Chapter 9
Chapter 9
[Author's Note]
Gusto ko ng matapos to ng bongga -.- Kaya hanggang chapter 10 lang 'to at heeep! May epilogue pa ;) ahihihi! Sorry naman kung short story lang itech~ hahaha! Sarrehhh~ huh? Sarrehh~ Pagbigyan nyo na ang loka-lokang baliw na authoorrr ng story na ito. Nga pala, kung may nababasa man kayong typo, wrong grammars, and esp maling pagtatagalog, SORRY! Di ko kayang magtagalog ng malalim tsaka yung klase ng tagalog ngayon yung alam ko. Ano daw?! XD Ah basta! Huehue. So this is it, pinaghandaan ko ng bongga 'tong chapter 9! ;) Get ready na sa tissue. De joke lang. Comedy nga 'to diba! XD
Genina's POV~
Ilang weeks na yung nakalipas matapos yung EK thingy -.- Kamusta ako? Eto madaldal pa rin. Kamusta ang barkada? Ayun makulit parin~ Si V? Nagkikita parin kami. Tapos na kasi yung transfer student thingy eh :/ Eh kamusta naman si.... Baekhyun? :"> Ayun! Mahal ko pa rin. Ayieee kinikilig tuloy ako. Ay leche ang cheesy ko pala.
At sa nakaraang weekSSSSSSSSSSSSSS na yun, di pa rin nya alam na mahal ko din sya. Saklap noh? Nahihiya kasi ako! Tsaka natatakot ako. Ewan ko kung bakit!
Hmmm... anything eventful? Wala. Ngayon lang! Magkasama nga pala kami ng barkada ngayon. Kasama din si V! Sembreak na kasi~ Yehehehet! Nandito lang kami sa isang karaoke bar. Oy wag kayo, VIP room 'to! HAHAHA. At ang pinakabonggang news? Kasama namin si Byun Baekhyun asdfghjkl! Ayieeee :"> Lalo ata akong nafafall sa tangang 'to shet.
Anyways, may T-ice nga pala dito. Weeehh~ Di ako nainom ha! Ayoko na. Tama na yung last time! Ayoko nang uminom! Ang sakit pala sa ulo! -.- So yung mga nainom lang dito ay sina: Matt, Jane, Pami, V, Jungkook, Baekhyun at Chanyeol. Oo kasama namin sila Jungkook at Chanyeol :D Ang cool ngang kasama ni Chanyeol eh! Ang hyper din! Si Jungkook naman medyo suplado :o
So, nakanta lang si Jane. Ang kinakanta nya? Let it go -_- Lasing na ata 'to eh! Sabi naman ni Bakla, di naman daw nakakalasing yung T-ice pero bakit ganun na sila? -_- Hello! I'm the only one here na hindi umiinom (?) Baka kasi mamaya wala ng magsihatid sa mga yan. Ang bait ko noh? :P So enough with that kwento-session ;)
"Heeeyyy~ Ano? Bakit di ka nainom? Ang weak mo naman." Aba ang tanga! Inakbayan pa ako. Alam nyo na namn siguro kung sino =___= Eto si Baekhyun! Teka wait kinilig ako XD HAHAHAHA. Ganito kasi yung position namin, since pabilog yung table ganito, from left to right:
Jane - Matt - Pami - Chanyeol - Baekhyun - Ako - V - Jungkook
Ang astig lang -.- Nasa gitna ako nitong magkamukhang 'to! Psssshhhhh~
"Di na no. Ayoko ng uminom. Ang sakit sa ulo eh." Baka din kasi kung ano masabi ko. Kinuwento kasi sakin nina Bakla yung nangyari sakin sa Bar nun. Ang daldal ko daw! Di nga? :o
"Suuuuus~ weak ka lang eh~ Inom ka oh!" Tapos nilapit nya sakin yung baso nya. Ewww, nakaakbay padin pala sya sakin. Tangina oo ako na yung kinikilig dito ng bonggang-bongga!
"Ayoko nga sabi eh. Tss. Tama na yung pag-inom mo, lasing ka na ata!" Sabi ko.
"Hmmm.. etong T-ice? It doesn't affect me anymore, Genina. Nasa katinuan pa ko. Hehe." Anong nasa katinuan?! Hello Baekhyun~ pulang-pula na yang mukha mo -.- Tapos lalo syang dumaldal! Etong namang isa kong katabi (V) ang tahimik! Ganito ba 'to malasing?! Naging opposite eh! Eto namang si Baekhyun lumalala lalo! Hay.
"Oh guys! Ako naman ang kakanta. Korean song 'to ha!" -Pami
"Oy. Kumanta ka kaya?" Tanong nya sakin. Aba aba aba. Kanina pa sya nakaakbay sakin ha. Buti na lang medyo madilim dito sa room, yung TV ng karaoke lang yung ilaw tapos yung pang disco-light. Sosyalen~
"Ayoko nga. Baka lalo kang mainlove sakin eh." Sabi ko. Ayieee.. Alam kong kikiligin yan! -.-
"Kaw naman, love. Wag ka ngang ganyan. Baka mahalikan kita eh." Napaatras naman ako nun. Potek!
"Anong love ka dyan! Basagin ko bungo mo eh!" -Ako
"Ows? Can you do it? Tsaka wag naman, love! Eto naman. Lumalambing lang ako eh~ Tsaka ayoko pa mamatay! Mamamatay lang ako kung hindi ka mapapasakin, love :)" Tangina kikiligin ba ako o kikilabutan?! Pakshet na love thingy yan! Ayoko ng ganyang endearment! -.-
Ngayon ko lang narealize. Ang ganda nung kinakanta ni Pami ah! Ang cute nung message nung kanta ^O^ Korean sya pero naiintindihan ko. Ahihihi ;) Nag-aral kasi ako ng iba't ibang languages eh kaya alam ko yaaaaan!
"Oy. Natahimik ka na dyan. Inom ka na kasi ohhh~" Tae. Ang kuliiiiiiiiiiiit! =_____=
"Tumigil ka na nga dyan. Ang daldal mo, ang baho ng hininga mo! Amoy T-ice!" Syempre biro lang yun. Di naman mabaho hininga nya eh.
"Weh? Kiss mo muna ako? Promise di na ako dadaldal! Ngayon lang~" Baekhyun
"Pagbigyan mo na, Genina. Lasing naman yan baka makalimutan din." Nagulat ako nung bumulong sakin si V, Wow matino pa sya. Kala ko lasing na din eh.
