Chapter 10

Chapter 10


[Author's Note]
Bago muna magsimula itong Chap10, gusto ko muna sabihin na soooobrang haba nitong update ko :) Mamimiss ko kasi kayo! Pagkatapos nito, Epilogue na :/ Salamat sa mga nagvote aka sumusuporta ^_^ Hinabaan ko ito para sulit! Ayokong mabitin kayo lolsssss. Sige eto na nga~


Genina's POV~

"Genina Byun-- etse Genina Em, Can you be my girl?"


Maraming nagtilian. Maraming naghiyawan. Maraming nagsasaya. Maraming natutuwa. Maraming nagcocongrats. Maraming namatay. Joke lang walang namatay. Pero ako? Sobrang lungkot ko. Bakit... bakit ngayon pa? Hindi.. Hindi 'to pwede.

"Sorry... Pero hindi. Ayoko, Baekhyun. Ayoko."


PERO SYEMPRE JOKE LANG YAAAAAAAAAN!!!!! >:D Hindi yan yung totoong nangyari noh! BWAHAHAHA! So eto na nga, back to reality.

"Genina Byun-- etse Genina Em, Can you be my girl?" Tanong nya sakin.


Aww. Haba ng hair ko! Ganun na yun? Wala man lang ligawan effect? Aysus! Demanding pa ako. Yan na oh!


"GO FRIEND! KAYA MO YAN!" -Pami


"FIGHTING~" -Jane


"OO NA YAN! OO NA YAN!" -Matt


Nag-thumbs up lang si V. Grabe! Pati si D.O na kumakanta ngayon, napapangiti samin! Ano bang isasagot ko?! OO? YES? NE? SHI? Ay! Iisa lang naman meaning nyan eh!

"Hoy! Tanga nga naman oh. Ano na?" Tanong ni Baekhyun sakin habang nakaluhod pa rin sya. Nalimutan ko, hawak nga pala nya kanang kamay ko.


"Wait lang okay? Take two nga! From the top. Magtanong ka ulit!" -Ako


"Ano ba naman yan. Ayaw pa kasi um-OO! Ano naman itatanong ko?!" -Baekhyun


"Edi yung can you be my acheche eklavu! Eng eng!" -Ako


Yung iba napapatawa na lang samin yung iba naman kinikilig. Psssshhhh :">

"Okay, okay. *ehem* Genina Em, Can you be my Girlfriend?"

So this is it..

This is reallyyyy is it..


Sasabihin ko na ba?


Siguro it's time na...

Tinayo ko sya pero nagmamatigas sya. Ang ginawa ko?


I kissed him. Yeah, KISSED. Pero smack lang! And after that, I said the three magical words, "I Love You."

Nagsigawan lahat ng tao sa paligid, pero etong Byun Baekhyun na 'to nakatulala pa! Ansaveh? :">

"I-I love you? Eh nasan yung YES dun?!" Natigilan ang lahat sa pagsaya. Forever slow ang BOYFRIEND ko :)


"Di mo gets noh? Sabi ko I LOVE YOU. Mahal kita. So ano pa bang ineexpect mong sabihin ko? Alangan naman na I love you but no? Hay... Ikaw talaga yeobo~"


Mukhang nagulat pa sya nung sinabi ko yung 'yeobo'. Hindi pala nagulat, MAS nagulat! -_-


"E-edi... g-girlfriend na kita? Girlfriend na O____________O ---TANGINA! WHOOOOO!!!!! GIRLFRIEND NA KITA!!! SHET!!!!!!!!! WOHOOOO!!!! I LOVE YOU! I LOVE YOU GENINA!" Niyakap nya ako ng mahigpit. Jusko! Ilang minutes pa bago magloading sa utak nya nagirlfriend nya na ako eh! -.- Pero napapatawa na lang ako. Eh paano ba naman! Di nya napigilian napahalik sya sa pisngi ko! THREE TIMES! Ano yun?! I LOVE YOU? :D

November 6, naging kami ni Byun Baekhyun <3

***

Kamusta naman yun? Kami na! Ang saya. Halos lahat dito sa SM Academy alam na kami na nga. Ang dami ngang nagcocongrats samin eh! Nakakaloka lang noh?!

So, anong nangyari nung gabing yun? Wala lang. Dejoke! Hindi lang basta basta WALA LANG yun. Hello! Nung gabing yun, naging kami noh!


But seriously, nung gabing yun? Ayun nagkayayaan kami na mag-party party sa kwarto namin! Ang saya noh? Kasama pa namin si V! Tsaka teka, konting flashback muna!


*Flashback*


Habang nagsasaya kami. Naglabas ng T-ice si Matt! Imba talaga itong baklang 'to! Nagawa nyang magtago ng T-ice sa pocket ng jacket nya! :D

"Nga pala, hoy kayong bagong couple. May sasabihin ako." -V


Napatingin naman kami sa kanya. Ano naman yun?


"Alam nyo, kung hindi dahil sakin hindi nyo mailalabas yang totoong feelings nyo. Ano na lang kung hindi ko natapunan ng kwek kwek si Genina? Ano na lang kung hindi ko sya naging kaibigan? Kung hindi kami nag-usap nung first day nya sa BHA, ano na lang ang mangyayari kung hindi kami nag-usap? Diba hindi magseselos si Baekhyun? Hindi sya mapapaamin. Pakapalan na ng mukha pero kung hindi dahil sa mga plano ko, at ni Matt, hindi magiging ganito ang pangyayari."

Nakatingin lang kami sa kanya. Si Matt naman ngingiti-ngiti lang.


