Chapter Twenty Eight
Rage fueled me as I execute my vengeance on these vampires who inflicted pain on Stephen. Wala na akong pakialam kung humiyaw ang isang bampira sa sakit dahil sa ginawa kong pagbali sa mga buto nito, o ang mapadaing naman ang isa dahil sa ginawa kong pagsaksak ng patalim ko sa kanyang mata.
Hindi ko rin ininda ang sakit nang sinipa ako ng isang bampira sa may tagiliran, o ang paghampas naman ng isa sa mukha ko. Isang bampira ang lumitaw sa harapan ko at hinagis ako sa gilid hanggang sa tumama ang aking likuran sa pader na bato. Napahiyaw ako dahil ramdam kong nabali ang buto ko sa likod, ngunit ilang segundo lamang ay muli akong sumugod sa kanila.
"Elizabeth?" narinig kong sabi ni Stephen. "Pakawalan mo ako dito, Devon! Si Elizabeth!"
"She can handle herself. Trust me—she drank my blood," ang sagot naman ni Devon.
"Fuck you! Tulungan niyo siya!" hiyaw ni Stephen.
Hindi ko namalayan na dumating na pala rito si Devon, at nakita ko na lamang na tinutulungan na pala ako ni Lucas. Mas brutal sa pakikipaglaban si Lucas dahil kinakagat nito ang leeg ng mga bampirang nakakalaban niya hanggang sa mahiwalay niya ang ulo sa katawan.
"Dammit! What have you done to Elizabeth! Devon!"
"I made her one of us. Hindi ba habang buhay mo siyang gustong makasama? Ayan! Magbunyi ka at pinagbigyan kita sa kapritso mo!"
Hindi ko na pinansin ang pagtatalo nina Stephen at Devon dahil patuloy pa rin ako sa pagkitil ng buhay sa mga bampirang nagpahirap kay Stephen, sa mga bampirang pumatay sa mga kasamahan ni Lenard, sa mga hayop na iniwan akong naghihingalo noong gabing dinakip nila si Stephen sa airport.
Gusto kong maghiganti. Gusto ko silang ubusin. Habang may natitira pang buhay sa kanila, hindi ako titigil.
The blood spurting from their lifeless body exhilarated me beyond measure. It sent a frenzied feeling that rushed trough my veins, an electrified sensation that fed me, turning me into a monster. Just like them. Vampires.
Nanlisik ang aking mga mata. Humaba ang aking mga pangil. At sa bawat pagpatak ng dugo ng mga bampirang aking pinugutan, mas lalong tumitindi ang aking uhaw. Gusto kong inumin ang kanilang dugo, pawiin ang aking uhaw. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili na hindi tumugon sa tawag ng dugo.
Naramdaman ko na lamang na may mga kamay na mahigpit na humawak sa aking magkabilang braso, pinipigilan akong kagatin ang leeg ng bampirang nakahandusay sa sahig.
"Tama na, Elizabeth," bulong sa akin ni Stephen. "Please stop."
Ngunit tila wala ako sa sariling katinuan. Kasabay nang matinding pangangailang gumanti sa mga bampirang ito, ang matindi kong uhaw ang siyang kumokontrol sa aking pag-iisip, sa aking katawan.
Naramdaman kong niyakap ako ni Stephen at pilit niyang hinagkan ang likod ng aking ulo. "Elizabeth, you're better than this. Ikaw ang nagturo sa akin na walang magandang maidudulot ang paghihiganti."
"Hayaan mo na ako, Stephen! I'm so damn thirsty!"
"Then take mine instead! I don't want you to drink their filthy blood!" Niyakap ako ni Stephen mula sa likod. "Ayokong maging katulad mo ako, Elizabeth. Ayokong maging bihag ka rin ng kahinaan naming mga bampira—ang tawag ng dugo. Kaya sa umpisa pa lang ay tutol na akong maging bampira ka."
"Stephen..."
