Chapter Nineteen
"Masaya ako at nakabalik ka na."
Hindi ako umimik sa sinabi ni Stephen. Nanatili pa rin akong nakahiga, ang ulo ko ay nakapatong sa kanyang dibdib.
We ended up having sex, though I would rather call it making love. Kumirot ang aking puso. Papaano ko matatawag na making love iyon kung hindi naman kayang suklian ni Stephen ang pagmamahal ko para sa kanya?
Pinilit kong umalis sa pagkakapatong sa kanya, ngunit pinigilan niya ako. "Stephen, kailangan ko ng magbihis. Papaano kung may biglang pumasok dito sa opisina mo at nakita tayong dalawa na walang saplot na nakahiga sa sofa?"
"Walang papasok dito—I'm sure of that. Alam nilang kasama kita, kaya hindi nila tayo gagambalain."
Nanatili na lamang akong nakahiga at mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin na para bang ayaw niya akong pakawalan. I also felt him kissed the top of my head.
Ano ba itong nararamdaman ko? Alam kong kailangan ko nang harapin ang katotohanan, ang marinig mula kay Stephen ang mga sagot sa mga katanungan ko. But why was I still basking in this incredible feeling of just being with him? Why was I prolonging my agony by refusing to face reality?
Mahal ko na si Stephen, at natatakot akong malaman ang mga katotohanan dahil alam kong masasaktan lamang ako.
Pumikit na lamang ako ng mga mata at hinayaan ang sarili na malunod sa pantasyang mahal ako ni Stephen at may kinabukasan ang aming relasyon. Sa loob ng mga bisig niya ay may kakarampot pa ring pag-asang natitira. Sa kanyang mga halik ay ramdam kong mamahalin pa rin niya ako bilang ako na si Elizabeth and hindi bilang si Eliza, ang nakaraang nakatali sa kanyang puso.
"What's bothering you, Elizabeth?" tanong niya sa akin makaraan ng ilang sandali.
"Marami. Hindi mo pa sinasabi sa akin ang mga gusto kong marinig at malaman."
"Ano ba ang gusto mong malaman? Saan ba ako mag-uumpisa?"
Huminga muna ako nang malamin bago nagpatuloy. "Alam kong isa kang Havenhurst."
Naramdaman kong humigpit ang mga braso niyang nakayakap sa akin. "Yes, I am from that family."
"At alam ko rin na kasama ka sa pagbuo ng mga Bloodslave contracts."
"I see you've done your research, my dear."
Umiling ako. "No'ng gabi ng party, kinausap ako ni Carl sa may hardin at—"
"Hindi ba sinabi ko na sa 'yo na iwasan mo na ang lalaking iyon? Hanggang kailan mo bo ako susuwayin, Elizabeth!"
"Stephen," mahinahon kong sabi, "hindi ko naman inaasahan na inaabangan pala niya ako sa hardin. Andito ako ngayon sa tabi mo, hindi ba? Kahit niyaya niya akong sumama sa kanya, hindi pa rin ako sumama. Ano'ng pagsuway ngayon ang tinutukoy mo?"
Nanatiling tahimik si Stephen, at alam kong pilit niyang ikinokontrol ang kanyang galit at emosyon. Ilang saglit pa ay nagsalita na siya. "Dumating si Devon sa ating bansa kasabay nang pagdating ng mga Kastila. Kasama niyang dumating ang kanyang nag-iisang kapatid na babae. Isa na siyang bampira noong mga panahong iyon."
"Papaano siya naging isang bampira? Siya ba ang nag-umpisa ng lahi ninyo dito sa Pilipinas?"
"May mga kaganapan sa nakaraan niya ang tumulak sa kanya na tanggapin ang alok ng muling pagkabuhay." Muli siyang tumahimik na para bang iniisip nang mabuti kung ano ang susunod na sasabihin. "You might be surprised but there were already vampires within the country that time, even before the Spaniards reached our shore. Ngunit noong mga panahong iyon, nakakalat ang mga bampira sa iba't ibang sulok ng bansa at walang tumatayong pinuno sa kanila. Kaya naman ay madali silang napapatay ng mga katutubo."
Hindi ko alam na may mga bampira na pala sa bansa kahit noon pa. "You mean Devon became their leader?"
