Prologue
---
"Ellaine, hanap ka ni...yung pinagapplyan mo raw." Biglang tawag ni Ella, ang kakambal ko na never may nagtugma sa mukha namin (yup, fraternal daw kami). Agad naman akong pumunta sa pinto kung saan nakatayo si Ella pati na rin ang isang lalaking naka semi-formal attire, pero super classy.
"Anong sinasabi mo, Ella? Wala akong inapplyan—" naputol ang dapat ko sanang sabihin nang may kinuhang papel yung lalaking naka semi-forma—
"Stop calling me by that. I have a name," sabi n'ya at binuklat ang papel na dala nya. "You'll know my name later."
Then he showed the paper with my name at the bottom, including my signature. Kinuha ko yung papel na 'yun at parang pirma ko talaga ito though hindi ko nga alam na pumirma ako rito. Hindi pa rin ako nakabasa ng ganito sa buong buhay ko.
I, Ellaine Felidad , would like to be a part of the company Minovmatt as I've already completed all of the requirements of application as an Agent of this company. I sign this one year contract.
Ellaine Felidad
Signature over printed name
May pumunta sa tabi ni Mr Anony—
"Don't you call me Anonymous," sabi n'ya. "It's better pronoun."
Ayun nga, may pumunta sa tabi n'ya (pronoun daw eh). Nakita ko ang isang petite na babae na familiar ang aura at presence.
"Long time no see, Ellaine. I hope you still remember me," she said coldly and my mind took over me as I started reminiscing.
———
Napadaan ako sa tabi ng building na on going construction. Tumingala ako para tingnan kung ilang floors ang plano ng may-ari ng building na ito. May tumingin sa akin na construction worker mula sa taas. Lumingon s'ya sa isang face ng building kaya lumingon din ako sa direksyon na yun. Pagkakita ko, mula sa twelfth floor ay may medyo malaking debris na mahuhulog sa isang babaeng naglalakad dito sa bangketa.
Linapitan ko s'ya pero malapit nang mahulog sa ulo n'ya yun kaya naituro ko na lang at manlaki ang mata ko. Nakita ko na tumalsik palayo sa aming dalawa yung debris. Matapos nun ay biglang nandilim ang paningin ko at napaupo ako sa sahig. Hinawakan ng babaeng muntik mahulugan ang kamay ko at itinayo ako ng maayos.
"Iha, ayos ka lang? Ano nararamdaman mo ngayon?" Bulong ng babae na yun.
Umiling ako ng kaunti at hindi ko kayang magsalita dahil parang napagod ako.
"Kid, tell me. You're exhausted, right?" Sabi n'ya na parang she's so desperate to know.
"Opo. Alam po ba ninyo kung bakit?"
"I know. Do you know your address? I have to take you to your house." Sabi n'ya at may kinuha s'ya sa sling bag n'ya. Kinuha n'ya ang cellphone n'ya na parang wala pang model na ganun.
May pinakita s'ya sa aking map. Tinuturo ng red dot yung way sa bahay namin. Ilang metro lang naman ang bahay namin dito kaya nung nasa tapat kami ng kapitbahay, tumigil s'ya at hinila ako palapit sa kanya.
"I know you. Ellaine Felidad, nine years and three days old," sabi n'ya kaya napalayo ako ng tingin sa mata n'ya.
"P-paano...pa'no n'yo po nalaman? Binabasa po ba— oh my gulay. Pechay, mind reader?" Bigla kong nabanggit at napatakip ako sa bibig ko.
"By that, I can tell that you like vegetables. Good girl."
She took a matchbox-like thing sa bag n'ya at dinikit sa thumb ko.
"Ellaine, remember whatever I will say."
I nodded as she looked around the place.
"Wait for fate to cross our lives again. All queries shall be answered. Words cannot be forgotten. Potentials will never remain as they are. Remembered are recited today. Wait for Nina, me."
Sa pagsabi n'ya nun ay napasabay ako na parang alam ko ang sinasabi ko. Pagkatapos nun ay bumalik na ako papuntang bahay at hindi ko pa rin naiintindihan ang lahat.
———
"Wait for fate to cross our lives again. All queries shall be answered. Words cannot be forgotten. Potentials will never remain as they are. Remembered are recited today. Wait for Nina, me," nabanggit ko na naman yung sinabi n'ya habang ang babaeng yun ay kasabay kong mag-recite.
"Ellaine," ang pagtawag sa akin ni Ella.
Nabuhayan ako ng pag-iisip. Sinabi ko kay Ella na pumasok muna sa loob at sinunod n'ya.
"Miss Nina, hindi po ba?" Ang tanong ko.
"Seems like you're already understanding what I said. As I've said, you are one of us." She said again as I saw my mom walking towards us.
Nung una, kumunot ang noo ni Mom at nung nagtagal na ng kaunti, she smiled at Miss Nina.
"Mrs. Zamora, if you wouldn't mind. We want to make your daughter see what was everything in her world," sabi ni...Miss Nina? Oh. Yeah, she's Nina.
Wait, just wait. Bakit Mrs. Zamora ang tawag ni Miss Nina kay Mom? Our surname is Felidad, hindi Zamora.
"Nina, you know that I'll be there with her when I already have the courage to tell Ella the truth," Mom said and she smiled. "But I'm glad that you had the initiative. I will let you take her."
I looked at Mom after that. She just smiled coldly. If I am thinking na I already know her so much, I was wrong. This moment is proving me that I still do not know the most. Parang hindi ko s'ya kilala.
"I love you, anak. You will have to do this or else everything will go wrong," she hugged me. "Now, go and prepare your things. Remember, I'll follow there when Ella already knew everything."
What does she mean? Na tulad namin s'ya na hindi ko alam? Na hindi ko s'ya kapatid? Na ampon s'ya kaya kahina-hinala na hindi kami fraternal twins? Oh, my gulay, did I just say that?
What a wonderful sister, Ellaine! Pero, hindi nga. Malay mo, 'di ba? Malay mo kaya sinabing fraternal kami kasi...kasi hindi talaga kami magka-dugo? Ano ba kasi yun?
"Hay, nako Ellaine. Kahit kailan talaga. Mahilig ka mag-isip ng kung anu-ano," Mom said. "Anyway, that proves na you are smart and surely, like us."
I went upstairs to prepare my things. I heard Ella, crying in her room. So I walked towards her. I opened the door without knocking kasi sasabihin n'ya na, "Wag kang papasok, Ellaine!"
"Aalis ka na? Ganon? Iiwan mo kami ni Mom?"
"Hindi sa ganon, Ella. Alam mo naman...hindi mo pala alam," pabulong kong sabi.
"Ano, Ellaine? Ano ang hindi ko alam?"
Napatigil ako nang sabihin ni Ella yun dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top