"So, magt-thank you kami sayo? I mean, sa inyo?" -Ako


"Nah. Wag na. At nga pala Baekhyun. Ikaw! Kung magselos ka samin! Wala akong gusto kay Genina! Hmm.. nagpepretend lang ako na kunwari may gusto ako sa kanya para magselos ka. Don't take it seriously, pre." -V


"Tss. Thanks na lang." -Baekhyun


"So tuloy na ang parteehhh parteeehhhh~" -Matt

*End of Flashback*

WOW lang men! WOW! Inexplain pa nya (With Matt) yung mga ginawa nilang plano para magkalapit kami. Ang cool pala noh? Kung hindi dahil sa kanila magiging certified torpe itong si Yeobo! At ako naman magiging certified in denial queen! Ayos yun, ayos talaga *sarcastic*

"Hey! Congrats nga pala." Napalingon ako sa kanan. Si Khim!! Remember her? Yung Girlfriend ni Kai! :D


"Ano ba naman, Khim! Last week pa yun eh. Late ka naman masyado!" Pagbibiro ko. Nandito pala kami sa library. Ewan ko kung bakit sya nandito. Sa pagkakaalam ko kasi sa iba sya pumapasok eh. Siguro binibisita nya lang si Kai? Ayieee.

And yup, LAST WEEK. Kamusta naman yung first week namin na KAMI? Well ayun, puro date, suprises, at syempre malilimutan pa ba ang.... pagmamahalan? :">


"Si Kai kasi eh. Kahapon lang nya nasabi sakin! Sorry! Hahaha. So, kamusta ka? kayo!" -Khim


"Hmm.. Kami? Okay lang naman." -Ako


"Weh? Cinelebrate nyo ba yung first week nyo?" -Khim


"Why should we? Di na mahalaga yun noh. Ano yun? Weeksary? Yuck. Ayoko ng ganun. Monthsary at Aniversary lang yung alam ko." -Ako


Buti di kami nasisita ng librarian! XD


"Hmmm~ Nemen. Ganyan din yung reaction ni Kai nung nagsuprise ako sa kanya at sinabi kong happy weeksary!" -Khim

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa nagbell na. Umalis na din sya tapos nagpunta na ako sa Class B. Hinahanap nyo siguro si Baekhyun? Aysus. Ewan ko sa kanya. Pero hindi sya nambababae huh! Takot na lang nya sakin ^_^

"Hoy Sis. Besides Saturday ngayon, ano? Mall tayo? Bonding lang with the WHOLE barkada!" -Matt


Kakaupo ko lang yan agad ang bungad sakin! Buti wala pang teacher. Late siguro. Lagi naman late yung teacher namin sa TLE eh! :3


"Ow? What time? Ngayon na ba?" -Ako

"Hell ye! Later! I'll text them na lang." -Matt


Umayos na kami ng upo nung dumating na yung teacher namin sa TLE.

"Okay class. Wala tayong klase ngayon. Pero may iaannounce ako."


Ano na naman ba yun? Activities? Projects? -_- kapagod.


"May Halloween Party tayo tomorrow. And next next next week gaganapin ang Christmas Fair. So tingnan nyo na lang sa bulletin board ang ibang details. So, goodbye Class B."


"Goodbye Ma'am."

Halloween Party ba kamo? Sus! Naman. Late ah. November 16 ngayon eh.


"Oy Sis~ Nandun na daw sila sa Main Gate! Tayo na lang yung hinihintay!" -Matt


Teka? Ngayon ko lang napansin! Bakit wala si Baekhyun dito?! Asan yung yeobo ko!!! --.


"Okay okay. Tara na."


Naguusap lang kami ni Matt about sa Halloween Party tomorrow habang naglalakad.

Nang makarating na kami. Nandun na sina, Khim, Kai, V, Jane, Pami, at.... si Baekhyun na may kasamang ibang babae. IBA. as in IBA. Hindi sya yung Ate Rian. Hindi rin yung nakita ko dati, yung sa tapat ng dorm? Iba. Ano na naman ba 'to?


"Oww.. sino sya?" -Matt


"Ara. My Fiancee."


What?!


"JOKE LANG!" -Baekhyun


"Tangna ka. Hindi magandang biro yun." Sabi ko at inirapan sya. Epal! Pam-pam! Kainis. Akala ko nambabae na sya! TSS!


"Ikaw naman Jagi! Hindi ko yan Fiancee noh. Anak yan nung Tita ko. Nakita ko sya pagala-gala kanina eh. Peace! Tsaka 14 years old pa lang 'to! Mukha lang matured!"


"Ewan ko sayo! Tss." Tumabi na lang ako kay V na tatawa-tawa! Ayun binatukan ko. Tss. Lalo akong nabadtrip eh.


"Yung totoo? Kayo ba talaga? Kung makapagsigawan at magkaway kayo parang hindi eh." Sabi ni V.


"Ganyan lang kami maglambingan. Diba, Jagi? Saranghae :)"


Napangiti na lang ako dun. Yun kasi yung gusto kong marinig sa kanya eh. :D Demanding noh? Hayaan na!


***


Masaya naman yung naging bonding naming barkada. At nga pala! Wala pa akong costume para sa Halloween Party bukas. *sigh*


"Hoy Jagi, ano susuotin mo bukas?" -Baekhyun


"Di ko nga alam eh. Baka kasi ampanget ko bukas! Aish." -Ako


"Wag ka ngang ganyan! Tanga talaga neto oh. Kahit naman anong suotin mo maganda ka pa rin eh! Magcontacts ka na lang bukas. Mas maganda kapag ganun." -Baekhyun


"Ayieee... Talaga? Sige ha!"