"Ayoko nga! Sinuswerte sya." -Ako
Alam din ni V na mahal ko din si Baekhyun. Actually, silang lahat alam na. Sya naman pala 'tong manhid eh! =___=
"Oy! Yung kiss kooooooooooooooooooooo!"
"Wag ka ngang maingay!" Buti na lang busy yung iba, sa pag-inom at sa pagkanta. Kami lang talaga yung naglalandian dito -_- Hahahahha!
"Kisss koooooooo~"
"Shattap." -Ako
"Kiss mo ko~"
"Shattap."
"Kiss mo nga ko~"
"Shattap!"
"Sige ka ako kikiss sayo--"
"Weh? Kaya mo? Sige-- O/////////////////////////O"
PUTANGINAAAAAAAAAAA~ BAKIT NYA KO HINALIKAN?!??!?! AY TANGA! SINABI KO NGA PALA. PERO BAKIT ANG OA KO?! SA PISNGI LANG YUN! NA MALAPIT SA LIPS! AY BWISET!!!!!
"Sabi ko naman sayo eh~ Ang sexy ko ba humalik, love?" -Baekhyun
"Ta-tangina mo. Tumi---gil ka nga dyan. Tsaka wag mo kong tawaging love!" -Ako
Inakbayan na naman nya ako. Bwiset. Bakit kahit lasing na sya, ang gwapo pa din nya kahit haggard na yung itsura nya? At---teka ako ba maguuwi dito?! -_- Payback? Tss.
Tumahimik na nga sya. Aba! Tinotoo ng gagu, tumahimik nga. Pakshet. First kiss namin yun! Kahit hindi sa lips. Arrrrghhh kinikilig ako T^T
"Guys. Uwi na kami. Medyo nakainom na 'tong si Jungkook. Bye guys! Goodnight." -V
Hinatid sila palabas ni Chanyeol. Uyyy~ Di pa ata sya lasing ah. Straight pa maglakad eh! Bwahahahaha. Si Baekhyun lang talaga yung malakas ang tama :3
"Huy. Baek, uwi na ba tayo?" Bulong ko sa kanya. Taena ayaw paawat! Tumahimik nga nag-inom na naman!
"Isong shot muna?" Totoo ba itong nakikita ko? Nagpout si Baekhyun?!!?!?!? TT_____TT
"Tangina Baek. Pwede ba kitang kurutin?" -Ako
"Hmmm? Anything for you, love." -Baekhyun
"Tanga ka. Wag sabing LOVE eh. Pero sige na nga. Pakurot haaaa~" Tapos kinurot ko yung magkabila nyang pisngi tapos pinisil ko so... parang nakanguso sya ^O^ Ang kyot talaga nitong mahal ko~ >//////<
"Oy tama na yang kilig scene! Uwi na tayo, gabing-gabi na eh." -Jane
Naghintay ako ng taxi sa labas. Hindi lang pala AKO, kasama ko sina Pami at Baekhyun -.- At etong baekhyun na 'to nakaakbay sakin! Hindi kasi makalakad ng maayos. Hello?! T-ice lang kaya yung ininum nya! As in TANDUAY ICE! OA eh.
***
"Ahmm... ano kasi, Genina? ^___^" -Pami
"Ano? -.-" Nandito na kami sa dorm. Di sumabay samin si Matt at Jane. Sila maghahatid kay Yeol eh~
"Sorry ha!!!! Sorry talagaaa! Actually, hindi lang T-ice yung ininom ni Baek! Kasi... ano.. may nakatago kay Matt eh! Red horse yun. Kaya ganyan na sya kung umasta. Sorry talaga! Nako patay ako nito kina Matt. Naguguilty kasi ako, Geeen! Sarreehh! T^T" -Pami
"ANO?! Hindi lang T-ice yung nainom nito?! Ay jusko naman oh -.-" -Ako
"Kaya ngaaaaaaa!!! SORRY TALAGA! T_T" -Pami
"Wala na. Nalasing na eh! Sige na chupi na! Ako na bahala sa lalaking 'to." -Ako
"Sige ha! Sorry talaga, Genina! Pramis, di KO na uulitin! Byeee~"
Naalaga ko naman ng maayos 'tong Baekhyun na to. Mabait naman pala 'to paglasing eh! Kapag inuutusan mo sunod lang ng sunod! Inutusan ko nga syang linisin itong kwarto eh ^U^ Kahit pageeeeewang gewang na sya! HAHAHA. Sana pala vinideohan ko! Tapos ipapakita ko sa buong SMA na ang kanilang iniidolo ay under ko! HAHAHA >:D
***
"Awwww.. GOOD MORNEEEEEEEEEENGGG!!!!"
"Tumahimik ka nga! Ingay mo! Inangyan."
Ahihihi! Sobrang linis ng kwarto~ Si Baekhyun lang ang kalat dito! -_- Bagong gising sya kaya sinigawan ko ng GOOD MORNEEEEEEEEEENGGG ~ :D Hyper ako ngayon eh! Ewan ko kung bakit?!
"Aish. Ang ingay talaga. Umalis ka na nga lang!"
"Hoy T-A-N-G-A! Pinapaalis mo ko?! Kagabi nga tinatawag mo pa akong love eh! Love-love-in kita sa bowl ng CR! Tss." Ang mais ko :'(
*Beeeeep Beeeep*
1 message recieve
From: Jane
Gmorning! Let's hang out today! :D Game?
Nagreply naman ako..
To: Jane
Okay! Sino-sino ba kasama? Ligo lang ako~ Tyl.
"Hoy. Sino naman yang katext mo?! Si V na naman ba yan ha?!" Aysuuuus. Selos naman daw sya oh :"> Kinilig tuloy ako!
"Si Jane lang 'to. Liligo muna ako!" Tapos tinabig ko sya. Pupunta ng banyo eh!
*After asdfghjkl*
Tadaaaahhh~ Ready na ako. Naka-purple dress lang naman aktech ^U^ Ang cuuuute ko~ Makisakay na lang kayo XD Inayos ko na lang ng konti yung buhok ko.
Paglabas ko sa dorm nakita ko agad si Bakla!
