Chapter Twenty Four (Continuation)

Part TWO of Chapter Twenty Four

Noong una ay ayaw pumayag ni Lenard sa suhestyon ni Violeta na turuan ako.

"Violeta, nahihibang ka na ba? Walang pahintulot mula sa master ang pinapagawa mo sa akin!" dinig kong sabi ni Lenard.

"Para sa master din itong ipinapakiusap ko sa 'yo." Sabay sila lumingon sa kinatatayuan ko bago nagpatuloy si Violeta. "Oo, mapo-protektahan natin sila, pero paano kung nasa ibang bansa na sila at sinundan sila ng mga hunters? We will be doing the master a big favor if Elizabeth will be strong enought to at least defend herself."

Nakita kong ayaw pa rin pumayag ni Lenard. Kaya naman ay kusa ko na siyang nilapitan. "Please. I don't want to be a burden to Stephen."

Bumuntong-hininga na lamang si Lenard at wala nang nagawa. "Bakit kasi hindi na lang ikaw ang magturo, Violeta."

Tumalikod lamang si Violeta at humarap sa akin. "Nakapalda ako. Hindi kumportableng magturo kung nakapalda," simpleng sagot ni Violeta sabay kindat sa akin.

Ngayon ko lang napansin ang paldang suot ni Violeta. Madalas ko siyang nakikitang nakapalda na mahaba. Ang akala ko ay dahil personal preference niya ito. Ngunit ipinakita niya sa akin ang kanyang sikreto. Isang leather strap sheath ang nakapulupot sa kanyang binti, at dito niya ikinukubli ang kanyang sandata—isang matalim na dagger.

"Mahirap na ang buhay ngayon," paliwanag niya. "Dapat lagi kang handa at alisto kung nabubuhay ka sa mundo ng mga bampira."

"Buti na lang at pumayag si Lenard. Hindi ba siya mapapahamak dahil sa ating pinakisusap sa kanya?"

Umikot ang mga mata ni Violeta. "Huwag mong alalahanin iyon. Ang totoo ay natatakot siyang masaktan ka sa pagtuturo niya dahil alam niyang sasaktan siya ni Stephen kung nasaktan ka."

Natawa ako sa sinabi ni Violeta. Tama. Nakikita ko ngang may punto ang alinlangan ni Lenard.

Sinimulan na ni Lenard ang pagturo sa akin. Mga simpleng galaw lamang ito ngunit alam kong makakatulong ito balang araw. Nasa huling bahagi na siya ng pagtuturo nang dumating si Stephen. Hindi naman sinasadyang ang eksenang nakita ni Stephen ay kung saan nakayakap nang mahigpit si Lenard sa akin mula sa likuran habang pinipilit kong kumawala sa kanya.

Isang tingin lamang mula kay Stephen ay biglang nataranta ang kawawa kong instructor at binitawan ako na para bang napaso ito.

Lumapit sa amin si Stephen, ang mga nakakamatay na titig niya ay nakatuon pa rin kay Lenard.

Umikot lamang ang mga mata ko at hinampas sa braso si Stephen. "Ano ka ba? Papatayin mo ba sa takot si Lenard?"

Humaba ang mga pangil niya. "Kung kinakailangan. Hindi ko siya binigyan ng pahintulot na hawakan ka."

Hindi ko alam kung maiinis ako sa pagiging posessive niya, matatawa o kikiligin. Pinilit kong sumeryoso. "He was just teaching me, Stephen."

"Fine. I will let him live if you will come with me now."

Nakita kong napalunok si Lenard, ang mga mata niya ay nakikiusap sa akin na sumama na ako kay Stephen kundi ay buhay niya ang magiging kapalit. Habang si Violeta naman ay nakangisi.

Hinalikan ko si Stephen sa mga labi at bumulong sa kanya. "Let's go then, love. I want to show you something."

"Does it involve you getting naked on my bed?"

"Maybe," sagot ko habang hila-hila siya palabas.

Nakita ko naman ang paghinga nang maluwag ni Lenard dahil hindi pa pala magtatapos dito ang buhay niya, at ang pagtawa ni Violeta sa hitsura ni Lenard.

Dinala ako ni Stephen sa kanyang opisina at may ibibigay raw ito sa akin. Umupo naman ako sa sofa habang may kinuha siyang isang kahong nakapatong sa kanyang mesa. Umupo naman ito sa tabi ko at inabot sa akin ang isang kahon na gawa sa kahoy.

"Ano ito?" tanong ko.

"Open it."

At binuksan ko nga. Sa loob ng kahon ay may isang patalim. I held the dagger and realized it was made of silver. I shifted my gaze at Stephen. "Why are you giving me this?"

"When I became a vampire, I promised my self that I would end my life as a vampire once I executed my vengeance. So I paid someone to wield me this dagger, and use it to kill my self later on. But then, vengeance and anger drove me to live on further."

"Stephen, silver cannot kill a vampire."

"Yes, and stabbing me in the heart won't kill me, either. Isang baguhang bampira pa lamang ako noong mga panahong iyon at hindi ko pa alam ang mga bagay-bagay tungkol sa mga bampira."

