Chapter Twenty One
Lumundag ang aking puso sa narinig kong sinabi ni Violeta. Stephen has fallen for me? Stephen loved me? Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, ngunit may kakaibang saya akong nadarama dahil sa mga nalaman ko.
"Papaano mong nalaman na mahal na nga niya ako?" tanong ko kay Violeta.
"I told you I know everything that is happening here," sagot niya sa akin. "Ako ang namamahala sa mansyong ito. Lahat ng mga sikreto, all those gossips and talks, alam ko ang lahat ng iyon. Matagal ko nang kasama si Stephen, matagal na akong nanunugkulan sa kanya. At gamay ko na ang mga kilos niya, ang pag-uugali niya. Pati na rin ang ekspresyon niya ay kabisado ko na."
Muli siyang uminom ng kape bago nagpatuloy. "Alam ko ang tunay na dahilan kung bakit ka narito sa umpisa. It was all for revenge dahil sa nagawa ng kamag-anak mong matagal ng patay. Stephen had never moved on from his sufferings kaya naman ay dala-dala pa rin niya ito hanggang ngayon. But then, siguro ay hindi niya inaasahan na mahuhulog pala ang loob niya sa 'yo. He never expected to fall for you." Tumingin siya sa akin at ngumisi. "Do you have any idea what troubles you have caused within the council of vampires?"
Ako? May ginawa sa kanila? "Wala akong matandaang ginawang kalokohan laban sa kanila, Violeta."
Tumawa si Violeta. "Hindi ko alam kung inosente ka lang o sadyang manhid ka. Dahil sa 'yo ay nagbago ang mga ikinikilos ni Stephen. Nagbago ang mga pananaw niya sa pangalawang buhay niya bilang isang bampira. Alam mo bang may mga batas siyang pilit na ibinabago? Tulad ng pagbubuwag sa kanilang mga Bloodslave contracts. Pilit niyang isinusulong na buwagin na ito dahil may mga bampira raw na inaabuso ang kapangyarihang taglay ng mga kontrata." Umikot ang mga mata ni Violeta. "Kung tutuusin ay siya itong unang umabuso sa kontrata at ginamit ito sa pansariling kapakanan. But who am I to judge him? Kung hindi ba naman ganid sa pera iyang ninuno mo, hindi magkakaganito si Stephen."
Napangiwi ako sa sinabi ni Violeta. Kung alam lang sana ni Violeta ang katotohanan. May bigla akong naisip. "Violeta, kung ang pinoproblema ni Stephen ay ang batas na nagbabawal sa bampirang magmahal sa isang mortal, bakit hindi na lang niya akong gawin tulad niya? Isang bampira?"
Nag-iba ang ekspresyon ni Violeta na para bang nauubusan ito ng pasensya sa akin. "Hindi ka ba nakikinig sa mga sinabi ko? Ang sabi ko ay may batas silang sinusunod. Isa na roon ang pagbabawal sa kanila na basta-bastang gawing bampira ang isang tao."
"Pero bakit? Kung si Stephen naman ay may mataas na posisyon sa kanilang lipunan, magagawa niya kung ano man ang gusto niya!"
"Elizabeth! Gusto mo bang mapahamak si Stephen dahil sa mga pinagsasabi mo?"
"Hindi ko kasi maintindihan ang batas nilang iyon! Bakit hindi puwede? Bakit bawal?"
"Tanging si Devon lamang o isa sa mga Elders ang maaaring magdesiyon tungkol diyan. Isipin mo na lamang, kung lahat ng bampira ay may karapatang gawin iyon, dadami ang kanilang lahi. Then vampires will overrule this place. Kung mas marami ang bampira kaysa sa mga tao, just imagine the riot it would cause when vampires would start fighting over their food. And by food I meant us, mortals."
Kailanman ay hindi sumagi sa aking isipan ang posibilidad na iyon.
"At isa pa," dagdag ni Violeta, "iniiwasan ng mga Elders ang magkaroon ng mga kaguluhan sa kanilang lipunan. Kung may isang Elite ang naisipang maghangad ng mas malaking kapangyarihan at mamuno sa kanilang lipunan, ano ang pipigil sa kanila para bumuo ng kanilang private army by making vampires out of mortal men?"
"Is Stephen in trouble because of me?" nag-aalala kong tanong. Papaano kung pinapahirapan siya ng sarili niyang kalahi dahil sa akin?
"Hindi pa naman," sagot ni Violeta sa akin. "As long as Devon says so. Pero ang pagkakarinig ko ay pati si Devon ay tila nababahala na sa mga pinaggagawa ni Stephen. Stephen is breaking some rules for you, Elizabeth, at mainit sa kanya ngayon ang mga mata ng Elders."
