Chapter Twenty

"Liz, hindi ka na naman ba papasok? Aside from the professor looking for you, pinapatawag ka na rin ni Madam Beaufort. Ilang araw ka nang hindi pumapasok. May sakit ka ba?"

Iyon ang sunod-sunod na tanong sa akin ni Jane. Mag-aalas otso pa lang ng umaga ay tinawagan na niya ako sa telepono. Mag-iisang linggo na rin simula nang huling pag-uusap namin ni Stephen, at simula no'n ay nag-iba na ang pakikitungo niya sa akin. Naging malamig ito sa akin. Hindi niya ako hinahawakan kung hindi kinakailangan. Hindi rin niya ako kinakausap kung hindi ito nagbibigay ng utos. Hindi na rin niya ako tinititingnan tulad ng dati. Nasisilayan ko lamang siya tuwing ipinapatawag niya ako kapag iinom siya ng dugo mula sa akin.

Stephen became an aloof and cold man who acted indifferent towards me. The luster and desire in his eyes whenever he looked at me before was long gone now and replaced by an icy glare he would often give me whenever I tried to reach out to him.

Kasabay ng pagbabago ng pakikitungo niya sa akin ay ang pagluwag naman ng pagbabantay sa akin. Noong isang araw lamang ay bigla kong naisipang maglakad sa may hardin hanggang sa nakarating ako sa gate. Nakatayo lamang ako sa tapat ng malalaking rehas na kumukubli sa akin sa teritoryo ni Stephen. Kung dati-rati'y sinisita ako ng mga guwardya na bawal akong lumabas o kahit man lang lumapit sa gate ng walang pahintulot mula kay Stephen, ngayon ay tila wala silang pakialam. Sinubukan kong lumabas ng gate at wala man lang pumigil sa aking makalabas.

Kahit ang linya ng telepono ko ay bumalik na rin isang linggo na ang nakalipas, kaya naman ay nagawa kong padalhan ng mensahe si Jane na hindi na muna ako papasok sa unibersidad.

"Ano ba ang nangyayari sa 'yo?" tanong ni Jane ngunit hindi pa rin ako umimik.

Ano nga ba ang nangyayari sa akin? Bakit pakiramdam ko ay sinadyang gawin ito ni Stephen para ako na mismo ang tumakas at lumayo sa kanya?

"Liz, kung wala kang maisasagot sa akin ay ako na mismo ang pupunta riyan!"

Bumuntong-hininga ako. "I'm fine, Jane. You don't have to worry. Medyo masama lang ang pakiramdam ko. Pero I will be okay. Papasok ako bukas."

"Sige. But please, you don't have to keep secrets from me, Liz. I'm your best friend."

But you're also keeping secrets from me, Jane. Alam kong may pinagdaraanan din si Jane, ngunit hindi naman niya ito sinasabi sa akin. Pero itinikom ko na lamang ang aking bibig.

"Liz?"

"Yes, Jane. I won't keep secrets from you," sinabi ko na lamang upang mapanatag na ang kalooban ng aking kaibigan.

Matapos ng aming pag-uusap ay humiga akong muli sa aking kama.

To say that I was depressed was an understatement. I was not just depressed—I was miserable. I felt like my life had turn for the worse. Heart broken? Yes, I was heart broken. Devastated. Distressed. Distraught. I could go on and on, and try to supply every synonyms to fill in the words to describe what I was feeling right now. But everything would only sum up with one thing: I am broken hearted.

Wala akong ibang gustong gawin kundi lunurin ang saliri ko sa kalungkutang ito. Pakiramdam ko ay nawalan na ako ng enerhiya para bumangon man lang at bumalik sa dati kong buhay.

I just want to indulge and bask in my suffering, let it suffocate me and choke me to death.

I can never love you, Elizabeth.

Dinala ko ang aking mga palad sa aking magkabilang tainga at tinakpan ito na para bang dinig ko pa rin ang mga salitang iyon ni Stephen. He could never love me, he had said. Bakit? Mahirap ba akong mahalin? Ngayon pa na natatanggap ko na kung sino at ano siya?

Marahil ay sanay na si Stephen na makarinig ng mga salitang iyon mula sa ibang babae. Kaya bale wala na sa kanya ang pag-amin ko. Ilan nga ba ang mga babae na nakatira dati rito ang nagsasabing in love sila kay Stephen? Lahat sila. May napala ba sila sa kanilang nararamdaman? Wala.

Wala rin akong mapapala sa pagmamahal ko sa kanya kundi itong sakit na nararamdaman ko ngayon.

Isang katok ang narinig ko mula sa pinto. "Miss Elizabeth?"

