Chapter 6

Chapter 6


Genina's POV~

1 month na ang nakalipas. OO ISANG BUWAN NA! Anong nangyari sa 1 month na yun?? Hmmm.. =


*Flashback*


"Hoy Baekhyun. May assignment ka sa Math diba? May sagot na yung sa'yo diba?" Tanong ko sa kanya. Nag-aaral kami ngayon. Wag kayo, di kami magkatabi! Sari-sariling study table yan.

"Oo. Bakit na naman ba ha?!"

"Tss. Pagaya ako!" Tapos tumayo ako at hinablot (Oo hinablot ko talaga!) yung Math Notebook nya.

"Aba hoy! Akin yan!" -Baekhyun

"Kaya nga hinihiram eh! Bobo mo talaga!" -Ako

"Manghihiram ka na nga lang ganyan ka pa! Aish!" -Baekhyun

"Pake mo ba ha?! Hmmmp!" -Ako

Tapos nagpunta sya sa CR, ewan ko kung ano gagawin nun. Duh, pake ko ba sa kanya. Mangagaya na lang ako!


The next day...


*yawn* Papasok na naman. Buti nakagaya ako ng Math kay Baekhyun kagabi! Mabait naman pala yun eh.

Nagpunta na ako ng CR para maghilamos at magtoothbrush.

Pagkakuha ko sa toothbrush ko.. wait.. bakit KALBO na ito?!?!?!

Sinong kumalbo sa toothbrush kooooo!!!!!! Isa lang may kagagawan nito.. Akala ko bumabait na sya sakin pero..


"BYUN BAEKHYUN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"


*End of Flashback*


Di ba? Hindi lang yan! Pagkatapos nyang sirain at kalbuhin yung toothbrush ko, sinabotahe ko naman alarm clock nya! Diba ang pasok namin, 8:30 am? Yung kanya nakaset na yun ng 7:00. Ginawa kong 9am! Ang result? Isang malutong na "Putangina mo!" ang naabot ko sa kanya!


Tapos nung time na bumisita sina Jane, Pami at Matt sa room namin, 4PM nun. Tawanan lang kami ng mga Kaibigan ko tapos bigla na lang eepal si Baekhyun! Nakakainis eh! Lagi pa akong tinatawag na "Tanga!" eh MAS sya sakin! Dahil dun naghampasan kami ng tambo!


Nung may program naman sa SMA, sumali ako sa Singing acheche. Tapos alam mo sumigaw sya! HINDI NAGCHEER. NANG-ASAR! Ang sinigaw nya? "TANGINA MO! ANG PANGIT NG BOSES MO!" Napahiya talaga ako nung time na yun. May placard pa nga sya eh! Ang nakalagay "SANA MATALO KA" Ang result? 2nd place lang ako! And then after that kinausap ko sya sa dorm, muntik na kaya akong umiyak nung sumigaw sya! Buti nga di ako pumiyok eh. Yung nangyari sa room? Ayun. Sigawan, murahan, lagi naman eh.


Sa loob ng 1 month, walang nangyaring maganda. Impyerno para sakin eh! Pero bakit ganun? Kapag nakikita ko sya o nakakausap kinakabahan ako! Tapos nakalimutan kong itanong nung nagpacheck up ako kung okay or normal pa ba yung pagtibok ng puso ko. Baka mamaya nyan may sakit na ako sa puso eh!


"Okay Class. Nga pala, usapang 'transfer student' tayo ngayon!" Sabi samin ni Miss Ia.


Transfer Student? Diba yun yung ililipat ka sa ibang Academy tapos-- ewan ko na!


"Miss! Sino po yung Transfer Student?" -Classmate


"Actually, dalawa sila." -Miss Ia


Unlucky =_________=


"Missssssss!! Sinooooo po?" -Classmate

*drumrolls*


"BYUN BAEKHYUN and GENINA EM!" -Miss Ia


Tongono! Muntik na akong malaglag sa upuan ko! AKO?! ESTE KAMI?! NI BAEKHYUN?!?!?


"Eh Miss! Saan naman kami itatransfer?!" Tanong ko.


"Sa BigHit Academy." -Miss Ia

***


"Hayy.. nako friend! Buti ka pa nga eh! Pasalamat ka na lang kay Miss Ia, ginawa ka nyang Transfer Student! At aba, sa BigHit Academy pa! Sosyalen ka teh!" -Pami

"Oo nga, Genina! Section B naman kayo, ako yung A pero bakit di ako yung napili nila?" Sabi ni Jane. Binatukan naman sya ni Bakla.


"Gaga! Pabayaan mo na lang yun! Hay nako! Kung makikita nyo lang yung epic face ni Genina kanina! Laftrep! HAHAHAHAH!" -Matt


"Tangene. Isa pa, Bakla! Pupugutan kita ng ulo dyan!" -Ako


Nakakainis talaga! Ayos na sana sakin kung yung ibang classmate ko na lang yung makakasama ko eh. Kaso!!! Arghh! BAKIT SI BYUN BAEKHYUN PAAAAAAA!!!!!! Tingini. Laslas na <//3 Ay wag pala muna, wala pa kong lovelife!


