Chapter Fourteen

I saw my reflection staring back at me as I sat on the chair infront of my mirror. A mixture of fear and unease were clearly visible on my face. Natatakot ako sa kung ano man ang maaaring makita ko o mangyari sa nalalapit na pagtitipon ng mga bampirang Elites. Labin-limang minuto na lamang ang nalalabi bago kami nakatakdang umalis ni Stephen papunta sa kung saan man gaganapin ang pagtitipon.

Kinakabahan ako. Sa katunayan ay dinig ko ang lakas ng pintig ng aking puso dahil sa tindi ng kabang nadarama ko. Sino nga ba ang hindi kakabahan at matatakot? Ang pupuntahan namin ay mapupuno ng mga bampira. Papaano kung hindi nila napigilan ang kanilang sarili at bigla nilang inatake ang mga normal na taong nandoon? Papaano kung ako lamang ang nag-iisang taong bisita roon? Ngunit tiniyak naman sa akin ni Stephen kanina na may makakasama akong mga bisita na mga tao rin na tulad ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim.

Stephen would protect me. He gave me that promise. I would be safe with him.

Narinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto kasunod ang mga papalapit na yabag. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang repleksyon ni Stephen na nakatayo sa likuran ko. Ang mga mata niya ay titig na titig sa aking mukha sa salamin, at kitang kita ko sa kanyang mga mata ang matinding pagnanasa at paghanga para sa akin.

Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa aking balikat. "You look beautiful."

Hindi ko alam kung bakit ako nagbihis at nag-ayos nang husto. I wanted to look my best—no, I wanted to look perfect—for Stephen. And a part of me was flattered with how he reacted when he saw me.

Stephen looked handsome in his black tux. He looked like someone who was fit to grace the covers of a magazine. Hindi mo aakalain na isang bampira pala ang napakakisig na lalaking ito. His lips tilted to one corner, forming a seductive smile.

I smiled back at him. "Thank you." Suot ko ang isang itim na empire-cut strapless gown at ang buhok ko naman ay naka-chignon. Wala akong gaanong make-up, maliban sa pulang lipstick na gamit ko. Isang pares ng dangling earings lamang ang aking accessory.

"Ngunit may kulang," biglang dagdag ni Stephen.

"What do you mean?" Sa tingin ko ay maayos naman ang aking kasuotan. Simple ngunit elegante—ganito na ang nakasanayan ko.

"I want my Liza to sparkle tonight and be the envy of the crowd." May kinuha siyang itim na kahong nakapatong sa lamesa. Hindi ko napansin kanina na may nilapag pala siya roon. Inabot niya ito sa akin at tinanggap ko naman.

Binuksan ko ang velvet case at napasinghap sa aking nakita. "Stephen... I cannot receive this..."

"And why not?"

"It's a diamond necklace, Stephen," I told him as if what I said was already a valid answer.

"And so it is. But I want you to have it." Kinuha niya ang necklace sa lalagyan nito at isinuot sa aking leeg. "Giving you gifts makes me happy, Liza. Please do not deprieve me of my happiness."

Wala akong nagawa kundi tanggapin ang kanyang regalo. "Salamat."

"My pleasure." He bent down a little until his lips were near my ear, and in his husky voice he said, "But I would rather have a kiss for a thank you."

Nagdulot ng kakaibang kuryente ang boses niya sa aking katawan. Kakaiba talaga ang epekto ng presensya ni Stephen sa akin. Unti-unting humihina ang aking depensa laban sa kanya, at ang pader ng pagkamuhi na itinayo ko sa aking puso ay dahan-dahang nagigiba. Stephen now almost had power over me, and my hatred for him was crumbling down as I stood and gave him a passionate kiss that spoke of a deep feeling that was slowly consuming my heart. Could it be that I was starting to...

Biglang pinutol ni Stephen ang aming paghahalikan. "If you will continue kissing me like that, we might not go to the party after all and end up making love on my bed instead."

"I-I'm sorry." Was my kiss too much?

"Tell you what, tomorrow I'll give you a pair of diamond bracelet then you can kiss me like that again. Then we'll make love all day long afterwards."

"I like the sound of that," sagot ko sa kanya, ang mga kamay ko ay kusang pumulupot sa kanyang leeg. "But what if we'll just ditch the party and make love tonight instead?"

"Sounds very tempting, but we still have to go, Elizabeth. Natatakot ka pa rin bang pumunta sa pagtitipon? Sinabi ko na sa 'yo na poprotektahan kita."

Bumuntong-hininga na lamang ako. "I know. It's just that, papaano kung hindi mo 'ko kayang protektahan..."

"Don't you trust me, Elizabeth?"

"I do, but—"

"Then there is nothing to fear. Ako ang bahala sa 'yo. Walang sinuman ang puwedeng manakit sa 'yo. My word is law among the others."