"So why are you giving this to me?"

"Because you are right. I won't always be with you. I want you to be safe. Use it to defend yourself if needed. And once you've learn how to handle a gun, then I might consider giving you one."

I admit, handling a gun scares me. And I might not be able to get used to it. Ang sabi pa ni Lenard kanina, if I'm not confident holding a gun, then better not hold one at all. But I was determined earlier, and so I promised myself I wouldn't give up learning.

"How will you get a license for the gun?" I asked.

"When will you learn that vampire laws are different from the human laws?"

"But still..."

"I will take care of it," he said with finality.

Mahirap talikuran ang mga patakarang kinamulatan ko na. Kailan ko kaya tuluyang matututunan ang mga kaugalian ng mga bampira? Nararapat bang matutunan ko ang mga iyon at sundin kung isa pa rin akong tao hanggang ngayon?

Higit sa lahat, magbabago pa kaya ang isip ni Stephen at gagawin akong isang bampira upang makasama ko siya habambuhay?

"Devon."

Narinig ko ang malamig na boses ni Stephen. Nakakakilabot ito at may halong pagkasuklam sa kanyang tinig.

"Stephen, what's wro—" Natigil ako sa pagsasalita nang tumayo si Stephen at pumwesto sa harapan ko. Sa bungad ng pintuan ay nakatayo ang tinuring na hari ng mga bampira.

"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Stephen kay Devon.

Umangat ang isang dulo ng labi ni Devon. "Para dalawin ang aking future..." Lumipat ang kanyang mga titig sa akin. "...niece."

"Leave her out of this. Wala siyang kasalanan," matigas na tugon ni Stephen.

"Tama ka. Marahil ay wala siyang kasalanan. Ngunit ikaw... May mga pananagutan ka Estaban. Nakalimutan mo na ata ang mga patakaran. Kamatayan ang hatol sa mga pinaggagawa mo. Nakalimutan mo na ba ang mga ginawa sa 'yo ng pamilya ng babaeng iyan? Esteban?"

"Stop calling me Esteban. I have moved on, and I will be building a new life with my Elizabeth."

Tumayo ako at tumabi kay Stephen. Dahil sa pagmamahal na ipinapakita ni Stephen para sa akin ay nadaragdagan ang aking tapang. "Leave us alone. Wala kaming ginawang masama. Nagmamahalan lamang kami."

Naningkit ang mga mata ni Devon. "Ang pagmamahalang iyan ang magiging bitay ni Esteban. At ikaw ang kanyang kahinaan." Lumapit pa ito nang husto sa amin. "Binabalaan ko kayo. Kung ipagpapatuloy n'yo pa ang inyong mga binabalak, ipinapangako ko sa inyo, ako mismo ang papataw ng kamatayan sa 'yo, mahal kong pamangkin."

Dahil sa bantang binitiwan ni Devon, hindi ako nagdalawang isip na humakbang palapit sa haring bampira at itinapat ang hawak kong patalim sa leeg niya. "Subukan mong galawin ang kahit isang hibla ng buhok ni Stephen at ipinapangako ko rin sa 'yo na gigilitan kita ng leeg at ibibilad ko ang katawan mo sa ilalim ng araw hanggang sa wala ng matitira sa 'yo kundi abo."

Ngunit hindi natinag si Devon sa aking banta. Bagkus ay ngumisi lamang ito. "Is this tiny female for real? Challenging the king of vampires with just a tiny dagger. Maybe, when Stephen dies, I might consider making you my Bloodslave."

Akmang susugurin sana ni Stephen si Devon, ngunit pinigilan ko ito.

Humalakhak lamang si Devon. "Tuluyan ka nang nakontrol ng babaeng iyan. 'Yan ang kahinaang nagagawa ng pag-big." Nang sinabi niya ang katagang 'pag-ibig' ay parang diring-diri ito sa salitang iyon. Ano kaya ang nakaraan ng hari ng mga bampira at may matindi itong galit sa salitang pag-ibig?

Devon pushed the dagger away from his neck using one finger. The sharp blade made a cut on his finger and blood started dripping, pero tila bale wala ito sa kanya. "Isang babala para sa inyong dalawa. May debilitasyong nagaganap ngayon sa loob ng aking pamamahala. May mga gumagalaw nang palihim sa loob ng council na gusto akong pabagsakin. At gagamitin nila ang kaisa-isa kong tagapagma. Kaya mag-ingat ka. Baka sa kamay pa ng mga kalaban ko kayo mamamatay." Isang tingin sa aking hawak na patalim ang ginawa niya, bago umiling at natatawang nilisan ang opisina ni Stephen.

"Elizabeth, get ready. Malapit na tayong umalis."

Lumingon ako kay Stephen, at kitang-kita ko sa mukha niya ang matinding epektong idinulot ng mga huling sinabi ni Devon. At pakiwari ko'y may nalalapit na matinding kaguluhan ang magaganap sa mga susunod na araw sa sikretong lipunan ng mga bampira.

***

A/N: hello! Happy easter po sa inyong lahat! ♥♡♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top