"Yo! Kanina ka pa dyan?!" -Ako
"Obviousleeeehhhhh~ Dali na! Ikaw na lang hinihintay namin eh." -Matt
"Parang wala kayong hang-over ha?" Tapos dun ko lang naalala....
"HOY MATTHEW MONYUGA! ANO YUN HA?! BAKIT MAY RED HORSE ACHECHE PA KAYONG NALALAMAN DYAN?! PUSET!"
"Eh ano kasi eh.. akala kasi naman kapag nalasing si Fafa Baekhyun, may mangyayari sa inyo! Kinilig tuloy kami! Tsaka ano ba Sis! Anong PUSET?!?!?"
"Wag ka nga! Inangyan. May mangyayari samin?! Kadiri utak mo boy! Tsaka kaya puset yung nasabi ko... wala lang, parang gusto ko kasing kumain ng pusit ngayon?"
Nagpunta na kami ni Bakla sa Mall. Nandun na daw sina Jane, Pami, V, Jungkook, Suga, Chanyeol, at Kai! Padami kami ng padami ngayon noh? >:D
***
Nung nakarating kami... nagpunta muna kami sa McDo, kain muna. Gutom na eh~
Kain lang kami ng kain hanggang sa....
"KIM JONG IN!!!!!!!!!!!!!!"
Napatingin kaming lahat sa babaeng sumigaw. Wow! Ang cute nya. Tsaka teka? Bakit naman nya sinigaw yung pangalan ni Kai!
"HOY! Ano ka ba naman?! Wag ka ngang sumigaw, Jagi!" -Kai
JAGI?!?!?! AS IN HONEEEEEEEY!?!? MAY GIRLFRIEND SI KAI?! WOW.
"Paanong hindi ako sisigaw eh lumalandi ka na dyan! Tangina mu uy!"
Lumalandi? Teka... sakin ba sya galit? :O Ako kasi yung babaeng katabi ni Kai eh!
"Hindi ko 'to nilalandi! Tsaka kung kailangan ko ng kalandian. Ikaw tatawagin ko! Ikaw kasi mahal ko eh." -Kai
Napa-Ayieeee naman kami nun! Ang korni din pala nitong si Kai. Pero wait lang, sino naman 'tong babaeng 'to? XD
"A-Ahh...? Hindi pala. Sarreeeehhh! Anyways, I'm Khim! Kai's GIRLFRIEND :D" -Khim
[A/N: Hello! Pakibasa naman ng kaewanan na ginawa ko, "Talk To Me" yung title :3 Sila Kai at Khim ang bida dun ^O^ Nasa external link! Ty~ ]
"Hi! I'm Genina." May pasweet smile pa ko nyan. Wag ka.
"Sorry ha? Kala ko kasi lumalandi na naman itong si Jongin. Sorry talaga Genina!" -Khim
"Hindi! Okay lang. Sa totoo lang may mahal na ako eh. Pero hindi yang Jongin mo! Hahaha." Alam nyo na naman siguro kung sino ^_^v
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. At aba si Suga! Umamin na may gusto kay Pami! :"> Aksidente kasing nahawakan ni Pami yung kamay ni Suga tapos eto namang Suga na 'to biglang namutla at napasabi ng "Aylaykyu!" XD Epic lang eh. Lumalablayp si Bespren :D
"Oy! Alis muna kami ha? Magsosolo muna. Hahaha!" -Kai
"Ina mu! Anong magsosolo ka dyan?! DATE lang naman!" -Khim
"Ang cute nyo talaga. Sige na alis na! Chuuu~" -Pami
"Teka matanong lang, Genina. Asan si Baekhyun?" -V
"Hmm? Ewan ko sa -- O____________O Tungunu."
Bakit na naman baaaahhh T^T Putek na DESTINY yan. Nakita ko si Baekhyun, ang malala may kasamang babae! Puteeek. Bakit ang saya nila? T.T Akala ko ba ako lang love nyaaaaaa~ Kainis kang baekhyun ka!
"Ooops. Selos alert." -Chanyeol
"Tumahimik ka, laki ng tenga mo T_T" -Ako
"Grabe ka naman. Badtrip, eh?" -Jungkook
"Isa ka pa, lalo kong palalakihin yang ilong mo nyeta T^T" -Ako
"Woah. Kalma lang Gens!" -Suga
"Gilagid ka. Shattap! ToT" -Ako
"Alis na nga lang tayo." -V
"Alien tama ka! Ang sama ng view eh! Tara na ngaaa!" Tapos umuna na ako maglakad. Badtrip! Lalandi na naman sya?! Footangina nya -_-
Pami's POV~
Mainit na naman ang ulo ni Ateng Genina. Nakikisabay sa init ng panahon eh! Makita ba naman na may kasamang IBANG babae ang 'love-of-her-life' nya! Dramaqueen eh.
"Uy." Napalingon ako kay Matt.
"Bakit?" -Ako
"Sundan natin sina fafa baek!'" -Matt
"Ano? Paanong 'susundan' natin?" -Ako
"Try mo gumapang, tanga. Dali!" -Matt
Makatanga naman 'to wagas! Humanap kami ng tiyempo para makatakas sa Barkada. Aba syempre hinila din namin si Jane! Bahala ni Genina dyan puro lalaki kasama nya! XD
Genina's POV~
Kainis! Bwiset!!!!!!!!!
"Mabuti pa. Umuwi ka na lang." -V
"Haaay.. mabuti pa nga. Bye na." -Ako
"Hatid ka kita?" -V
"Hatid na lang natin yan." -Suga
Nagpahatid na nga lang ako sa kanila. Tungunu. Gusto ko umiyak. Pakshet! Bakit ba ganun? Akala ko okay na kami. Sure na ko sa nararamdaman ko diba. Mahal ko sya. Pero bakit may iba syang kasamaaaaaaaaaaaaa!!!! Mamamatay na ako sa selos nito eh T^T
*After asdfghjkl*
Wala. Mag-isa ako dito sa kwarto namin. *sigh* Ang boring pa! Ngayon ko lang narealize. Nasanay na ako na palaging nakikita o nakakausap si Baekhyun. Kapag talaga nagmahal ka, nagpapakatanga ka pa -_- Kailan ba ako aamin sa kanya? Naunahan na ako ng iba! Ang bagal ko kasi eh. Ako pala ang may kasalanan. Hindi ko kaagad sinabi sa kanya. Hindi ko kaagad nasabi sa kanya na mahal ko sya. Na hindi ko kaya kapag iniwan nya ako. Hindi ko kaya.
