Chapter Twenty Four

Part ONE of Chapter Twenty Four

We would be making our escape soon. We would make a new life in a place where freedom was not a luxury, but a gift. A right.

But Stephen gave me a warning. Escaping this place would be like escaping hell. It'd be difficult, he said. But once we were freed from the fire and clutches of the vampire laws in this town, freedom was to be our grand trophy.

"Nakakasiguro akong magiging ligtas tayo sa ating pagtakas. At kayang-kaya kitang protektahan," ang sabi pa sa akin ni Stephen isang gabi.

Wala akong agam-agam na kaya niya akong protektahan. Ngunit alam kong dapat matutunan ko rin ang kung papaano pangalagaan ang sarili. Buong buhay ko ay itinuring ako na parang isang mamahalin at babasaging manika—mahina at dapat protektahan. Sa mundong aking kinagisnan, sa mundo ng huwad na mayayaman, iyon ang katangiang binansag na normal sa aming lipunan. At ngayon na lilisanin ko na ang lugar na ito, nararapat lang na isantabi ko na rin ang kaugalian na aking kinalakihan.

"Pero Stephen, mas mapapanatag ako kung kaya ko rin pangalagaan ang sarili ko." Umupo ako sa tabi niya. "Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay kasama kita. At isa pa, gusto ko rin na maipagtanggol ka. Gusto ko rin lumaban."

Tumaas ang isang kilay ni Stephen. "Gusto mo 'kong ipagtanggol? Sa liit mong 'yan, sa tingin mo ba ay may panlaban ka sa mga bampirang kumakalaban sa akin?"

Hindi pa rin nawawaksi ang paniniwala ni Stephen na ipinanganak na mahina ang mga kababaihan at kailangan nila ng mga kalalakihan upang ipagtanggol sila.

That chauvinistic male vampire. When would men realize that women are just as strong and independent as them? Maybe not in terms of strength, but still, women who are driven and possess a strong determination can do anything men can do. Or at least that was how I see it now.

"I want to be the one to protect you," dagdag pa niya. "I'm more powerful than you in strength."

I made an undignified snort. Ang paniniwalang iyan ni Stephen ay baka maging isa pa sa mga dahilan ng aming pag-aaway sa hinaharap. Powerful, he said. Oo, mas malakas sila. Pero may taglay ring kapangyarihan ang mga kababaihan. And that is knowing how to stroke the ego of men.

"Oh, I absolutely love it when you talk like that! My strong, powerful, vampire lover," ang sabi ko sabay himas sa braso niya.

"Yes, yes. Tama ka. Makapangyarihan ako. Malakas ako. At kayang-kaya kita protektahan. Kaya wala kang dapat ipag-alala, Elizabeth."

"Alam ko naman iyon. And I know you're a skillful fighter."

"Of course I am! Hindi mo naitatanong, alam ko rin ang mga tinatawag ninyong martial arts. I also know how to handle a gun. Knife throwing, as well as fencing, is a piece of cake. And archery? It's just child's play for me. Although, I really have no use for those things since my strength alone is enough."

Gusto kong matawa sa taglay na kayabangan ni Stephen. Kahit isa itong bampira, lalaki pa rin ito. At likas na sa mga lalaki ang magpa-impress sa mga babaeng napupusuan nila. "I know. Alam kong wala kang kinatatakutan, at sila pa ang dapat matakot sa 'yo."

"Again, tama ka. I have great influence among my peers. And I know how to strike fear in their mind. Isang tingin ko pa lang sa kanila ay nanginginig na sila sa takot. And you're right—wala akong kinatatakutan."

"Hmmm..."

Tumaas muli ang kanyang kilay. "You don't believe me?"

"Hindi naman sa ganoon. Kaya lang..."

"Kaya lang ay ano?"

"I realized you do fear something."

"I don't fear anything!"

"I don't know, Stephen. I think you fear na baka malampasan kita. Baka nga sa konting practice ay mas marunong na akong humawak ng baril kaysa sa 'yo. Siguro, sa loob lamang ng ilang araw ay mas magaling na ako sa pagtapon ng patalim."

Humalakhak ito ng nakakainsulto. "Ha! That's impossible!"

"Oh, well. I guess we'll never know..."

Tinitigan ako nang taimtim ni Stephen gamit ang mapanuring mata niya. "I see what you're trying to do here, Elizabeth."

"Don't be ridiculous. I'm not doing anything," I lied.

Naningkit muna nang bahagya ang mga mata niya bago unti-unting tumaas ang isang dulo ng labi niya. "I'll prove you wrong. You can never beat me. Tell you what, how about if we'll have a contest."

"Contest?"

"Oo. Isang paligsahan using a weapon of your choice. Kung mananalo ako, tatanggapin mo ng kusa na ako ang poprotekta sa 'yo at kakalimutan mo na itong kahibangang ito."

"At kung nanalo ako?"

"Bukod sa hahayaan kitang gawin ang nais mong ito, ibibigay ko sa 'yo ang kahit na ano'ng kahilingan mo."

"Kahit na ano?"

Isang nakatutuksong ngiti ang ibinigay ni Stephen sa akin. "Kahit na ano."

"Deal!" masaya kong tugon.

True to his word, Stephen allowed me to learn things that was said to be against the conduct and etiquette set by Haven Ceres for us ladies of the high society of Salvacion.

