Chapter 5
---
All eyes landed on me. Then Albert asked me, "how did you block the Mind Scanning?"
"Hindi ko alam ang sinasabi n'yo," I answered.
Hindi ko talaga alam kung pa'no ko nagawa 'yun. Baka naman may problema lang ang utak ko kapag ini-scan. Pero, hindi, eh. Nung ini-scan nila Miss Nina at Mr. Wil— este Paolo, hindi naman sumakit ang ulo nila.
Baka ang utak ni Georgina ang may problema.
Aish, ako pa ang sisisihin. Ang sama talaga.
But then I felt some pain in my head but it is not so much. Baka may nagsa-scan lang. Pero kung si Georgina, yabang lang 'yan.
"Hindi mo alam?" ang masungit na sabi ni Georgina. "For your information, I am a hundred percent sure that you did something to make my head ache."
Anak ng talong, talaga naman. Hindi na ba talaga n'ya ako tatantanan?
"Scan her mind and I know you will feel the same!" ang sigaw n'ya habang tinuturo ako.
Tsk, tsk, tsk.
"Whew, Georgina, ayaw namin," ang sabi ni Andrewmeda as he crossed his arms.
"Baka naman kasi ang utak mo ang may problema," ang sabi ni Albert.
"Where did you get the guts to tell those to me?!" ang galit na tanong ni Georgina kay Albert.
Napatingin ako kay Albert kasi baka s'ya ang nag-scan ng utak ko. Ta's ngumiti s'ya.
"By scanning Ellaine's mind."
Repolyo, sabi na nga ba, may nag-scan ng utak ko kanina. At si Albert pa. Talaga naman.
Sumakit ng bahagya ang ulo ko at alam kong may nagsa-scan nun. Dahil rin tahimik ang lahat kaya pwedeng kahit sino ang nagsa-scan nito.
Hindi nila magagawang basahin ang utak ko. Kung may awa talaga sila sa isang baguhan, hindi nila gagawin 'yun. At hindi nila gagawin 'yun.
"See? My head's experiencing pain again!" ang sabi ni Georgina. So, si Georgina ang nag-scan ng utak ko?
Not a big deal. Mukhang hobby n'ya na 'yun.
"Her brain is dangerous, isn't it?" Si Georgina talaga, ang sakit magsalita. "My head's still aching!"
Tumahimik lahat at nag-echo ang boses ni Georgina kahit hindi naman gaanong close and small ang Meeting Room para mag-echo ang boses n'ya. I guess, it's her nature.
"Oh, come on!" ang isa pa n'yang sabi. "Wala ba kayong pakielam sa akin?"
Narinig ko ang pag-tsk ni Roger at magsasalita na sana s'ya pero naunahan na s'ya.
"Go to the clinic," ang sabi ni Miss Liza.
Nakita ko naman na napapikit na lang si Georgina.
"Wala bang sasama sa akin?" ang tanong n'ya habang minamasahe ang sentido.
"Wala." Nagulat pa ako nang narinig ko na nagsalita si Roger ng matigas. Ang lalim kasi ng boses n'ya. "You're old enough to handle yourself. Be independent."
Matapos nun ay bigla na lang umalis si Georgina habang hawak ang ulo n'ya. Mukhang masakit talaga ang ulo n'ya kasi nag-overheat din ang ulo n'ya.
"Paano s'ya?" ang mahina kong tanong.
"Anong paano s'ya?" ang tanong ni Strata.
"Paano s'ya? Paano kung ma-collapse s'ya sa sahig dahil sa sakit ng ulo n'ya?" ang pagpapatuloy ko.
"Don't worry about her," ang matigas na sabi ni Roger. "She should not be spoiled."
"It's nice na kahit sinusungitan ka ni Georgina, you still care about her," ang sabi ni Strata.
"Ang sa'kin lang naman ay, baka mahirapan s'yang pumunta sa clinic at baka may ma-miss s'ya na part sa meeting," ang sabi ko sabay yuko.
"Ang sabi n'ya nga, 'di ba? Don't mind me, kaya don't mind her," ang sabi ni Bea sabay shrug ng shoulders.
"And besides, she doesn't participate much in meetings like this," ang sabi ni Albert.
"In some cases, pabigat pa s'ya," ang sabi ni Andrewmeda sabay tawa.
Napangiti ako at malapit na ako matawa pero naputol 'yun nang marinig ko ang tawa ni Roger.
Just imagine, ang isang matangkad na lalaki at malaki na nakakatakot ang boses, tatawa ng malakas? Plain weird.
"I agree with that, Drew! Haha," ang tawa ni Roger.
Grabe, ang creepy n'ya tumawa. Parang galing pang kweba ang tawa n'ya. Ang lalim kasi ng boses n'ya.