Teka nga, romantic-comedy ito pero bakit ang drama ng scene?! Ano baaaahhh -___- Naiiyak na ako dito ah. Tanginang baekhyun yan.
Nagbasa na lang ako sa Wattpad.com. Tapos binasa ko yung mga nakakaiyak na stories. Eto namang si Ako, iyak ng iyak! Wag kayo. Hindi yung binabasa ko yung iniiyakan ko. T^T Alam nyo na kung ano. Ang OA ko noh? First love ko kasi yang si Baek eh. Ang OA ko nga. Pakshetnashetnashet!
Baekhyun's POV~
Wala si Genina ngayon. Tss. Di man lang nagpaalam! Baliw talaga.
*Riiing* *Riiiiiiiiing*
Sinagot ko naman.
"Hello?"
(Hi. It's me. Rian.)
Hindi ako naka-imik ka agad. Fotangina. Totoo ba 'to..?!??!?!?!?
SI ATE RIAN?!??!?! ANG SYOTA NI KUYA?!?!?!?
"Ate! Bakit ngayon ka lang tumawag?!"
(Sorry. Pwede ba kitang makita ngayon? Please.)
Si Ate Rian, girlfriend sya ni Kuya. Ilang weeks ng di nagpaparamdam si Ate Rian kay Kuya. Hindi nga namin alam kung bakit eh! Ngayon lang sya tumawag. Pero bakit sakin? Bakit hindi kay Kuya?
"Ate... bakit?"
(i'll explain later, Baek. Promise)
***
"Ate!" Nakita ko syang nakaupo sa bench.
"Ate! Anong... anong nangyari sayo?" -Ako
Tapos ang putla nya. Anong nangyari?! O.O
"Baekhyun. Wag mo sabihin kahit kanino ito ha? Lumayas kasi ako samin. Alam mo namang mahal na mahal ko ang kuya mo diba? Pina-arranged marriage nila ako. Tanginang bussiness yan. At nung naglayas ako. Naiwan ko yung cellphone ko. Ang tanga ko noh?" Tapos narinig ko pa syang tumawa ng peke. Minsan lang magmura itong si Ate Rian eh.
"Ate. Kung totoong mahal mo si Kuya. Kausapin mo sya. Sabihin mo yung totoo. Magagalit kasi yun eh. Alam mo naman yun, ayaw nya ng may tinatagong sikreto sa kanya."
"Oo alam ko. Kaya nga ako nandito eh. Ang totoo nyan, umuwi pa ko ng SoKor. May kaibigan kasi kami ng Kuya mo dun. Dun muna ako nakitira hanggang sa sinermunan nya na ako. Na dapat daw umuwi na ako dito. Kausapin ko yung mga magulang ko at yung kuya mo. Naiinis ako sa sarili ko, bakit di ko naisip yun? masyado akong nabrainwash eh! Pare-parehas kayo ng sinasabi. Kakausapin ko na sila."
Napangiti ako dun. Kung ganito ba ang mangyayari samin ni Genina. Ano kayang gagawin namin? Susuko ba kami o ipaglalaban namin yung nararamdaman namin? Namiss ko tuloy sya. Ilang oras ko lang syang hindi nakita eh!
"Okay ka na ba, Ate? Kailan mo kakausapin si Kuya?"
"I think... bukas or mamaya?"
"Eh ang mga magulang mo?"
"Hindi ko pa alam. Pero promise! Kakausapin ko na sila. Teka, thank you ha? Ikaw lang kasi yung naisip kong puntahan dito eh. Samahan mo naman muna ako mamasyal! Namiss ko 'tong pinas eh."
Namasyal na lang kami ni Ate Rian sa Mall malapit dito sa SM Academy. *sigh* Nasan kaya si Genina? Siguro kasama na naman nya yung barkada. Lagi naman eh.
Tsaka is it just me or parang may sumusunod talaga samin? Nung lumingon ako, tatlo sila eh, tsaka tengene. Naka-detective suit pa! Mala Sherlock Holmes lang!
"Hey. Kain muna tayo? Uuwi na ako after that. Uunahin ko ng kausapin ang kuya mo."
Um-oo na lang ako. Naka-sunod parin samin yung tatlong naka-sherlock holmes ang suot. Nakikita ko kasi eh! Bakit ba nila kami sinusundan?! -_- Artista ba itong si Ate Rian?! Tss.
Nung matapos na kaming kumain hinatid ko na lang sya sa parking lot tapos pinuntahan ko yung tatlong ewan pero tumakbo! Syempre hinabol ko.
"HOY TEKA TIGIL!" -Ako
Tumigil naman sila. Humarap sakin yung pinakamatangkad at hinubad yung suot nyang detective etc at---- SI MATT?!?!?!? =___=
"Hello?! Hehe *Insert nervous smile here*" -Pami
"Sorry -.- Sabi ko naman sa inyo eh! Kakasabi ko lang kanina na Don't implicate me in that asdfghjkl ayan tuloy!" -Jane
"I'm sarreeehh, huh? Sarreehh! *to me* So sorry din Fafa Baek! Kasi akala namin kung sino yung new girl mo, yun pala soon-to-be-sister-in-law mo! Nasundan tuloy namin kayo. Eh kasi si Ge--" Di na natapos ni Matthew yung sinasabi nya kasi tinakpan ni Jane yung bigbig nya. Ang gulo ng mga 'to, parang si Genina lang eh. Ni hindi ko nga alam kung may gusto ba sakin yun o wala -.- Di man lang magbigay ng motibo! Letche.
"Ahmm ano kasi Baekhyun? Umuwi ka na lang don't mind us! Hihihi!" -Pami
"Ganun? K bye." Nag-commute na lang ako pauwi sa dorm. Nakakapagtaka lang kasi hindi nila kasama si Genina. Nag-assume pa ako eh. Tss.
Habang nasa byahe may nakita akong purple teddy bear sa isang shop. Bumaba naman ako at nagpunta dun.
"Hello Sir! Eto po ba?" Tanong sakin nung saleslady at tinuro nya yung gusto kong bilhin. Teka bakit ko nga ba gustong bilhin ito? -_- Para kasing.... nung unang kita ko nito parang sinasabi ng utak ko na dapat ko 'tong bilhin! At para kanino naman?!
"Ah yes."
