Chapter Twenty Six

I was going in and out of consciousness. I was not sure if I already died, or if everything was just a dream. Would I wake up out of this painful nightmare?

The pain started spreading on my entire body as I sprawled on the concrete dirt. Life was slowly slipping away from me as I continued to breathe in a steady rhythm. The more I tried to move, the more the pain intensified.

How many injuries did I received? Five to six bullets on my back. A cracked rib due to my attacker's constant stomping on my chest. A dislocated knee joint when he fired another bullet on my right leg. And probably I sustained a broken jaw bone as well when my assailant forcefully twisted my face to witness Stephen crying from anguish every time they hurt me.

Alam kong nasasaktan si Stephen tuwing pinagsisipa ako at pinagtatadyakan. At alam kong sinisisi niya ang kanyang sarili dahil wala siyang magawa kundi panoorin ako habang sinasaktan ng mga taga Order.

Nakita kong iginapos nila si Stephen at pinilit isakay sa kanilang sasakyan nang inakala nila na patay na ako.

Ngunit hindi pa ako patay.

Matinding galit sa aking puso ang nararamdaman ko ngayon dahil sa ginawa nilang pagpapahirap kay Stephen. Kakayanin ni Stephen ang pisikal na sakit na matatamo niya laban sa mga kalaban namin, ngunit ang makita akong sinasaktan ay nagdulot ng mas matinding sakit sa kanya.

Magbabayad sila. Everyone of them. From those filthy vampires to those humans working for the Order. Hindi ko sila mapapatawad dahil sa sakit na ibinigay nila kay Stephen. I would haunt them down. Even from the afterlife, I would not take rest until they'd pay for what they did to me, to us.

I coughed out more blood. Why was death taking too long to take me?

Revenge. It was all I could think of while waiting for death to come. Pero nang unti-unti akong nahimasmasan, alam kong mali pa rin ang maghiganti. Walang maidudulot ang paghihiganti kundi walang hanggang bigat ng kalooban.

Si Stephen, alam kong dalawa lamang ang kanyang patutunguhan—ang maghiganti sa pumatay sa akin, o ang sundan ako sa mundo ng kamatayan. Ayokong mahantong siya sa ganoong sitwasyon, ngunit wala akong magawa.

Unti-unting humihina ang tibok ng aking puso. Unti-unting dumidilim ang aking paningin. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata upang isuko ang sarili kay kamatayan.

"Didn't know you were that easy to give up."

I tried to fight again to remain my consciousness as I tried to identify whose voice it was.

"Akala ko pa naman ay palaban ka. Madali ka rin palang sumuko sa kakaunting bala at mahinang pagsisipa na ginawa sa 'yo."

I blinked slowly, trying to make my vision clear. And when I saw him looming over my almost lifeless body, I felt rage overcame my helplessness. Traitor! I tried to say but no voice came out from me.

"I should just let you die," ang sabi pa ni Devon. "But I will not." Lumuhod ito sa tabi ko. "Kung sasagutin mo ako ng tama, kung maibibigay mo ang kasagutang nais kong marinig, bubuhayin kita."

Did he mean...? Was he going to make me...?

"Yes, my dear future great-grandniece. I will finally make you one of us. Oh joy, what a dream come true!" sarkastikong sabi niya. "Ngayon, sagutin mo na ang iyong great-granduncle at nang matapos na ang iyong paghihirap. Convince me—why will I allow you to live?"

Sa malapitan, kitang-kita ko ang kulay ng kanyang mga mata. Magkatulad sila ni Stephen. The same coffee brown eyes. But in those brown eyes, there was something ruthless and sinister shinning from those brown orbs.

Alam ko kung ano ang sagot na gusto niyang marining. Ngunit hindi iyon ang aking dahilan upang mabuhay muli. Higit pa sa gustong marinig ni Devon ang rason ko upang mabuhay.

I tried to open my lips, forced my self to speak. "L-love," I whispered.

Devon snorted in disgust. "Love. Wrong answer."

