atang galit sya.

"NAMAN!! SORRY NA NGA EHH!!!"

"WALA NG MAGAGAWA YANG SORRY MO!! NIRAPE MO KO!!!!"

Aba! ANONG NIRAPE?!!

Okay! Nagtataka na siguro kaya noh? Ganito kasi yan.. diba kakauwi nya lang kagabi? Suprise pa nga eh! Yun nga. Si Yeobo, hindi pa nakakabili ng unit kaya sakin sya tumabi kagabi. Ayaw daw nya sa sofa, masakit daw sa likod. Tapos dahil sa sobrang miss na miss ko na sya kaya ko sya niyayakap ng mahigpit kahapon. Tapos nung matutulog na kami kinikiss ko yung cheecks nya. TAPOS RAPE DAW?! OA NYA!

"HOY! DI KITA NIRAPE GAGU!!"

"HARRASSMENT!! BINUGBOG MO KO!!" Sigaw ulit nya. Ayos eh?

Okay eto pa, dahil sa ilang years syang hindi nakauwi nakatanggap sya ng suntok sakin. ABA! 5 years na kami tapos ngayon lang sya uuwi?!!

"Sorry na nga eh.." Sabi ko, nakakapagod palang sumigaw. Bili na lang kaya ako ng mega phone? Ayaw nya ko palapitin sa kanya eh.

"YEOBO! HUHU! Ganito na lang.. TARANG MAG-DATE!!" Sigaw ko ulit. HAH! Hindi ata ako nawawalan ng energy!! ^__^

"MAG-ISA KA!"

"SAMA KA!"

"AYOKO!"

"GUSTO MO!"

"AYA--"

"GOOOD MORRRNING!!!"

Natigil kami sa sigawan ng marinig namin si.. Matt? Teka, bakit sya nandito? Kasama pa nya ang iba ha?

"Sino kausap mo teh?" Tanong sakin ni Pami. Si Jane naman nakitingin sakin. Ganun din yung iba.

"Si... Si.. Baekhyun.. Bakit?" Inosente kong sagot.

"BAEKHYUN?! KAILAN PA SYA UMUWI?!" They said in unison! ABA! Uso ba sigawan ngayon?! LECHE HA!

"Genina naman. Alam naman naming miss na miss mo na sya. Tapos anniversary nyo pa ngayon." Sabi ni Anya.

"Oo nga. Nakakatakot din pala ma-inlove. Nababaliw na lang bigla-bigla." Sabi naman ni V.

HMP! Sasagot pa sana ako ng may nagsalita, "Ang sama nyo." No other than Byun Baekhyun. My yeobo *__*

"BAEKHYUN?!!!" Sumali kaya sila sa sabayang-pagbigkas? Galing eh.

"The one and only!" Sagot naman nya. Hindi ako pinansin? Naman eh!

Umalis na lang ako sa salas at nagpunta sa kusina. Daya. Ang saya nila. Samantalang ako, malungkot na nga badtrip pa. Kainis lang.

Masama bang mamiss ko sya ng sobra-sobra? HELLO? 5 years syang nawala! 5 years akong naghintay sa kanya! Kainis lang talaga. Halos maging kamukha ko na si Donald duck sa kakanguso dito.

"Sige bye!" Narinig ko namang nag-alisan na sila. Ako ba pinunta nila dito? Hmp. Makapunta na nga lang sa kwarto. Wala palang pansinan ha? CHALLENGE ACCEPTED!

Nag-edit na lang ako ng mga latest pictures ko sa laptop ko. Nakahiga ako sa kama. Nilock ko yung pinto. Akala nyo sya lang may karapatang magalit ha!

"Genina? Genina!" Narinig ko syang kumakatok sa pinto. Hindi naman ako sumasagot.

"Open the door! Genina!" Deadma parin. Bahala sya dyan!

"OO NA MAGDADATE NA TAYO! BUKSAN MO NA 'TO JAGIYA!" Bigla akong napangiti at tumakbo agad sa pinto.

"Yeobo....." Ang lapad ng ngiti ko, abot langit siguro!

"Bati na tayo?" tanong ko sa kanya. Maganda na yung nakakasigurado ka. Baka mamaya ginu-good time lang ako nito.

"Oo na. Alis dyan. Maliligo ako." Nagpunta sya sa pinto ng banyo ko.

"EHH NAMAN! Napipilitan ka lang eh!" Humarang ako sa daanan nya.