"Aww... para po ba sa girlfriend nyo sir?" Alam ko na. Para kay Genina 'to kaya ko ito bibilhin. Aish. Iba na talaga kapag nagmamahal ka.
"Nah. Soon-to-be lang naman. *giggles* Sige I'll buy that."
Habang pauwi ako tinitingnan ko lang itong purple teddy bear na 'to. Ano kayang maipangalan dito?! Aba! First baby namin 'to :D
Baeni? Baenina? Baeknina? Byunina? Hmmm... Byunina.. Cute sya pero ayoko -.- Ah bahala na sya! Basta pinagsamang pangalan namin dapat!
Kakatitig ko sa teddy bear na 'to ngayon ko lang nakita na may heart shapped syang hawak at may nakalagay in hangul na "Saranghae". Shet ang ganda pala nito. Fak ang gay lang. Pero alam ko naman na marunong sya magbasa at nakakaintindi sya ng korean tulad ko. Napapangiti tuloy ako. tangina~
*after asdfghjkl*
"I'm home." Bulong ko sa sarili ko. For me, itong kwarto (or dorm) na 'to na yung home ko. Shh lang kayo kay Genina ha? :D Baka kasi kiligin yun eh.
Una muna akong nagpunta sa banyo kasi naiihi ako. Tapos nung palabas na ako nakarinig ako ng iyak. Tangina may multo ba?! Alam kong pagabi na pero pakshet! Wala namang nakwekwento sakin na may nagpaparamdam dito ah! Please lang. Takot ako sa multo! Nung nagpunta nga kami (EXO) sa haunted house grabe lang yung sigaw ko nun eh! Parang bakla lang shet.
So back to reality. "Sino.... yan?" At fafdylwgdlDGlud, nakalimutan ko pa lang buksan yung ilaw! Nagpunta agad ako ng banyo.
Mula sa kama ni Genina nakakita ako ng babaeng nakaputi! Mahaba yung buhok tapos nakayuko! Kitang kita ko sya kasi naliliwanagan sya ng ilaw mula sa banyo! PUTANGINA HINDI AKO MAKAGALAW!!!!! ANO TO!!!! WHITE LADY?!?!??! TANGINA GENINA ASAN KAAAAAAAAAAAA!
"P-please! WAG! Te-teka--ano! Ta-tangina.. w-wag kang---FVCK!!!"
Napatakbo ako sa loob ng banyo at nilock yung pinto. Shet! First time ko makakita ng white lady! Tangina! Naririnig ko pa rin yung iyak nya. Ano?! Romantic-Comedy napunta sa HORROR?! Tangina naman author please! TAMA NA!
"PUASDFGHJKLNGINA!" Napasigaw ako nung biglang may kumatok sa pinto ng banyo. Lahat na ata ng mura nabanggit ko na sa isip ko! Ano baaaaaaaaaaa! Baka mahimatay na ako dito! Yung sipon ko lalabas na! AISH!
"Please! W-wag ka d...dito! Gusto--gusto ko pang mabuhay! M-may mina---minahal pa ako! K-kung inggit ka s--ss--sa lovelife ko... mag....maghanap ka ng sayo! Insecure ka ba ha!" Sigaw ko sa pinto. Tae wag sanang sumagot yung white lady!
"PUTANGINA MO BYUN BAEKHYUN BUKSAN MO TONG PINTO! IHING-IHI NA AKO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Nanlaki yung mata ko ng marinig ko yung sigaw ni Genina. So.... walang white lady?! Pinalay na ba sya ni Genina? Wala na ba?!?!?!
Pagkabukas ko ng pinto niyakap ko agad sya! Shet! Natakot ako dun!
"Hoy teka nga naiihi na talaga ako ng bonggang-bongga! Bakit ba ha?!?!" -Genina
"Pakshet Genina. Buti dumating ka! Kung makikita mo lang yung white lady kanina putanginaaaa!!!" -Ako
"Ikaw nag pakshet! Anong buti dumating ka?! Kanina pa ako dito tanga! Tsaka anong white lady ka dyan?! Ako yun gago ka talaga!" -Genina
Anong SIYA?! Eh naka-purple dress sya! Yung white lady nakaputi! Ano sya PURPLE LADY?! FAK!
"Ano... ikaw?! Eh naka-puti kanina yun! Naka-purple ka ah!" -Ako
"Eng eng. Kumot ko yun. Di ka ba nagtaka?! Buhok ko yun ah! Hayyy.. tanga nga naman oh. Alis nga dyan! Ihing-ihi na ako nyeta."
Tinabig nya ako. Ang taray nito ngayon! Meron ba to?! Alam nyo na.... yung monthly thing nilang mga babae -.-
Mabuti na lang bukas na yung ilaw. Pero bakit ang kalat?! Dun lang pala sa side nya yung makalat. Puro tissue?! Babaeng 'to talaga. Ano na naman ba pinaggagagawa nya -__-
Nung nakalabas na sya sa banyo tuloy-tuloy lang sya sa kama nya at nahiga ulit. Problema ba nito?!
"Oy. May sakit ka ba?" Tanong ko.
"Wala." -Genina
"Weh? Lagnat?" -Ako
"Wala." -Genina
"WEH?" -Ako
"Wala." -Genina
"WEH?" -Ako
"Wala." -Genina
"WEH?!" -Ako
"Tangina. Tumigil ka na nga! Nakakainis ka na eh."
Aww.... Ako lang ba o sadyang iba yung tingin nya sakin? Hindi yung tingin nya kapag sinasabihan nya ako ng 'Nakakainis ka'. Yung mata nya kasi parang may....galit at selos? Bakit na naman ba?
"Sorry." -Ako
"Tss." -Genina
Dun ko lang naalala yung teddy bear. Paano ko 'to mabibigay kung... Galit sya? Sakin ba sya galit? Ang gulo talaga ng babaeng 'to!
"Kung galit ka. Sabihin mo. Galit ka ba sakin?" -Ako
"......."
"Galit ka nga. Bakit na naman ba? Sorry kung hindi ko alam kung bakit ka nagagalit sakin. Ang tanga ko talaga noh? Sorry na." -Ako
"......"
