Chapter Six
Napansin kong iba ang ikinikilos ng mga babaeng kasama ko sa mansyon. The moment I stepped inside the sitting room where the ladies usually stay at this time of the evening, it seemed like they were throwing daggers at me through their stares. Pakiramdam ko ay ayaw nila sa akin. Dahil ba ako ang pinakabago sa kanila?
"They see you as a threat," paliwanag ni Megan. "Para sa kanila isa kang bagong kaagaw sa atensyon ni Master Stephen. At narinig namin na mismong si Master Stephen ang sumundo sa 'yo kanina."
Dumaan sa harapan namin si Diana, ang tinaguriang pinakamaganda sa grupo ng mga kababaihan dito, at inirapan ako. Ayon din kay Megan, si Diana ang paborito ni Stephen at ang pinakamahal na nabili sa lahat. Nakakaasiwang pakinggan iyon. Nabili. Parang human trafficking lang. The difference was the rich and powerful vampires were the buyers.
Pero kahit sabihin mong galing sa mayayaman at sosyal na pamilya ang mga babae rito, iisa pa rin ang tingin sa amin ng mga bampirang Elites: we were just slaves.
Slave.
Alipin.
Tagapagsilbi.
Bihisan man kami ng Valentino o Gucci, magsuot man kami ng Jimmy Choo o Louboutin, hindi pa rin magbabago ang aming katayuan dito sa lipunan ng mga Vampire Elites. We were still slaves -their blood slaves. And I couldn't believe these girls were contented with their life here! And I couldn't even believe they saw me as a threat!
"Gusto mo bang tumakas dito?" narinig kong sabi ni Megan.
Napalingon ako sa kanya. Seryoso ba siya sa tanong niya? "Oo. Gusto ko talagang tumakas dito. Ayoko dito, Megan. Hindi ko kayang manatili dito..."
"I can help you."
"Paano? Ba't mo 'ko tutulungan?"
"Alam kong hindi ka masaya dito. Ganyan din ang pakiramdam ko no'ng una. Pero 'di naglaon, tinanggap ko na ang kapalaran ko. Nanatili ako dito ng isang taon para sa pamilya ko. At... at tulad ng ibang mga babae dito, I have fallen inlove with Master Stephen the moment that I saw him ."
Napasinghap ako sa turan niya. How could someone love a brute like that monster? Stephen was handsome, no doubt about it. But he was a monster. No one could ever love a monster... Unless he gave them something to yearn for. Pero ayokong manatili pa rito para malaman kung ano iyon.
"Ano, Liz? Gusto mo ba?" tanong niya.
Tumango naman ako. "Papaano mo 'ko matutulungan?"
"Bukas ng umaga, kapag tulog ang mga bampira, tutulungan ka namin na makapunta sa east wing."
"Namin? Sino-sino kayo?"
"Alam kong ayaw sa iyo ni Diana. Gusto niyang makaalis ka na sa mansyon sa lalong madaling panahon para wala na siyang kaagaw. Kaya naman siya mismo ang nagpresenta at nagbigay ng plano para itakas ka. At dahil parang siya ang tumatayong leader ng grupo rito, madali niyang mahihikayat ang iba na tumulong din."
"Sabi mo sa east wing. Hindi ba ipinagbabawal tayo na pumunta roon? Hindi ba pinaparusahan ang kung sino man ang mapadpad doon?"
"Oo. Pero mas madali kang makakatakas kung doon ka dadaan. Mga bampirang tagasilbi ng master ang tanging pinapayagan na pumunta roon, at sa umaga ay tulog sila. Wala masyadong nagbabantay roon, hindi tulad dito sa west wing."
May punto siya. Bantay sarado kami rito sa west wing ng mansyon. Si Violeta... Ang mga lalaking nakaitim na uniporme na napag-alaman kong mga body guards pala namin... Maraming tao ang umaaligid at nagmamatiyag sa bawat kilos namin.
Ano nga ba ang plano ko kapag nakatakas na ako? Bahala na. Basta ang mahalaga ay makaalis muna ako ng mansyon. Saka ko na iisipin kung ano ang susunod na gagawin.
"Sige," sagot ko kay Megan. "What do I have to do?"
"Kami na ang bahala na i-distract si Violeta. Basta dapat bukas ng umaga ay pumunta ka ng east wing..."
Megan relayed to me the plan. And as I slept that night, I replayed the plan over and over in my head.
Kinabukasan, totoo nga ang sinabi sa akin ni Megan. Nang matapos kami kumain ng agahan, agad nilang pinalibutan si Violeta. Ang iba naman ay ginamit ang kanilang ganda at alindog upang agawin ang atensyon ng mga body guards.