Marahil ay ito na rin ang naisip na paraan ni Stephen upang hindi ako mainip tuwing wala siya. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya at hindi pa rin kami umaalis ng bansa, ngunit may tiwala ako sa kanya. Kaya naman ay itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa mga itinuturo sa akin ni Lenard Martinez, ang isa sa mga body guard ni Stephen.

Si Lenard ang naatasang magturo sa akin ng tamang paggamit ng baril. Laking gulat ko naman na bihasa pala si Violeta sa knife throwing.

"Well, my dear, if your whole life will be connected with the vampires then you need to be prepared to defend yourself," paliwanag ni Violeta sa akin. "Tulad mo, hiniling ko rin sa mga bodyguards ni Stephen na kahit papaano ay turuan ako. Kailangan ko rin protektahan ang sarili ko, hindi ba?"

"But how come they never teach us any self defense in Haven Ceres?"

"Simple lang. Dahil magagamit n'yo ito laban sa mga bampira. Remember, your aim and role is to please the vampires. And if seeing you in pain pleases the vampires... alam mo na ano ang ibig kong sabihin."

Napalunok ako. Hindi naman ako inosente para hindi maintindihan ang tinutukoy ni Violeta. I knew there were people who took pleasure in hurting others during sex. Maswerte ako at hindi ganoon si Stephen.

Pinagmasdan ko ang hardin kung saan ay nagpapahinga muna kami ni Violeta ngayong hapon. Sa bawat sulok ng lugar ay may nakabantay na mga bodyguard. Mga tao rin sila tulad ko. Hindi sila kasing lakas ng mga bampira, ngunit nagagampanan nila ang kanilang mga tungkulin. Walang bakas ng takot o pangamba sa kanilang mukha. Ang ipinagtataka ko ay bakit. Bakit hindi sila natatakot sa mga bampira? May sikreto ba silang alam kung paano mapapatay ang isang kalabang bampira?

"Violeta," simula ko, "how do you kill a vampire?"

Natigilan si Violeta, at kita ko sa kanyang mukha ang pag-alinlangang sagutin ang katanungan ko. "Bakit mo naitanong?"

"It's just that I've noticed Stephen's bodyguards are not afraid of vampires, or protecting one for that matter. Do they know a secret on how to kill a vampire?"

"Stephen's bodyguards are part of his own security forces. They are well trained for their job. As for killing a vampire... hindi naman ito isang sikreto."

"Then papaano mo mapapatay ang isang bampira kung isa silang imortal?"

"All things, the living and the undead, still can meet their demise, Elizabeth. Immortals or not, every creature has its weakness. For instance, ang mga bampira ay hindi basta-basta natatablan ng bala o patalim. Hindi sila mamamatay kung tutusukan mo ang kanilang puso gamit ang wooden stake tulad sa nobelang Dracula ni Bram Stoker. Walang epekto sa kanila ang bawang o mga bagay na gawa sa pilak."

"Are you saying that vampires are invincible?"

"No. What I am saying is that people should not readily believe what they read in novels or see in movies. Ikaw ba ay naniniwalang kumikinang ang mga bampira kapag natatamaan ng sinag ng araw?"

Natawa ako sa turan niya. No. She was right. My Stephen Villaroyal was definitely not an Edward Cullen kind of vampire.

"Although, I like to stick to Anne Rice's ideas of how to kill a vampire," dagdag pa niya. "To answer your question, dear, vampires can be killed by beheading them. After which you need to burn their bodies and scatter their ashes. They said that a vampire can also die if their blood is drained and sucked until dry by another vampire. Pero ayaw naman itong kumpirmahin sa akin ni Stephen kung totoo ito. Prolonged exposure to sunlight can also kill them. Kaya karamihan ng mga Elites ay may mga tauhan na mortal dahil sila ang gumagawa ng mga trabaho ng kanilang amo sa umaga."

"Pero malakas ang mga bampira. Mahirap atang pugutan ang kanilang ulo."

"Yes, yes. That is true. At madaling maghilom ang mga sugat nila. Pero kung ang sugat na matatamo nila ay marami, like a hundred stab wounds or bullets boring into their flesh, matatagalan ang kanilang paggaling. At kung hindi sila makakainom ng dugo sa mahabang panahon, mahihirapan silang pagalingin ang kanilang sarili."

"I see."

"Kaya naman ito ang panlaban ng mga hunters na nasa Order—ang umatake ng sabay-sabay sa isang bampira hanggang sa mabigyan nila ito ng matinding pinsala, humina at saka pugutan ng ulo."

Sa ngayon, hindi pa ako nakakakita ng isang hukbo ng mga hunters. Si Carl pa lang ang nakikita ko. Pero hindi siya natatakot noong pinuntahan niya ako sa party mi Devon. Hindi kaya ay dahil may isang hukbo ang nakaabang lamang sa paligid noong mga panahong iyon?

Biglang tumayo si Violeta. "Let's go."

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa gym. Kakausapin ko si Lenard na turuan ka ng iilang self defense."

"Will it work against the vampires?"

"No. Pero naisip ko, dahil nakatali na ang buhay mo kay Stephen, hindi lang mga bampira ang magiging problema mo." Humarap siya sa akin bago nagpatuloy. "Magiging isa ka na ring target ng mga vampire hunters."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top