November 17 - Halloween Party @ SMA


Aww. Ito na yun! Kamusta naman yung suot ko?! Hindi naman ako mukhang gurang neto eh. Dahil HALLOWEEN party naman ito, ang suot ko?! Mala-Gretel lang! Oh diba? Jeremy Renner! Hell yeah! Nagmistulang Witch Hunter ang lola nyo! HOHOHO ^O^ At gaya ng sabi ni Yeobo, nag-contacts na nga lang ako. Ako si Gretel na witch hunter, yun nga lang, small version ToT small as in sa height! T^T At yung kinatuwa ko dito ng bongga, may FAKE weapons pa ako na katulad nung kay Gretel! ^_^ Astig diba? Sayang lang kasi hindi nagmala-Hansel si Baekhyun. Heller?! Magkapatid sina Hansel and Gretel! Kami, COUPLE! ;) And nga pala, hindi ko pa nakikita si Baekhyun since kanina. Nagiwan na lang sya ng note na lalabas lang daw sila nina Yeol eh~ Kasama ko ngayon sina Matt, Jane at Pami!


Si Matt, naka-vampire suit! Grabe si bakla! Nagmala-Robert Pattinson! Kabog eh! Si Jane naman mala-vampire din, yung babae sa Twilight? Nalimutan ko yung pangalan! Basta kalaban sya dun sa Twilight eh, yung nakalaban ni Alice at Bella sa The Twilight Saga Breaking Dawn: Part 2~ Jane ata yun? Ay oo Jane nga yung Name! Dakota Fanning lang ang peg! By the way, naka-contacts sya huh! And si Pami? Ayun! Kaadikan nya sa mga korean horror, nagmala-Jiwon sya ng Death Bell 1! Dinagdagan lang nya ng konting dugo 'kuno' and etc. Ang astig lang! May nakita pa ako kanina, classmate ko yun eh! Nakasuot sya nung dress ni Snow White sa Snow White and The Huntsman! Tapos yung kasama nya pang isa yung kontrabida naman! DAEBAK! Kristen Stewart! \m/ Sa Feb naman, Cosplay Event! Ang saya nun for sure, hmm.. ako? Siguro si Elsa (Frozen) na lang yung icocosplay ko.


[A/N: Waa nasama na mga movies ditey XD HAHAHA. Panoodin nyo yang mga yan pramis ang gaganda ^_^ Tbh MEDYO may kaadikan po ako sa Twilight -.-d]


"Hoy teh! Kabog ang beauty natin ah. Hansel & Gretel lang ang peg noh? Pero seriously I like that!" -Matt *to me*


"Weh?! Ikaw bakla ka! Ang gwapo mo shet! Kung hindi ka lang bakla nakuuu!" -Ako


"Wag ka, Gen! May Baekhyun ka na!" -Pami


"Weh. Ikaw nga itong walang lovelife eh. Hanap-hanap din pag may time ha?" -Jane


"Bakit ba ako lagi nyong inaasar tungkol sa lovelife acheche na yan?! Si Matt din naman wala ah!" -Pami


Habang nag-aasaran kami may dumaan sa table namin. At kilala ko yun! Naka-witch style sya pero mas kumabog yung beauty nya. Babaeng dark violet ang buhok since highschool kami. And former classmate. AT HIGIT SA LAHAT. KAIBIGAN NAMIN ITO NINA PAMI SINCE HIGHSCHOOL!!!


"ANYA!!!!" Tawag ko sa kanya. Buti na lang namukhaan ko pa sya! Highschool pa yun eh! Sana di pa nya kami nakakalimutan ;-;


"Anya? Asan sya?/Anya? Where is she?!" -Pami and Jane


"Sino si Anya?" -Matt

Nung lumingon si Anya samin, nakita kong napataas yung kilay ni bakla. Problema nun! Pero thank god nakilala pa kami ni Anya! Nagpunta kasi sila sa States kasi may sakit sya sa mata nun, nalimutan ko yung tawag dun eh! Sarreeehh! Highschool yun nangyari. Tapos after that wala na kaming balita sa kanya. Buti dito sya pumapasok sa SMA!


"Hey! OMG I missed you Genina!" -Anya


"Eh kami?/How 'bout us?" -Pami & Jane


"Of course kayo din! Grabe dalagang-dalaga na tayo!" -Anya


Kanina ko pa napapansin si Matthew Monyuga! Kanina pa syang nakatitig kay Anyaaa! Di kaya.....?


"Uhmm... Hi?" Anya *to Matt*


"*in manly voice* Hey." -Matt

Nagulat kaming tatlo sa boses ni Matt. OMG! Bakla sya diba?! BAKLA! Tengene. Di kaya nalove at first sight itong si Bakla sa friend ko?! OMG LANG! MAGIGING LALAKI NA DIN SI MATT!!


"Ah teka lang Anya ha? Magpapasama lang ako kay Matt sa Labas!" Tumayo na ako tapos hinila si Matt. Grabe to! Natutuwa ako sa bestfriend ko. Nagpapakalalaki na!!! Emeghed!


"HOY MATTHEW MONYUGA. AKALA KO BA BAKLA KA?! JUSKO BAKIT NAGING STRAIGHT YANG JUNIOR MO NUNG NAKITA AT NAKILALA MO SI ANYA HA?!" Yan agad yung sinabi ko sa kanya pagkalabas namin sa venue.


"Tss! Naman eh. Di ko alam kung bakit, Sis! Biglang naging ganun yung voice ko. Ohmygod don't tell me magiging lalaki na ako because of your friend?! Tangina, Sis! Di ko alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko! Parang tumitigidig-tigidig eh! *sigh*" -Matt


Alam ko na :) I'm so happy for Matt.


