Chapter Twenty Three

Isang linggo na ang nakakaraan simula noong inamin ni Stephen ang nararamdaman para sa akin, at batid ko ang kakaibang sigla na ipinapakita niya. Hindi na siya ang dating Stephen na panay kunot ang noo, o ang dating antipatikong Stephen. Paminsan-minsan naman ay nakikita ko pa rin ang nakakatakot na Stephen. Tulad noong nakaraang araw, nakita kong salubong ang kilay niya at kitang-kita ko ang pagpigil niya sa kanyang galit habang may idinedetalye sa kanya ang isa sa kanyang mga tauhan. Ngunit, nang nakita niya akong sumilip sa may pinto ay umaliwalas muli ang mukha nito at napangiti.

Pansin ko rin ang pagbabago sa pagtrato sa akin ng mga tauhan ni Stephen. Kung dati ay hindi nila ako kinakausap kung hindi naman kailangan, ngayon naman ay panay ang bati nila sa akin tuwing makakasalubong ko sila.

Masaya ako sa takbo ng mga pangyayari. Ngunit minsan ay hindi ko maiwasan ang mag-isip tungkol sa relasyon naming ito. Tatanda rin ako, habang si Stephen ay mananatili sa kung ano man ang anyo niya ngayon. Kukulubot din ang balat ko, puputi rin ang buhok ko. Si Stephen naman, dahil sa kanyang pagiging bampira, ay mananatiling bata. Paano na lamang kung dumating ang panahon na uugod-ugod na ako, matanda na at nakabaston, katabing naglalakad ang isang napakaguwapong, batang Stephen? Mawawala rin ang kagandahan at kabataan ko, habang si Stephen ay hindi magbabago. Mamahalin pa kaya niya ako?

"Kahit ano'ng mangyari, mamahalin pa rin kita," ang sabi niya noong sinabi ko sa kanya ang gumagambala sa aking isipan. "Kumulubot man ang mukha mo, pumuti man ang buhok mo, nakasuot ka man ng adult diaper—" hinampas ko ang braso niya dahil sa kanyang sinabi bago siya nagpatuloy "—hinding-hindi magbabago ang pagtingin ko sa 'yo."

Napangiti ako sa kanyang turan. Bakit ba ako nag-aalala? Naniniwala ako sa kanyang sinabi. Ramdam ko ang pagmamahal niya para sa akin. May tiwala ako sa pagmamahal ni Stephen para sa akin. Kailangan kong magpakatatag at maniwala sa kanya. Hindi ko lamang maiwasan ang mag-alala para sa aming kaligtasan.

Isang linggo na rin niyang inaayos ang aming pag-alis sa bansang ito, kaya naman madalas ay abala ito.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Sa Prague. May matitirhan na tayo roon. May kaibigan akong handang tumulong sa atin doon," sagot niya sa akin.

"Pero sapat na ba ang isang linggong preparasyon para roon? Hindi ba kailangan natin ng Visa para makaalis ng bansa? May passport ba ang mga bampira?"

Tumawa lamang si Stephen sa mga tanong ko. "Masyado kang nag-aalala. Ako na ang bahala sa mga iyan. Isa pa, para saan pa't marami akong pera kung hindi ko ito gagamitin para malutas ang ating suliranin?"

Naniniwala ako sa kakayahan niyang malutas ang problema namin. Gusto ko siyang makasama, kung pupwede pa nga ay sana makasama ko siya habambuhay. Ngunit ayokong isipin na may batas siyang lalabagin, lalo pa't kung ito ay ikapapahamak niya.

"Don't worry. Wala akong ilegal na gagawin," dagdag pa niya. "Or atleast hindi ilegal ang gagawin ko sa batas naming mga bampira," sabi niya sabay kindat bago niya ako ginawaran ng isang matamis na halik at umalis ng mansyon.