"Alis nga dyan! Liligo ako!"

"Gusto ko yung galing sa puso mo yung oo!"

"Bakit? Nagsasalita ba yung puso?!"

"Yeobo naman! Wag ng pilosopo! Asar ka eh!"

"Hindi ako pilosopo! I'm just stating the obvious!"

"Eh kasi! Bati na tayo!"

"Dalawa lang ang option.."

"Bati na-- haa??"

"AALIS KA DYAN O SABAY TAYONG MALILIGO?!!!"

Natigilan ako. Umaygeeeddd.. ansabe? SABAY DAW KAMI?? MALILIGO??!!!

"Ta-tayo... s-sabay.. ah... ligo?"

Napa-face palm sya. May nasabi ba akong masama?

"Ang daming naaksayang oras, Jagi. Umalis ka na dyan. Baka hindi pa ako makapagpigil at hilahin kita sa loob ng banyong yan at sabay tayong maliligo."

Nakanganga lang ako. Ansabe?

"AIISSHHH!! Dito ka nga!" Hinawakan nya yung magkabila kong balikat at inupo sa gilid ng kama, "Listen, okay? Lalaki ako. Malamang natetemp din ako! Naiintindihan mo ba yuun???" Napatango-tango na lang ako.

"Dyan ka lang." Umalis na sya at naligo. Huhu. Payag naman ako kung sabay kami eh. JOKE LANG!!! ---...---

***

"TARA NAAA!!!"

Excited na ako! Ngayon na lang ulit kami magdadate. Nakakamiss talaga!

"Yeobo! San tayo pupuntaaaa?" Kumapit pa ako sa laylayan ng shirt nya na parang bata.

"Nawala lang ako ng limang taon naging isip bata ka na?" Tinanggal nya ang kamay kong nakahawak sa t-shirt nya at.... hinawakan nya >__< Kami na ang HHWW!! AYIEEE!!

"Sayo lang naman ako nagiging isip bata eh." Sabi ko sa kanya. Seryoso naman ako pagdating sa trabaho. Sa taong mahal ko lang ako nagiging ganito ^U^

"Tarang mamasyal. Namiss ko din 'tong pinas."

So yun nga, namasyal kami. Masakit nga lang sa paa. Nakasandals ako eh, color black. Hindi katulad dati na lagi akong naka-converse. Syempre! Dagdagan ba naman ng limang taon ang edad ko? Tapos naka-dress na ako ngayon, long back, dark blue. Yung buhok ko naman naka-puyod na lang. Ayos lang yan! Maganda ako! Lalo na sa paningin ng taong mahal ko :DDDD

"Try natin yun!" Hinigit ko sya papunta dun sa isang stall. Tawag daw nila dito... fishball? Oo yun nga!

"Y.. yan?" Tanong nya. Alam na! Hindi pa sya nakakakain nito.

"Hindi. Yun! Eto nga! Kuya pabili nga po twenty pesos!" Tapos nagbayad na ako. Hinintay na lang namin yung order namin. Si Baekhyun titig na titig dun sa fishball. Hindi maipinta yung mukha. HAHAHA!!

"Eto na po. Ate, ang ganda nyo po." Sabi sakin ni Kuyang Fishball.

"Syempre. Asawa ko 'to eh." Sabi ni Baekhyun tapos nag-akbay sakin. Huh! Kahit ba naman si Kuyang Fishball pagseselosan nya? >.> Pambihira!

"Bagay po kayo!" Nakangiting sabi ni Kuyang Fishball. Ayieee kinikilig tuloy ako. Daming nagsasabing bagay daw kami eh.

Kumindat na lang sakin si Yeobo at nagpunta kami sa may parang playground. May mga lamesa naman dun at upuan na gawa sa kahoy.

"Te-teka.. ano yung sabi mo kanina?" Tanong ko sa kanya.

"Alin dun? Yung sabay tayong maliligo?" Asar! Nasuntok ko nga sya sa braso!

"Hindi! Yung.. ano... kasi.."

"Ano yun?" Tapos tinusok nya yung fishball. Titigan pa eh kakain din naman!

"Sabi mo... asawa mo ko." >////< Lumingon ako sa ibang direksyon para hindi nya makita na nagbublush ako dito!

"Ahh. Yun ba? Totoo naman ah? You're my girlfriend, wife, nurse, kahit yaya ikaw rin." Ayan! Feeling ko sobrang pula ko na! Ano ba yan!

