Chapter Nine
"Who is Eliza?"
"Someone who we will never discuss."
"But Violeta, I need to know who she is."
Bumuntong-hininga si Violeta. Alam kong malapit na siyang bumigay sa kakakulit ko sa kanya. Sinadya kong magpahuli at hindi muna umalis sa hapag-kainan. Nakagawian na rin kasi ni Violeta na magpaiwan sa breakfast table upang tapusin ang kanyang pag-inom ng kape tuwing umaga. At nang nakaalis na ang pinakahuling kasamahan ko rito sa bahay, saka ko naman nilapitan si Violeta at umupo sa tabi niya.
Mahigit labin-limang minuto ko na rin siyang kinukulit na ibunyag sa akin ang lihim ni Stephen, ngunit tikom-bibig pa rin ang aming tagapag-alaga.
Uminom muna si Violeta sa kopitong hawak niya bago ako sinagot. "Elizabeth, malaki ang utang na loob ko kay Master Stephen. And I wouldn't betray his trust. Kung hindi niya ipinaliwag sa 'yo kung sino si Eliza, wala rin ako sa posisyon para ikuwento pa sa 'yo ang tungkol sa kanya."
I gave up after that. There was no point in making Violeta talk. Masyado siyang loyal kay Stephen. Ano ba ang ginawa ni Stephan at nakuha niya ang buong tiwala ni Violeta?
Nagpasya na lamang ako na tumuloy na sa Havenhurst University.
Walang masyadong nagbago sa routine ko sa paaralan. Sa umaga ay may mga klase ako. Sa hapon naman ay pumapasok ako para sa leksyon na itinuturo ng Haven Ceres.
I saw my best friend, Jane inside the class room, waiting for me to arrive.
"Jane!" I said, throwing my arms around her, hugging her fiercely. "Ang tagal kitang hindi nakita. Kumusta ka na? Ano na ang nangyari sa 'yo? Okay ka lang ba?"
Isang maliit na ngiti lamang ang iginanti sa akin ni Jane. "Ayos lang ako, Liz. Ikaw?"
"Still alive, unfortunately. I would rather be dead than stay with that creep under one roof!"
Tahimik lang si Jane, nakayuko ang ulo, ang mga mata ay nakatitig lamang sa sahig. Ang dating masayahin kong kaibigan ay nawala na. Sa halip, isang matamlay at walang kabuhay-buhay na babae ang nasa harapan ko. "Jane, what did he do to you?"
Kahit hindi malinaw ang pagkakatanong ko, alam kong alam niya kung ano ang ibig kong sabihin. Umiling lamang si Jane, hindi pa rin ako tinititigan sa mata.
I pulled her hand and led her to the two empty chairs.
Wala pa ang aming guro kaya naman ay kakaunti pa lamang kami sa loob ng silid. I noticed the mixture of atmosphere inside the room. Ang karamihan ay masayang nakikipagkuwentuhan sa kasamahan nila. Ang iba naman ay tahimik, walang kibo at tila parang pasan nila ang daigdig sa kanilang balikat dahil sa mga ekspresyong gumuguhit sa kanilang mukha. Minamaltrato ba sila? Sinasaktan? Ang sitwasyon ba nila ay kahalintulad ng sa akin?
"Liz..."
Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa kaibigan ko. "Jane ano ang problema?"
Umiling lamang siya. "Wala naman. Naguguluhan lang ako. Hanggang kailan ba tayo magiging ganito? Magiging... alipin nila?"
Alipin nila. Ramdam kong may pinagdaraanan ngayon si Jane. Ano kaya ang ginawa sa kanya ng bampirang nagmamay-ari ngayon sa kanya? Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Sinasaktan ka ba niya?"
"Hindi. Hindi sa ganoong paraan."
Hindi ko maintindihan ang turan ni Jane. Parang may itinatago siyang lihim sa akin. Kilala ko si Jane. Kung pipilitin ko siyang sabihin sa akin ang dinaramdam niya, mas lalong hindi ito magkukuwento. Hihintayin ko na lamang na kusa niya itong ikuwento sa akin kapag handa na siya.
"Sino ba ang..." Hindi ko magawang maituloy ang nais kong itanong sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na gamitin ang mga salitang iyon. Naaasiwa ako. Nandidiri.
"Nakabili sa akin? Nagmamay-ari sa akin?" Si Jane na ang nagtapos ng aking sasabihin. At nagulat ako sa diin ng kanyang boses habang binabanggit ang mga salitang iyon.
Tumango lamang ako sa kanya.
"Marcus. Si Marcus Altamonte."
Marcus? Ito kaya ang Marcus na dumalaw kagabi sa mansyon? Siya kaya ang Marcus na mukhang matalik na kaibigan ni Stephen?