Pasimple akong lumabas ng sitting room kung saan dini-distract ng mga babae si Violeta. Tinungo ko ang pasilyong papuntang east wing. Ayon kay Megan, lumakad lang ako ng diretso hanggang sa makarating ako sa malaking bulwagan sa gitna ng bahay at pumunta sa east section.
Sinunod ko ang instructions niya. Nang nakarating na ako sa entrance ng east wing, naglakad akong muli. Ang sabi ni Megan, kung may nakasalubong akong kasambahay sa east wing, ang sasabihin ko lang daw ay may ipinasuyo sa akin si Violeta. Ngunit ang sabi naman ni Megan ay bihira lang daw na may pumupuntang kasambahay sa bahaging iyon ng bahay, depende kung may ipapalinis ang master ng mansyon. Kadalasan daw ay sa gabi naglilinis ang mga kasambahay rito. Mabuti na lamang at wala akong nakasalubong.
Dumiretso ako ng lakad. Isang pasilyo na naman ang sumalubong sa akin. Ang pader sa bahaging ito ng bahay ay kulay pula, at ang sahig ay natatakpan ng makakapal na maroon-colored carpet. Halos natatakpan ng mga malalaking portrait ang pader.
Lumiko ako sa kanan at itinuloy ang paglalakad. May kadiliman ang bahaging ito ng bahay. Dahil siguro sensitibo ang mga bampira sa ilaw na nanggagaling sa araw. Kaya naman ay makakapal na itim na kurtina ang nakatabing sa iilang bintana rito.
Ang sabi ni Megan ay may makikita akong malaking itim na pinto sa pinakadulo ng hallway. Ito raw ang daan palabas sa may bandang gilid ng mansyon. At dahil napapalibutan ng kakahuyan ang lugar na ito, kailangan daw doon ako pumunta, dumirteso lang daw ako hanggang sa makalabas ng kakahuyan. Sa dulo ng kakahuyan ay ang highway at ako na ang bahala na maghanap ng aking masasakyan.
Balak kong maghanap ng telepono at tawagan sina mama at papa na subukang tumakas muli ng palihim. Siguro naman ay hindi na aasahan pa ng bampirang iyon na tatakas kaming muli. At least makakasama ko ang pamilya ko.
If he would kill me, then at least I would be with my family.
Nakita ko ang itim na pintong tinutukoy ni Megan. Binuksan ko ito. Humakbang ako ngunit nagulat ako sa aking nakita. Akala ko ay ito na ang labasan, pero kadiliman ang bumabalot dito. Humakbang akong muli paloob sa silid. Halos wala akong makita dahil sa madilim dito; ang ilaw na nasa likod ko na nanggagaling sa labas ang tanging nagbibigay liwanag.
Hindi kaya mali ang niliko ko? Baka dapat lumiko ako sa kaliwa at hindi sa kanan? Baka naman may isa pang pinto rito sa loob patungong exit?
Nagulat ako nang mag-isang nagsara ang pinto, at tuluyan na akong napalibutan ng kadiliman. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso at nagsitayuan ang mga balahibo ko sa aking braso. Hindi ko maintindihan. Malinaw ang sinabi sa akin ni Megan na dito ang--
Naintindihan ko na. Niloko niya ako. Niloko nila ako. At kahit si Megan ay kasabwat nila sa panloloko sa akin. Gusto nila akong mapahamak dahil alam nila na kapag nahuli ako ay mapaparusahan ako.
I could never trust anyone in this place! I could only trust myself.
May narinig akong yabag sa may 'di kalayuan, ngunit wala pa rin akong makita. Humakbang ako patalikod hanggang sa tumama ang likod ko sa may door knob. Dali-dali akong humarap sa pinto at pinilit na buksan ito ngunit ayaw nitong bumukas. Halos yugyogin ko ang door knob mabuksan lamang ang pinto, ngunit mariin itong nakasara.
I felt my heart going up my throat as I heard the footsteps approaching closer. I turned around just in time to see a shadowy outline towering over me. An arm appeared and was aimed towards me. I thought the arm was about to hit me, so I cowered closer to the door and closed my eyes.
Ilang segundo ang nagdaan at walang suntok o sampal ang dumapo sa akin. Narinig ko na lamang ang click-sound. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, at isang pares ng nanlilisik na mga mata ang sumalubong sa akin. Ang braso nito ay malapit sa aking mukha, at ang kamay pala nito ay nakahawak sa may switch ng dim light. Bahangyang lumiwanag ang kwarto dahil sa mapusyaw na kulay dilaw na ilaw na nagmumula sa maliit na bumbilya sa itaas.