Tumayo siya at akmang aalis ngunit nakahanap ako ng panibagong lakas at nagawa kong hawakan ang dulo ng pantalon niya. "S-stephen... love..." Iyon lamang ang nakayanan kong sambitin dahil bumabalik na muli ang aking kahinaan. Napapikit ako ng mata at binitiwan ang pagkakahawak sa pantalon ni Devon.

Unti-unti na ring humihina ang pandinig ko. Ngunit nasagap ko pa rin ang mga sumunod na sinabi ni Devon.

"Gusto kong maghiganti ka! Ubusin silang lahat na nagpahirap sa 'yo! Walang saysay ang pagmamahal at pag-ibig sa mundong ito! Kapangyarihan, karangyaan, habambuhay na pagkabuhay... iyon ang mahalaga!" Naramdaman kong parang niyuyugyog ako ni Devon. "Maghiganti ka!"

Hindi ko alam kung bakit paghihiganti ang nais niya. Ngunit hindi ko na kayang isipin pa ang kasagutang iyon dahil ramdam kong unti-unti ng bumibigay ang aking katawan.

"But I'm curious.. Hanggang saan ka madadala ng pag-ibig na iyan?" Naramdaman ko ang paghinga ni Devon malapit sa aking tainga. "That's why I'm allowing you to live."

Isang matinding kirot ang muli kong naramdaman. Devon bit my neck painfully and started drinking whatever blood remained inside of my body. I wanted to scream and shout, but no sound came out of my mouth. And after a few seconds, I died.

***

I knew I died. I could not feel the beating of my heart. I could not even breath in any oxygen in my lungs. Every organ in my body ceased to function. And yet when I felt something cold dropped unto my lips, slowly trickled down to my eager tongue, a new surged of life slowly rushed in my veins.

I swallowed the cold liquid. It tasted like rusty, old metal. It tasted divine.

But I wanted more.

I parted my lips, hoping to have some more, but I only heard a chuckle not far from where I remained motionless.

"So eager for more," the voice said.

Whose voice was it? I remembered Devon was with me. What did he do to me?

"Be a good girl and open your mouth, Elizabeth. Marami pa akong ibibigay na dugo sa 'yo."

Naramdaman kong may itinapat siya sa aking bibig. At sa bawat patak ng likido sa aking bibig, unti-unti kong nararamdaman ang panibagong lakas na umuusbong sa aking mga ugat, hanggang sa nagawa kong maigalaw ang aking kamay at hinawakan ang kung ano man ang nakatapat sa aking mga labi.

Para akong may matinding uhaw, at sinimulan kong sipsipin ang masarap na likidong nakalahad sa aking bibig.

I was greedy for more as I continued to suck, and suck, and suck some more.

Nagawa kong imulat ang aking mga mata, at nakita ko ang mukha ni Devon. His face was twisting with pain as I continued to feed on his delicious blood.

He forcefully pulled his wrist away from my lips. "Kung alam ko lang na may balak kang ubusin ang dugo ko, hindi na sana kita naisipang buhayin pa."

Ngumisi lamang ako sa kanya. He deserved more than what I just did to him. Ngunit hindi ko na ito nagawang sabihin dahil muli akong binalutan ng kadiliman.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatiling tulog. Naalimpungatan lamang ako nang muli akong nakaramdam ng matinding sakit sa buong katawan ko. Parang pinipiga ang aking puso, at lumiliyab ang aking mga baga. Ramdam ko rin na parang pinupukpok ng martilyo ang aking mga braso at binti. Napahiyaw ako sa panibagong sakit sa aking dibdib.

"What's happening to her? Marcus! Please, do something!"

"Wala tayong magagawa kundi ang panoorin siya, Jane. Unti-unti nang naghihilom ang mga sugat niya. At ang mga buto niya ay dahan-dahang bumabalik sa normal kaya siya nasasaktan ng ganyan."

"But she's in severe pain! At least give her something! Morphine! Valium! Anything!"

"Hush now, Jane. She is turning. It is always painful to become a vampire..."

Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ang mga boses na iyon. All my senses were focused on the escalating pain that was enveloping every part of my body. Simula ulo hanggang paa, pati mga dulo ng daliri ko... napakasakit.

Then I felt my gums itching, my teeth aching. Oh God! I wanted to sink my teeth onto something. Anything!

And then I screamed.