Wait, Drew? Sino 'yun? Ah, si Andrewmeda! Kasi sabi n'ya nga pala kanina, "Andrew for short, Drew for shorter."
"Everyone agrees na pabigat s'ya minsan," ang sabi ni Roger sabay tawa ulit ng malakas.
"Bakit naman?" ang tanong ko bigla. Parang ang bitter naman nila kay Georgina.
"Kasi, you will have to switch the personality na masungit para walang gulo," ang sabi ni Strata. "Right, Roger?"
"Yeah, haha," Roger answered.
Oh, okay.
"So, ganito ka ka-jolly kapag wala si Georgina?" ang tanong ko kay Roger.
"That's right. Haha," ang sabi n'ya sabay kanta. "—I'm the great pretender—"
"Haha, that suits your voice," ang sabi ni Albert.
Napatawa ako dun kasi alam ko 'yung kanta na kinakanta ni Roger at malalim ang boses ng singer nun. Kaya naman nung kinanta n'ya 'yun, parang s'ya yung kumanta.
"Ellaine, we have to go," ang sabi ni Miss Liza kaya napatingin ako sa likod.
"We will be going to our offices," ang sabi ni Miss Nina sabay wave.
"Albert," ang masungit na tawag ni Mr. Wil— Paolo. Nakakailang kasing tawagin s'yang Paolo. "Look after Ellaine."
Then they left.
Anong big deal sa akin? Anak naman ng talong, nakakainis.
Kaya kong i-scan ang utak ni Albert, kaya kong i-scan ang utak ni Albert.
“ Bakit ba ang sungit sa akin ni Mr. Wilson? ”
Tama ang hinala ko, nasusungitan s'ya kay Mr. Wil— Paolo. Ano ba naman kasi 'yan! Hindi na ako masanay na tawagin s'yang Paolo. Cursed ba ang name n'ya? Hindi naman siguro.
Mr. Wilson na lang ang itatawag ko sa kanya.
"Okay, going back to the topic," ang sabi ni Bea sabay adjust ng salamin.
Nagising ako kasi discussion ulit, kahit na paputol-putol ang discussion.
"Can you recall anything different in your past?" Ang tanong ni Roger. "Anything that involves your mind?"
Anything that involves my mind. My mind. Ang exam ko sa Math noong High School student pa ako, ang pagboo ng jigsaw puzzle, ang pag-solve ng Algebra, ang pag-iisip sa essay sa school.
"Lahat naman, may something to do with my mind," ang sabi ko while smiling weakly.
"Let's put it this way," ang pagsisimula ni Andrewmeda. "I am in the Constell Team, and I can determine what kind heavenly body in the space is."
Tumayo si Andrewmeda sa upuan n'ya at tumingin sa bintana. Sa gilid ng bintana ay may white na button and he pressed it. Later on, the blue skies in the window turned into a view of a starry night sky.
Andrewmeda pointed a bright star by his forefinger and said, "that was Capella." Linipat n'ya naman ang daliri n'ya sa isa pang star na easily recognizable.
"That's the El Nath star," ang sabi n'ya at nag-trace s'ya ng pattern sa window glass. "And this is the Auriga Constellation."
Matapos nun ay pinress n'ya ulit ang white button na nasa tabi ng bintana at bumalik na sa pagiging morning scene ang bintana. Then I realized that my jaw dropped.
Ang paglo-locate kasi ng stars ay hindi madali at ito'y mabusisi pero s'ya, isang tinginan lang. Ang paglo-locate din ng stars ay nangangailangang maghanap muna ng constellation para mahanap ang isang star, pero s'ya, nahuli ang constellations. Anak talaga s'ya ng mga Constellations.
"Tama na ang pasikat, Drew," ang sabi ni Strata sabay tayo. "Ako naman."
At tulad ng nakita ko kanina, napapalutang ni Strata ang mga bagay. Kahit na nakita ko na 'yun kanina, hindi ko pa rin maiwasang ma-amaze. Naramdaman ko na medyo masakit ang ulo ko at alam kong sina-scan ni Strata ang utak ko. Hindi ko rin pinansin.
"Don't get tricked, Ellaine. Hindi lumulutang 'yan," ang sabi n'ya at tinanggal n'ya ang tingin sa phone n'ya na pinalulutang n'ya.
"Hindi lumulutang?" ang naguguluhan kong tanong.
Hindi raw lumulutang? Ano kaya 'yun, bumabaksak?
"Look," ang sabi ni Strata at binaba n'ya ang phone n'ya sa table. "I can't make it move when it is on other phase of matter."
Itinaas n'ya naman ang phone n'ya sa ere at pinalutang n'ya ulit 'yun sa ere. Sumakit ulit ang ulo ko at siguro ay ini-scan ulit ni Strata ang utak ko pero hindi ko ulit pinansin.
"Hindi nga lumulutang 'to. It's just I can make any matter move as long as nasa any kind of gas ito," ang pagpaliwanag n'ya.