Hinawakan nya ang magkabila kong braso at hinarap sa kanya, "Thank you for everything. Ngayon ko lang narealized na sobra sobra na yung nagagawa mo para sakin. Yung mga times na nagkakasakit ako at nalalasing, ikaw yung nag-aalaga sakin. Kapag may nagawa akong kalokohan nandyan ka para pagalitan ako at bigyan ng libo-libong sermon. Thank you dahil kahit limang taon na ang nakakaraan, nandyan ka parin para sakin. Kahit limang taon na ang nakakaraan, ako parin. I really love you, jagi. I really do."

Nakakahiya. Kitang-kita nya yung pamumula ng bonggang-bongga ng mukha ko!

"A-ah... Bae.. baek.. Ano kasi... nakakahiya.. pulang-pula na yung mukha ko pero-- I love you, too."

"Can I kiss you?" OH MY SHEEET!!! YUNG PUSO KO GUSTO NG LUMABAS SA DIBDIB KO!! SHET NA MALAGKET NAMAN EHHHH!!!!

I just nodded and closed my eyes. Naramdaman ko na lang yung kamay nya sa pisngi ko. Wala na akong paki kung nasa public man kami magkikiss. Ang importante lang sakin, nagmamahalan kami.

Halos makuryente ako ng maglapat ang labi namin. Kahit hindi ko na 'to first kiss, pakiramdam ko ito parin yung first kiss ko. Si Byun Baekhyun lang ang nagpaparamdam sakin ng ganito.

"AYIEEE!!! ATE!! KUYA!! ANG SWEET NYO PO!!!"

Bigla akong napahiwalay sa kiss namin ng makarinig ako ng maraming kantsyawan galing--- GALING SA MGA BATA?!!! Shoot! Nasa playground nga pala kami! Nakakahiya! May mga magulang pa tapos nakatakip sa mata nung ilang bata. >/////<

"S-sorry..." Sabi nya tapos yumuko.

"Ah. Hindi. To be honest kasi, I... I enjoy that kiss..." Nahihiyang sabi ko. Anu be! Tapatan na to! >.<

"Kuya.. Ate... bagay po kayo!"

"Ang sweet nyo po!!"

"Nakakakilig po kayo!"

Ngumiti na lang kami sa kanila at dali-daling inubos ang fishball at umalis na sa lugar na yun. Nakakahiya kasi eh!

"Ang sarap pala nung fishball!" Sabi nya tapos hinawakan na naman nya yung kamay ko.

"Mas masarap yung kiss mo..." bulong ko. Wew. Sana hindi nya narinig kundi leche! Ewan ko na lang sayo, Genina!

"Jinjja? You want more?" Napatingin ako sa kanya na gulat na gulat. Shet! Narinig nga nya! Leche!

"A-anong pinagsasasabi mo dyan!" Lumingon na lang ulit ako sa ibang direksyon. Nakakahiya ka na talaga, Genina. Pramis. Bubulong-bulong ka ng kung ano-ano dyan tapos ngayon!!!!

"Sabihin mo na lang kasi kung gusto mo pa. Para kasing nabitin ka kanina." Hindi ko na kinaya kaya ako na yung unang naglakad, mabilis na lakad. Tapos nakayuko pa. Bahala sya dyan! Pinapatay nya ako sa kakiligan eh alam naman nya na mabilis akong kiligin! Na kahit bigyan nya ako ng piso kikiligin parin ako! Hindi ko yun ipambibili, itatago ko pa yun! Mahalaga na yun para sakin, pero mas mahalaga yung taong nagbigay nun.

Natigil ako sa kaka-day dream ng may mabangga ako. Ooopss. "Sorry po."

"Okay lang, Miss. May kasama ka ba?" Tumingin ako dun sa lalaking nakabunggo ko. Ay. May itsura sya pero hindi gwapo. May itsura lang.

"Ah. Oo. Yung--"

"ASAWA NYA." May diin sa bawat words na sabi ni Yeobo. I love this day na! Bonggang-bongga ang pagpapakilig nya thaken. ay kennaaaaattt ;____;

"Ikaw? Asawa nya?" Natatawang sabi naman nung guy. Bastos to ah!

"Oo. Walang ibang pwedeng pumorma sa ASAWA KO. Kuha mo? Excuse us."