"Marcus!"

"Alright, Jane. I'll try to do... something."

At naramdaman kong may ipinatong sa ibabaw ng aking mga labi.

I didn't hesitated as I sank my teeth into it, into those flesh, savoring every ounce of blood I could suck out of it. The liquid rushing down my throat was exquisite, feeding my insatiable thirst, but it only made me crave for more.

I heard someone hissed, then a groan was followed.

Naramdaman kong may maiinit na palad ang dumampi sa aking noo.

"Lizzie, it's me, Jane" a soothing voice whispered near my ear. "Please release Marcus. Mamamatay siya kung uubusin mo ang kanyang dugo. And we need him to save Stephen. You do want to save Stephen, don't you?"

I do! I want to save Stephen so badly. I want to save him...

I slowly released Marcus and fell back on the bed. I could still feel the sticky blood clinging on my lips, but was too exhausted to even lick it. And before I feel back to sleep, I was able to catch their conversation.

"Okay ka lang ba, Marcus?"

"Get away from me, Jane! How many times do I have to tell you I don't need your help!"

"Pero Marcus..."

Heavy footsteps followed, then a door banged. I felt the bed sinking and I knew Jane sat beside me. I felt her warmth caress, but I also felt her pain.

"Hindi niya ako mamahalin dahil isa akong tao. Paano ba matuturuan ang pusong huwag na lamang magmahal? Dahil ayoko ng magmahal, Liz. Sumusuko na ako..."

That bastard Marcus. When I wake up from my sleep, I would tear him from limb to limb for breaking my best friend's heart.

***

I blinked several times, adjusting my eyes from the glaring light of the chandelier.

Unti-unti kong nagawang buksan ang aking mga mata. Pinagmasdan ko ang aking paligid. Yellow walls surrounded me. A bookshelf on one corner and a pretty porcelain doll was sitting on a couch near by.

Napangiti ako. Jane's room. Alam na alam ko ang hilig at paborito ni Jane. Her room in her parent's house was filled with old porcelain dolls. Ang sabi niya ito raw ang paborito niyang manika, at lahat ng mga iyon ay bigay sa kanya ng isang taong nakapahalaga sa buhay niya. At tama nga ako. Nakaupo si Jane sa isang upuang katabi ng aking kama, natutulog. Magdamag ba niya akong binantayan? Napansin kong puno ng sugat ang kanyang kamay. Bite marks were on her wrist.

I gasped. Pati si Jane ay kinunan ko ng dugo. Lumapit ako sa kanya at nilagyan ng kumot, ngunit nagising ito nang naramdaman niyang hinaplos ko ang sugat sa kanyang kamay.

"Lizzie..." ungol niya. "Gising ka na pala? Nagugutom ka ba? Ipaghahanda kita ng pagkain."

"Jane, I'm sorry..."

Umiling lamang ang kaibigan ko. "It's alright, Liz. Alam ko naman na gagawin mo rin ito kung ako ang nasa katayuan mo. So, how does it feel? To be a vampire?"

"I feel... strange." I felt different. My body was light as feather and my movements were fluid-like and faster. My senses became more profound—Jane's beating heart was loud and clear, and the faint scent from the vase filled with withered rose tickled my nose. "I feel not human at all."

Tumawa naman si Jane. "Of course you feel that way, silly--that's because you're a vampire now."

Ngumiti ako sa kanya. "Pagkagising ko, alam ko agad na ito ang kuwarto mo."

Humagikgik naman siya. "What gave it away?"

"That doll."

"Sorry. Alam kong may phobia ka sa mga lumang manika."

"Dahil talagang nakakatakot ang mga hitsura ng mga lumang manika. Pero alam kong importante sa iyo ang porcelain doll na 'yan. Bakit ba hindi mo pa itinatapon 'yan? Ten years mo na atang kasamang natutulog 'yan, eh."

"Someone important gave that to me."

"He does't deserve you, Jane." Kahit hindi pa sa akin sabihin ni Jane kung sino ang tinutukoy niya, may hinala ako kung sino ang tinutukoy niyang importante.

Malungkot ang ngiting ibinigay sa akin ni Jane. "I know. I'm leaving him soon."