"Please stop, Elizabeth..."
Ipinikit ko ang aking mga mata. Pinilit kong pakalmahin ang puso ko. Huminga ako nang malalim at umikot upang makita ang mukha ni Stephen. Kumirot ang aking puso sa nakita ko. Nanunuyo na ang mga dugo sa kanyang mukha, at ang mga sugat niya ay hindi pa rin gumagaling. Hinang-hina na rin siya dahil sa pagpapahirap na ginawa sa kanya, pero nagawa pa rin niyang alokin ang kanyang dugo upang inumin ko. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. "Stephen..."
Niyakap niya ako nang mahigpit. "Let's go home, love."
Isang tango ang isinagot ko sa kanya.
"Where is Marcus?" narinig kong tanong ni Devon kay Lucas.
"Sinundan niya ang mastermind ng mga dumakip kay Stephen," sagot ni Lucas habang pinupunas nito ang mga duguang kamay sa kanyang suot na T-shirt. "Dapat ko ba siyang sundin? Baka uubusin na naman niya ang isang hukbo ng mga Hunters at tiyak kong magkakaproblema na naman tayo. Naturingang ambassador pa naman ang isang 'yon."
"Ano na naman ba ang pinadadaan ni Marcus? Lagi na lang mainit ang ulo ng isang iyon nitong mga nakaraang araw," muling tanong ni Devon kay Lucas.
"Ano pa? Problema sa puso. Nahawa na ata kay Stephen sa pagiging hibang pagdating sa babae," sagot ni Lucas. "Bakit hindi na lamang nila hugutin ang puso sa kanilang dibdib at nang matapos na ang kanilang kalbaryo? Or better yet why not just eradicate the cause of their pain—those damn women!"
Ngumisi ako nang tinapunan ako ng nakakainsultong titig ni Lucas. "May pinanghuhugutan ka ba, Lucas?"
Nanlisik lamang ang mga mata niya at inilabas ang kanyang mga pangil. Tinaasan ko lamang siya ng kilay. Papalayo na siya nang pahabol ko pang sinabing, "Kapag nakahanap ka na ng babaeng katapat mo, pagtatawanan pa kita at tutulungan pa kitang hugutin ang maitim at mapait mong pusa mula sa dibdib mo."
"Love, huwag mo nang patulan ang mga sinasabi ni Lucas," sabi pa sa akin ni Stephen nang lumabas na kami ng warehouse habang inaalalayan ko siyang maglakad. "Sadyang ayaw lang niya sa mga babae."
"Bading ba siya?" tanong ko.
Narinig kong tumawa si Devon na nasa kanan naman ni Stephen. "Oh, believe me, among the four of us, si Lucas ang maraming babae. 'Yun nga lang iba ang pamamaraan niya pagdating sa pagpapaligaya ng mga babae."
Sa hitsura pa lang ni Lucas, alam kong kakaiba na talaga ang hilig nito. Hindi na ako magtataka kung may mga fetish pa itong nalalaman.
Sa tulong ni Devon ay nadala namin si Stephen sa bahay ni Marcus dahil mas malapit ito sa aming kinaroroonan. Naroon din kasi si Jane, at makakatulong siya sa amin. Nursing ang kinukuha niya, at parehong doktor ang kanyang mga magulang. Kaya naman ay may ideya na siya sa kung ano ang gagawin.
"Malalim ang mga sugat niya," sabi pa ni Jane matapos niyang ma-inspeksyon-an si Stephen. "Hindi ko gaanong kabisado ang Anatomy at Physiology ng mga bampira. Pero matagal bago gagaling at magsasara ang mga sugat niya. If you want, I can stitch him up."
Tiningnan ko si Stephen. Nakatulog ito nang nakarating kami sa bahay. Ayon kay Devon, matatagalan nga talaga ang paghilom ng mga sugat ni Stephen dahil sa mga dugong nawala sa kanya. Ang mga bite marks sa iba't ibang bahagi ng katawan ni Stephen ay sinyales na kinunan siya ng dugo ng mga bampirang bumihag sa kanya.