"Bakit parang ang dami mong alam sa mga nangyayari sa mga bampira?" nagtataka kong tanong.
Ngumisi lamang si Violeta. "Ang abogadong namamahala sa mga pantaong transaksyon ng isa sa mga Elders ay pinsan ng taong namumuno sa mga guwardya ni Devon, at ang pinunong iyon ay kaibigan naman ng pinuno ng mga guwardya ni Stephen."
"And let me guess—ang pinuno ng mga guwardya ni Stephen ay kaibigan mo?"
"Of course not! He's my lover. But anyway, point is, kaming mga katulong nilang bampira ay mahilig makipag-tsismis tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa aming mga amo."
"Hindi ka naman katulong dito, Violeta."
"Sa mga mata ng mga bampirang aming pinagsisilbihan ay mga katulong lamang kami."
May punto si Violeta. Para sa kanilang mga nakatataas na Elites, lahat kami ay nasa ilalim lamang nila.
Napasandal ako sa aking inuupuan. Wala na bang pag-asang mabuo ang isang relasyon sa pagitan naming dalawa ni Stephen? Ganito na lamang ba kaming dalawa habambuhay? Bakit ganoon na lamang kahigpit ang kanilang mga batas? Kasalanan bang magmahal ang isang tao sa isang imortal? Kasalanan bang magmahal ako sa isang bampira?
"But you could change Stephen's mind," biglang saad ni Violeta.
"What do you mean?"
"Elizabeth, the answer to that is so obvious. Mahal ka ni Stephen—kaya nga niya ginagawa ang mga kalokohang ito. Bakit hindi mo ipakita at ipadama sa kanya na karapat-dapat kang mahalin? Why don't you show him that you are worth the risk of facing Devon's wrath? Make Stephen realize that you are more than just a Bloodslave?"
"Pero, kung gagawin ko iyon, si Stephen naman ang mapapahamak. Mahal ko si Stephen, at kung mapapahamak naman siya—"
"Stop!"
Natigil ako sa pagsasalita.
Muli namang nagpatuloy sa pagsalita si Violeta. "You are weak, Elizabeth. Weak! If loving Stephen makes you weak, then better not love him at all!"
"Pero Violeta, ang sabi mo ay—"
"Forget what I have said. Nagbago na ang isip ko. Napagtanto kong mas makakabuti para sa aming master ang magmahal muli. Batid naming lahat ang paghihirap na pinagdaan niya, ngunit panahon na para bitiwan niya ang mapait niyang nakaraan. And maybe, you are just the right woman to help him move on."
"Pero..."
"Makinig ka, Elizabeth. Malakas na bampira si Stephen. Kayang-kaya niyang ipagtanggol ang sarili. Sa tingin mo bo ay natatakot siya kay Devon o sa mga Elders? May mga responsibilidad si Stephen, na kaya naman niyang talikuran kung gugustuhin niya. Marahil ang pumupigil sa kanyang talikuran ang lahat ng ito ay dahil sa 'yo."
"Dahil sa akin?"
"Yes. Maaaring binantaan siya ni Devon na mapapahamak ka kung ipagpapatuloy pa niya ang nararamdaman niya para sa 'yo. Tulad ng sinabi ko, kilalang-kilala ko na ang pag-uugali ni Stephen. Kung gusto ka niya ay walang makakapigil sa kanya para angkinin ka. Sa sitwasyon naman niya ngayon, sa tingin ko ay iniiwasan niyang mapahamak ka kaya pilit ka niyang inilalayo sa kanya."
"But he won't release me from my contract... Kung gusto niya ako protektahan, why wouldn't he just release me from the contract?"
"Nakalimutan mo na ba, Elizabeth? Kapag nakalaya ka sa isang kontrata ay mapapalitan naman ito ng bagong kontrata sa panibagong bampirang bibili sa 'yo. Iyon ang iniiwasan ni Stephen. Do you get what I mean?"
Napaisip ako sa mga sinabi ni Violeta. Unti-unti akong nabubuhayan ng loob sa mga nalaman ko ngayon. Baka may pag-asa pa nga. Kung makukumbinsi ko si Stephen na tuluyan niya akong tanggapin sa buhay niya at wala siyang dapat ikatakot para sa aking kaligtasan, baka may pag-asang mabuo ang isang relasyon sa pagitan naming dalawa.
Tumayo ako sa aking inuupuan. "Thank you, Violeta," sabi ko.