"Matt. Hindi sa pinangungunahan kita ah, kasi... ganito yan! Yan din yung naramdaman ko kay Baekhyun eh. I think.... you like her. LIKE ha. Ewan ko sayo~"-Ako

Hanggang sa nakabalik kami sa loob at sa table ang seryoso ng mukha ni Matt. Mukhang pinagiisipan nya ng mabuti yung sinabi ko ah.

Naguusap lang kami at nagtatawanan ng biglang may humawak sa waist ko O_O

"Jagi~"


Si Baekhyun lang pala XDt


"Heeeyyy. Bakit di ka nagpakita sakin maghapon ha?" Teka paano ko ba idedescribe, yung suot nya kasi unique eh! Para syang tux... mali. BLACK prince! Tama! Mukha syang prinsipe pero hindi pure white ang suot nya. ALL BLACK. Ang gwapo ni Yeobo ^_^


"Natagalan kami sa kakagala nina Yeol eh. Minsan na nga lang kami makapag-bonding eh. Alam mo naman, lumipat na ako sa dorm nyo.." Nalimutan kong sabihin, sinabi nya sakin nung araw na naging kami yung about sa dare nila ng mga kaibigan nya.


"So sinasabi mo ba na ako ang dahilan kaya hindi na kayo nakakapagbonding?" -Ako


Umupo na sya sa tabi ko.


Matt - Anya - Jane - vacant - Pami - vacant - Baek - Ako


Yung table kasi pabilog eh :) Dalawa yung vacant seat. Ewan ko kay Jane kung bakit ayaw nya magpaupo dun. Si Pami naman nagpapaupo.

"Hindi ganun, Jagi. 'To naman. Tampo agad?! Tange ka." -Baekhyun


"Ay ewan ko sayo. Teka teka, sino yung kasama ni ChanYeol?" Tanong ko. May kasama eh~ pati para maiba yung topic -.- Wala me masay eh.


"Ah. Sya ba? Si Dana yan. Girlfriend ni Yeol. Naging sila nung Highschool. Base sa kwento nya samin, naging sila nun sa Airport. Kasi birthday daw nun nung Dana. So, nagprank sya. Sabi nya aalis sya ng bansa etc. Ayun." -Baekhyun


[A/N: Hep pasingit! Pabasa ng acheche na story na to, DON'T GO. Fanfiction ni ChanYeol ~m^_^m~ Basahin nyo ha? Nakakaloka man pero ako din gumawa nyan -.- Nasa external link mga teh~]


"Aww. So, ang tagal na pala nila? Ganun."


Nagpatuloy lang yung Halloween Party. Syempre masaya! May nag-drama (play) pa! Ramdom yung pagkuha nila ng casts. At nasama si Pami! Grabe lang! Alam nyo yung role nya?! Ang magmala-chucky sa kwento! Grabe lang yung ginagawa nyang pagtawa nakakaloka. Hindi pa tapos yung Halloween Party ng mamatay lahat ng ilaw. Ohh-kay, panic mode ang iba! Pero bakit ganun? Hindi ako kinakabahan? -.-


"*ehem* Ahh, excuse me."


Biglang nabuhay lahat ng ilaw at may lalaki sa may parang stage. Si...... Si D.O.?! -.- Anong pakulo nito.


"Tonight. May hinanda akong kanta. Para ito sa.... sa babaeng mahal ko. Actually nanliligaw ako sa kanya ngayon. So, hey. It's for you. I hope you'll like it."


Nagsimula na syang kumanta. Sabi ni Baek, Baby daw yung kinanta nya. Korean Song eh.


Pero pansin ko bakit namumula yung mukha ni Jane? -.-

"Salamat sa pakikinig nyo. Gusto ko lang talagang patunayan sa kanya na totoong mahal ko sya. I... I love you, Jane Dio."

Halos mapasukan ng langaw yung bunganga namin ni Pami sa sinabi ni D.O.! ASDFGHJKL SYA YUNG NANLILIGAW SA BESTFRIEND NAMIN?! OMG *O*

Mas lalo pa kaming nagulat nung tumayo si Jane at......


"I LOVE YOU, TOO, DO KYUNG SOO!!"


***


MONDAY - @SMA


2 weeks ago..


Nandito kami sa may Tennis Court. Kami so meaning, nandyan si... Pami, Matt, Anya (Ye kasama sya!), Baek, Ako at si Jane na kasama si D.O. Wait kamusta naman yung dalawa? SILA NA! Pagkasabi kasi ni Jane ng I LOVE YOU TOO DO KYUNGSOO kagabi lumabas sila ng venue tapos pagbalik nila, Boom! Sila na >:D So, si Pami na lang yung walang lovelife. Si Matt? Ayun umamin samin! Nagpapakalalaki na nga sya eh! May special feelings daw sya kay Anya :"> Ang sweet ni Bakl-- ni MATT! XD Nagagalit na din sya kapag tinatawag namin syang BAKLA or SIS. May tama na nga sya.


Kamusta naman kami ni Baek? Ayun ganun pa din, away dito away doon! Ganun kami maglambingan eh -.-


So, were here nga sa Tennis Court kasi may laban si Pami! Yeah. Nagtetennis sya. Edi sya na may sport samin tatlo! -_- Hindi naman ako sporty eh. Si Jane table tennis lang ang alam. Si Pami magaling din yan sa Badminton. SILA NA.


Dahil nabobored na ako (kasi alam kong si Pami ang mananalo! -.-) nilaro ko na lang yung braso at kamay ni Baek na obviously katabi ko sa bleachers. Yung isa nyang kamay may hawak na tubig, tamang-tama nauuhaw ako! Jusko kalapit-lapit na ng pasko ang init pa din!


So ang ginawa ko? Inagaw ko sa kanya yung tubig NYA! Uhaw ako eh.


