8

"Kanina pa 'yun sa labas."

"Sino naman kaya ang hinihintay?"

Napalingon ako sa mga ka-group ko na nagkekwentuhan. Tinignan ko ang relos ko, 4pm na at hindi pa rin kami tapos sa meeting.

"Napapagod na ako! Wala ng idea na pumapasok sa utak ko!" Napasabunot na ang kaklase ko sa buhok nya. "Kailangan ko ng inspiration!" Dagdag pa nito.

"Inspiration ba kamo? Tingin ka lang sa labas." Sabi naman nung isa.

Lahat kami ay napatingin sa labas. Nasa pintuan lang naman si Jian.

"Ang pogi nya talaga."

"Tama ka dyan."

"Matagal pa ba kayo?" Napatanga kaming lahat ng magsalita si Jian. Wala ni isang sumasagot. "Janelle, I'm talking to you."

"A-Ano-- Medyo matagal pa kami." Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa papel sa harap ko, baka kasi tanungin pa ako ng mga kaklase ko.

"Pwede bang pumasok?" Tanong nito.

"Sure!" Ang mga kaklase ko na ang sumagot.

Naupo lang sya sa pinakadulo. Nasa gitna kasi kami at nakapabilog. Inabot pa kami ng 30 minutes bago matapos.

"Ahh! Sumakit ang batok at balikat ko!" Uminat inat pa ako.

"Bukas na lang 'yung huling part." Sabi ng leader namin.

"Mauna na ako ah? May lakad pa kasi ako." Pagpapaalam ko.

"May date kayo no?" Sabi ni leader.

"Wala no!" Tinalikuran ko na sya at lumapit na kay Jian.

"Let's go?" Tanong nito. Tumango lang ako.

Pagkasakay sa kotse ay agad akong sumandal.

"Urgh.." Mahinang ungol ko dahil nangalay talaga ang balikat at batok ko.

"Ok ka lang?"

"Oo." Sagot ko habang nakapikit.

"Turn around." Napalingon ako sa kanya. "Tumalikod ka."

Naguguluhan man ay sinunod ko sya.

Napapitlag ako ng hawakan nya ang dalawang balikat ko at dahan-dahan na pinisil-pisil ito.

"Urggh! Sht!" Sabi ko habang minamasahe nya ang balikat ko.

"Diinan mo pa Jian. Yan! Yan! Ibaba mo kaunti Jian!" Ahh! Ang sarap!

"Stop moaning!" Iritadong sabi nito.

"Urghh!" Napahiyaw ako ng dumiin ang hilot ni Jian. Ang sarap! Napakislot ako ng biglang tusukin ni Jian yung tagiliran ko.

"Ungol ka ng ungol, nakakailang ka na." Sabi nito habang inaayos ang seat belt.

"Ang sama mo. Isusumbong kita kay Tita mamaya." Bulong ko.

Nakarating kaagad kami sa bahay. Sya pa ang nagbukas ng pinto ng kotse nya.

"Wear beautiful dress. Gusto ko yung makikita yang tattoo mo." Seryosong sabi ni Jian.

"Hindi pa pwedeng tshirt lang at pants?" Tanong ko. Dinner lang naman eh, wala namang may birthday.

"Pupunta ang side ng family ni nanay."

"Ow. Ok." Yun lang ang nasabi ko. Bakit pa kasi ako pumayag.

"Daanan kita ng 6pm. You have time to prepare." Sabi nya at tumalikod na. Wala manlang kiss? Tsk!

Agad akong naghalungkat sa closet ko. Wala akong mapili! Naagaw ng atensyon ko ang isang yellow na damit. Kinuha ko 'to at sinukat.

"Ahh! Ang sikip!" Humarap ako sa salamin. "OMG! Ang laki ng dibdib ko dito!"

Medyo masikip kasi ang dress na 'to kaya talagang na pupush ang dibdid ko. Pwede na siguro 'to.

Teka, kasama ang mga kapatid ni tita Alex, ibig sabihin, nandun si kuya Michael! Anak ng kapatid ni tita Alex na si tito John.

Crush ko rin kasi si kuya Michael, bukod sa gwapo sya ay napaka bait pa. Lalo akong na excite!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top