"Oh, okay." Pinahirapan pa ako, ganun lang pala. Pero hindi, ah, ang cool kaya nung nagagawa ni Strata.
Tumayo naman si Roger at ngumiti lang. Okay, titigan lang daw kaming lahat.
"I am from Hydro Team and I can make things in liquids move," ang sabi n'ya habang naglagay ng isang punit na papel sa tubig n'ya.
Then it started to move around. These people were amazing and very cool. I hope I could do the same.
Umupo naman si Roger at sumunod si Bea na tumayo.
"I cannot make anything move by my mind but I, as a Savant in Bio Team, can determine what are the classification of species, damages in it, and many more about them," ang sabi n'ya.
"Sample," ang sabi ni Andrewmeda kay Bea.
Sa pagkarinig ni Bea nun ay lumapit s'ya sa akin. Hinawakan n'ya ang left hand ko at tumingin sa akin.
"Ellaine experienced minor ache in the left hemisphere of her cerebrum, a while ago, and an unnoticeable stiffness in her neck," ang sabi ni Bea at binitawan n'ya kamay ko.
Grabe, hindi ko nga ramdam na may stiffness pala ang leeg ko. Anyway, ang sabi nga n'ya, unnoticeable stiffness.
Umupo s'ya agad at kahit na simple lang ang ginawa n'ya, nakakamangha pa rin. She knows Anatomy very well at sa tingin ko ay hindi lang Anatomy ang alam n'ya. She's in Bio Team because she knows the whole Biology and Biosphere very well.
Wow. Just like a doctor.
"It doesn't end there," ang sabi ni Albert. "We still have to discuss about Georgina."
"Georgina was in Geo Team and she was very good at Geosphere and everything in there," ang sabi ni Roger.
"Alam lang n'ya?" ang tanong ko, in a nice way.
"Not just that," ang sagot ni Strata.
"She can and she knows how to stop, lessen, add, or and multiply the weathering, erosion, disasters, and anything in the Geosphere," ang sabi ni Bea.
"That's why her voice echoed easily," ang sabi ni Andrewmeda.
"And that's a heavy torture for our eardrums," ang sabi ni Bea. "Literally and seriously."
Kaya pala. Ang galing. May iba rin naman pala s'yang alam, bukod sa pagsusungit.
"And Albert," ang sabi ni Roger.
"Yeah — sorry, I forgot," ang sabi ni Albert habang inaaayos ang vest n'ya.
Huminga si Albert ng malalim at rinig na rinig 'yun.
"I cover their knowledges," ang sabi ni Albert at alam ko ang ibig n'yang sabihin. "Ako, kasama ang buong Einst Team, ay may utak na para sa mga unusual Scientists."
So, ibig sabihin, ang mga unusual scientists, ay Savants din?
Ah, sumakit ng bahagya ang ulo ko.
"That's right, Ellaine," ang sabi ni Albert.
"Huh?"
"That's right, na ang mga unusual at sikat na Scientists ay galing sa Minovmatt at Savants din," ang sagot n'ya habang nakangiti.
"They are the greatest Scientists of this generation," ang seryosong sabi ni Roger.
Greatest Scientists of this generation. Inulit ko lang.
"I actually talked in a Scientific Program on the television," ang sabi ni Albert at tinanggal n'ya ang round glasses n'ya.
"Well, that's great," ang sabi ko, sabay tago ng pagkamangha sa kanilang lahat. Pero hindi ko maitago ang pagkamangha sa kanila. "Ang galing n'yo!"
The next thing I knew is they are all smiling at me and all of those were genuine.
"You can do better," ang sabi ni Strata.
"You have the highest mind among the seven of us," ang sabi ni Albert.
"Hindi naman," ang nahihiya kong sagot.
"Even the planet Jupiter knows," ang sabi ni Andrewmeda.
Sa bagay, oo nga naman. Pero hindi ko talaga feel ang utak ko. Nasa loob kasi ng Skull at Cranium.
"The Central Team — with the Centrals, themselves," ang sabi ni Albert at tumingin sa akin, "are the real Telekinesis users."
"What?"
Then naalala ko ang sinabi ni Miss Liza na, “and by the way, the Central Team is able to use telekinesis.”
They all looked at me seriously, more serious than before.
Pero hindi talaga ako pinatahimik ng tanong na nasa utak ko kaya nagtanong ako.
"How did you manage to do those amazing things?" ang tanong ko.
They exchanged looks ang simply said in a perfect unison, "by the Mind Over Matter."
"Iniisip n'yo na kaya ninyong gawin ang isang bagay?" ang tanong ko.
"Yes," ang matipid na sagot ni Strata.
"It is also your way to do the telekinesis," ang sabi ni Albert at naintindihan ko na.
I have to believe in myself to do it.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top