Chapter One

"Carl, wait," I told him as I tried to remove his hands around my waist. Masyadong nagiging mapusok si Carl habang bumababa ang nag-iinit nitong mga labi sa aking leeg. Naitanggal ko nga ang kamay niya sa aking baywang, inilapat naman nito ang kamay niya sa aking dibdib. He gently squeezed my breast, and I felt my nipple harden. At kahit hindi pa ako handa sa ganito, hindi ko mapigilan ang umungol. Naramdaman kong itinaas niya ang laylayan ng suot kong palda at gumapang ang isa niyang kamay sa aking binti. Nakaramdam ako ng kiliti at kuryente, habang ang kanyang labi ay naglalakbay pababa mula sa aking leeg.

"Carl, we have to stop," I told him again. This time I pushed him harder away from me.

"But Liz baby, I can't seem to stop myself," sagot niya nang itinigil niya ang paghalik sa akin.

Isang malakas pa na tulak ang ginawa ko sa kanyang malapad na dibdib at tuluyan na niyang inangat palayo ang katawan niyang nakapatong sa akin. Umupo ako mula sa pagkakahiga sa sofa at inayos ang aking blouse. "Hon, hindi ako pumunta rito sa condo mo para makipag-sex sa 'yo. Alam mo naman na hindi pa ako handa."

Narinig ko ang buntong-hininga ni Carl na nakaupo sa tabi ko. He stabbed his fingers through his hair. Dala marahil ng kanyang frustration. Lumapit ako sa kanya at ipinatong ang kamay ko sa kanyang balikat. "Carl, I thought we already had an understanding."

"Alam ko. Nahihirapan lang ako. Gusto kong tumupad sa pangako ko sa 'yo. Pero minsan nahihirapan akong pigilan ang sarili ko."

Kahit papaano ay naiintindihan ko siya. I knew he desired me. I knew he wanted to make love to me. Pero hindi puwede. Nangako ako kay mama na hinding-hindi ko ibibigay ang pagkababae ko hanggang hindi pa ako ikinakasal. Napaka-strict ni mama sa akin. Sa edad ko na bente, hindi pa rin niya ako pinapayagan na magkanobyo dahil baka ma-tempt daw ako at makipag talik sa nobyo ko. Mama had a very archaic view about sex outside marriage. Sa katunayan, she even had me wear a purity ring as a reminder for me to never break my promise of chastity.

At nangako naman si Carl sa akin na maghihintay kami hanggang sa maikasal. Naghahanap din kami ng tamang pagkakataon upang sabihin kay mama ang aming relasyon. Carl Develos had been my boyfriend for the past six months. He's three years older than me. He wasn't exactly the first guy I ever dated. Pero siya ang unang boyfriend ko. No'ng sinabi ko sa kanya ang patakaran at pangako ko kay mama, naintindihan niya ako. And it made me love him more.

Tumayo si Carl at humarap sa akin, kitang-kita ko ang desperasyon sa mukha niya. Matangkad ito at matipuno ang pangangatawan. My friends said I was lucky to have a handsome guy like him for a boyfriend. And with the way I denied him of his needs to make love to me, sooner or later, they said he would leave me for another girl.

Pero hindi ako naniniwalang mangyayari iyon. When I told him of what the others were saying, he just said, "Ako ang pinakamaswerte na lalaki sa buong mundo. Maganda at sexy ang girlfriend ko. Mabait pa at faithful. Kaya ko nirerespeto ang desisyon mo dahil mahal kita. At hinding-hindi kita iiwan."

At tulad ng ibang hopelessly in-love na babae, buo ang tiwala ko kay Carl.

Ngunit may mga bagay na hindi ko pa rin alam tungkol sa kanya. Tulad ng tungkol sa kanyang pamilya. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang buong pagkatao niya.

Napabuntong-hininga si Carl. "Let's go. You'll be late for your next class."

Biglang naging malamig ang pakikitungo niya sa akin. Dahil ba sa hindi ko napagbigyan ang gusto niya?

Tumayo ako at hinaplos ang braso niya. "Hon..."

"I'm sorry Liz. Nadala lang ako. Hindi na kita pipilitin pa." Hinalikan niya ako sa labi bago ito tumalikod at lumabas. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

We rode the car in silence. Even though Carl said he was sorry, I could still feel the tension between us. Pero pakiramdam ko ay may iba pang dahilan kung bakit naging malamig ito sa akin. At itong mga nakaraang linggo ay biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin. He became more aggressive, more persuasive. More hot and bothered...

Nang dumating na kami sa aming destinasyon, ipinarada niya ang sasakyan sa labas ng gate ng unibersidad. Nagpaalam na ako sa kanya na papasok na ako. Isang tango lamang ang ibinigay niya. Umiiwas din siya ng tingin sa akin. Hindi ko na lamang pinansin ang kakaibang kilos niya at tuluyan na lamang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng gate.

Ang Havenhurst University ay pagmamay-ari ng isang prominenteng pamilya dito sa lungsod ng Maynila. Located at our picturesque town of Salvacion on the outskirts of the metro, ang Havenhusrt University ay isang exclusive all-girls school at halos lahat ng mag-aaral dito ay galing sa mayayamang pamilya. Kilala ang pamilya ng mga Havenhurst sa larangan ng business. Sa dami ng negosyong hawak nila, pati ako ay nalilito na rin kung alin ba ang kanila at hindi.

My family was also into business. Hawak namin ang Montemayor Group of Companies. We venture into real estates, telecommunications and recently Papa tried for the restaurant and food chain business. The business was started by my great grandfather, and with the help of the previous Havenhurst patriarch, our family business flourished into an enterprise.