Isang ideya ang nabuo sa aking isipan. If he was the same Marcus from last night, then I could use him to my advantage.
"Jane," umpisa ko, "can I visit your new home?"
Bakas sa mukha ni Jane ang pagkagulat. "Ha? Hindi ko alam kung pupuwede iyon..."
"Jane, kailangang ko ng tulong mo. May kailangan akong malaman at mukhang si Marcus ang makakasagot sa mga katanungan ko."
"Magkakilala kayo?"
"Hindi. Pero nakita ko siya kagabi. Ipapaliwanag ko rin sa 'yo ang lahat sa tamang panahon."
Walang nagawa si Jane kundi pagbigyan ang hiling ko. Ayon kay Jane hindi siya sigurado kung nasa bahay si Marcus. Madalas kasi raw ito wala sa bahay tuwing gabi.
"Hindi ka ba natatakot na kausapin siya?" tanong sa akin ni Jane pagkatapos ng aming klase. Sabay kaming lumabas ng building at tinungo ang sasakyan niya.
"Natatakot," pag-amin ko. "Pero alam kong hindi niya ako kayang saktan at galawin."
"Paano mo nasisiguro?"
"Basta, alam ko." Dahil alam kong mananagot siya kay Stephen kapag may ginawa siya sa akin.
Naisipan kong tawagin ang driver ko na hindi ako magpapasundo sa kanya. Ngunit alam kong pipigilan niya lamang ako at papaalalahanin na wala akong permiso mula sa master na sumama kay Jane. Kaya ibinalik ko na lamang ang cellphone ko sa aking bag at sumunod kay Jane.
I felt a prickling sensation at the back of my neck, as if someone was watching me. Before I got into the car, a slight movement caught my attention. I caught a glimpse of Carl standing beside a car not far from where I was standing. He didn't move, or indicated that he was aware of me noticing him. He just stood there, looking at me with an expressionless face.
"Liz, sakay na."
Lumingon ako kay Jane at tumango, ngunit nang ibinaling kong muli ang paningin ko sa kinatatyuan ni Carl, wala na siya roon.
We rode in silence after that. And it only took twenty minutes before we arrived at Marcus' house.
To call it a house was an understatement. It was not a house. It resembled a palace.
Ang bulwagan na sumalubong sa amin ay napakalaki at iniilawan ng malaking chandelier na nagbibigay ng isang mapusyaw na liwanag.
Hinatid ako ni Jane sa kanilang sitting room. "Titingnan ko lang kung andito si Marcus. Maiwan na muna kita rito. Magpapadala lang ako sa katulong ng maiinom mo."
Nang umalis si Jane, naupo ako sa isa sa mga malambot na sofa.
Tama ba itong ginagawa ko? Bahala na. Andito na ako at walang mawawala sa akin kung susubukan ko.
Kailangan kong malaman kung sino si Eliza at ano ang papel niya sa buhay ni Stephen. Ano, kung meron man, ang ugnayan ko kay Eliza? Malaki ang paniniwala ko na upang makamit ko ang kalayaan ko sa mga kamay ni Stephen, kailangan niya munang makalaya sa alaala ni Eliza.
"Well, well. This is quite a surprise."
Ang baritonong boses na iyon ay pumutol sa aking malalim na pag-iisip. Nasulyapan kong nakatayo si Marcus sa may pinto, nakangisi sa akin na akala mo'y naaaliw siya na makita ako. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng silid at umupo sa tapat ko.
"I knew you couldn't resist me," arogante nitong sabi.
I rolled my eyes. Kung si Stephen ay isang bampirang antipatiko, si Marcus naman ay isang bampirang feelingero. "Sorry to burst your bubbles, but you're not my type."
Tumawa ito, halatang natutuwa sa tinuran ko. "And what is you're type of vampire, my dear?"
"Vampire? I despise your lot, frankly speaking. What I meant was you're not my type of species."
"I can see why Stephen likes you. I imagine you never fail to amuse him."
Great. These vampires thought I was born a clown to entertain them. "He tried to rape me. Is that the kind of amusement you vampires enjoy? Hurting and forcing yourselves on us women?"
"Tried to rape you? So you mean Stephen hasn't had a taste of you yet, in the most explicit and sensual sense? Nawawala na ata ang charm ni Stephen sa mga kababaihan."
"Trust me, he isn't the least bit charming."
"So what brings you here? Does Stephen even know you're here?"
"I want to know who Eliza is." Wala ng saysay kung magpapaliguy-ligoy pa ako.
Tumaas ang isang kilay ni Marcus. "And what made you think I would be even telling you who she is?" Pumasok sa loob ang isang tagasilbi at inilapag ang tray ng maiinom sa mesang nasa gitna naming dalawa. Kinuha ni Marcus ang isang kopitong may lamang tsaa. "Sugar?"