"Yes. Someone has to protect them, and Devon took the responsibility."
"Papaanong naging kamag-anak mo siya?"
"Ang kapatid na babae ni Devon ay nanatiling isang tao noong mga panahong iyon, at upang hindi ito madamay sa panganib na dala ng pagiging isang bampira, hinayaan ni Devon ang kapatid nito na manirahan kasama ng mga tao at mamuhay ng normal. Nag-asawa ito, nagkaanak at ilang henerasyon ang dumaan ay ipinanganak ako."
"I see." Iyon pala ang ugnayan ni Stephen kay Devon. "Why did you agree to form the contract with Devon?"
"Devon has his own reasons, I have mine."
"At ano ang dahilan mo?"
"Revenge."
Paghihiganti. Kailan ba mawawala sa puso niya ang paghihiganti? Sasabihin ko ba sa kanya ang mga nalaman ko tungkol sa ugnayan ko kay Eliza?
Muling nagpatuloy si Stephen sa pagsasalita. "Alam mo na ang mga pinagdaan ko sa mga kamay ng mga mayayamang tao. Alam mo na rin kung papaano nila ako pinahirapan at pinatay sa huli."
Alam ko ang mga iyon, at kumikirot pa rin ang puso ko tuwing naaalala ko ang mga pagdurusang dinanas niya sa kamay ng mga kapatid at ama ni Eliza.
"And that vapid bitch and how she played with my feelings for her..." patuloy niya. "Akala niya ay umiikot ang mundo sa paanan niya. Akala niya lahat ng nanaisin niya ay makukuha niya. At nang napagtanto niyang hindi ko kayang ibigay sa kanya ang buhay na kinalakihan niya ay ipinagpalit niya ako sa isang mayamang mestizo."
"Mahal mo pa ba siya? Si Eliza?" tanong ko, at hinanda ko ang aking sarili na marinig ang kasagutan niya.
"Mahal?" Bigla siyang tumawa ito ng pagak. "Sa tingin mo ba ay gagawin ko pa ang lahat ng mga ito kung mahal ko siya? Would I embrace darkness and become a vampire because I still dearly loved her? No, my sweet Elizabeth. Love has nothing to do with it. It was all for revenge."
Parang sinaksak ang aking puso sa kanyang tinuran. Nabasag ang ilusyon kong may pag-asang mamahalin din ako ni Stephen. Nawala ang iyon na parang bula, dahil hindi marunong magmahal si Stephen. I realized that part painfully. He could never love anyone after what he had been through with Eliza. Paghihiganti lamang ang laman ng kanyang puso—isang matinding paghihiganti laban sa pamilya ni Eliza at sa mga sumunod na henerasyon nito ang tanging bumubuhay sa kanyang puso. At ang masaklap sa lahat ng mga ito ay hindi alam ni Stephen ang katotohanan sa likod ng pagtaboy sa kanya ni Eliza sa buhay nito.
"Kaya ba ginawa n'yo ang Bloodslave contract dahil gusto mong gumanti sa mga babaeng kahalintulad ni Eliza?" muli kong tanong.
"Yes," matigas nitong sagot. "Dahil gusto ko silang ilagay sa tamang lugar."
Bahagya kong inangat ang aking katawan upang masilayan ko ang kanyang mukha. "And Eliza's family? What about them?"
What I saw shattered whatever thin hope I had left within me. He gave an ominous smile—a smile so evil it gave chills down my spine. His eyes glimmererd into a faraway gaze as if he saw his grand schemes and plots right before him. "I have already extracted my vengeance upon them." He looked at me as he lifted his hand and placed his palm on my cheek. "I already have what I wanted."
Yes. He already had what he wanted. The execution of his revenge through me.
He already had me.
***
Umalis ako sa pagkakapatong sa kanya. Tama na ang kahibangan kong ito. Tama na ang umasa pa at mabibigo rin naman sa huli. Tama na ang magmahal ng isang lalaking kailan man ay hindi na marunong magmahal.
Ang isang taong ayaw magbago, kahit ano'ng pilit ang gawin mo ay hinding hindi na magbabago. At kung malalim nang nakaukit sa kanyang puso at isipan ang paghihiganti ay mahirap na itong pawiin pa.