Nakakakilig na nakakahiya. May mga tao kasing nakakakita kanina samin. Aish!

"Aba g*go ka pala e!"

"BAEKHYUN!!" Napatakip ako sa bibig ng makita kong suntukin nya si Baekhyun.

"Wala pang tumatalikod sakin. Akala mo kung sino ka ha. Porket maganda lang yang asawa mo. Pwede mo pa naman yang pagsawaan eh. Bigay mo na lang yan sakin---"

"S.T.F.U!!!!!" (sorry pinaiksi ko na lang, alam nyo na meaning nyan) Bumawi naman ng suntok si Baekhyun at natumba din ang lalaki.

"Ibigay?! Anong akala mo sa asawa KO?!!! Isang bagay na pwedeng ipamigay kung kani-kanino?!!! Sira-ulo!" Sinuntok nya muli ang lalaki at nakita kong may tumulo ng dugo sa bibig nito.

"Tama na." Hinawakan ko sya sa kamay nya.. nanginginig na sa galit e. Tumayo ako sa harap nung lalaking nakahandusay na sa lupa. Hinawakan ko yung collar nya at hinarap sakin.

"IKAW. I'm not a robot or an object na pwedeng ipamigay sa kung sino man, kuha mo?"

*PAAKKK*

Hindi ko sya sinampal. Sinuntok ko lang, "Para yan sa ginawa mo sa asawa KO."

*PAAAKKKKK*

"At yan naman.. para sa pambabastos mo. Sana naman matauhan ka na sa pinaggagagawa mo."

Humarap na ako kay Baekhyun ng may ngiti sa labi, "Tara na yeobo!" Hinila ko na sya sa braso nya. Kanina pa kami gumagawa ng eksena dito masyado ng nakakahiya.

"Wow... wala ka paring pinagbago. Ang palaban mo parin kahit kelan!" Sabi nya.

"Oo naman!"

"Kahit ata wala ako dun nabugbog mo na yun eh. Wala ka talagang pinagbago sa loob ng limang taon.." Tumigil na kami sa tabi ng kalsada.

"Oo naman. Isa na yung pagmamahal ko sayo, walang pinagbago-- meron pala. MAS sumobra pa yung pagmamahal ko sayo." Ngumiti ako sa kanya to assure him na kanya lang ako.

"Halika nga rito." Pinalapit ko sya sakin. As in malapit!

*Tsup*

"Ang daming babaeng tumitingin sa asawa KO e." I smirked at him at nauna ng lumakad. Hihi. Alam kong namumula na yan! Halikan daw ba e -_-

"Naughty." Hinawakan nya ang braso ko at sabay na kaming naglakad.

"Ano? Kailan.. uhmmm.." Tiningnan ko sya with poker face.

"Ano yun?"

"Ano.. kasi.. kailan ang.. hmm.."

"Ano ngaaaa??"

"KAILAN TAYO IKAKASAL?"

Napatigil ako sa paglalakad. OH MY GOODD!! TALAGANG NAGTATANONG SYA NYAN!! GRABE!!

"Baekhyun naman. Wala man lang will you marry me chuchu ka dyan! Talagang kailan tayo ikakasal?!!!!!" Tanong ko sa kanya.

"Arte nito! Dun din naman pupunta yun!!"

"Really? Talagang pinaguusapan natin 'to?"

"Bakit? Ayaw mo bang ikasal tayo?!"

"G-gusto! Syempre."

"Ako din naman e. Gusto ko din naman maikasal sayo. Saranghae."

Napangiti na lang ako sa kanya. Ang sarap talaga sa pakiramdam ng may taong nagmamahal sayo. Naalala ko yung mga nangyari 5 years ago.. simula nung makilala ko sya sa tapat ng classroom.

***

"Excuse me, kung di ka papasok dyan, Makikiraan." Sabi nung nasa likod ko at--- oh-may-sobrang-cute-at-gwapong-nilalang! Shemay! Siguro 5 seconds akong nakatulala sa kanya! Ang gwapoooooo--

"Alam kong gwapo ako, Miss. Excuse." Tapos nilagpasan na nya ako. Tengene. Ang hangin bwiset! Nakaka-turn off ang ugali! Grr! Makapasok na nga! Nakakaasar talaga!

***

Nung natapunan nya ako ng pineapple juice, nung time na binubully nya ako. Nung unang beses ko syang makitang magselos. Nang dahil kay V pa!

