Chapter Two
It had been a week since Haven Ceres had summoned us. Having been chosen to be part of the organization, most of the people around were excited for me. I still had no idea how Haven Ceres functioned as an organization. All I know was that it was the most coveted org of all.
Nakilala ko na rin ang ibang mga senior members ng grupo. Ngunit ang karamihan sa mga nauna ay matagal ng grumaduate sa university. Some of the seniors were happy and content. While others were a bit withdrawn and reluctant to speak.
Ayon naman kay madam Beaufort, ang elegante at magandang tagapamahala ng org, ituturo sa amin ng Haven Ceres kung papaano maging isang asset ng aming magiging asawa balang araw. They would teach us the ways of a true lady, to be the best among the society, particulary here in our upscale neighborhood in the town of Salvacion.
Ngunit hindi ko gusto ang layunin ng org. At kahit pa may mga charitable works din silang ginagawa, sa tingin ko ay gusto lang nila kami bihisan at ihubog ayon sa kanilang paniniwala kung para saan at kung ano ang papel naming mga kababaihan sa mundong pinaghaharian ng mga kalalakihan. They wanted us to be demure, modest, and submissive, to be the Maria Clara of the modern world. And as per the org, we, the ladies of Haven Ceres should not only be the epitome of grace and beauty, but also be a model of obedience to our parents and to our future husbands.
I was ready to leave, but Jane talked me into giving the org a chance. Besides that, Mama seemed eager for me to join the org.
Na-ikwento ko kay Carl ang pagtawag sa akin ng organization, ngunit iba ang naging reaksyon nito.
"Umiwas ka sa Haven Ceres. Hindi maganda ang maidudulot nito sa 'yo!" babala niya sa akin. I was surprised at his behavior. Balisa ito at tila bang natatakot para sa akin.
"It's just an org, Carl. Mostly charitable works ang mga ginagawa sa Haven Ceres," paliwanag ko sa kanya.
"You don't know that. Liz, baby, listen to me please. You don't have to join that organization. In fact, you don't have to finish school. Run away with me, please. Let's get married and leave this town."
"Carl!" Nagulat ako sa mga suhestiyon niya. We never talked about getting married before, and now he was throwing suggestions and proposals at my feet. "I cannot do that. I need to finish school. And besides, I'm too young to get married."
"Akala ko ba mahal mo ako?"
"Yes I do love you! But I cannot marry you yet. I'm not ready."
Narinig ko na lamang ang pagbuntong-hininga niya. "When are you expected to be in Haven Ceres again?"
"Tomorrow. May welcome party para sa mga new members," sagot ko. "It's funny actually. Invited din pati mga parents ng mga bagong members."
"It will begin soon..."
"What will begin soon?"
"Never mind. Listen, Liz, is it possible for you to get an invitation for me as well?"
I shot him a questioning look. Why would he want to be in the party if he resented the org? "I can make some arrangements. Pero ba't mo naman gustong sumama sa party?"
"Because I want to be with you Liz. Don't you want to have a date for the party?"
Narinig ko si Jane na magdadala raw ito ng date para sa party. Wala rin namang masama kung isasama ko si Carl sa pagtitipon. At naisip ko na gagamitin ko ang pagkakataong iyon upang maipakilala si Carl kay mama at papa.
Dumating ang gabi ng salo-salo. The party was held at the grand hall of the Haven Ceres building. Ang engradeng bulwagan ay napapalibutan ng mga dekorasyon at ilaw na angkop para sa isang eleganteng party. Ang mga bisita ay nakabihis ng iba't ibang magagarbo at magagarang damit.
Si mama ang pumili sa disenyo ng aking long gown. Isa itong red halter na damit na medyo hapit sa aking katawan. Hindi ko rin maintindihan si mama kung bakit gusto niya na pulang pula ang aking mga labi. Even my nails were painted red. Nang tinitigan ko ang aking sarili sa salamin ay naasiwa ako sa aking hitsura. I looked like a cheap tramp posing as a lady, as if I was dressed this way to attract attention. But when I looked around, all the ladies my age were equally dressed like me. Black gowns with plunging necklines. Blue backless gowns. Emerald green gowns with very high slits. At lahat ay may mga makakapal na make-up sa mukha at exaggerated na smokey eyeshadow.
Nang dumapo ang aking paningin sa may malaking hagdan patungo sa ikalawang palapag, umagaw sa aking atensyon ang mga kakaibang kasuotan ng mga dumalo na nakatayo sa likod ng mga gintong railings. Kung tutuusin ay naka tux at long gowns din naman sila, ngunit may itim na maskarang nakasabit sa kanilang mukha. Ang noo at labi lamang nila ang nakikita sa kanilang mukha.
Ibinaling ko ang aking paningin pabalik sa mga bisitang katabi ko. Napansin ko na ang ibang mga magulang ay balisa at hindi mapakali. Ang iba ay may takot sa kanilang mga mata. Hindi ko mawari kung bakit takot ang nakita ko. Nang maibaling ko ang aking paningin kina Mama at Papa, ang ekspresyon sa kanilang mukha ay kahalintulad rin ng iba.