"Haaaaaayy!! Okay okay. Sorry kung iniwan kita dito? Sorry kung ginabi ako? Hoy ano na! kkaeb song!" -Ako
"Tss. Sino yung kasama mo kanina?" -Genina
Mukhang alam ko na kung bakit... napapangiti tuloy ako :>
"Awww.... Selos ka?" -Ako
"Tanga. Tinatanong ko lang kung sino 'Selos ka' agad?! Namo." -Genina
"Tss. Masama ba mag-assume? Si ATE Rian yun." -Ako
"A-Ate? Ka-kapatid mo.....?" -Genina
"Hindi ah. Girlfriend ng kuya ko. Wag na selos! Ey naman." -Ako
"Tangina mu! Ewan ko sayo!" -Genina
Tampo na naman! Kinikilig ako sa babaeng 'to eh. Kinikilig din naman kaming mga lalaki noh -.- Tsss.
"HOY! AKIN YAN!" Sigaw ko sa kanya. Eh paano, tumayo sya tapos kinuha yung teddy bear!
"Bastusan? Tss. Ano na naman ba 'to?!" -Genina
"P-Para pala sayo yan, tsaka, ano yan? Teddy bear. DUH Genina DUH." -Ako
"Shattap nga! DUH?! Ano ka bakla?! Tanga!" -Genina
Napangiti na lang ako. Sana yung 'tanga' na yun 'Thank you' ang meaning noh? -_- Di man lang magthank you eh ang mahal nung teddybear na yun!
"Oy. Ano... kasi..." -Genina
"Hmm?" -Ako
"Kamsahae." Bulong nya yan pero rinig ko! TANGINA LALO AKONG NAIINLOVE SAYO GENINA EM!
"I love you." -Ako
"Tss! Ewan ko sayo. Sige na goodnight na. Matutulog na ako!" -Genina
"Ito naman oh. Walang I love you too? Ang hard mo, love." -Ako
"Isa pa, Byun. Sa labas kita papatulugin eh. Thank you na lang!" -Genina
"Kahit I like you wala? (Tiningnan ni Genina ng masama) OO NA TITIGIL NA GOOD NIGHT I LOVE YOU SWEET DREAMS!!!!" -Ako
Nakakatampo 'tong babaeng 'to. Di man lang nya ako sinabihan ng I love you too o kaya I like you na lang! T3T
"Teka bago tayo matulog, lilinawin ko lang ha. HINDI AKO NAGSESELOS. NEVER!" -Genina
"Weh. Never say never! Wag kang magsalita ng tapos, love. Ayaw mo ba ng love? Jagi na lang. Sige, goodnight jagiya!" -Ako
***
Genina's POV~
Busy na ulit ang lahat. Tapos na yung sembreak eh. So, kamusta naman kami? Magaganda't gwapo pa rin! HAHAHA. But seriously, kinilig ako dun sa pagbigay ni Baekhyun sakin ng Teddy Bear nun! Grabe lang yung ngiti ko nun bago matulog eh. *sigh*
"Genina! Uy. Kamusta ka?" Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Emma pala 'to eh! Nakilala ko sya nung naging transfer student ako (or kami) sa BHA, Sa Big Hit Academy. Classmate sya ni Baekhyun sa Class A nun.
"Hey Emmmaaaaaaaa~ Okay lang ako! Bakit ka napadpad dito?" Tanong ko. On the way pala kami sa Principal's Office. May pinapabigay lang si Miss Caralipio kay Ma'am Principal kaya ako na lang yung inutusan nya kasi may klase pa sya sa Class H. Ang bait ko noh? HAHAHA. Ewan ko na lang dito kay Emma kung bakit sya nandito sa SMA.
"Binisita ko lang yung kapatid ko! Dito kasi nagaaral yun eh. Taga-Class A sya. Tsaka ako yung representative ng debate club namin. Kayo ang kalaban namin diba? Goodluck!" -Emma
Debate na naman :3 Sino kaya yung samin? Goodluck na lang.
"Sige goodluck na lang din! Photography Club ako eh. Uy nandito na tayo sa Principal's Office. San ka ba?" -Ako
"Dito din. Kaso mauna ka na. May gagawin pa ako eh. Bye! See you around!" -Emma
Binigay ko na kay Ma'am yung pinapabigay ni Miss Caralipio. Folder lang sya about sa Class F. Puro kasi gulo yung nangyayari sa class na yun eh. So magkikick out sila ng 5 students para maiwasan naman yung gulo. Sa Class F kasi ang daming bullies -.-
"Genina! Wassup, Sis? Ang haggard noh?" Sumabay si Matt sakin sa paglalakad.
"Hell yeah. Dinaig ko pa ata President ng Student Council teh! Kanina pa ko inuutusan ng mga teachers eh. Ang hirap maging friendly ang daming nakakakilala sayo!" -Ako
"Hahahha~ Yan kase eh. So san ang punta mo?"
"Photography club." -Ako
"Kainis naman! Math Club ako. Edi ikaw na! Ikaw kukunin kong photog sa Birthday ko ha!" Malapit na pala birthday ni Matt T_T Wala pa kong gift!
"Grabe ka naman. So, ako yung Photog? Hindi ako guest? Ang hard mo! Ayheytyu." Buti na lang malayo-layo pa yung pupuntahan ko. Makapag-usap muna kay Matt. Hehe.
"Joke lang naman, Sis! Syempre hindi ikaw yung Photog noh! Kinacareer lang ang pagsali sa Photography Club! Echusera 'to. hoy ikaw ha, regalo ko! Don't forgert that, Sis. Kung gutso mo iregalo mo na lang sakin si Fafa Baekhyun mo eh!" -Matt
"Shut the fvck up, Matt. Anong si Baekhyun ka dyan! Gusto mo bang mabuhay pa?! Kainis ka ah." -Ako
"Eto naman hindi mabiro! Osya, alis na ako. Puntahan ko na lang sina Pami and friends~ Babayieeee~" -Matt
"Sige chupiiiii! Advance happy birthday BAKLA!" -Ako
"Wag sabing BAKLA eh!"
Napatawa na lang ako dun. *sigh* Busy kaming lahat. Si Baekhyun, kasali sa Debate Club so siguro magkikita sila ni Emma mamaya? Bagay naman sa kanya yung Debate eh, ang daldal kasi! Kalalaking tao. Si Pami, Dance Club. Magaling sumayaw ang bruha eh! Si Jane, sa Drama Club. Magaling sya dyan eh :3 Akalain nyo yun! Simula lumipat kami dito yun na talaga ang kinuha nila. Well, ako din naman eh.