***

"Shh tahan na. I'm sorry din. Hindi ako galit sayo, Genina. Nagagalit ako sa sarili ko. Bakit ba nagseselos ako sa inyo nung lalaking yun?" -Baekhyun

"Manhid ka talaga! Hindi ba obvious?! NAGSESELOS AKO! Alam mo naman diba? Crush kita! Tapos didikitan ka ng V na yan! Tangina lang, Genina!" -Baekhyun

"Bawat pagmumura ko, iniisip ko, ang meaning na lang nun is "I Like you" para naman kapag minura mo din ako, masasabihan mo din ako ng "I Like you too". Masyado bang desperado? Eh sa crush kita eh. Hindi ko nga alam kung crush pa ba ito o mahal na kita."

"By the way, keep up the GOOD job, Genina. Sige lumapit ka pa dyan sa CLOSE FRIEND mo. Tutal, CLOSE naman kayo diba? Tandaan mo, hindi mo o natin alam kung close friend lang din ba ang turing nya sayo, baka mamaya malaman mo, MORE THAN FRIENDS na pala yung nararamdaman nya sayo diba?" -Baekhyun

***

Tapos yung time na sumakay kami sa rides.

***

Sumakay na kami sa Space Shuttle. Actually, takot ako dito. Yung sa kanina sigaw ako ng sigaw eh! Si V tawa lang ng tawa, si Baekhyun? Ewan ko!

Ayan na... gagalaw na... shet!!! Baka masuka na ako ditoooooooo! Ang dami daming isusuggest ng tangang to dito paaaaaaaaaa!!!!!

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!!!!!!!!! WAAAAAAAAAAAAAHHH!!!!!" Sigaw lang ako ng sigaw. Naririndi na nga ako sa sarili kong sigaw eh!!

"I LOVE YOU GENINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!"

Fvckingshetnashetnashetnashet! Parang hindi ko na naririnig yung sigaw ng iba. Yung I LOVE YOU GENINA lang yung tanging narinig ko! TANGINA KINIKILIG AKOOOOOOOOOO!!!

***

Tapos nung jagiya thingy pa >/////<

***

"Teka bago tayo matulog, lilinawin ko lang ha. HINDI AKO NAGSESELOS. NEVER!"

"Weh. Never say never! Wag kang magsalita ng tapos, love. Ayaw mo ba ng love? Jagi na lang. Sige, goodnight jagiya!"

***

"I... Love... you." Dahan dahan pa nyang sinabi yan. Habang binibigyan ako ng rose. 5 roses na yung nasa kamay ko ngayon.

"Curious ka noh? 5 roses yan. 1 for I. 1 for LOVE. 1 for YOU. 1 for SO. 1 for MUCH. I love you so much." Shet kinikilig akoooo! Ibang Baekhyun yung nakikita ko ngayon! Besides sa naka-prince charming look sya. Sobrang seryoso nya pakshet!

"Wait, ano bang meron? I'm clueless." -Ako

"Di ba obvious?" Tanong nya. Kaya nga ako nagtatanong eh! Tapos ang isasagot nya tanong din?! Tangina nya talaga.

"Ewan ko sa---" Pero bago ko matapos yung sasabihin ko. Lumuhod na sya sa harap ko. Teka ano baaaaaa!!!! >//////<

"Hoy! Tanga ka talaga! Tumayo ka nga dyan!" -Ako

"Genina Byun-- etse Genina Em, Can you be my girl?" -Byun Baekhyun

***

"We're going to Seoul, Korea this weekend. 5 years akong mawawala. Happy?

***

"Ano bang problema mo ha?!"

"IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO. BAKIT BA HINDI MO AKO PINAPANSIN HA?!"

"WOW! AT AKO PA ANG HINDI NAMAMANSIN NGAYON?! EH SINO KAYA ITONG HINDI NAGPAKITA AT NAGPARAMDAM SA LOOB NG DALAWANG ARAW!!"

"NAGSORRY NA NGA AKO DIBA?! ANO BA GENINA UMAYOS KA NGA! KUNG SINASABI MONG HINDI KO PINAGLABAN KUNG ANONG MERON TAYO. TANGINA NAMAN! HALOS LUMUHOD NA AKO SA HARAP NILA PARA LANG HINDI NA MATULOY ANG PAG-ALIS NAMIN! PINANGALANDAKAN KO DIN SA KANILA KUNG GAANO KITA KAMAHAL! PERO ANO?! ANO!!! WALANG NANGYARI!! WALA!! TAPOS SASABIHIN MO SAKIN NA HINDI KO PINAGLABAN KUNG ANONG MERON TAYO?!?? NA HINDI KITA PINAGLABAN HA?! PUTANGINA LANG!"