Napabuntong-hininga lamang ako. Akala ko ay kung mapaamin ko si Stephen na mahal niya ako ay magiging maayos na ang lahat. Hindi ko inaasahan na mas lalo pa palang magiging kumplikado ang lahat.

"Elizabeth, masyado kang nag-aalala. Wala ka bang tiwala sa iyong lover?" saad ni Violeta na pumutol sa aking pag-iisip.

Lover? Hindi ba puwedeng boyfriend muna? Namula ang aking mga pisngi. Hinayaan kong takpan ng aking mahabang buhok ang magkabilang pisngi ko at itinuon ang atensyon sa aking hapunan.

Humalakhak naman si Violeta. "My, my. Ngayon ka pa nahiyang tawaging lover si Stephen? After that spectacular and wild night you gave him last week?"

"Oh, God! How did you know?"

"Everyone in this house knows about it, my dear. After the way Stephen shouted your name the entire night during your throes of wild passion, sino ba naman ang hindi makakaalam sa milagrong ginagawa niyo?"

"Oh God!" I covered my reddened face with my palms. That was embarrassing. Everyone knew what I did?

Tumawang muli si Violeta. "Well, there is nothing wrong if you decided to transform from a virginal princess into a sex goddess. You pleased Stephen well, and I believed he pleases you well in bed, too."

I narrowed my gaze at her. She knew too much about Stephen. Hindi ko maiwasang isipin na may namagitan nga sa kanila dati.

Ngumisi naman ito na para bang alam niya kung ano ang nasa isip ko. "No. Don't even think about it. Stephen and I never had sex. Ang mga babaeng nakatira rito dati ang mahilig magkuwento sa pagiging wild ni Stephen sa kama. Of course, I knew some of the girls were just exaggerating. Pero ito lang ang masasabi ko, Elizabeth."

"Ano 'yon?"

"Never, ever betray Stephen. Huwag mo siyang pagtataksilan kung hindi ay mananagot ka sa aming lahat."

"Hinding-hindi ko siya pagtataksilan. Alam mo 'yan."

"Hindi ko alam, Elizabeth. Nananalantay sa dugo mo ang dugo ng ganid na si Eliza."

Napangiwi ako sa sinabi niya. Balang araw ay ipapaliwanag ko rin sa kanila ang totoong nangyari. Ngunit bago ko ito sabihin kay Violeta ay si Stephen muna ang dapat na unang makaalam ng katotohanan.

"By now ay alam mo ang matinding katapatan naming lahat para kay Stephen," dagdag pa ni Violeta. "Maraming naitulong sa amin si Master Stephen, kaya naman ay lubos kaming tapat sa kanya. Nakikita namin na mahal ka nga ng master, at may tiwala siya sa 'yo." Tumingin sa akin si Violeta at ngumiti. "Napasaya mo si Stephen, at natuto siyang umibig muli dahil sa 'yo. Kaya kami naman ay magiging tapat din sa 'yo. Poprotektahan ka rin namin at pagsisilbihan."

Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. "Salamat, Violeta. Salamat."

Matapos ang hapunan ay nagpasya akong hintayin si Stephen sa aming kuwarto. Nahiga ako sa kama at napatitig sa isang antique clock na nakapatong sa isang tokador. Mag-aalas dose pa lang ng umaga. Nakalimutan kong iba pala ang takbo ng oras ng mga bampira kumpara sa ating mga tao—ang umaga nila ay gabi, at ang gabi nila ay umaga. Kung maihahalintulad ko ang oras ngayon base sa kanilang nakaugalian ay alas-dose pa lang ng tanghali. Ngunit naiinip na ako sa kakahintay. May importante akong sasabihin sa kanya, at ang sasabihin ko ang magbibigay linaw sa puno't dulo ng problemang nagsimula nitong lahat.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan na lamang ako nang may naramdaman akong may kung ano ang gumagapang sa aking leeg, at nang unti-unti kong minulat ang aking mata, nakita kong nasa ibabaw ko si Stephen at hinahalikan ang leeg ko.

