Chapter Three
It was the following day when I realized my whole world was about to change. Alas-sais ng umaga nang narinig ko ang malakas na katok ni mama sa pinto ng aking silid. I got up from bed and opened my door, all the while thinking what could possibly be the reason why Mama would bother me so early in the day.
I was up all night, crying my eyes out. Nang ipinakilala ko sa kanila ni Papa si Carl, naging malamig ang pakikitungo nila sa aking nobyo. They were civil enough, but I could see the apprehension in my father's eyes and the disapproval in my mother's. At kahit wala silang sinabing masama kay Carl no'ng gabing iyon, pagkarating namin ng bahay ay sinabihan nila akong layuan na si Carl. Hindi raw siya ang nararapat para sa akin.
It was the very first time that I stood my ground and fought with my parents. "This is my life!" I had told them. "Why can't I choose who to be with?"
"It's because you simply can't!" ang sagot sa akin ni Mama. "Hija, you're not allowed to choose. Since the day you were born, that right had been taken away from you."
Alam kong kawalang respeto ang pagsagot ko sa aking mga magulang, ngunit nagulat ako sa kanilang naging tugon. How could one's freedom be taken away from you? Freedom was something all of us had from the beginning. I might say that I never had the freedom to choose what kind of life I had now, but I still had the right to choose what path to tackle on for my future.
After our argument last night, I ran to my room and locked myself in. Sinubukan kong tawagan si Carl sa kanyang telepono, ngunit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nag-text na lamang ako sa kanya at sinabing pumapayag na ako sa kanyang naunang balak. Maybe I was just over reacting. Or maybe, nadala lang ako ng mga emosyon ko para pumayag sa proposal ni Carl. Ngunit naging masunurin naman akong anak sa simula pa lang. At sa pagkakataong ito, tatahakin ko naman ang sarili kong landas, ang landas na napili kong sundin.
Nang binuksan ko ang pinto ng aking silid, natatarantang pumasok si Mama sa loob kasunod ang dalawang katulong namin. Nagmamadaling binuksan ni Mama ang closet, at kulang na lang ay itulak ako ng aming katulong sa banyo upang maligo.
"Ma! Ano'ng kaguluhan ito?" tanong ko.
"Just take a bath and get dressed afterwards."
"Mama, I need to know what's going on."
"Just do what I say!"
Sinundan ko ang kagustuhan ni Mama at hinanda ang sarili. I knew something was up. And suddenly, I felt goosebumps all over my body. Na para bang may nararamdaman akong magaganap na hindi ko magugustuhan.
Tahimik kong sinundan si Mama habang tinungo namin ang opisina ni Papa sa bahay. Nagulat na lamang ako nang makita ko si Madam Beaufort at isang lalaking hindi ko kilala ang nakaupo sa sofa.
Tumayo ang isang matangkad na lalaking estranghero, habang si Madam Beaufort ay nanatiling nakaupo. Sa maliit na bahagi ng aking utak ay may ideya ako kung bakit naririto si Madam. Marahil ay dahil sa pagbabastos ko sa panauhin niya kagabi. Alam kong mahigpit ang patakaran ng Haven Ceres, at kahit minsan sa tingin ko ay napaka-out of bounds na rin ang kanilang mga rules, marami pa rin ang gustong sumali rito dahil sa mga pribilehiyong ipinapangako ng org na matatamasa ng mga miyembro nito.
Ngunit hindi naman ganoon kalaki ang aking naging pagkakasala para puntahan mismo ni Madam Beaufort sa bahay. Puwede naman niya akong ipatawag sa kanilang opisina sa eskwelahan. Bakit kailangan pa niya ako puntahan dito?
"Good morning, Madam Beaufort," bati ko sa kanya.
"Good morning dear," turan naman ni Madam. "I see that you're surprised to see me." Lumingon si Madam kay Mama. "You haven't told your daughter of her duty?"
Duty? Ano ba ang pinagsasabi ni Madam?
Nakita kong umiling si Mama. "No. We haven't informed her of anything. Akala namin ay hindi darating ang panahong ito, na hindi maaabutan ni Elizabeth ang... ang auction."
"Auction? What auction?" sabat ko sa kanilang usapan. Nalilito ako sa kanilang pag-uusap, at gusto kong malaman kung ano ito lalo pa't tungkol sa akin ang kanilang pinag-uusapan.