"Hoy akin yan. Ano ba naman 'tong babaeng 'to!" -Baekhyun


Di ko na lang sya pinansin. Pero bakit ganun? :o Nung nagpalit na sila ng pwesto (si Pami at yung kalaban nya) iika-ika yung lakad ni Bestfriend. Tae, nagaalala ako!

"Jane! Doctor naman ang Dad mo, Nurse ang Kuya mo. Tanong lang ha, anong nangyari kay Pami? Bakit ganun sya maglakad?" Tanong ko kay Jane na nasa harap ko lang.


"Nakita ko kanina na napahawak sya sa paa nya. I think, na-sprain sya."


"What? So, paano na yung game?"


"Kaya nya yan. She can do it, Gen. Trust me."


Nanuod na lang ako. Grabe! Kahit hirap tumakbo si Pami sya pa rin yung nanalo! Imba talaga 'to! Iba kapag nakahawak ng raketa (Tennis or Badminton) eh!


Nagulat naman ako nung lumapit sa kanya si Sehun. Aba aba. Nilapitan sya ng crush nya oh! Binigyan ng tubig at face towel. Ayyt~ Parang yung mga napapanood ko! Kinikilig tuloy ako. So, may buhay pag-ibig na si Bestfriend :)


***


Nung natapos yung game nila. Nagpunta kami sa malapit na restaurant dito sa SMA para magcelebrate. Ang galing talaga ni Pami sa sports! Inggit ako.


And by the way, kasama namin si Sehun! Sabi nya samin, may 'kakaiba' daw syang feelings kay Pami. Ay bongga si Bestfriend! Lumalovelife oh. Pero hindi sinabi samin ni Sehun na manliligaw sya. Hindi pa naman daw sya sigurado sa Feelings nya kay Pami eh. Nakuuu, kung sasaktan nya bestfriend namin lagot sya samin ni Jane! Pati din pala kay Matt!


So ang nandito lang ay ako, baek, matt, anya, jane, pami, d.o., sehun at yung captain nya! Grabe ang bata pa pala nya! Mga kasing age lang namin eh! At *ehemsorrybaekehem* Gwapo *o*


Matapos namin magcelebrate. Nagsi-uwian na kami. *sigh* Malapit na ang christmas fair. Nakakaexcite na nakakaloka! Sabi kasi samin (Jane & Pami) magpeperform daw kami :/ Bahala na daw kami kung sasayaw kami o kakanta. Arrrrghhh! Si Jane, minsan lang yan kumanta or sumayaw. Minsan lang naman topakin yan eh! Si Pami? Marunong syang sumayaw. Pero kumanta? Hmmm. MEDYO XD So, pag-uusapan na lang siguro namin 'to. Hmm T^T

***

Fast Forward - Christmas Fair (Dec.7) @SMA


Ang aga ng Christmas Fair namin noh?! BWAHAHAHA. Pero Grabe 100x! Kinakabahan ako ng bongga! Alam nyo yung gagawin naming tatlo? SASAYAW AT KAKANTA! 3 songs yun. Puro KPOP! ;) Abangan nyo na lang mamaya kung ano kakantahin-slash-sasayawin namin ^_^


So sabi ko nga, 3 songs, edi sa 3 songs na yun iba-iba pananamit namin. Buti na lang pinahiram samin yung dressing room ng drama club -.-


Sa ngayon nandito kami sa Cafeteria. Ang bongga ng decorations nila ha :D Ang cute <3


"Hey. Mamayang 6PM ang performance natin diba?" Tanong samin ni Jane.


"What?! May performance kayo?" Tanong din samin ni Matt. Aba aba! Medyo may pagka-manly na sya ngayon noh >:)


"Yup! Mamayang 6. And matt, Kakanta kami at the same time, sasayaw. Problem?" -Ako


"Err... kayo? Di nga?" -Sehun


"Oo nga! Paulit-ulit?!" Sabi naman ni Pami. Ang cute ng dalawang 'to!


"So, ano yung ipeperform nyo? Tsaka jagi naman, bakit di mo man lang sinabi sakin? *paawa effect*" Nako, nakalimutan ko palang sabihin sa kanya T^T


"Di ko nga pala nasabi sa yo! I'm sarreeehhh, huh? Sarreeehh. Abangan nyo na lang mamaya."


Nagkwentuhan lang kami. Sila kumakain kami nina Jane hindi. Baka kasi hindi magkasya susuotin namin mamaya kapag kumain kami ng marami eh! Tsaka nakain sila ng ice cream, baka masira boses namin. Masama na kapag ganun. Kami na nga lang yung magpeperform sa Batch namin eh -.-d


"Yo guys. It's 5:30 na. We have to go. Dun lang kami sa dressing room. Don't worry may reserved seats na kayo." Paalam ni Jane. Umalis na kami dun tapos nagpunta na sa may dressing room. *sigh* Sana maayos yung performance namin! ToT


Nandito na kami sa backstage. Bongga ng SMA! Nagpatayo pa ng stage. As in pang-concert na stage! Marami din kasing magpeperform, hindi lang kami.

Nung tinawag na kami nung MC. Naghawakkamay kaming tatlo at sabay-sabay sinabing 'Fighting!'


"Good evening, SMA! I'm Genina."

"Jane."

"Pami here~"


"And we are DA GOLREE!"


So yeah, DA GOLREE ang nabuo naming tatlo. DA GOLREE means THE GOLDEN THREE ;) . So, eto na nga......


2NE1 - FALLING IN LOVE

(Grabe muntikan na ako mabulol sa rap ni CL!)

Apink - NONONO

(Okay naenjoy ko yung steps. Nakakatuwa!)