"Ha? Papaanong..."

"Malalaman mo rin kapag dumating na tayo sa pagtitipon. Now, are you ready to go?"

Tumango na lamang ako. Hinawakan niya ang aking kamay at lumabas na kami ng aking kuwarto.

His word was law among the others? With the way he spoke it was as if he had an authority over the rest of the vampires. Who was this man beside me? Saka ko napagtantong marami pa pala akong hindi alam tungkol sa kanya. And yet, I already trusted him with my life.

Nang dumating na kami sa lugar na pagdarausan ng pagtitipon, ang kaba ko ay napalitan ng pagkamangha.

Pagpasok pa lamang ng aming sasakyan sa napalaking gate, namangha ako sa laki at lawak ng lugar. Nang ipinarada ang sasakyan namin sa tapat ng bahay, lumaki ang aking mata sa malapalasyong mansyong nasa harapan namin. Mas malaki pa ito kaysa sa tinitirhan ni Stephen, maging sa tinutuluyan ni Marcus.

This place was fit for a king.

"Shall we?" tanong sa akin ni Stephen, ang isang palad niya ay nakalahad sa akin.

Tumango ako at inilagay ang aking kamay sa kanyang palad. Sabay kaming umakyat sa hagdan patungo sa pintuan ng mansyon. Nang pinatuloy kami ng mga lalaking nakaitim na uniporme, hindi ko napigilan ang mapasinghap.

Ang bulwagang sumalubong sa akin ay napakalawak at napakaengrande. Makikita sa dekorasyon ng bulwagan ang karangyaan at estado ng nagmamay-ari nitong mansyon. The place looked magnificent and spoke of wealth. Gaano kaya kayaman ang may-ari nitong mansyon? Sino kaya ang nagmamay-ari nito?

"Who owns this place?" tanong ko kay Stephen.

"Havenhurst," maiksing sagot niya.

Havenhurst. Ang pamilyang punot-dulo ng lahat ng problema naming mga babaeng naging alipin ng kanilang lahi. Hindi ko pa nakikita ang kahit isa sa mga Havenhurst. Ano na lang ang gagawin ko kung makita ko ang kanilang padre de pamilya? Ang bampirang nagsimula ng lahat ng mga ito? Baka makalimutan kong isang bampira ito at baka hindi ko mapigilan ang sarili kong pagsalitaan ito ng hindi maganda.

Tuluyan na kaming pumasok sa loob, at napansin ko agad ang mga matang nakatutok sa amin—mali, ang mga bisita sa loob ay nakatitig kay Stephen.

"Why are they staring at you?" I asked him.

He gave me a smug smile. "Because I'm popular?"

Pinilit kong sumeryoso ang aking mukha at itinaas ang isang kilay. "Stephen, seryoso ang tanong ko."

His lips titled to one side. "Because I'm with the most beautiful woman in this room."

Namula ang aking pisngi sa kanyang turan. Ngunit alam kong may hindi siya sinasabi sa akin. Hindi ko na siya nagawang tanungin uli dahil bigla niyang hinapit ang aking baywang palapit sa kanya at naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang kamay. It was as if he was trying to protect me—protect his possession—from being taken away from him.

Tinignan ko ang kanyang mukha, and I saw him clenching his jaw. "Stephen, may problema ba?"

"Wala. Just stay with me and don't say anything."

Tumango ako ngunit hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

He was still staring ahead, his jaw clenching. I turned to face the direction he was looking and I saw the crowd slowly parting to the side, revealing a tall man in black tux approaching us.

Kahawig nito si Stephen. Halos magkasintangkad silang dalawa, matipuno rin ang pangangatawan at pareho ang kulay ng kanilang mga mata. Ngunit habang tinititigan ko nang maigi ang papalit na lalaki, nakita ko ang pagkakaiba nila ni Stephen. Hindi ito nakangiti. His mouth was a straight line and he had a very hard look in his eyes. When Stephen looked at me, there was gentleness in his eyes, but this man was looking at me as though I did something that displeased him.

He had a different aura around him. The way he walked demanded attention and the way he moved projected authority.

Ang totoo, mas nakakatakot ito kaysa kay Stephen no'ng una ko siyang nakilala.

Bigla akong napalapit nang husto kay Stephen, seeking protection in his arms.

"Don't worry. He won't harm you," bulong sa akin ni Stephen.

Tuluyan nang nakalapit sa amin ang lalaking iyon, at lahat ng mga mata ay nakatuon sa aming grupo.

"Esteban. Mabuti naman at nakarating ka," bati nito kay Stephen.

Esteban? Tinawag niyang Esteban si Stephen?

I saw Stephen giving the man a smirk. "If you will insist on calling me by my previous name, then I had no other choice but to call you by your true name as well, great, great, great grand uncle Devon."