"Alam mong hindi ka makakatakas nang basta-basta."

"Alam ko 'yon. Pero susubukan ko."

Niyakap ko ang kaibigan ko nang mahigpit

"Kapag natapos na lahat ng ito, kapag nailigtas ko si Stephen, tutulungan kitang makatakas."

"Salamat, Liz..."

"Mind if we interrupt you ladies?"

Kinalas namin ni Jane ang aming yakap sa isa't isa at nakita naming nakatayo sa may bungad ng pintuan si Marcus. Nasa likod naman nito si Devon.

"Jane, step outside," utos ni Marcus. "May pag-uusapan kaming importante."

Tumango si Jane. "I'll see you later, Liz."

Nang naiwan kaming tatlo sa silid, pinandilatan ko ng mata si Marcus dahil sa kabastusang pagtrato niya sa aking kaibigan, ngunit bale wala lamang ito sa kanya.

Umupo si Devon sa isang arm chair at nanatiling nakatayo pa rin si Marcus sa isang sulok.

"What a beautiful vampire," ang unang sinabi ni Devon. "Kung alam ko lang na magiging ganyan kaganda ang aking obra, sa simula pa lang ay ginawa na sana kitang isang bampira."

Alam kong nalinisan ni Jane ang mukha ko, ngunit may mga natitira pa ring bakas ng natutuyong dugo sa aking labi, magulo ang aking buhok at marumi pa rin ang suot kong damit. "I look filthy."

"On the contrary my dear, you look lovely."

"I look like a savage beast."

"You look like one of us."

"Yes. A savage beast."

Humalakhak lamang si Devon. Tumayo ito at lumapit sa akin. Hinaplos niya nang marahan ang aking pisngi. "Nevertheless, you are still a beautiful beast."

Hindi ko napigilan ang aking sarili at naitulak ko siya nang malakas sa dibdib. Sa sobrang lakas nito ay tumilapon siya hanggang tumama ang likod niya sa pader. I never knew I was this strong. Or was it the vampire blood that made this strong?

Umayos ng pagkakatayo si Devon. "Is this how you repay your creator?"

"You were there! You could have helped Stephen, but you just stood there and watched. You left me to die!"

"But through death I gave you immortality." Umikot si Devon sa akin. "Death is the catalyst to change someone into a vampire."

"I was already dying out there. At nagawa mo pang pagpiyestahan ang dugo ko?"

"Because it has to be done. Kailangang maubos muna ang dugo mo hanggang sa kakaunti na lamang ang natitira—sapat na iyon para makabuo ng panibagong dugong dadaloy sa iyong mga ugat. Ang pag-inom mo ng dugo ko ay siyang magpapabago sa iyong katauhan. Then lo, and behold, a new vampire is born."

"And you expect me to thank you? I wouldn't be surprised kung may kinalaman ka sa nangyari sa airport."

"No, I don't need your sugar-coated thank you, my dear. But I expect you to embrace immortality and do your part as a vampire under my rule. At wala akong kinalaman sa nangyari no'ng gabing iyon. I was there to see my only remaining relative for the last time."

Alam kong may itinatago itong ibang dahilan. Marahil ay hindi nga siya ang nagbigay ng impormasyon sa mga Hunters, ngunit papaano niya rin nalaman na andoon kami ni Stephen noong gabing iyon?

"Now its time to get to our business. How much do you want to save Stephen?" tanong ni Devon sa akin.

"Badly."

"Kung ganoon, magbihis ka na. May pupuntahan tayo." Iyon lamang ang sinabi niya at lumabas na ito ng silid.

Sunod na humakabang papuntang pintuan si Marcus ngunit pinigilan ko siya. Nilapitan ko ito at sinuntok ng malakas sa mukha, sa sobrang lakas ay narinig ko pang nabali ang mga buto nito sa mukha.

Umayos ito ng pagkakatayo at pinilit ibalik sa tamang lugar ang mga buto nito sa panga.

"Was that even necessary?" he demanded.

"That's for Jane!" I yelled before marching to the bathroom and slammed the door shut.

"Women!" narinig kong sabi ni Marcus. "All of them are a pain in the ass!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top