Ngumisi ako nang inangat niya ang kanyang mukha. "Nagugutom ka na ba?"

"Depende kung ano ang hinanda mong kakainin ko," turan niya na may kasamang makahulugang ngiti.

Niluwagan ko naman ang aking kuwelyo at inilahad sa kanya ang leeg ko. "Uminom ka muna."

"Mamaya na," sagot niya habang sinisimulang buksan ang mga butones sa suot kong pang-itaas. "May iba akong gustong kainin ngayon."

Kahit gusto ko ang binabalak na gawin ni Stephen, makakapaghintay pa rin iyon. May importante akong kailangan sabihin sa kanya. Kaya naman, marahan ko siyang itinulak sa dibdib. "Stephen, we can do that later."

"But love, I want to eat you now."

"My pervert vampire lover," I joked. "I will let you do that later. But for now I want to show you something."

"Does it involve you stripping in front of me?"

"You sound so hopeful, but no." I couldn't help but laugh when I saw his face fell. "Mamaya, I might do that. But right now I want you to come with me." Tumayo ako mula sa pagkakahiga at sumunod naman si Stephen. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Let's go?"

Hinawakan naman niya ang kamay kong nakalahad. "Let's go then, love."

Love. This time, I knew it was not just a mere endearment—it was what he truly felt for me.

Dinala ko siya sa lumang kuwarto ko. Nakikita ko sa mukha niya ang pagkalito kung bakit ko siya dinala rito.

"Are you planning for us to make love here?" he asked, again sounding hopeful.

Humagikgik lamang ako. "Hindi. May gusto akong ipakita sa 'yo."

Kinalas ko muna ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at lumapit sa kama. Sa ibabaw ng kama ay may isang korteng kuwadrado ang nakapatong doon, at may puting telang nakatabing dito. Kanina ay nakisuyo ako sa aming kasambahay na ihatid ang bagay na ito rito sa mansyon ni Stephen. Ito ang magpapalaya kay Stephen mula sa pagkakatali sa isang nakaraang nagdulot sa kanya ng matinding paghihinagpis. At panalangin ko ay magtagumpay sana akong tuluyang mahilom ang sugat ni Stephen sa puso.

"What's that?" tanong niya habang tinuturo ang nakapatong sa kama.

"Why don't you take the covers off?"

May pag-aalinlangan sa mukha niya, ngunit lumapit pa rin siya rito at tinanggal ang puting tela. Nang tumambad sa amin ang larawan ng kahapon ni Stephen, nakita kong nanlisik ang kanyang mga mata at humaba ang kanyang mga pangil. Hindi ako nagulat nang hinampas niya nang malakas ang larawan ni Eliza at tumama naman ito sa may pader.

"Ano'ng kahibangan ito, Elizabeth?" singhal niya.

Lumapit ako sa nasirang frame, pinulot ito at ibinalik sa kama. "Siya ang dahilan ng lahat ng ito, hindi ba, Stephen? My great great grandmother Eliza was the reason why you joined Devon to create the Bloodslave contract, am I right?"

Nag-igting ang mga panga ni Stephen. "She's a bitch. A fucking whore."

"Stephen, please don't say that. She's still my great—"

"Stop calling her your great grandmother! Ayokong magkaroon ka ng kuneksyon sa babaeng 'yan!"

"Pero kadugo ko pa rin siya." I sat on the bed and traced my finger around Eliza's smiling face. "Ang ganda ng mga ngiti niya. They say I look like her. Naalala ko noong bata pa ako, madalas kong pinagmamasdan ang painting na ito. Alam mo bang ang kuwento ni Eliza ay paborito ng mga kababaihan sa pamilya ko?"