Devon? Nabanggit na sa akin dati ni Stephen ang pangalang iyon. At naalala kong nabanggit na rin ito ni Marcus, ngunit Lord Devon ang tawag niya rito.

Ang istriktong mukha ni Devon ay napalitan ng isang makahulugang ngiti. "I don't look like a great grand uncle, Esteban. In fact I will never look like one. One of the perks of being a vampire is we never age—we are immortals who will never grow old."

May narinig akong isang tawa at napagtanto kong nasa tabi na pala namin si Marcus. Hindi ko man lang napansin na dumating ito. "Eternal damnation of good looks ang sabihin mo."

"Damnation? Kasumpa-sumpa ba ang hitsura natin?" tanong ni Devon kay Marcus.

Ngumiti nang nakakaloko si Marcus bago sumagot. "Panghabang buhay na kaguwapuhan ang pinag-uusapan natin. Katumbas no'n ay habambuhay buhay akong hahabul-habulin ng mga babae. Nakakapagod rin kaya ang maging isang habulin."

I rolled my eyes. Ang yabang talaga nitong Marcus na ito. Pakiramdam niya ata siya ang sagot sa problema ng mga kababaihan.

"Stephen's Bloodslave seemed to disagree with you, Marcus," biglang sagot ni Devon.

Napayuko ako sa sinabi niya. Bloodslave. Sa lipunan ng mga bampira, isa lamang akong alipin.

Mas lalong humigpit ang kamay ni Stephen sa akin. "Her name is Elizabeth. And I demand for you to respect her, Devon."

Nagulat ako sa sinabi ni Stephen. Ipinagtanggol niya ako. At naramdaman kong lumambot ang aking puso. Bahagya akong napangiti kahit nakayuko pa rin ako.

"So, what they said was right, after all. May kinababaliwan ka palang isang alipin," narining kong sabi ni Devon. "Tandaan mo ang mga patakaran Esteban. Ayokong maparusahan ang nag-iisa at natitirang kong kamag-anak."

Naramdaman ko ang tensyon sa pagitan nila Devon at Stephen. At nang inangat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang matatalim na pagtitig nila sa isa't isa.

Mga patakaran? Si Stephen mapaparusahan? Ano ba ang pinagsasabi nila?

Mabuti na lamang at pumagitna si Marcus bago pa lumalim ang tensyon. "Kahit kailan talaga kayong magtiyo, laging nagtatalo." Humarap siya kay Devon. "Lord Devon, nakahanda na ang silid at naghihintay na ang mga Elders."

Tumango si Devon. "Sige. Sumunod ka, Esteban." At tuluyan na itong umalis.

Naiwan naman si Marcus at nagulat ako nang kinausap niya ako. "Nasa hardin si Jane. Kung pupwede sana ay samahan mo muna siya." Nakita kong umamo ang mukha nito nang nabanggit niya ang panggalan ni Jane. Hindi kaya ay...

"Elizabeth," sabi ni Stephen, "may pag-uusapan lang muna kami sa loob, kaya iiwan muna kita rito. Hindi naman iyon magtatagal kaya huwag kang mag-alala. Walang puwedeng manakit sa 'yo dito."

"Sige, Stephen. Pupuntahan ko rin si Jane." Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa labi. At narining ko ang pagsinghap ng mga bisitang nakakita sa amin, na para bang isang malaking pagkakamali ang ginawang paghalik ni Stephen sa akin.

"I'll see you later," ang sabi nito bago sila tuluyang pumasok sa loob ng silid.

Tumingin-tingin ako sa paligid, at kita ko ang pagtataka sa mga mata ng mga ibang bisita. Ang iba naman ay nakatingin sa akin na tila isa akong mababang-uri ng tao.

Sa halip na yumuko ako, taas-noo pa akong naglakad papuntang hardin. Hindi naman mahirap hanapin ang lugar na iyon dahil nakabukas naman ang lahat ng pinto at tanaw ko kahit sa malayo ang bukana ng hardin.

Lumabas ako at sinimulang hanapin si Jane. Maraming maliliit na ilaw na nagsisilbing palamuti rin sa loob ng hardin, kaya naman ay maliwanag ang lugar kahit gabi na.

Tatawagin ko na sana ang pangalan ni Jane nang may biglang humila sa aking kamay at ang sigaw ko ay pinigilan ng isang kamay na tumakip sa aking bibig.

Malakas niya akong hinila hanggang sa narating namin ang pinakamadilim na bahagi ng hardin.

Gusto kong isigaw ang pangalan ni Stephen. Gusto kong iligtas ako ni Stephen. Ngunit hindi ko magawa dahil sa higpit ng pagkakatakip sa aking bibig.

"Huwag kang sisigaw kung gusto mo pang mabuhay," bulong sa akin ng isang pamilyar na boses.

***


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top