Si Gerald. Ano kaya ang kailangan niya? Ipinapatawag ba ako ni Stephen? Pero pasado alas otso ng umaga pa lamang. Gising pa rin ba si Stephen?

Bumangon ako at binuksan ang pinto. "Yes, Gerald?"

"Nais po kayong makasalo ni Miss Violeta sa kanyang pagkakape."

"Tell her I'm..." naghanap muna ako ng tamang salitang sasabihin. "...indispose."

"Kung kinakailangan daw po na kaladkarin ko kayo papunta sa kanya ay gawin ko raw po iyon. Kaya po Miss Elizabeth, sumunod na po kayo sa akin dahil ayaw ko pong gawin iyon sa inyo."

May ganoong kapangyarihan bang taglay si Violeta at kaya niyang utusan si Gerald na gawin 'yon?

Nakaramdam ako ng gutom. Kagabi pa pala ako hindi kumakain. "Sige, Gerald. Susunod ako. Magbibihis lamang ako."

Tumango si Gerald at saka umalis. Mabilis akong nagpalit ng kasuotan at kinundisyon muna ang sarili bago tinungo ang kinaroroonan ni Violeta sa west wing dining hall.

Nakita ko siyang nakaupo sa dulo ng parihabang mesa. Inangat nito ang mga mata niya. "Oh dear. Elizabeth, what have you done to yourself?"

Lumapit ako sa kanya at umupo sa katabing silya. "Is there any particular reason why you asked for me other than to mock at me?"

"No. The only reason why I called for you is to do exactly what you've just said—to mock you. You look horrifyingly miserable, Elizabeth. So miserable to the point of looking so disgustingly pathetic."

Tinaasan ko lamang siya ng kilay. "Kung ganyan lamang ang mga sasabihin mo ay babalik na ako sa kuwarto ko. Excuse me."

Tatayo na sana ako nang muling nagsalita si Violeta. "Masakit bang marinig ang katotohanan, Elizabeth?"

"Ano ba ang gusto mong sabihin, Violeta? Can you just go straight to the point."

"You're pathetic. You're weak. And you disgust me for wallowing into self-pity. Kung inaakala mo ay ikaw na ang may matinding dagok na tinatahak, nagkakamali ka. Hindi ikaw ang pinakakawawang nilalang sa mundong ibabaw, Elizabeth. So stop acting like a spoiled brat and pull your self together."

I wasn't expecting for her to be THAT direct to the point. "Nasaktan ako, Violeta. Wala na ba akong karapatang umiyak at... at..."

"Magmukmok? Magmukhang kawawa? Umasta na parang hirap na hirap ka sa pinagdaraanan mo?"

I stared daggers at her.

She smirked. "Tell me, may nagawa ba ang pagmumukmok mo sa kuwarto? May pinatunguhan ba ang pagkulong mo sa sarili mo sa isang sulok ng iyong silid? Wala hindi ba?"

"I was hurt. And I am still hurting right now. You don't have the right to tell me those things, Violeta. Sino ka ba para pagsalitaan ako ng ganyan? Hindi mo alam ang pinagdaraanan ko."

Isang insultong halakhak ang pinakawalan ni Violeta. "Oh, believe me. I know everything. And when I say everything, I mean everything."

May pakiramdam akong totoo ang sinasabi ni Violeta na may alam ito sa totoong mga pangyayari. Yumuko na lamang ako na para bang sumuko na ako sa pakikipagsagutan sa kanya. Itinuon ko ang aking paningin sa kapeng nasa harapan ko. "He said he can't love me..." mahina kong sabi.

"Tsk. Akala ko pa naman ay matalino kang babae. Katulad ka rin pala ng ibang mga inalagaan ko rito na walang laman ang utak."

Muli kong tinignan si Violeta. "Ano?"

"Just because he said he can't love you does not mean that he doesn't love you."

Hindi ko siya maintindihan. Ano ba itong palaisipan na pinagsasabi ni Violeta? "What do you mean? Stop playing word games with me, Violeta."

"Oh dear, iyan ba ang itinuturo ng mga eskwelahan ngayon? Ang maging isang bobo?"

Ano ba ang hindi ko naitindihan sa mga sinabi sa akin ni Stephen? He told me he could never love me. Ano pa ba ang hindi malinaw roon?

"Read between the lines, Elizabeth," dagdag pa ni Violeta.