Stephen would never change his mind about his revenge to Eliza's family—my family. At nawawalan na ako ng pag-asang makawala pa ako sa kanyang paghihiganti.
He looked at me with eyes of a man hungry for vengeance, a man only driven by hatred in his heart, a man who took fulfilment in the miseries and misfortune of people whom he sought revenge. His heart already died along with his humanity. In its place was a cold, black heart inside an immortal vampire.
Stephen would never change. He would forever be the icy, bitter and vengeful predator that he chose to become.
And it wouldn't matter even if I told him the real reason why Eliza left him. Nakatatak na sa kanyang isipan ang ginawa ni Eliza. At nariyan pa ang pagpatay sa kanya ng ama at mga kapatid ni Eliza. Kahit ano'ng gawin ko ay hinding hindi na matatakpan pa ang mapait na nakaraan ni Stephen na siyang bumubuhay sa kanyang patay na puso.
"Where are you going?" tanong niya sa akin nang isa-isa kong pinulot ang mga saplot kong nakakalat sa sahig at sinimulang magbihis.
"Sa kuwarto ko," maikli kong sagot.
"Liza, come back here," he told me in his seductive voice.
Hindi ko na ito kayang tiisin pa. Hinarap ko siya na ngayo'y nakaupo na sa sofa. "Stop calling me Liza! My name is Elizabeth. I am not Eliza, and I will never be like Eliza, so stop comparing me with her!"
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya, ngunit hindi ko na inantay pang magsalita siya. Mabilis kong nilisan ang opisina niya at tinungo ang aking silid. Nang nakaupo na ako sa aking kama ay nagsimula ng bumuhos ang luha ko.
Ang matinding sakit sa puso ko, kasabay ng kawalan ng pag-asa para sa nararamdaman ko kay Stephen ay ang nagtulak sa akin upang bumigay ang puso ko sa sakit at mapaluha na lamang.
I already have what I wanted, he had said. Ibig sabihin tama nga ang unang hinala ko. Ang unang pagkikita namin sa Haven Ceres Ball ay hindi isang pagkakataon lamang. Sinadya niya ang lahat. Ang aming pagkikita... Ang pagkakatali ng pamilya ni Mama at Papa sa kontratang ginawa niya... Hindi na rin ako magtataka kung kagagawan niya kung bakit nalugi ang negsoyo ng lolo ni Papa o ang pagkakakulong ng tatay ni Mama na siyang nagtulak sa kanila upang kumapit sa patalim at sumang-ayon sa alok ni Stephen. He had planned everything from the very beginning.
Pinilit kong kamuhian siya, ang kasuklaman siya tulad ng naramdaman ko no'ng unang araw ko sa pamamahay na ito. Ngunit hindi ko na pala kaya, dahil mahal ko na siya. At mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil alam kong walang patutunguhan ang nararamdaman ko para sa kanya.
Isang katok ang narinig ko mula sa pinto, kasunod ang baritonong boses ni Stephen. "Elizabeth, may I come in?"
Bahangyang umangat ang dulo ng labi ko. Stephen knocked on my door and asked permission to come inside. It was the first time he did that. Usually, basta-basta na lang itong papasok. Stephen never asks—he demands. Maybe there was hope after all.
Tumayo ako at binuksan ang pinto. Tumambad sa aking harapan ang nag-aalalang mukha ni Stephen. At nang nakita niya ang mga natutuyong luha sa pisngi ko, bigla niya akong hinapit, niyakap at hinagkan.
"Why is my Elizabeth crying?" tanong pa niya.
"Will you always refer me as your possession, Stephen? Pakiramdam ko ay isa lamang akong gamit na pagmamay-ari mo."
Dinala niya ako sa loob ng silid ko. Naupo siya sa upuang malapit sa may bintana at hinila ako hangang sa naupo ako sa kandungan niya. "Because you are mine, Elizabeth. You will always be mine."
"Stephen... Kailan ka ba titigil sa paghihiganti mo? Bakit hindi mo na lang..."
"Hindi ko na lang ano?"