"Ilang days kayo dun? .... or week?" Tanong sakin ni Jane.


"2 weeks -__-" Sagot ko. Tinawanan na naman ako ni Matt. Kapag ako di nakapagtimpi pupugutan ko talaga ng ulo tong baklang to! Charot.


"Okay, sis. Bye na! Quarter to seven na, babayieeeeeee~" Paalam ni Matt. Nagsialisan na din yung dalawang luka.


Naglakad na lang ako papuntang dorm #6, ayy! May ipinadadala nga pala si Ms. Caralipio! Kailangan kong pumunta sa NBS, ASAP~! Time check, 6:56pm. Half-hour na lang! Kaineeeeeeeeeeess!!!


*After asdfghjkl*


Owkey. Nabili na ang dapat bilhin. Buti na lang! Ilang minutes na lang curfew time na namin! Haaaaaaaaaaaaayst!


Naglalakad na ako papunta sa SMA, with matching kanta pa ha!


Nakanta lang ako ng HAPPY by 2NE1 ng biglang may nakabato sakin ng......... ano 'to? Kwek kwek?!?!?!


Tangina. Uso na ba batuhan ng kwek kwek ngayon?! JUSKO KUNG GANON BABATUHIN KO NA LANG NG BABATUHIN NG KWEK KWEK SI BAEKHYUN.


Owkeeeey..? Bakit na naman ba napasama sa usapan yung tangang yun -_- At sino naman isa pang tanga ang nambato ng kwek kwek sakin?!


"Oh! Hi. Sorry nga pala." Emegesh. Ang gwafu *U* Daming gwapo ditoooo!


"De. Okay lang." Sabi ko na lang. Tengene ang gwapooooooooo! Pero teka.... may.. may kamukha ito!


KAMUKHA NI BAEKHYUN?!?!??!?! BWISET! LAPITIN NA AKO NG MGA KAMUKHA NUN HA!


"Ahh.. sorry ulit." Sabi nya ulit. Ang cute TT^TT


"Nah, it's okay. Bakit naman may lumilipad na kwek kwek dito?" Nagbibiro lang po ako (-/ \-) wag nya sanang seryosohin.


"Ah kasi, nag-aagawan kami nung kaibigan ko dun sa last kwek kwek, eh ayun, nalipad, napunta sayo." Para pala kami ni Baekhyun yun ha? Maliit na bagay lang pero pinag-aagawan at pinagaawayan na. Teka bakit nasama na naman yang Baekhyun na yan ha?! PSH!


"Ganun?" -Ako


"Teka, sorry ulit! Nalagyan ata ng suka yung dala-dala mo." At pagkasabi nya nun... taena! Ngayon ko lang naalala! CURFEW!!!!!! Dali-dali kong tinignan yung relo ko, 7:24pm!!! OMG! 6 minutes na lang!!!


"Hindi okay lang! Sige aalis na ako bye!" Pero paalis na sana ako ng may mabangga ako at natapon yung kwek kwek! Ay lintek na kwek kwek yan!


"Sarreeehhh, k? Saaarreeeehh!" Sabi ko at tumakbo ulit. Hayyyy!!! Sana makaabot pa akoooo!!

***


@BigHitAcademy


This is it! Nandito na kami ni Baekhyun sa loob ng BHA (BigHit Academy). Nakakadiri man pero, sabay kaming nagpunta dito =____= Pero mas nauuna ako ng 1 meter! Akala nya huh -__-


"Hoy, tanga. Anong section mo? baka magkaklase pa tayo nyan?!" Tawag nya sakin. Nasa likod ko parin sya. HAHAHA! Mukha syang aso na sumusunod sa amo nya!


"ASA KA! Class C ako. Class A ka diba?!" -Ako


"Mabuti naman!!!" -Baekhyun


"KAPAL MO! Akala mo gusto kitang maging kaklase?! Hell noooo~" -Ako


Imagine nyo naman, kinakausap ko sya, nakatalikod ako sa kanya. Bastusan men!

Nung makita na ni Baekhyun yung classroom na papasukan nya, nagdiretso muna ako sa Cafeteria nila at woaaaaaaah! Ang daming pagkaeeeeeeeeeeeen! /LesingsLetItGo No right No Wrong No rules for meeeeehhhh~ I'M FREE~~~~~~~~~ !


"Huy!" Sinong HUY? Hindi HUY pangalan ko! K~ Don't mind that, Genina! Masarap yang kinakain mo. Kain laaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang~


"Huy! Huuuuy!" Sino ba yun?! Luh! Baka naman hindi ako yan. Wag asyumera.


"HUUUUUUUUUUUUUUUY!"


"AYTANGINAMO!!!" Napatakip naman daw ako ng bibig ko. Nagmura ako! Sino ba 'tong nanggulat sakin?!?!?! Istorbo eh!


"HAHAHA! Nakakatawa ka."