I can never love you, Elizabeth. Malinaw pa sa krystal ang sinabi niya. Hindi niya ako puwedeng mahalin kahit kailan. Hindi niya akong puwedeng mahalin dahil—ano nga ba ang dahilan niya at hindi niya akong puwedeng mahalin? Dahil sadyang hindi lang talaga niya ako mahal? O may iba pang dahilan? Hindi kaya ay pinipigilan lamang niya ang sarili niya na huwag akong mahalin? Hindi kaya ay may nagtutulak sa kanya na itaboy ako mula sa puso niya? Hindi kaya ay...

Ayokong umasa. Ayokong gumawa ng maling-akala at masasaktan lamang akong muli. Pero papaano kung...

"Why can't he love me?" tanong ko kay Violeta.

"Bakit hindi mo kay Stephen itanong 'yan?"

Umiling ako. "Alam kong hindi sasagutin ni Stephen ang tanong na 'yan. At isa pa, malamig na ang pakikitungo niya sa akin."

Inilapag ni Violeta ang hawak nitong kape at taimtim na nag-isip ng kanyang sasabihin sa akin. Makalipas ang ilang segundo ay tumingin ito sa akin. "Iba ang pamumuhay ng mga bampira, Elizabeth. Lagi mo iyan tatandaan. May sarili silang gobyerno—may sarili silang patakaran at kaugalian. Mataas ang kanilang tingin sa sarili. Para sa kanila ay nangingibabaw sila sa ating mga mortal na tao dahil na rin sa taglay nilang yaman, kapangyarihan at lakas. Kaya naman ay pilit silang tinutugis ng sikretong organisasyon ng gobyerno ng mga tao.

Sa hanay ng mga bampira, si Devon ang tumatayong pinuno. Kung sa isang demokratikong bansa pa ay maaari mo siyang tawaging isang presidente. Sa isang monarkiya naman ay hari. At si Stephen naman ang kanyang kanang-kamay, ang vice-president, ang crowned prince ng mga bampira. Nakukuha mo ba ang mga sinasabi ko, Elizabeth?"

Tumango ako. Walang ganitong impormasyon ang ibinibigay sa amin ng Haven Ceres. Ang mga itinuturo lamang nila ay ang mga obligasyon naming mga babae sa lipunan ng mga bampira.

Muling nagpatuloy sa pagsalaysay si Violeta. "Kaya naman ay may mga obligasyon si Stephen. May mga bagay na inaasahan ng mga bampira mula sa kanya. Sa likod ng presidente, ay may mga gabinete. Nariyan pa ang legislative at judiciary branch. Kung ang executive branch ay pinamumunuan ni Devon, ang Council of Elders naman ay ang legislative at judiciary all rolled into one. May kapangyarihan si Devon, ngunit may kapangyarihan rin ang mga Elders na pigilan ang kung ano man ang mga desisyon ni Devon na hindi nakabase sa kanilang mga patakaran. It's like check ang balance, my dear."

"Ano ba ang kuneksyon ng mga ito sa nararamdaman ni Stephen para sa akin?"

"Elizabeth, kailangan mong maintindihan ang patakaran ng mga bampira. You have to know their laws and their ways. Vampire laws dictates that a vampire can never have a relationship with a human. Naiintindihan mo na ba Elizabeth? Kamatayan ang hatol sa mga sumuway sa batas nila. Kamatayan para sa mortal na nagkagusto sa isang bampira, at kamatayan sa bampirang nagmahal ng tao. Stephen cannot love you not because he doesn't want to, but because he simply cannot. Because it is their law. At nakatali ang kanyang mga kamay dahil bukod sa patakarang iyon ay nariyan pa ang posisyon niya bilang pumapangalawa kay Devon."

Ipinatong ni Violeta ang kanyang kamay sa kamay kong nasa mesa. "Elizabeth, may mga bagay na nagawa si Stephen para sa iyo na lingid sa iyong kaalaman. Stephen tried so hard not to love you. He said he can never love you, Elizabeth, because he is trying to protect you. He is trying to protect you from Devon and the Elders because he has already fallen for you."


***
A/N: hello! ♥ Sana po ay nagustuhan niyo ang update. At heto nga pala ang mga songs na pinapakinggan ko while writing this story.

1.   Call Me You're Sober    --- Evanescence
2.   Style    --- Taylor Swift
3.   Hush   ---  Automatic Loveletter
4.   Better Than Me   ---  Hinder
5.   Say (All I Need)  ---  One Republic
6.   Love Me Like You Do --- Ellie Goulding
7.   Sweet Dreams  --- Emily Browning/Marilyn Manson
8.   My Heart is Broken --- Evanescence
9.   All of The Stars --- Ed Sheeran
10. No Air --- Jordin Sparks

Any songs to add? :) ♥♡♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top