"Well, well... What do we have here?" he said in an ominous voice. "May naligaw atang isang tupa sa ipinagbabawal na lugar."
Stephen Villaroyal looked murderously at me, his eyes turning red. I gasped as he inched his face closer to mine.
"What are you doing here? Were you looking for a bit of fun? Gusto mo bang ipagpatuloy natin ang naudlot sa loob ng sasakyan kagabi?" he sneered.
"I took a bath three times last night just to make sure I'd remove all traces of your hands off my body," hindi ko napigilang sabihin. Tuwing nagiging arogante ito at antipatiko, mas lalo kong nahahanap ang aking tapang. "Nasusuka ako tuwing naalala ko ang mga ginawa mo sa akin kagabi."
Humalakhak lamang siya na para bang hindi ito naapektuhan sa mga sinabi ko. "Then tell me, why are you here?"
"I got lost..." pagsisinungaling ko. But I knew he could see through my lie.
He smirked. "Naliligaw... Isang magandang pagkakataon ito para maligaw ka." Ibinaba niya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak sa switch at biglang hinawakan ako sa aking braso. "You see, dear Elizabeth, I was just getting very hungry, and I needed to eat."
Hinila niya ako't kinaladkad, at buong lakas na itinulak ako hanggang sa tumama ang likod ng aking mga tuhod sa dulo ng kama. Nawalan ako ng balanse at bumagsak ang likod ko sa malambot na kama. Sa isang iglap ay pumaibabaw siya sa akin at itinulak ang aking mga balikat sa kama.
Nakita kong unti-unting humahaba ang kanyang dalawang pangil, habang ang kanyang mga mata ay pulang-pula pa rin. Bakas nga sa mga mata niya ang matinding gutom, at tila nawawalan siya ng kontrol sa kanyang sarili.
Nagpumiglas ako; pinilit kong kumawala sa pagkakahawak niya sa akin. I was frightened beyond measure, and I needed to get out of here, away from him.
Mas lalong bumilis ang tibok na puso ko, at sa sobrang lakas ng pagkabog nito sa aking dibdib, tila naririnig ko na ang mga pintig nito sa aking tainga.
"You deserved to be punished, Elizabeth, for defying the rules," anito. "And I just know the right way to punish curious little girls like you."
Hindi ko na nakita ang pagbaba ng mukha niya sa leeg ko. Bigla na lang ako nakaramdam ng sakit nang kagatin niya ang aking leeg.
His fangs pierced deeper into my flesh, tearing the skin of my neck apart so painfully. It felt like knives were plunging into my neck. Kulang na lang ay hilain niya ang leeg ko gamit ang kanyang pangil at ihiwalay ito sa aking katawan, tulad ng isang leon na nilalapa ang laman ng isang usa.
Napasigaw ako nang patuloy kong ang nararamdaman ang sakit. The pain intensified as I felt him suck my blood out of my body. Nararamdaman ko ang ganid niya habang sinisipsip niya ang aking dugo. Nararamdaman ko ang bawat pag-agos ng dugo ko sa mga labi niya.
Akala ko ay hihimatayin na ako. Mas mabuti pa ngang himatayin ako, kaysa maramdaman ko ang paglapa ng hayop na ito sa aking leeg.
At kahit pa nauubusan na ako ng lakas dahil sa dugong nawala sa katawan ko, pilit ko pa rin siyang itinutulak palayo sa aking katawan habang patuloy ako sa pag-iyak at pagsigaw.
Naramdaman ko ang unti-unti niyang paglayo sa akin. Tinitigan niya ako, ang mga mata niya ay bumalik sa normal na kulay. Biglang umamo ang kanyang mukha na para bang hindi siya makapaniwala sa nagawa sa akin.
Hindi ko mapigilan ang paghikbi. Akala ko ay kakagatin niyang muli ang leeg ko nang inilapit niya ang mukha niya palapit sa akin. Nagulat na lamang ako nang isinubsob niya ang mukha niya sa aking buhok at niyakap ako nang mahigpit.
"I'm so sorry... so damn sorry... Liza..."
Kahit pa ilang beses pa siya humingi ng tawad, hindi ko pa rin siya mapapatawad. Isa siyang hayop. A monster. A beast. I hated him so much.
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak, hanggang sa 'di ko namalayan ay nakatulog na pala ako sa mga bisig niya.
***
#BloodLustMine
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top