Ngumiti nang malawak si Madam Beaufort at tumayo sa inuupuan niya. She opened her arms wide, as if welcoming me to something I had no idea what. "You, my dear, are among the lucky ladies chosen to serve our Elites."
"Elites?" Naguguluhan pa rin ako. Ano ba ang mga Elites? Sino ba sila?
Nilapitan ako ni Mama. "Hija... We...we wanted to tell you something."
"What is it?"
Mama and Papa exchanged a nervous glance before Mama went on. "The reason why we have this, all of these—the house, the money, the business—it's because of the help that came from the Havenhurst family."
"Alam ko iyon, Mama. Alam ko ang history at ugnayan ng pamilya natin sa mga Havenhurst. Pero ano naman ang kinalaman ng mga iyon sa nangyayari ngayon?"
"You have to understand, hija, nothing in this world is free. Lahat ng bagay ay may kapalit. At ang pagtulong nila sa ating pamilya, ilang taon na ang nakakaraan, ay may kapalit."
"What are you trying to tell me, Mama?"
"Elizabeth, your great grandfather, out of desperation made a deal—a bargain—with the Havenhurst patriarch. The family business was on the verge of bankruptcy that time. At makukulong si lolo dahil sa mga utang nito. Kaya naman nang inalok ang deal kay lolo, ang lolo ng iyong papa, hindi na niya nagawang tumanggi pa."
"What deal is it, Mama?" Kinakabahan akong malaman kung ano ito. Ngunit kailangan kong malaman ang katotohanan. At bago pa nakasagot si Mama, bigla akong kinutuban. Lumakas ang pintig ng aking puso, na para bang gusto na nito kumawala sa aking dibdib dahil sa matinding takot, nerbyos at kaba.
"Ang anak na babae ng ating pamilya sa bawat henerasyon na mapipili ng isa sa mga Elite ay magiging tagapagsilbi nila..."
"Tagapagsilbi? You mean like a katulong? Babysitter? House keeper? Cook?"
At bago pa nakasagot si Mama, muling tumayo mula sa sofa si Madam Beaufort at humalakhak. "Oh no my dear! You are destined to do far more than those trivial things. You see, my dear Elizabeth, you are chosen to feed our Elite.... Feed them with your blood."
Muntik na akong mahimatay sa narinig ko. At lalo pang nanghina ang aking mga tuhod ng isa-isang idinetalye ni Madam ang aking tungkulin bilang isa sa mga napili.
Ang Havenhurst University ay isang institusyon na nagbabalat-kayo bilang isang paaraalan. Sa likod ng engrade at prestiyosong imahe nito ay nakatago ang madilim na layunin ng paaralan. Dito ipinapaaral ang mga babaeng anak ng mga mamayamang pamilya ng Salvacion na kabilang sa pumirma ng kontrata at nakinabang sa salapi at tulong ng mga Havenhurst. Ang Haven Ceres naman ay ang grupo ng mga kababaihang napili upang pagsilbihan ang mga Elites. Itinuturo din nila ang mga paraan kung paano pagsisilbihan ang isang Elite. At ayon sa eksplenasyon sa akin ni Mama, ang mga Elites ay ang makakapangyarihan at mayayamang grupo ng pamilya na kumukontrol sa mundong aming ginagalawan.
Sila'y kinatatakutan ng lahat ng nakakaalam ukol sa kanila dahil hindi lamang sa taglay nilang kapangyarihan, kundi dahil din sa kung ano at sino sila: Sila ang mga nilalang na nabubuhay sa gabi at kadiliman, mga nilalang na uhaw sa dugo—sila ang mga tinatawag na bampira.
At ang party kagabi ay isa palang auction, at kaming mga bagong miyembro ang atraksyon, mga commodities na ibinebenta sa mataas na halaga. Wala kaming kamalay-malay na tahimik na namimili at nagbi-bid na pala ang mga Elites kagabi. At ako pala ay nabili na ng isang nagngangalang Stephen Francis Villaroyal.
Vampires. I couldn't believe they existed! And I couldn't believe I was sold like a piece of furniture to a creature that I never knew was real!
Binigyan lamang ako ni Madam Beaufort ng kalahating oras para kausapin ang mga magulang ko bago ko pirmahan ang kontrata at sumama sa tauhan ni Mr. Villaroyal.