"Where are you going?"
"I'm going to my room to make plans."
"Plans for...?"
Isang makahulugang ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Plans for winning Stephen's elusive heart. I'm going to seduce a vampire tonight—I'm going to make Stephen mine."
"Elizabeth."
Iyon lamang ang sinabi ni Stephen sa malamig na tono nang nakita niya akong nakahiga sa gitna ng kanyang malaking kama.
Pagkalubog ng araw kanina ay nagmamadaling umalis si Stephen. Ni hindi man lang niya ako pinansin na nakatayo sa may gilid ng pinto kanina. Ayon kay Gerald, may isang malaking pagpupulong daw na magaganap sa bahay ni Devon. At nitong mga nakaraang araw, tuwing nagpapatawag ng pulong si Devon, ayon kay Gerald, madalas ay wala sa tamang mood si Stephen.
Kung hindi ko siya madaan sa isang mahinahong pag-uusap, puwes, idadaan ko siya sa isang bagay na hinding-hindi niya kayang tanggihan—ang aking dugo.
Nagpasya akong hintayin siya sa loob ng kanyang kuwarto. May halong kaba at alinlangan ang nadarama ko habang hinihitay ko siyang dumating, ngunit nang nakita ko si Stephen na pumasok sa kuwarto, nawala ang aking agam-agam.
I missed this vampire terribly. At kahit pa nasa iisang bubong lang kami, pakiramdam ko ay isang libong milya ang nasa pagitan naming dalawa. But I will be changing all of that. I wanted Stephen. I needed Stephan. I loved him, and I was determined to make him truly mine.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya.
Unti-unti akong bumangon mula sa pagkakahiga at nakita kong nanlaki ang mga mata niya nang nakita niya ang suot kong manipis na pulang negligee na sinabayan ko pa ng pulang lipstick sa asking labi. "I missed you." Inangat ko ang aking isang palad at inilahad ito sa kanya. "Bakit hindi mo 'ko hagkan para maibsan ang pangungulila ko sa 'yo?"
Nagsalubong ang mga kilay niya habang nakatitig sa aking mukha. "Ano'ng kalokohan itong binabalak mong gawin, Elizabeth?"
"Ako? May kalokohang binabalak?" inosente kong tanong sa kanya. "Do I look like someone who would do something so foolish?"
Muli niyang tinitigan ang aking kasuotan. "You look like a cheap whore."
Masakit ang kanyang sinabi. I felt like my heart was sliced by his icy tone. Pero hindi ko pinansin ang kirot na iyon, bagkus ay tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at isang nakakaakit na ngiti ang iginanti ko sa kanya. "Do you like it? My negligee, I mean. Red seems to be my favorite color right now." Humakbang ako papalapit sa kanya. "Does this color reminds you of something?"
Nakita ko ang pag-igting ng kanyang bagang nang ipinulupot ko ang aking braso sa kanyang leeg at isiniksik ang aking katawan sa kanya.
"It's the same color as blood," I said as I brushed his lower lip with my finger. "Doesn't this color makes you so thirsty right now?"
Nakita kong pumula ang kanyang mga nanlilisik na mata bago ito bumalik sa natural na kulay nito. "Do not tempt me, Elizabeth."
Ramdam kong pinipigilan ni Stephen ang kanyang sarili, ngunit hindi ako tumigil at pasimple kong ikiniskis ang aking katawan sa kanya. "I'm not even doing anything, Stephen."
"Yes you are. You are up to something."
"Oh, Stephen. Ang nais ko lamang ay pagsilbihan ka. Is my master thirsty for blood?" Inilahad ko ang aking leeg sa kanyang paningin. "Why won't you take a bite from me?"
Naramdaman ko ang paghapit ng kamay ni Stephen sa aking baywang at mahigpit niya akong hinawakan na para bang ayaw niya akong makawala sa kanyang pagkakahawak sa akin. "You're a tease, Elizabeth," matigas niyang tugon bago niya kinagat ang aking leeg at sinimulang uminom ng dugo.
Kahit may kakaunting sakit akong nadama dahil sa kanyang marahas na pagsipsip mula sa aking leeg, hindi ko iyon ininda. Kumapit pa akong lalo sa kanya habang tila nawawala sa sarili si Stephen habang patuloy ito sa pag-inom mula sa akin. Ngayon ay nakuha ko na ang kanyang buong atensyon. Isang malawak na ngiti ang nabuo sa aking mga labi. Ngayon naman ay ipapakita ko sa kanya kung ano ang mawawala sa kanya kung patuloy niya akong itataboy sa kanyang buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top