Hindi mo na lang ako subukang mahalin. "Kalimutan ang paghihiganti. Matagal na nangyari ang mga iyon. Nakamit mo na ang tagumpay na gusto mo. Nakapaghiganti ka na. Ano pa ba ang kulang, Stephen?"
Tinitigan ako ng taimtim ni Stephen. "I... I don't know. I guess all my life I only had vengeance as my fuel to live that after a long time revenge has already became my companion."
"Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Habambuhay ka na lang ba maghihiganti? Habambuhay mo na lang ba mararamdaman ang pait diyan sa iyong puso?"
"Some things are better left unchanged, Elizabeth. Isa na riyan ang hangad kong maghiganti. Kung aalisin mo iyon sa akin, ano pa ang dahilan ko para mabuhay?"
"Love, Stephen. Love can help you live. Bakit hindi mo subukang magmahal muli at kalimutan ang nakaraan mo kay Eliza?"
"Love is nothing but an illusion. It is a mere sentiment of a weak and foolish man. I am not foolish, nor weak. Love has nothing to do with living."
Napabuntong-hininga na lamang ako. Mahirap baguhin ang pananaw ng isang taong sarado na ang utak. Sinubukan kong ibahin na lamang ang aming pag-uusap. "Ang sabi mo sa akin ay ipapaliwanag mo ang nakita ko noong gabi ng pagtitipon. Ganoon ba kayong mga bampira? Was it normal for your people to perfom such lewd acts?"
"Yes it is for my people."
"I see." Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"No you don't," turan niya. "Ang nakita mo no'ng gabing iyon, kinakailangan kong gawin iyon. It was what they were expecting me to do."
"How come? Bakit iyon ang inaasahan nilang gawin mo?" tanong ko sa kanya.
"Dahil iyon ang madalas kong gawin kapag kasama sila."
"Hindi ka kumibo nang nakita mo ako. Ni hindi mo 'ko hinabol nang umalis ako."
"I had to do it. I had to let you go that time."
"I don't understand! Why did you do it? Bakit mo ginawa ang mga iyon kay Diana? Bakit hindi mo 'ko pinigilang umalis? Bakit hindi mo 'ko hinabol?" Bakit hindi mo 'ko kayang mahalin?
"Balang araw ay maiintindihan mo rin ang lahat, Elizabeth."
"Kailan?"
"May tamang panahon para sa lahat. Just give me enough time, Elizabeth."
Kailan kaya darating ang panahon na iyon? Kailan kaya darating ang panahon na humilom ang sugat sa puso ni Stephen.
Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob. Kailangan niyang malaman na alam ko na ang lahat. Kailangan niya ring malaman ang katotohanan sa likod ng pag-iwan sa kanya ni Eliza. At kailangan na niyang malaman ang totoong nararamdaman ko. "Do I remind you of Eliza? Do I look like her?"
"You look more beautiful than her, Elizabeth."
"I know I look like her. I used to stare at her portrait when I was little."
"Elizabeth..."
"At that time, I didn't even know she was your Eliza. But she was very beautiful."
"She was a deceitful, insipid, vain bitch!" matigas at malamig niyang sabi.
Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi. "Stephen, let go of the past. Let go of the pain. Wala na si Eliza. At tutulungan kitang makalimutan siya. I will help you move on and heal your heart." Muli akong humugot ng lakas ng loob sa aking puso. "Stephen, mahal na kita. At kung mamahalin mo rin ako, o matutunang mahalin ako, matutulungan kitang makawala sa anino ng nakaraan mo kay Eliza. I can help you love again."
Taimtim akong tinitigan ni Stephen, ang kanyang panga ay nakakuyom. Sa bawat segundong nagdaan na hindi siya umimik sa aking sinabi ay nadaragdagan ang kabang nadarama ko. "Stephen?"
Itinanggal ni Stephen ang mga kamay ko sa pisngi niya. "I can never love you, Elizabeth."
***
A/N: and there goes my heart! :(
Anyway po, thank you for those who have been patiently waiting for an update. Sana nagustuhan niyo (kahit masakit ang huling sinabi ni Stephen.)
Vote, drop by sa comment section anytime and spread love!
Again, thank you po sa inyong pagtangkilik at pagsuporta sa story na ito! ♥
LOve lots,
Pinkangel ♥♡♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top