EXO - MIRACLES IN DECEMBER (Eng Ver by Silvertear)

(Tungnu iyakan na 'to men! Feel na feel ko yung pagkanta!)


Yey! Natapos din. Mabuti na lang walang palpak! ^O^


"OMG Bestfriend, nagawa natin! Walang sablay! I'm so proud of my self! Napakita ko sa maraming tao na may talent din ako. Sheeeettttt~ *tearyeyed*" -Pami


"It's my first time na kumanta at sumayaw sa tapat ng maraming tao, gosh. Pami and Genina. I'm so thankful na kayo yung naging bestfriends ko. Oheff, naiiyak ako." -Jane


"Kainis ka naman, Jane! Bakit ka ba nagsasabi ng ganyan ha?! Syempre nagpapasalamat din kami sa diyos na ikaw yung binigay samin para maging bestfriend! Tae. Wag nga tayong madrama! Nakakainis naman eh." At yun nga, nag-iyakan kami! Okay lang naman kasi water proof yung make up namin. *sigh* Sana ganito na lang palagi. Walang problema.


***


Hindi tayo magiging malakas at matatag kung wala tayong pagsubok na haharapin. Sabi nga sa nabasa ko, lalong lumalakas ang isang tao kapag may nalalampasan syang pagsubok. Walang thrill ang buhay natin kung walang trials diba? Boring. Kaya nga eto... bakit napunta sa ganito?


***


Valentine's Day / Feb14


Usually, ang araw na ito ay sinecelebrate ng magcouple diba? So, yun ang ginagawa namin ngayon ni Baekhyun.


Nandito lang kami sa rooftop ng Dorm namin. Dito kasi gusto pumunta ni Baek eh. Gusto nya daw makitang lumubog yung araw. Hello?! Wala kami sa tabing dagat. Paano namin makikita yun diba?! -_- Tanga lang talaga sya. Period.


"Jagiya."


"Hmm?" Kumakain lang ako ng Lay's habang nakatingin sa baba. Puro red ang nakikita ko! -_- Samantalang ito, wala man lang, chocolates (gusto ko dark!) roses/flowers, teddy bear or love letter! -.- Echusera. Nakakatampo tuloy.


"W-wala. Wala."


Kilala ko si BYUN BAEKHYUN kapag may problema, nauutal sya o kaya hindi mapakali, tulad ngayon, ang likot nya at nung mata nya.


"Baek. Anong problema?"


"Wala, Jagi. Okay lang naman ako eh. Bakit?" Nakita ko pa syang nagsmile, tsk. FAKE. Sa lahat ng ayoko yung plastik.


"Stop it. Hindi ka okay. Kilala kita. Kilalang-kilala. Anong problema?"


"Talaga bang.... tinatanong mo sakin yan? Anong problema?"


Napupuno na ako ha. Bakit ba ayaw pa nyang i-straight to the point ha?!


"Inangyan. Baekhyun naman! Ano bang problema?! Sabihin mo naman sakin oh! Alam mo namang ayoko sa plastik diba?!"


"We're going to Seoul, Korea this weekend. 5 years akong mawawala. Happy?"


And with that... he left me.


***


"Bakit ba nya gagawin yun?! Kainis yun ah!"


"Shhh. Pami! Boses mo. Baka marinig ka ni Gen!"


"Ikaw din Jane! Kayo ang maingay!"


"Nah-uh! Ikaw din kaya Matt! Hay whatever!"


"Naawa ako sa bestfriend natin."


"Ye, kanina pa syang nakatulala dyan. I'm so fvcking worried!"

Tumayo ako at naglakad papunta sa CR. Ano bang nangyayari sakin? Hindi naman ako ganito ah. Masayahin ako at palabiro. Paano napunta sa pagiging emotera at malungkutin? Psh.

"Wait! Where.... are you going?" Pigil sakin ni Jane.


"Comfort Room."


"Samahan ka na namin?" Tanong ni Pami.


"Nah."

Buti na lang walang tao dito sa CR. Pwede ko ilabas 'tong sama ng loob ko.


[Note: Mas maganda kung lalagyan ng MBG, Kiss the rain -->]

"We're going to Seoul, Korea this weekend. 5 years akong mawawala. Happy?" And with that, he left me.


At kasabay din nun... ang pagbuhos ng malakas na ulan.


They're.... going to Korea? Pero... pero bakit?!


Hindi ko napinansin ang malakas na ulan, tumakbo ako pababa para lang mahabol sya. Tangina Baekhyun wag mo naman akong iwan!

"BYUN BAEKHYUUUUUUUUUUUUUUUUUUUN!!!!!!!!!!!!!"


I tried my best para mahabol sya pero asdfghjkl, nadapa ako. Bakit ngayon pa gumana pagkaclumsy ko?! KAINIS NAMAN OH!


Hindi ko mapigilan... umiyak na ako. Walang nakakapansin sakin. Walang nakakakita sakin. Ako lang dito mag-isa sa ulanan. Iniwan nya ako dito....... mag-isa.

Para akong baliw dito sa loob ng CR na umiiyak. 2 days. Dalawang araw na ang nakakalipas ng mangyari yun. At dalawang araw ko na syang hindi nakikita. Birthday na bukas ni Pami. *sigh* Birthday na nya bukas pero parang magiging hadlang pa ako sa pagsasaya nya.


Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. May eyebag, payatot at maputla. Yan ako ngayon. Dinaig ko pa ang may sakit. 2x a day na nga ata ako kumakain, eh? Pati pag-aaral ko apektado.

Bakit? Yan lang naman ang gusto kong tanungin sa kanya eh. BAKIT?


Bakit iiwan nya ako?


Bakit kailangan pa nyang umalis?


Bakit.... bakit kailangan mangyari 'to?