Kaya lumaki ako na ang puro itinuturo sa akin ay ang responsibilidad ko sa pamilya ng Montemayor, sa pamilya ko. Ang iniisip ko naman na responsibilidad na tinutukoy nila ay ang pamamahala ng aming negosyo balang araw. Kaya naman instead of fine arts, ay business management course ang napili kong kunin.

I still had a few minutes left before my class would start, so I headed to the girls powder room first. Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin at sinuklay ang aking mahabang light brown na buhok. Hinayaan ko lang itong nakalugay. Naglagay ako ng kaunting powder sa mukha at lipgloss sa labi. Tinitigan kong muli ang aking repleksyon at hinahanap ko rito ang magandang babae na madalas sambitin ni Carl na nakikita niya sa katauhan ko. But all I could see was just an ordinary girl with a small face and small lips. Hindi ako katangkaran at medyo maliit ang pangangatawan ko. Masyado rin akong mahinhin kung kumilos at kahit sa pananamit ay mas pinipili ko ang mga dresses at skirts kaysa sa mga pants at shorts. Madalas dati ay naiingit ako sa mga kaklase kong babae na mahilig sa soccer at basketball. But mama would always say that sports are for men and a woman should behave as a woman should. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya noon, ngunit sinundan ko pa rin siya at iniwasan ang mga sports na sa paningin ni mama ay panlalaki.

I went to class and sat on my usual chair. As I waited for our professor, I was surprised to find my friend Jane Escueta came in the room and stood beside me.

"What are you doing here?" I asked her. "Hindi naman tayo magkaklase sa subject na ito."

Jane gave me an excited look. "Excused tayo sa lahat ng subject this afternoon. Pinapatawag tayo."

"Pinapatawag nino?"

"Haven Ceres."

Ang Haven Ceres ay isang sikat na grupo ng mga kababaihan sa University. Hindi iyon tulad ng ibang mga organizations at sorority sa eskwelahan na ito. Hindi ikaw ang pipili sa Haven Ceres na salihan ito, kundi ang Haven Ceres ang pipili sa 'yo. Kaya naman ay nagulat ako nang nasambit ni Jane na pinapatawag ako ng Haven Ceres.

"Jane, are you sure?"

Tumango si Jane. "Oo sis. Ito, hawak ko ang letter of invitation." Ipinakita niya sa akin ang isang pale pink na nakatuping papel na may red wax seal na nagsasara rito. Ang seal ay patunay na ito nga ay galing sa Haven Ceres. Biglang nagsitinginan ang mga iba kong kaklase sa amin. Dinig ko ang pagbubulungan nila. Hindi basta-bastang nakakasali ang sinuman sa grupong iyon. And I knew most of the girls were green with envy because of the invitations Jane and I had received.

I snatched the paper from Jane and opened the letter. At tulad nga ng nasabi ni Jane, ipinapatawag ako ng head ng Haven Ceres na dumalo sa kanilang assembly ngayong hapon. Ipinasok ko sa aking hand bag ang letter. "Tara."

Lumabas kami ni Jane at tinungo ang gusaling itinayo para lamang sa Haven Ceres. Ang bulwagan na sumalubong sa amin ay napakalaki at engrande. Mas malaki pa ito kaysa sa hall namin sa aming pamamahay. Sa gitna ng bulwagan ay may nag-aabang na rin na mga babaeng kasing-edad din namin ni Jane.

Nang nilapitan na namin sila, napansin kong ang iba ay may bakas na excitement sa kanilang mga mukha. Ang iba naman ay pagkalito at marahil ay nagtataka kung bakit sila ang napili ng Haven Ceres. Ngunit ang pumukaw sa aking atensyon ay ang mga suot nilang white gold na singsing sa kanilang mga daliri. Katulad iyon sa singsing na suot ko.

Lumingon ako kay Jane at saka ko lang napansin na may singsing rin pala ito, ngunit ang white gold ring na iyon ay ginawa niyang pendant sa kanyang kwintas. "Jane, kailan mo pa isinuot iyang kwintas?"

"Ito ba?" tanong nito sabay turo sa pendant na singsing. "Bigay sa akin ni Mommy no'ng birthday ko. Nakakatuwa nga, eh. Sabi ko kay Mommy, kaparehas nang sa 'yo itong singsing."

Magsasalita pa sana ako nang biglang may nagsalita sa may tuktok ng hagdan. Isang napakagandang babae ang dahan-dahang bumaba sa hagdan, ang mga mapupulang labi nito ay nakangiti sa amin na animo'y may isang sikreto itong itinatago at sabik na ilahad sa amin.

"Welcome, ladies, to Haven Ceres," bati nito sa amin. "You have all been chosen to join our organization filled with beauty and glamour. You are all blessed to be a part of such grandiosity. Once you'll become a member of the Haven Ceres, you will be one of the most important persons in our lavish society. You ladies will hold the future of your families. You, my beautiful angels, my wonderful girls will be the source of life and power to our men. ..."

Hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya. At base na rin sa mga reaksyon ng mga katabi ko ay kahit sila rin ay hindi lubos na naintindihan ang mga nasambit nito. Ngunit bigla akong kinilabutan sa mga huling pahayag nito. It was as if what she said had too much weight on it. Source of life and power... Hindi ko gusto ang mga katagang iyon. And with the way the lady had said it, it sounded as if we were about to be thrown and fed to the wolves.

***

#BloodLustMine

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top