*After asdfghjkl*
Nakakapagod ngayon! Ganito ba talaga pagmonday?! =___= Ano pa kaya bukas?!
Naglalakad nga pala kami ngayon nina Matt, Pami, at Jane ngayon papunta sa Garden ng SMA. Pero mas gusto ko dun sa greenhouse nila. Ang peaceful kasi eh. Pati ang cute ng mga roses dun ^w^ lalo na yung red! That's my favorite :)
"Jane, musta lovelife?" Tanong ko sa kanya.
"Nah. Waley yan teh!" -Pami
"Puro kasi libro yang kaharap mo. Yan ba syota mo teh?! Harry Potter?! Divergent?! Twilight?! Acheche!" Tama nga naman si Matt! Ang hilig kasi ni Jane sa mga books eh. Ang dami na nga nyang collections! Pero hindi sya yung tipong nerd talaga. Well parang na din, kasi naka-glasses sya eh. Parang ako! Minsan naggaglasses ako. May pagkalabo din kasi mata ko eh~ At ngayon nga naka-black glasses ako. Pero maayos naman yung pananamit nya, ni Jane.
"Shut up, Matthew. Ikaw itong walang lovelife. May nanliligaw sakin."
Sabay-sabay kaming napatingin kay Jane. DI NGA?! May nanliligaw kay bestfriend?!
"Hoy! Bakit ngayon mo lang sinabi!" -Ako
"Kanina lang nangyari. Sinabi nya na manliligaw sya sakin." -Jane. Ibang klase, nagbabasa habang naglalakad at nakikipag-usap. Naiintindihan pa ba nya yung binabasa nya? -.-
"So you answered YES?" -Pami
"Hindi. Sabi ko bahala sya sa buhay nya. End of story." -Jane
"Taray mo teh! Suplada lang?!" -Matt
"Eh ikaw, Pami?! Kamusta kayo ni Suga?! Akala ko ba crush mo si Sehun!" -Ako
"Ang hirap nga eh! Dalawa na yung crush ko! Hahahha!" Baliw talaga 'tong babaeng 'to. Di na nagtanda! Sya kasi pinakabata saming apat eh.
"Bata ka pa, Pami Yu. Study First. Hayaan mo sila!" -Jane
"Hmp! Makasabi 'to! Ilang months lang naman kinabata ko sa inyo ni Genina eh! -3-" -Pami
"We know, pero yung ugali mo ayusin mo! Para kang 13 years old." -Ako
"Kaloka kayo. Ayaw nyo gumaya sakin! Walang crush. Walang love. Walang lovelife!" -Matt
"BECAUSE YOU'RE GAY!" Sabay pa kaming tatlo! HAHAHA.
"Grabe naman kayo! Sabayang pagbikas teh?! Porke ba bakla ako, dapat walang lovelife?! Oy kayo, tinigil ko na yang mga crush and love acheche na yan. Mag-aaral muna ako noh!"
"Why so serious, Matt. Teka lang ha." Lumayo muna ako sa kanila. May tumatawag kasi eh.
"Hello?"
(Hi po! Pwede po ba kayo pumunta dito sa may Garden katabi ng Dorm #6?)
Bakit na naman ba? -.- Inuutusan na naman ba ako? Tsaka sino ba 'to~ Dun pa sa graden katabi ng Dorm namin! Bakit di na lang dito sa pinaka-MAIN gardeng ng SM Academy? ARTEFVCK -.-
"Uhmm.. why? I mean, bakit pinapapunta mo ako?"
(Sorry po hindi daw po pwede sabihin eh.)
Kaartehan! Ano na naman ba -.- Nakakabadtrip ha. Hello! Ang layo ng Garden na tinutukoy nya mula sa kinatatayuan ko! Dadaanan ko pa ang Dorm #4 and #5! Tapos yung soccer field pa! ANG LAYO!
"Ganun? K. Papunta na ako."
Ako na yung nag-end call. Nakakainis kasi eh. Ang ganda na ng paguusap namin nina Matt eh! Minsan na nga lang kami magkaroon ng bonding time kasi busy kami tapos--- wait, where are they? Bakit wala na sila dito?! -_- Dagdag badtrip! Tss.
So no choice ako. Naglakad ako mag-isa papunta sa Graden katabi ng dorm namin. Ang boring naman! Tsaka bakit ba wala akong nakikitang tao ngayon?! -___- Na-abduct na ba sila ng aliens?! Weh? Ano 'to? Escape form Planet Earth? Eh... Scroch Supernova and Gary Supernova? Men in Black? Agent J? Will Smith? Or naging zombie na sila at nagpakalayolayo? World War Z? Weh. Brad Pitt? Kinain na ba sila nung mga nangangain ng tao? Eww? Wrong turn? AY ENE BE! Kaadikan ko sa mga Hollywood Movies -___-
Nagulat ako nung may naglaglagan na rose petals mula sa taas. So ganun? Umuulan ng petals ngayon? -_- Tumingin ako sa taas. Galing pala yun sa rooftop ng Dorm #4 and #5. May mga tao sa taas at naghahagis ng petals, roses pa. Wala ba 'tong tinik? Baka hagisan nila ako ng tinik dito eh pugutan ko sila ng ulo -___- pag ganitong badvibes ako eh.
Ano na naman bang drama 'to? While walking, may paulan effect pa ng mga petals? Echusera. Pwede na ako gumawa ng music video dito mga pips!
Nung nasa may soccer field naman ako, may tumugtog ng malakas. Lucky by EXO. Nandun sina D.O, ChanYeol, Kai, Suho, Sehun, Lay, Luhan, Chen, Kris, Tao at Xiumin! Nakanta sila sa gitna. Pero bakit wala si Baekhyun? Nanood muna ako ng saglit sa kanila habang kumakanta sila. Medyo pagabi na kaya may konting ilaw acheche, at nakatutok sa kanila yung ibang spotlight! Bakit naman ba nakanta sila dyan? Wala namang tao! -_- Banggag lang.
"So lucky to be your love~ I am... Hmmm~" Natapos na sila kumanta. Pagkatapos nila kumanta sabay-sabay silang nagbow at may timuro silang direction, papunta dun sa Dorm namin. Okay, okay. Sabi ko nga pupunta na ako -.- Excited much sina Kuya.
Nung malapit na ako sa Dorm namin, at sa Garden. Napatigil ako nung namatay lahat ng ilaw. AS IN LAHAT NG ILAW SA PALIGID KO! Tae, kinikilabutan ako!