Nanlisik ang kanyang mga mata at nagkuyom siya ng mga kamay. Inaakala niya siguro ay ang pagtataksil ni Eliza ang tinutukoy ko. Umiling lamang ako. "Ang sabi ng mga nakatatanda sa amin, mahal na mahal ni Eliza ang kasintahan niya. Kahit pa malayo ang agwat ng estado ng pamumuhay nilang dalawa, hindi niya inalintala iyon. Kaso, ang papa niya ay binantaan na sasaktan nito ang lalaking iniibig niya kung hindi niya ito hihiwalayan."

Inobserbahan ko ang reaksyon ni Stephen. Nakakunot-noo lamang ito ngunit walang imik. Nagpatuloy na lamang ako sa pagsalaysay. "Mahal niya ang kanyang kasintahan, kaya ginawa niya ang lahat upang manatiling ligtas ito. Ipinalabas niya na hindi niya ito mahal, na hindi sila bagay para sa isa't isa. Ngunit nauwi sa wala ang sakripisyo niya dahil sa ginawa ng kanyang ama."

Nakita kong napaluhod sa harapan ko si Stephen. Hinawakan ko ang kanyang mukha. "Mahal na mahal ka ni Eliza. Alam iyon ng lahat ng kababaihan sa pamilya namin. Stephen, hindi ka niloko ni Eliza. Pinilit niyang panatilihing ligtas ka noong mga panahong iyon."

Nakita kong lumuha ng dugo ang mga mata ni Stephen. "She begged me to save her from her husband."

Kinalong ko si Stephen sa aking mga bisig.

"I ignored her plea," dagdag pa niya. "Pinabayaan ko siya. Hinayaan ko siyang magpakamatay dahil nabulag ako ng aking galit at paghihiganti."

"Oh Stephen..."

"I am the reason why she is dead."

"Listen to me, Stephen. The reason why I told you about this is because I want you to free yourself of hatred. May dahilan kung bakit nangyari ang nakaraang iyon. If it didn't happen, then we wouldn't be together now. But you need to move on. Ang magagawa mo ngayon ay itama ang mga pagkakamali. And you can start by letting go of anger and regret."

"I will make things right, Elizabeth." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at dinala sa mga labi niya. "Kung hindi ko nagawang ipaglaban ang pag-ibig ko para kay Eliza noon, sisiguraduhin ko ngayon na ipaglalaban ko ang pagmamahal ko para sa 'yo. Kahit kalabanin ko pa ang lahat ng bampirang tututol sa ating relasyon, kahit itakwil pa ako ni Devon."

Niyakap ko siya nang mahigpit. "Alam ko naman iyon."

"Mahal kita, Elizabeth." At muli niya akong hinalikan, matapos ay tumingin siya sa larawan ni Eliza. "Sana ay napatawad mo ako sa mga kasalanang nagawa ko sa 'yo Eliza. Nangangako ako ngayon sa 'yo na mamahalin ko si Elizabeth at sisiguraduhin ko ang kaligtasan niya."

Mas lalong lumambot ang puso ko sa mga sinabi niya. Panalangin ko'y sana ay tuluyan ng makalaya ang puso ni Stephen sa galit at poot na bumabalot dito.

Ngumiti ako sa kanya at pabirong sinabing "Kita mo, approve si lola sa 'yo kahit daw tinuhog mo kaming mag-lola."

Sa ekspresyon ni Stephen, tila hindi niya alam kung matatawa ba siya o magagalit sa biro ko. Nagulat na lamang ako nang bigla itong humalakhak, niyakap ako at sinabing "My life will never be dull with you by my side, love."

***

A/N: heya! :) dapat kahapon ko pa ito pinost kaso di pa ito tapos kahapon. Buti na lang at may wifi dito sa airport. Hehehe. Pero di ko pa na proofread. Hahaha.

Siya nga pala gusto ko ishare itong picture sa inyo na ginawa ko kahapon. Then imagine nyong six dozen more na ganyan ang kailangan kong gawin. Wala pa akong tulog dahil sa mga ito. Hahaha ;)

Para sa mga graduating diyan, congratulations sa inyong lahat!! :) ♥♡♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top