"AKALA MO BA MASAYA AKO SA NANGYAYARI NGAYON?! TANGINA SOBRANG SAKIT GENINA! SOBRANG SAKIT! AKALA KO OKAY LANG SAYO NA UMALIS KAMI AT MAGHINTAY KA NG 5 YEARS PARA SA PAGBALIK KO. PERO ANO?! AAAAARGHH!!! TANGINAAAAAAA!!!!!"

***

"Genina... Mahal kita. Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Ganun ka din naman sakin diba? Maghihintay ka diba?"

"I love you, Baekhyun. I love you so much."

"Jagiya. Maghihintay ka diba?"

"5 years lang naman diba?"

"Yes. 5 years."

"I'll wait for you."

***

AT.. eto na nga yun. ANG AFTER FIVE YEARS. Wala namang nagbago diba? Kesa na lang dun sa sinabi ko, mas sumobra ang pagmamahal ko sa lalaking yun. Advice lang sa mga estudyante pa dyan lalo na ang mga elementary, wag muna lovelife ha? Study first! Okay na yan kung highschool ka na or college. Dyan naman nararamdaman ang love eh. Tingnan mo kami ^__^ Ahihihi.

"Ano na? Bye bye na ba tayo sa mga readers? Happy ending na ba?" Tanong nya sa kin.

"Naaah. Magsasama tayo.. ng masaya. Pero walang ending." :D

"Wew naman. Kay Vice Ganda yan eh!"

"Alam ko! Pero totoo naman! Wala tayong ending, na satin ang 'happy' pero wala satin ang 'ending'.. eto na pa lang ang ating 'beginning'. May nabasa ako dati, sabi... sometimes, people are meant to fall inlove, but are not meant to be together. We're so lucky na hindi tayo napasama sa mga ganun. You know, we're meant to each other." Sabi ko sa kanya.

"Alam mo hindi ako naniniwala sa salitang destiny. Pero nung nakilala kita, nalaman ko na.. ahh.. ikaw.. ikaw yung destiny ko."

Bigla naman daw akong namula dun!

"Baekhyun. Para kang McDo."

"Bakit?"

"Kasi... Love ko 'to~"

"Jagiya, anong height mo?"

"Eh? Bakit mo tinatanong?"

"Paano ka nagkasya dito sa puso ko?"

CHEESSSSYYY PERO NAKAKAKILIG :"> Simpleng banat sa mahal mo nakakatuwa na. Feeelllinggg mo nasa heaven ka na.

"Yeobo, sa lahat ng tao, ikaw talaga yung pinaka ayaw ko..."

Nakunot naman ang noo nya, "Bakit!!! Hindi mo na ko mahal gan--"

"Ikaw yung taong ayaw ko... ayaw ko mawala sa buhay ko." >////<

"A-aray naman! Bakit ka namababatok dyan!! Papatayin mo ata ako e!!!" Sigaw ko sa kanya.

"Oo!! Oo, sa pagmamahal!"

Hindi naman uso samin ang pick up lines ano? :O

Tumalikod ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi... "Kyaaaaa, Ihhhh!!!"

"Tss. Halika na nga. Magpaalam ka na sa readers oh."

"Bakit ako lang? IKAW DIN!"

"Ikaw na! Nakakahiya!"

"Edi sabay tayo!"

"Okay okay!! 1.. 2... 3..."

"BYE READERSSS!!!" *kaway* *kaway*

"Ingat kayo! Sumuporta parin kayo samin ah?! SARANGHAE!!!" -Baekhyun

"Take care always! Salamat sa pagbabasa!" -Genina

*AT DYAN NAGTATAPOS ANG ESPESYAL NA KABANATA NG HOY AKIN YAN :O*

A/N: Sorry ulit kasi ngayon lang. Grabe! Haggard pa ako ngayon kasi ang daming gawain. Hirap maging student noh? Pero kailangan e, para sa future XD Wew. Meganon. Sige yun na lang, salamat sa pagbabasa!!!!!!!!! XOXO!!!

- Hoy! Akin yan!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top