Pero nawala yung takot ko ng magbukas yung ilang ilaw ng kwarto sa dorm namin. At ang nakaform? Heart Shapped. Ang cute! Paano nila nagawa yun? Yung ilang ilaw ng bawat room! Ang astig!
Napatingin naman ako sa paligid ko. May mga fireflies. Ang cute talaga! May nagpo-propose kaya ngayon? Ang sweet naman nun. Tapos nagulat pa ako nung mag-ilaw yung mga puno sa paligid. Christmas light ba 'to?! HAHAHA! Ang cute ah!
Tapos may narinig akong nag-eccckk sa may garden. Tunog ng mic yun ah! Nagpunta naman ako. Dito naman talaga ako pinapapunta diba? So, may magpopropose ba dito?! Tapos tinawag nya kami para audience kuno?! Ay shet kakilig yun! Pero bakit parang ako lang naman yung tao dito?
"Uhmm.. hello? Mic test. Mic test." Napalingon ako sa kaliwa ko. May nakatayo dun. Sa likod nya ang daming tao! Nagkasya sila dito sa Garden?! Ang dami pa ding fireflies. Ang ganda ng place, perfect. Ang romantic. Sana ganito din ang mangyari sakin.
"Sa babaeng naka-white jacket, red shirt, skinny jeans, black eye-glasses, red converse, at gray na backpack." Napatingin naman ako sa suot ko. Ako ba yun? Or coincidence lang?
"Wag ka ng tumingin kung saan. Ikaw ang tinutukoy ko. Ikaw lang naman ang maganda dito eh, err, for me? But seriously, this is for you, love--este jagiya. I love you!"
Hindi ko alam kung anong irereact ko. Si Baekhyun ba 'to? Pero bakit naka-cosplay sya? Naka-pang prince charming ang suot nya! Siya lang naman yung natawag sakin ng love or jagi eh. Tsaka ano na naman ba 'to? hay... Byun Baekhyun. Lalo akong naiinlove sayo!
Kumanta sya ng Lucky. Yung kinanta ng EXO (except sa kanya) kanina? Pero ngayon solo ver.! Hanga talaga ako sa kanya. Ang ganda ng boses! Samantalang ako, ah no comment -.-
At habang nakanta sya, may lumapit sakin, si MATT ito ah!
"Hoy baklitang echusera! Bakit kayo nang-iwan ha?! kainis kayo!" Sabi ko agad sa kanya.
"Hmm.. secret, Sis. Just enjoy this night. Lavya!" Tapos bingyan nya ako ng red rose.
Sunod na pumunta sakin si Jane. Isa pa 'tong bruha na 'to!
"Hey. Sorry about that. I'm so happy for you, Bestfriend." Tapos binigyan nya din ako ng Red Rose. Okay? What was that? Di ko naman birthday ngayon ah! Pero bakit ganito? -_-
Next naman na nagbigay sakin ng rose ay si Pami. At ang sabi nya? "OMG, bestfriend. Inggit ako! Ang cute nito. Ahihi! Sige bye na! Enjoy!" Bakit ba may ENJOY pa silang nalalaman?!
At ang sunod kay Pami?! Hindi kapanipaniwala pero si..... V!!!! OO SI V! Nagulat nga ako eh! Shems!
"Huy! Bakit ka nandito?!" Tanong ko sa kanya.
"Masama? Joke lang. Nakakatampo naman kung hindi ko makikita ang mangyayari ngayon. So, for you. Enjoy, Genina." Syempre tulad nina Jane, binigyan nya din ang ng Rose. Ano ba talagang meron!!!
Napatingin ako dun sa kumakanta. Teka, hindi na si Baekhyun yun ah! Si D.O na! Di ko man lang nahalata! Tapos yung mga tao nakikisabay na sa pagkanta.
"Jagi." Kinilabutan ako. Nanggagaling yung boses sa likod ko.
"Ahh.. hi?" -Ako
Napatawa si Baekhyun sa reaction ko. Eh kasi naman! Halo halo! Kinikilig, nagugulat, at nalolokaa! Ang hirap i-explain!
"I... Love... you." Dahan dahan pa nyang sinabi yan. Habang binibigyan ako ng rose. 5 roses na yung nasa kamay ko ngayon.
"Curious ka noh? 5 roses yan. 1 for I. 1 for LOVE. 1 for YOU. 1 for SO. 1 for MUCH. I love you so much." Shet kinikilig akoooo! Ibang Baekhyun yung nakikita ko ngayon! Besides sa naka-prince charming look sya. Sobrang seryoso nya pakshet!
"Tss. Nakakainis ka. Dapat sinabi mo na lang, na may ganito pala. Tsaka teka nga, bakit ka ba nakaganyan?! Nahiya naman yung suot ko! Hello?! Nakajeans lang ako oh! With matching backpack pa!" Di ko tuloy mapigilan magpout!
"Stop pouting. Baka mahalikan kita ng di oras, Jagiya. Irereserve ko na lang yun mamaya *wink*"
"Wait, ano bang meron? I'm clueless." -Ako
"Di ba obvious?" Tanong nya. Kaya nga ako nagtatanong eh! Tapos ang isasagot nya tanong din?! Tangina nya talaga.
"Ewan ko sa---" Pero bago ko matapos yung sasabihin ko. Lumuhod na sya sa harap ko. Teka ano baaaaaa!!!! >//////<
"Hoy! Tanga ka talaga! Tumayo ka nga dyan!" -Ako
"Genina Byun-- etse Genina Em, Can you be my girl?" -Byun Baekhyun
[Author's Note]
Hep hep! Pabitin effect lang muna >:) HAHA! Abangan nyo ang chapter 10! Madaming revelations ang mangyayari! Pramis ^_^ And then after that, It's EPILOGUE na! Ano kayang isasagot ni Genina sa "Can you be my girl?" ni Byun Baekhyun? Kamusta naman ang lovelife nina Matt and Pami? Eh ang nanliligaw kay Jane? Wait, sino nga ba yung nanliligaw kay Jane? Abangan sa Chapter 10! Ibubunyag LAHAT! >:D
PS. Next time ko na ieedit to ha?! Heller! Nasa hospital po ako ngayon at humanap ako ng tiyempo para lang makaupdate! XD Lavmats.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top