"What?"
"I'm asking kung gusto mo ba ng asukal sa tsaa mo."
Umiling ako. "No." Patuloy siya sa paghalo sa tsaa gamit ang pilak na kutsarita. Habang ginagawa niya ito ay hindi ko mapigilang mapansin ang singsing niya na may malaking pulang bato. Was it Ruby?
"Here you go." Nagulat ako at inabot niya sa akin ang tsaang kanina pa niya hinahalo.
Tinanggap ko na lamang ito at tinikman ang tsaa. Earl Grey tea na may halong lemon.
Kumuha rin siya ng isa pang kopito at inimon ang kanyang tsaa. "Where were we? Ah, yes. Eliza. Now why do you want to know about her?"
"My business, not yours." Alam kong arogante ang sagot ko. At nasanay na akong ganoon sumagot kay Stephen. It was a front act, of course. My bravado was just a false mask of bravery I put on whenever I was facing a vampire. I couldn't let them know I was terrified of them. Letting them know I was afraid of them could be used as an advantage for them to control me. I couldn't let that happen. My parents once had control over me. The Haven Ceres now had a control over me. And now Stephen was controlling my life. I would not allow Marcus to have the same power over me.
"Normally I wouldn't do anything for someone for free," turan ni Marcus. "I always have to get something in return."
"And what can I give you to make you talk?"
"One night of hot, kinky, wild sex would suffice. But since I am intrigued as to what you are up to, I'll give you the answer. For Free." Inilapag nito sa mesa ang kopitong hawak-hawak. "Si Eliza ay ang dating kasintahan ni Stephen no'ng mga panahong isang mortal pa lamang siya."
"Mortal? You mean, hindi ipinanganak na bampira si Stephen?"
Humalakhak si Marcus, halatang naaaliw sa pagiging ignorante ko tungkol sa kanilang mga bampira. "Vampires are made, dear, not born. Tulad ni Stephen isa rin akong mortal dati. Naunang naging bampira si Stephen kaysa sa akin. At si Devon naman ang creator namin."
Devon. Narinig ko na ang pangalang iyon. Saan ko ba narinig iyon?
"1899," patuloy ni Marcus, "iyon ang taon ng muling pagkabuhay ni Stephen bilang isang bampira. Isa siyang simpleng mag-aaral noong panahong iyon. Puno ng pangarap sa buhay para sa kanya at sa kanyang minamahal na si Eliza Dolores Alonzo. Si Eliza ay anak ng isang mayamang pamilya, kaya naman ay tutol ang mga magulang ni Eliza sa relasyon nilang dalawa ni Stephen. Isang araw ay nakipaghiwalay si Eliza kay Stephen at nagpakasal sa lalaking napili ng kanyang mga magulang. Nagpakamatay si Stephen dahil hindi niya matanggap ang kanyang pagkabigo. Muli naman siyang binuhay ni Devon. At nang nabuhay siya ay wala na siyang ibang hangarin kundi ang maghiganti sa babaeng dati niyang minahal nang lubos."
Nanlaki ang mga mata ko sa kinukwento sa akin ni Marcus. Poot at paghihiganti pala ang laman ng puso ni Stephen para kay Eliza, hindi pagmamahal tulad ng inaakala ko.
Muling nagpatuloy sa pagsalaysay ng kuwento si Marcus. "Sa tulong ni Devon, yumaman si Stephen at napabilang sa mga Elites. Ang yaman niya ay higit pa sa mga yaman ng mga Alonzo. Isang araw, dinalaw niya si Eliza. Tinanong niya kung bakit siya ipinagpalit nito. At alam mo ba ang isinagot niya kay Stephen?"
"Ano?"
"Dahil hindi kayang ibigay ni Stephen no'ng mga panahong iyon ang mga bagay na nais ni Eliza. Dahil mahirap lamang si Stephen."
"Pero ang sabi mo ay yumaman na si Stephen."
"Oo. At ang nagagawa ng pera nga naman. Muling tinanggap ni Eliza si Stephen sa buhay niya. Handa nitong iwan ang kanyang asawa para kay Stephen. Napagtanto ni Stephen na kailan ma'y hindi siya totoong minahal ni Eliza."
Nakakalungkot ang nakaraan ni Stephen. Isang bigong pag-big ang nagsisilbing bangungot niya. Ngunit mayroon akong hindi maintindihan. "Bakit parang hindi makawala si Stephen sa kanyang nakaraan? Bakit parang nakatali pa rin siya rito?"
"Dahil pinatay niya si Eliza."
Napasinghap ako sa aking narinig. "P-pinatay?" Stephen, a cold blooded murderer?
"Yes. He murdered his ex-lover. At ang huling narinig ni Stephen mula kay Eliza ay ang pagmamakaawa nitong huwag siyang saktan."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top