Nakakabaliw na. Tama nga sila, kapag nagmahal ang isang tao, nagpapakatanga ito. Nakakainis lang kasi... sya yung first love ko. First heart break na din ba? :'(


Nag-ayos na ako ng sarili bago lumabas ng CR. At pagkalabas ko hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa nakita ko.

BYUN BAEKHYUN.


Nakasandal sya sa pader. Bakit ganun? 2 days lang syang hindi nagpakita pero para sakin, parang 100 years na. OA man pero totoo.


Hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin. Lalagpasan ko na lang ba sya o haharapin?

"Genina."


Para akong naistatwa sa pagkasabi nya sa pangalan ko. Pakingtape. Bakit ganito? Gusto ko syang yakapin pero di ko magawa. Gusto ko syang sigawan at tanungin kung bakit? pero di ko magawa.

"*sigh* Magsalita ka naman oh. Look, I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya na---"


"Hindi mo sinasadyang iwan ako, ganun ba?"


"Genina---"


"Bakit?"


"Kaila---"


"Bakit kailangan mo pang gawin 'to? Bakit *sob* kailangan maging ganito? Bakit mo ako iiwan? Mahal mo naman *sob* ako diba? Bakit?! BAKIT KAILANGAN MANGYARI 'TO?!"


Umiiyak ako ngayon. Sa loob ng dalawang araw na yun. Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.


Wala syang masabi kaya nagsalita ako.


"Baekhyun. Mahal na mahal kita. Alam mo naman *sob* yun diba? Ramdam na ramdam mo *sob* naman yun diba? Pero... bakit? *sob* Bakit mo ginagawa sakin 'to?! Ang tanga mo! Ang *sob* tanga tanga mo!"


Nagulat ako nung niyakap nya ako. Gosh. I missed him. I missed him so much.

"Sorry. I'm sorry. Sorry...."


"Wala ng magagawa *sob* yang sorry mo. Nang....*sob* nangyari na eh. Pero gusto ko lang tanungin.... b-bakit?"


"My dad told me that... lilipat na kami sa Seoul. Pero babalik kami dito after 4 or 5 years. Genina, hindi ko sila mapilit na wag na kaming pumunta dun. Sorry... Sorry talag---"

"Hindi mo ako pinaglaban? Hindi mo ko magawang ipaglaban? Paano tayo? So, ganito na lang *sob* ba yun? Iiwan mo ako tapos the end na?! Wow! *sob* Ang ganda ng *sob* love story natin noh?!"

Hindi ko na sya pinagsalita pa. Umalis na ako. Ayoko nito. Ayoko ng madrama pero ano ako ngayon?! Pakshet lang.


"Hey! What... what happened?!" -Jane


"Genina! Anyare? Bakit... bakit ganyan na naman mata mo?" -Pami


"Huy. Anong nangyari?" -Matt


"I'm tired. Let's go home."


Mukhang nagets naman nila ako kaya umuwi na kami sa SMA.

***

Ganito na naman. Mag-isa lang ako. Nakahiga sa kama. Nakatulala sa kisame. Nag-iisip isip.


Alam ko na kung bakit sya aalis. Pero.... isa pang bakit. Bakit hindi nya kami pinaglaban? Ganun na lang ba yun? *sigh* Nakakatawa lang. Akala ko magiging katulad nina Bella and Edward ang love story namin, happy ending, forever. Pero hindi pala.

*toktoktok*


Napatingin ako sa pinto. Hindi kaya.......


"Hi Genina!"

Hindi. Hindi pwedeng sya yun. Bakit pa nga ba nag-expect ba ako? Psh.

"Oh. V? Bakit ka naman nandito?"


"Alam kong may problema ka."

Napabuntong hininga na lang ako dun. Ang daming apektado sa'ming dalawa. Pati ang barkada nadamay pa.


Binigyan ko na lang sya ng kape. Nagtimpla na din ako para sa sarili ko.

"Alam mo ba?" Panimula ko.


"Hmm... nakwento sakin ni Matt eh. Kaso ang hindi ko alam, anong nangyari? I mean, bakit nagkaganito?"


"Nagkita kami sa may CR kanina... alam mo ang ginawa nya? Nagsorry. Pero wala na namang magagawa ang sorry nya diba? Kasi nangyari na. Kasi iiwan na nya ako. Alam mo ba kung bakit? Pupunta sila sa Korea ng 5 years, sabi pa ng Dad nya yun. Hindi ko na sya pinatapos sa pagpapaliwanag. Kasi diba? Hindi man lang nya ako pinaglaban. Hindi nya pinaglaban yung pagmamahalan namin. Ang saklap ng lovelife ko, V." Napaiyak na naman ako. Kainis lang talaga!

"Teka nga! Wag kang umiyak please? Ayoko kasing makakita ng umiiyak eh. So... ang pinupunto mo, bakit hindi man lang nya pinaglaban sa mga magulang nya yung relasyon na meron kayo, tama ba?"


"Oo."


"Edi... Wala na kayo?"


Wala na..... wala na kami?

"Oo? Hindi? HINDI KO ALAM! T^T"


"Hay! Pag-usapan nyo kaya ng MABUTI diba?!"


"Hindi ko alam kung.... kung paano ko sya haharapin."

"Ikaw pa itong nahiya. Dapat nga sya pa eh! Sya itong mang-iiwan eh. Tsk tsk. Osya, paano. Alis na ako! Tumakas lang ako sa BHA eh."


"Ganun ba? Sige. Thank you ha? Hahanap ako ng time para makausap sya, promise."

***


Febuary 17 - Pami's Birthday

Umuwi kami sa kanila. Sa mismong bahay nila para maghanda sa party mamaya. Since RED ang fave color ni Pami, color red lahat ng bagay dito sa party.