"Pero bakit iniinom ng kapwa niyong bampira ang dugo ni Stephen?" tanong ko. "Is that even... allowed?"
"There isn't really a law that prohibits a vampire from drinking blood from our own kind," mahinahong sagot ni Devon. "I gave you blood, didn't I? Drinking blood from a fellow vampire makes one stronger. It's like sharing the other vampire's strength. Kaya nga napakalakas mo kanina dahil ininom mo ang dugo ko at ang dugo ni Marcus. Of course that effect will not last forever. But still, it is enough to tempt weaker vampires to drink blood from a stronger vampire. Iyon ang iniiwasan naming mangyari ng Council dahil magagamit itong paraan ng mga bampirang nanggugulo sa aming komunidad na palakasin ang kanilang private army. And I suspect that it was one of the reason why they abducted Stephen. Kaya naman, we provided the auction of Bloodslave, among other things, to sate their thirsts."
Itinaas ni Devon ang manggas ng kanyang itim na polo at kinagat ang isang bahagi ng kanyang kamay na malapit sa pulso. Itinapat niya ito sa ibabaw ng bibig ni Stephen at hinayaang tumulo ang kanyang dugo sa mga labi ni Stephen. "This will be enough. Let's just give him time to heal. And Jane can stitch him up para mabilis ang paggaling ni Stephen."
Tumango lamang ako kay Devon bago siya umalis ng silid. Inihanda naman ni Jane ang maligamgam na tubig at isang bimpo at sinimulang linisan si Stephen.
"Let me do it, Jane," sabi ko pa sa kanya. Tumango naman siya at inabot ang bimpo sa akin. "Nasaan na pala si Marcus?"
Umiling lamang siya. "Hindi ko alam. Hindi pa siya umuuwi hanggang ngayon. Do you think he's okay?"
"Yes, Jane. I know he's fine. Malakas siyang bampira. He can handle himself. And if he didn't came back in one piece, why are you even concerned over his welfare? He never treated you nicely in the first place."
"He was nice to me before..."
"Was is the word. Meaning that was before."
"I really have no idea bakit nagbago ang pakikitungo niya sa akin when I turned sixteen. Simula no'n ay iniiwasan na niya ako. Do you think I am that repulsive para iwasan niya?"
"No Jane, you are not repulsive. In fact, you're the nicest, sweetest person I have ever met. At hindi ko sinasabi iyan dahil best friend kita. Siguro, Marcus doesn't like nice and sweet girls. And It's fine, kasi in the first place he doesn't deserve to have you. Hindi ko alam kung ano ang history ninyo ni Marcus, at hindi kita pipilitin na ikuwento mo iyon sa akin kung ayaw mo. Pero ito ang tatandaan mo, I'm just here for you if you need any help."
Napabuntong-hininga si Jane. "Sometimes, I wish fourteen years old na lang ako habambuhay. Maybe that way, magusgustuhan pa rin niya ako."
"Be careful what you wish for, Jane."
"I'm sorry, Liz. Pero tutulungan mo pa rin ba akong makaalis dito?"
Tinitigan ko si Jane. Nakita ko ang lungkot at paghihirap sa mga dating masigla niyang mukha. She deserved to be treated better. And I was determined to do everything I could to release Jane from being a Bloodslave. "Yes Jane. Tutulungan kita."
Bahagya siyang napangiti. "Salamat, Liz."
Tumayo si Jane at dumungaw sa bintana. Alam kong nag-aalala pa rin ito sa kaligtasan ni Marcus at hinihintay niya itong umuwi nang ligtas. Alam kong may pagtingin ang kaibigan ko kay Marcus. Alam ko iyon, dahil ganyan na ganyan rin ako dati no'ng napagtanto kong umiibig na pala ako kay Stephen.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top