Ahhhh~ yung si --- Luh??? O________O

"MR. KWEK KWEK?!?!?" -Ako


"Ano?! HAHAHA! Nakakatawa ka talaga!"


Tawanan daw ba ako? -__- Nga pala, sya yung 'accidentally' nakatapon sakin ng kwek kwek, yung nakausap ko na ubod ng gwapo?! SIYA YUN!


"By the way, ako nga pala si V. Nakalimutan kong sabihin sa'yo yung pangalan ko kahapon. Tsaka.. tumakbo ka na agad eh." -V


V....? Vaekhyun? AY KALOKA! BAEKHYUN NA NAMAN?! JUSKO! Bakit ba laging pumapasok sa usapan yan! Psssshhhhhh!


"Genina Em." Tapos nakipagkamay ako.


"Nga pala, transferee ka?" tanong nya.


"Transfer Student." Sabi ko naman. On the way na kami sa di-ko-alam-kung-saan.


"Ow?" -V


"Galing ako sa SM Academy, actually dalawa kaming transfer student dito. Ako, si Genina Em at si Byun Baekhyun." Pagpapaliwanag ko.


"Byun Baekhyun? Nababalitaan ko sa iba. Kamukha ko daw sya. Totoo ba yun? O baka naman mas gwapo pa ako dun?" Sabi nya sakin tapos nag-pogi sign pa. Sasagot na sana ako pero--


"Excuse me, Hoy Genina." -Baekhyun.


Si Baekhyun? Teka parang kinilabutan ako nung binggat nya pangalan ko? .___.


"Oh? kala ko ba nasa Class A ka na? May nakalimutan ka ba?" Tanong ko. Bait-baitan, psh.


"Ikaw." Bago pa ako makareact hinigit na nya ako. Tekaaa~ San nya ako dadalhin?! May klase pa kaya!


"Hoy!" Hingal na hingal ako. Lintek naman kasi, ang bilis maglakad! Nakakainis.


Nung makarecover na ako, sinigawan ko sya pero di pa ako nakaharap sa kanya, "Tanga ka talaga! May kausap ako kanina tapos bigla mo na lang ako hinigit! Naiwan ko tuloy si V dun! Aish!" Humarap ako sa kanya, "Alam mo--" O____________O


Bakit... bakit ang seryoso nya makatingin? Hindi yung normal nyang tingin na nakakalaglag panty sa kagwapuhan, hindi rin yung tingin nya na nakakaasar. Bakit ngayon... galit ba sya?


"Baekhyun..."


"Tapos ka na?" Sabi nya. Shet! ANG COLD!!!


"Te-teka nga.. galit ka ba?" -Ako


[Note: Yung nakaitalic, POV ni Baekhyun ^U^]


Kainis.. bakit nga ba ako nagagalit? Wala lang naman yun ah. May kausap lang syang.. tsk, lalaki.


"Wala. Wag mo ng intindihin yun." -Baekhyun


Aba naman 'to! Ano na naman kasalan ko?! Hindi daw sya galit pero halata naman! Ako ba'y pinaglololoko nito?! Tss!


"Pero galit ka ehhh!" -Ako


"HINDI NGA SABI!" -Baekhyun


Baekhyun - O_____O
Genina - *no reaction*


Shet. Bakit ko sya sinigawan?! Napakatanga mo talaga Baekhyun! Aish!


"Ga-galit ka eh. Bakit ba? Anong kinagagalit mo? *sob* Sor.. sor.. so... Sorry.. Sorry.." -Ako


Di ko alam kung bakit ako naiiyak. Nasisigawan naman ako nung barkada ko pero iba to eh, iba yung impact nya.


Shet. kainis. hindi ko gusto 'to. Ayokong nakikita syang umiiyak. Ano ng gagawin ko?! Bakit nga ba ako nagagalit? Nag... nagseselos ba ako?


Nagulat ako ng niyakap nya ako. Pakshet. Am I inlove with this guy? Tanong lang. Kasi.. hindi normal heart beat ko, lalo na kapag kasama ko sya, kinakabahan ako kapag nandyan sya, parang tumitigil yung ikot ng mundo kapag tinitignan nya ako... hindi kaya... hindi kaya.. mahal ko na sya? Mahal ko nga ba si Baekhyun?


"Shh tahan na. I'm sorry din. Hindi ako galit sayo, Genina. Nagagalit ako sa sarili ko. Bakit ba nagseselos ako sa inyo nung lalaking yun?" -Baekhyun



ANO DAW?!?!??!? NAGSESELOS?!?!?!?



[Author's Note]
Oh diba :P Long updaaaaaate~ Ngayon na ako nag-UD Sana nagustuhan nyo XD LOL. Idk kung hanggang ilang chapters 'to -___- Excited na nga ako sa ending eh! XD Sarreeehhh, k? Sarreeehhh! Excited lang talaga. Dinamay ko pa dito sa kwento ko ang BTS esp si V </3 HAHAHA! Para cool :P Ge bye! Next Update? Di ko pa alam! Busy ako kahit bakasyon TT^TT Sarrehhhhh!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top