Iniwan kami ng aming mga panauhin upang mabigyan ng privacy. And the moment that they left, I immediately burst with tears.
"How could you do this to me, Ma... Pa! Anak n'yo ako! At nagawa ninyong ibenta ang anak n'yo sa mga halimaw na iyon para ano? Para dito?" I exclaimed as I spread my arms wide and gestured with my hands the wide room and its expensive furniture. "Para manatili tayong mayaman? Para masuportahan ang bawat luho natin? Para mas lalo pang mapalago ang ating negosyo? We don't need those things! Malapit na ako grumaduate, and I can find a job to support us. We still have savings. We can stand on our own."
Nilapitan ko si mama at hinawakan ang mga kamay niya. "Don't give me to them... Please..."
"You don't understand," ang sabi ni Mama.
"Ano ang hindi ko maintindihan?"
Lumapit sa akin si Papa, at kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot at pagsisisi. "Ang pinirmahang kontrata ni lolo... Hindi lang ang buong kayamanan at ari-arian natin ang kayang bawiin ng Havenhurst sa atin. Kaya rin nilang kitilin ang ating buhay... Anak, patawad kung wala akong nagawa para pigilan ito... Patawad kung isang inutal ang iyong ama!"
I saw Papa crying, and it was the first time that I saw him cry. Papa turned and faced mama. "Laura, ano kaya kung tumakas tayo? Magtago at ilayo ang anak natin? Hindi ko rin maaatim na makitang pinagsisilbihan ng ating anak ang mga kampon ni satanas! Tulad nang ginawa ng aking nakatatandang kapatid na babae noong kabataan niya... namatay siya sa kanilang pang-aabuso. At wala kaming nagawa!"
"Pero Eduardo! Alam mo kung ano ang kahahantungan natin kung tumakas tayo. Kahit saang lupalop pa tayo pumunta, mahahanap pa rin nila tayo," sagot ni Mama.
Nagdidiskusyon pa rin sina Mama at Papa kung ano ang gagawin. Ngunit isa pa rin ang malinaw: Sa oras na lumabag kami sa kontrata at tumakas, kamatayan ang aming parusa. Hindi ko maatim na nakikitang nahihirapan ang aking mga magulang. And even though we sometimes disagree on certain things, I still love my parents. At mas nanaisin ko pang magpaalipin sa mga bampirang iyon kaysa sa hulihin ang aking mga magulang upang pahirapan at patayin.
"Elizabeth can use the back door and escape while I distract the Madam," narinig kong sabi ni Mama.
Nais nila akong tumakas, at magpapaiwan sila upang bigyan ako ng sapat na oras para makalayo. Lumambot ang aking puso dahil sa sakripisyong gagawin ng aking mga magulang. Ngunit nakapagdesisyon na ako.
"Ma, Pa... I will sign the contract. At sa oras na sumama ako sa kanila, gusto kong tumakas na kayo at magpakalayo-layo. Magkita tayo sa probinsya... o sa Batanes, sa bahay ng kaibigan ko." Lumapit ako sa desk at isinulat ang address at pangalang na isa ko pang kaibigan noong high school. Madalas pa rin kaming mag-usap sa telepono kahit pa bumalik ito sa Batanes. Alam kong matutulungan niya ako, dahil minsan ko na rin siyang natulungan.
Ibinigay ko ang papel kay Mama. "Magkita tayo roon. Gagawa ako ng paraan upang makatakas."
"Pero anak—"
Pinutol ko ang pagsasalita ni papa. "I can manage, Pa. Don't worry. Magkakasama rin tayo."
Pumasok na muli sina Madam sa silid. Mabuti na lamang at hindi nagpahalata ang aking mga magulang sa binabalak naming pagtakas.
Pinapirma sa akin ni Madam ang kontrata. Hindi ko magawang mabasa ang lahat ng detalye ng kontrata dahil sa gulung-gulo ang aking isipan. Ngunit nasa huling pahina na ako ng kontrata nang may nakahuli sa aking paningin. Ito'y isang salita na nagbigay ng matinding takot sa aking puso. Ang magiging papel ko ay higit pa sa pagiging alila o tagasilbi.
The contract stated that until my master decided to release me from my contract, I would forever be his Bloodslave.
***
#BloodLustMine
#MaxineLaurelStories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top