I was about to ask them what was wrong when I saw Carl entering the hall. He was dressed in a black tux, and I smiled to myself to see him looking so handsome as he made his way towards me. He was wearing a grim look on his face, as if he was attending a funeral that he really wanted to avoid going if he could have his way with it. I was about to meet him halfway when a massive wall of a body bumped right into me.
Ang lalaking nabangga ko ay may hawak-hawak na isang glass wine na may pulang likido. At dahil na rin sa kalakasan ng pagkakabunggo ko sa kanya ay natapon ang laman ng baso sa kanyang itim na coat at puting polo.
"I'm so sorry," sabi ko habang lumalakbay ang aking mata patungo sa mukha ng aking nabangga. "Hindi ko sinasad-" Naputol ang aking pananalita ng magtama ang aming mga mata. Hazel brown eyes; soft and supple looking lips; and jet black hair a bit tousled as if someone ran fingers into then met my gaze. Isang itim na maskara ang tumatakip mula sa kanyang mata hangang ilong.
Dahil sa katangkaran nito, bahagyang nakaangat ang aking ulo upang matitigan ko ang kanyang mukha. Napansin kong nakakunot ang noo niya. He looked down on me, his lips forming a frown.
"You just ruined a very expensive suit," ang sabi niya. Hindi ko alam kung bakit ngunit ang baritonong boses niya ay nagdulot ng kakaibang pakiramdam na dumaloy sa aking mga ugat. Nanatili akong nakatitig sa kanyang mukha, parang isang hibang na nabighani sa mala anghel nitong mukhang nakakubli sa ilalim ng itim na maskara. "Haven't your parents ever taught you it's rude to stare at people?"
May pagkaarogante ang kanyang pananalita, at dahil doon ay parang may malamig na tubig na bumuhos sa aking ulo na nagpabalik sa aking ulirat. Tinaasan ko siya ng kilay at mataray kong sinabing, "I already apologized, mister. No need to teach me about proper conduct and etiquette. How much does your suit cost? I'll pay for the damages."
"I don't think you can afford its price."
Napakaarogante nga! At mayabang pa! Kahit magkano pa ang suot nito, kahit Armani pa iyan o Gucci, kayang kaya ko siyang bayaran. "I don't have my cheque book with me right now. Hindi ko naman inaasahan na may mababangga pala akong isang arogante at mayabang na tulad mo rito. What's your name? Address? Ipapadala ko na lang ang tseke doon."
I was surprised when he slightly tilted his head to the side as he looked at me from head to foot, as if he was assessing my face, my curves... my every being. He smirked at me before he leaned forward until his lips almost grazed my ear. "Don't worry, my lady. In less than twelve hours, someone will be at your doorstep to claim the payment." Ngumisi siyang muli bago ako iniwan sa kinatatayuan ko, habang tinatanaw ko ang papalayong porma nito hanggang sa umkyat ito patungong ikalawang palapag.
Nakita kong nilapinan niya si madam Beaufort at may ibinulong dito. Tinapunan ako ng tingin ni madam Beaufort mula sa itaas bago nito ibinalik ang paningin sa aroganteng lalaking iyon at ginawaran ito ng isang maliit na tango.
Hindi kaya isinumbong niya ako kay madam dahil sa aking asal? Isa pa naman sa mga rules ng Haven Ceres ang pagpapakita ng kagandahan asal. Ngunit siya naman itong nagpamalas ng kayabangan, kaya hindi ko pa rin pinagsisihan ang ginawa ko.
Kung paaalisin nila ako sa org, mas maigi. At least Carl would not worry anymore about my affiliation with Haven Ceres. And I never wanted to be in this org in the first place.
"Are you alright Liz?"
Lumingon ako at nakita kong nasa tabi ko na pala si Carl. "I'm fine.
"Shall we dance, then?"
Isang huling tingin muna ang ginawa ko sa itaas, ngunit wala na silang dalawa. Tumango ako kay Carl at tinungo namin ang gitna ng bulwagan kung saan marami-rami na rin ang sumasabay sa tugtog ng waltz.
Habang sa aming pagsayaw, naramdaman ko na para bang may nagmamasid sa akin. Hindi ako mapakali, na tila bang may kung ano o sino ang sumusubaybay sa bawat galaw at kilos ko. Umikot kami ni Carl at hindi sinasadyang dumapo ang paningin ko sa isang matangkad na pigurang nakasadal sa isang poste sa may madilim na bahagi ng ikalawang palapag. At kahit pa ikinubli ito ng kadiliman, batid ko kung sino ang nakatitig sa akin.
I wasn't sure if it was just my imagination but I heard someone whispered so close in my ear. The velvety voice was throaty and rich, making me feel warm, flustered and nervous at the same time. I knew I was just imagining it for there was no one beside me other than Carl.
Tumindig ang aking balahibo nang napagtanto ko kung kaninong boses iyon. Sa kanya iyon -sa lalaking nakabangga ko kanina... Sa lalaking nakasandal sa poste at nakatitig sa akin mula sa ikalawang palapag. Hindi ko alam kong papaano nangyari iyon at sa layo namin sa isa't isa'y narinig ko pa rin ang mga katagang ibinulong niya sa akin. "You're mine."
***
#BloodLustMine
#MaxineLaurelStories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top