Nandito kami sa kwarto nya. Namimili ng susuotin.


"Hmmm.. Kamusta na nga pala kayo Genina? Just asking." -Jane


"Kayo?" -Ako


"Kayo ni Baekhyun." -Jane


"Ah.. Kami? Paano ba idescribe, cool off? Idk."

Yung color white dress na lang yung sinuot ko. Kay Jane naman light Pink.


"Nag-usap na ba kayo?"


"Hindi ko nga alam kung kelan pa eh."


"Ganun? So---"

"HELLOOOOOOOOOOOOOO!!!"


Sabay kaming napatingin ni Jane sa pintuan. Si Birthday girl lang pala. Naka-red cocktail dress sya. Grabe, ang ganda ng bestfriend ko.


"Uy. Happy Birthday, Pams. Natanda ka na." Bati ko sa kanya. Smile lang, Genina. Smile.


"Ito naman! Natanda agad?! Hmp! Hahaha." -Pami


"Happy birthday, Pami. MBTC. Lavya!" -Jane

Lumabas na kami ng kwarto nya. Actually sa garden gaganapin yung party. Mabait naman sina Tito at Tita kaya dito nila kami patutulugin. Since monday ngayon, sinadya namin na hindi pumasok. 2 days lang naman. Okay na yun. *sigh* Para din hindi ko muna sya makita. Di pa ko ready harapin sya eh!

So for now, 7PM na. Meaning, start na ng Birthday Party ni Pami.

Masaya naman yung party, well, masaya nga ba para sakin? Basta nakakangiti naman ako, hindi nga lang abot mata.

Nagpunta din si Matt together with Anya, of course. And then sina V at iba pa naming kaibigan sa BHA nagpunta din. At ang hindi ko ineexpect?


Si Baekhyun at ang EXO nagpunta din.

Nasa iisang table kami nina jane, pami, matt, anya, baekhyun, at v. Ang hirap, pramis.


Good thing may beer at wine dito. Gusto ko mag-inom!

Nakakailang shots na ako ng biglang may kumuha nung baso mula sa akin. At sino pa nga ba? Edi si...... Baekhyun.


"Enough."


"Ano ba. Akin na nga yan."


"I said enough."


"Bakit ba ha? Iyo ba yan? Sakin naman ah!"


"Tss. Tara nga dito!"

Hinila nya ako kung saan. Di ko magawang lumaban dahil nahihilo na ako.

"Ano bang problema mo ha?!" -Ako


"IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO. BAKIT BA HINDI MO AKO PINAPANSIN HA?!"


"WOW! AT AKO PA ANG HINDI NAMAMANSIN NGAYON?! EH SINO KAYA ITONG HINDI NAGPAKITA AT NAGPARAMDAM SA LOOB NG DALAWANG ARAW!!"


Parang nawawala yung pagkahilo ko ngayon. Ang sakit pa ng lalamunan ko, pero mas masakit dito *turo sa dibdib* sobrang sakit!

"NAGSORRY NA NGA AKO DIBA?! ANO BA GENINA UMAYOS KA NGA! KUNG SINASABI MONG HINDI KO PINAGLABAN KUNG ANONG MERON TAYO. TANGINA NAMAN! HALOS LUMUHOD NA AKO SA HARAP NILA PARA LANG HINDI NA MATULOY ANG PAG-ALIS NAMIN! PINANGALANDAKAN KO DIN SA KANILA KUNG GAANO KITA KAMAHAL! PERO ANO?! ANO!!! WALANG NANGYARI!! WALA!! TAPOS SASABIHIN MO SAKIN NA HINDI KO PINAGLABAN KUNG ANONG MERON TAYO?!?? NA HINDI KITA PINAGLABAN HA?! PUTANGINA LANG!"


Wala akong masabi. Umiiyak na naman ako.. pinag... pinaglaban nya ako? kami?


"AKALA MO BA MASAYA AKO SA NANGYAYARI NGAYON?! TANGINA SOBRANG SAKIT GENINA! SOBRANG SAKIT! AKALA KO OKAY LANG SAYO NA UMALIS KAMI AT MAGHINTAY KA NG 5 YEARS PARA SA PAGBALIK KO. PERO ANO?! AAAAARGHH!!! TANGINAAAAAAA!!!!!"

Wala akong magawa kundi tumayo dito at humagulgolsa pag-iyak. So all this time, sya yung pinaka-nasasaktan. Sya yun at hindi ako. Nagpakatanga na naman ako.


"B--Baek*sob*Hyun......."

"Genina... Mahal kita. Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Ganun ka din naman sakin diba? Maghihintay ka diba?"


Kaya ko nga bang maghintay? Kaya ko nga bang maghintay ng 5 years? Kaya ko bang mabuhay mag-isa sa loob ng 5 years? Kaya ko bang hindi mayakap, mahalikan, at makita sya ng 5 years?


He hugged me. I hugged him back.


"I love you, Baekhyun. I love you so much."


I kissed him.... bibitaw na sana ako pero he kissed me back..


And we're kissing passionately.. Hinahalikan nya ako na parang wala ng bukas.


Hinahalikan nya ako na parang bukas na sya aalis.


Hinawakan nya ang waist ko and pulled me closer. Hinawakan ko naman ang leeg nya at lalong nilaliman ang halik.


Ayokong umalis sya. Ayokong iwan nya ako. Ayoko.


After we kissed, hingal na hingal kami. Grabe, sa loob ng 4 months na naging kami, ngayon lang kami naghalikan ng ganun.

"Jagiya. Maghihintay ka diba?"


"5 years lang naman diba?"


"Yes. 5 years."


"I'll wait for you."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top